si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Monday, December 22, 2008

Nalaglagan, naagasan, nakunan, startalk (ang chismis sa pagkamatay ni angelo)




Hindi ko nalaman kung anung gumising sa akin pero hindi ko rin maintindihan kung bakit ako biglang napabangon sa kama ko. Siguro narinig ko ang pagngawa ng 17 years old naming kasambahay. Kasambahay kasi hindi kami naghahire ng katulong. Most of the time kasi nagaampon kami ng kamaganak para tumuong sa amin sa mga gawaing bahay.


17 years old siya. Bata pa para magtrabaho. Siguro dahil dun din kaya hindi pwede siyang tawaging katulong. Actually she's our Granny's nanny and at this point ito ang pinaka (and i mean pinaka) daring and difficult job there is! 17 years old, and 6 months pregnant.


Pumasok siya sa amin na one month preggy... (huwag niyo akong titingnan ng masama! loya sa asawa ko mga pasaway!) at pilit niyang nililihim kahit na katawan niya mismo ang nagsusumigaw. On her 6th month, hindi na talaga niya maitago ang paglobo ng sinapupunan niya. HIndi na talaga pwedeng itago sa mga patong o mga panali ang tiyang nilugaran at tinitirahan ng kanyang anak.


Bata pa siya para maging katulong at maging ina. Siguro hindi na uso ngayon ang kabataan at maagang namumulat sa kamunduhan ang mga kabataan. taena. anu bang pinanunuod ng mga ito sa TV!?
Nung gabing yaon, itinakbo siya sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan niya. Buong araw niyang ininda ang masakit daw na pagkirot ng sinapupunan niya. At dumugo na rin ang hindi pa dapat dumugo. Naglawa na rin ang hindi pa dapat maglawa. Pagdating sa ospital, tinurukan siya agad ng unang dose ng "pampakapit." Sa totoo lang hindi ko alam kung anu ang pampakapit o kung anung ginagawa nito sa bata para mapakapit siya. Pero ito rin kasi ang una sa dapat ay buwanang dose (kasi naman lately lang niya sinabi eh di ba?) ng pampakapit at kung anu anong gamot na dapat ay noon pa niya dapat iniinum. Pero kahit ang kapatid kong 3rd year nursing (na may background sa OB at maternity) at hindi napansin ang signos--ang first stage.


Dapat magsisimbang gabi ako ng umagang iyon. Pero dahil sa nakainom ako dahil napilit ng lasenggA (hindi typo yung A) kong kapatid, KO ko lang tinarayan ang kalabit at tawag ni mama. Pareho kami ni papa palang naiwan dahil siya din napainom na wala sa kundisyon (anak ng! dalawa kaming lalaki ng pamilya ang napatumba ng kapatid kong babae!). Umalis ang tatlong babae ng pamilya para magsimba ng magsimula ang lahat.


Gumulo ang buong mundo ng yung mismong lola ko (na hindi nakakaakyat ng second palapag) nakaakyat para lang gisingin kami ni papang himbing pa rin sa pagtulog. Masakit daw ang tiyan ng alaga naming buntis. manganganak na raw siya.


Napatayo na ako agad at napasugod sa sala (kung saan siya natutulog para mabantayan ang pasaway kong lola na naghahalughog ng bawal na pagkain sa gabi dahil diabetiko siya). Andun siya. sumisigaw sa sakit. hindi pa niya oras pero nabasag ang katahimikan ng malamig sa gabi sa malakas niayng magngawa. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi namin alam ni papa ang gagawin. kaya't ginawa lang namin ang alam lang namin gawin--humingi ng saklolo.


Ang storya, nagsimula nanaman palang manakit ng tiyan nitong alaga namin. Sa pagaakalang umatake nanaman ang UTI niya, umihi siya. At sa pagiri niya, ibang tubig na pala ang iniiri niya--ang bahay bata. Muntik na niya palang maihi ang anak niya papalabas pero nang madiskubre niya ang nangyayari, pinigil niya ang tuluyang pageject ng bata palabas sa mundo nang hindi pa siya handa.


Tumakbo ako papuntang simbahan para hanguin ang mama at mga kapatid ko. Si papa, nagstart na ng makina ng van. HIndi ako makapasok ng simbahan. Dahil napakaraming tao, at nakapang tulog pa ako (literal na naka pajamas pa) kaya sinubukan kong itext. hindi gumana. Tumawag ako. Ala nga pala akong load. Tinext ko ang asawa kong kasalukuyang gising. Siya ang tumawag. Paglabas nila mama, takbo na kaming lahat pabalik ng bahay.


Binuhat ko si Joji at sa mismong pagkapit ko sa likod at sa binti niya, tumulo na ang dugong matagal niyang pinigilang lumabas. Asa shorts na raw ata ang anak niya. Anak ng.. wag ngayon. wag ngayon. 15 minutes kami na dapat ay 30 sa normal na buhay bago nakarating ng ospital. wala na ang hilab ng tiyan ng alaga namin. Punong puno ng dugo ang van. Wheelchair ang sumalubong sa amin papasok ng ospital. Ayaw umupo ng alaga namin sa takot na maupuan niyang maupuan niya ang anak niyang nakalaylay ng mga oras na iyon sa shorts niya. Panigurado. Patay ang bata.


Pinakita ng nurse sa amin ang bata (fetus). Kulay gray. Mukhang alien. Mukhang naghirap. Mahaba. Malaki na. Kumpleto na ang buong katawan (pwera daw sa lungs at mata sabi ng kapatid kong nurse). At sa mga oras na iyon, lungkot at takot ang naramdaman ko. Lungkot na hindi pa handa ang batang ito sa mundo. takot na baka hindi lang ito ang huling beses na makasaksi ng ganito. Dahil sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya, pano pa kaya kung..... (supla! wag naman sana!)


wala kaming lalagyan para sa baby--walang garapon at alcohol. Adult diapers lang. Kaya kahit ang bigat sa dibdib, inilagay namin ang kumpleto nang halos kataw ni angelo. Tao na ito. Tao na ito. Yung ang tumakbo agad sa utak ko. Kaya karapatdapat ituring na tao. Hindi man kami handa sa lalagyan niya, sinigurado naming maghanda sa kalalagyan niya.

Thursday, December 18, 2008

Para pala kay B ah!

Wala lang. Natipuhan ko kaninang maghanap ng globe, paikutin ito at biglang patigilin ito sa pamamagitan ng daliri at viola! Maldiaga... Siguro kung hindi lang ako nagmamahal ngayon (at masaya at proud kong sasabihing kabilang ako sa quota) sasabihin kong masarap dun. Dahil kung tutuusin halos 90 percent ng mga kapighatian dito sa mundo ay dahil sa pagmamahal. Well, 90 percent din siguro na kasiyahang kahit minsan, ngayon o magpakelan pa man ay napabilang ka din sa grupo ng umiibig. Kahit na kalimitan ikaw ang isa sa mga spokesperson ng mga Capital S o mga Bros.... Pero tama nga nga si Irene with her superb memory (damn girl what's wrong with you!?) sa memorya lang naiinlove ang tao.

Matinik ang konseptong inupakan ng idolo ng lahat na si Direk Ricky Lee. Marami kasi ang tututol sa theorya niyang isa lang sa limang nagmamahal ang talagang magiging masaya. Well, sabi nga ng pinakapaborito ko sa 5 main character ng libro na si Sandra, "Relative naman ang pagiging masaya..." Bukod sa fact na "relative" nga niya ang kanyang kapareha sa kanyang tagpo, masasabi kong tama siya. Dahil na rin siguro self professed Stoic ako at naniniwalang ang kasiyahan ay hindi naidudulot ng external factors kundi nabubrew ng internal aspects ng pagkatao tulad ng attitude. Pero isa siyang (si Sandra) malaking tama dahil sa huli naipakita na sa storya lang maaaring sabihing hindi ka masaya dahil dito, may katapusan ang lahat. Ang gulo pero ang gusto ko lang naman talaga sabihin ay nasa tao kung ito ay mananatiling malungkot o pipiliin niyang maging masaya.

Isa sa mga paborito ko sa lima, ang tunay na B ng buhay ni "Awesome me" Lucas, si Bessie na ang existence ay madedescribe lang sa tatlong salitang pekpek, pakpak at pokpok, ang nagparating ng sinasabi ko. Ebidensya ko ay ang tagpo kung saang nagkaharap (kahit na hindi ko masasabing tunay ngang nagkita ang dalawa) ang Bessie sa totoong buhay, at ang Bessie na binuo ni Lucas na nagpakita na ang totoong tao nagbabago at ang ang naisulat na karakter nabuburo: Ang totoong tao nagiging masaya o malungkot at ang storya at gawa gawa lang ng memorya, malungkot o masaya na forever base lang sa kung paano isinulat ng manunulat. At itataga mo yan sa boobs ni Manang Belen!



Halos anim na araw kong binasa ang libro. Tama nga si Jaymar, you can't have enough of it at mahirap pakawalan. Kaya sinigurado kong untiuntiin ang pagngasab ng napakasarap ng putahe na ito. Dahil bubusugin ka nito sa temang hindi mo aakalaing pagkakainteresan mo. What a great way to start your career as a novelist! Congrats po DRL!

Natawa lang ako noong huli nung nagaklas ang cast and crew ng libro sa manunulat nito. Dahil sa totoo lang, nangyayari din sa akin ang mga ito. Sa pagiging submissive ko pati yung mga nililikha ko pinangungunahan ako. And sa aspetong ito ng Para kay B, masasabi kong napakarefreshing para sa isang manunulat ang makaharap ang isang kung sumulat ay akala mo'y si AJ, walang inaanong boundaries, walang batas na sinusunod at walang sinisinong pinuno. Gwapo man siyang bakla ay matindi itong magmaganda. At masaya siya kung sino siya. Bakla.

Sa mga nagparating na may isang librong ganitong isang certified Capital S na gawa salamat. Kay Jaymar na naghikayat na ilalampaso ng librong ito ang 4 na series ng Twilight (o wag niyo akong tingnan ng masama. Entry ko to kaya wala kayong paks) salamat. Kay kuya lyle sa pagpopose sa facebook na kasama ng librong ito (dahil kung hindi ko nakita yung pic mo, hindi ko malalaman kung anu hahanapin ko sa National Bookstore) na aakalain mong siya ang nagsulat, salamat. Kay ma'am Faye sa pangungulit kina Micah na basahin ito (sabi niya sabi mo maganda siya kaya) salamat.

Sa mga hindi pa nakakabasa at hindi marunong bumasa (teka panu mo binabasa tong entry ko kung di ka marunong bumasa) siguro simulan niyo nang maghanap ng kopya. Malay niyo makita niyo ang sarili niyo sa librong ito. Naghihintay sa tulay ng San Ildefonso, saksi ang mga kerubin sa may arko, hinahanap ang kung sino mang bubuo sa pagkatao niyo... Hindi ba masarap maging masaya? Ede wag kayo umibig! Choosy ka pa eh!

Photo mula sa site ni Jhey ang misiz ng blogspot (palihim na pasasalamat sa iyo. Ala lang para maiba naman. hehehe.)

Wednesday, December 17, 2008

My Christmas Wish...

Peace on Earth? masyado naman na yatang generic yang wish na yan. Dahil para sa akin, hanggat may tao dito sa mundo ay isang makatang pilosopiya (meaning isang imposibleng ideya) ang peace on earth. At tingin ko sa dami ng mga nilalang ngayon na gumagamit ng free will, masyado nang komplikado sa diyos natin ang pagbigyan pa ang isang dambuhalang hiling tulad ng Peace on Earth.

Ang kelangan ng bawat isa ngayon ay peace of mind. Yan na siguro ang pinaka magandang maireregalo sa akin kung nagkataon. Peace of mind na makukuha lang sa assurance na ang lahat ng bagay ay mapupunta sa dapat kalugaran, sa dapat kahinatnan. At ipinagdarasal ko na sana lahat ng tao sa mundo magkaroon ng kahit isang araw na walang dread, worry, fear, at insecurities at mamuhay ng payapa. Kahit isang araw lang. At panigurado ako. Matikman lang ninuman ang sarap ng kapayapaang yaon, panigurado kong hahanap hanapin ito ng sinuman more than money, more than power, more than anything.

Natagpuan ko na dati ang kapayapaang sinasabi ko a few years back. At ngayon masasabi kong nahulog ko siya kung saan sa daan at I'm retracing my every steps back para mahanap ang kapayapaang yaon. I need it in my life right now. I need it more than anything else.

Sa buong buhay ko, dalawang beses ko lang naingkwentro ang sinasabi kong kapayapaan:(1) sa simbahan at (2) kay Marianne. At itong dalawang ito ang pilit kong hinahanap sa mga oras na ito. Ang isa, andjan lang palagi, ang isa, pinapangambahan kong mawala.

Sa simbahan ko unang naintindihan ang tunay na kahulugan ng kapayapaan. Dito ko nadiskubre ang kapangyarihan at importansya ng mabuhay sa payapa. At malaki ang utang ko sa mga taong naging parte ng pagdiskubre ko noon. Salamat. Ngayong pasko, dahil good people kayo, malulugi si Santa sa inyo.

Kay Marianne ko unang naramdaman ang tunay na kahulugan ng kapayapaan. Isang pagkakataong kahit kelan hindi ko malilimutan nung nakatulog ako ng kaakap siya sa isang malamig na gabi magiisang taon na ang nakalipas mula ngayon. Sabihin man ng mga tao na nagdadrama ako pero sa totoo lang napaiyak ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganoong kasiyahan at kapayapaan. HIndi ko na mabilang ang pagkakataong napasabi akong I LOVE YOU sa kanya pero hindi pa rin ito sapat para masukat kung gaano talaga.

Ang Christmas wish ko ngayong pasko ay para kay Marianne--ang aking nagiisang kaligayahan. Sana ngayong pasko, mapasaiyo ang anu mang hinihiling mo. At sana matupad ang lahat ng pangarap mo. At sana maging masaya ka sana dahil you deserve all the good things life has to offer. You will always be the best thing that ever happened to me. You will always be perfect for me. I love you and I miss you. Sana ngayong pasko kung anu man ang pinagdadaanan natin matapos sa isang magandang tagpo.

Marahil masasabi mong ito nanaman ako sa mga selfish blogs ko na nagsisiwalat ng walang kapararakan kong gusto. Well, blog ko ito at ito ang Christmas wish ko.

Tuesday, December 16, 2008

There is really something in this xmas!

Damn!

4 accounts of heart failures, 6 victims of heart attack, 2 casualties, 2 fatalities...

anung nangyayari? bakit ba naglalaglagan mula sa langit ang mga kanina lang ay naglipanang mga lovebirds?! anung meron at nagbagsakan ang kita ng mga bulaklak, chocolates, at kung anu anu pang pasweet ngayong pasko?! at bakit kung kelan malamig saka kinakapos ng mula sa mga nararapat na tao ang mga samabayanan?

I witnessed 4 relationship threatening events. sa panahong dapat umuulan ng pagibig bakit nagpapakabitter ang mga tao? bakit bakit bakit? anung meron sa paskong ito?!

I bet hindi lang itong apat na ito ang nasa listahan ng sinumang may masamang hangarin ngayong pasko. kaya everyone, please tighten your grip on the people you hold dear. This is going to be a messy christmas! brace yourselves and pray!

Surely, there is something in this christmas!

Monday, December 15, 2008

Simbang Gabi (bulalas ng tunaw na pananaw)

Sa pagyapos ng malamig na hangin hindi ko na nakayanan ang bigat ng damdamin..

ang kurtina ng bus na sinasakyang paluwas ng maynila tuluyan nang binasa

ng luhang kanina pang sumisiwalat sa katangahang nagawa.

patawad..

patawad sa hindi makatwirang pananakit.

patawad sa pambihirang kasinungalingan.

patawad sa hindi pagiging perpekto at pagiging pinakamalaking sakit sa ulo,

sa iyo, sa akin at sa lahat ng malapit sa iyo.

Pero sa totoo lang, walang kasinungalingan

sa matagal nang sinasabing

ikaw lang, habang buhay, hanggang mamatay sa iyo lang

na ikaw lang ang mahal, anu pa man ang katangahan ang umatake

sa relasyong 4 na taon at 2 buwan..

sa ngayon hahayaan ko munang mamamatay

sa sarili niyang ningas

ang tigas at kasuklam suklam na nararamdaman..

patawad..

sa hindi mapigilng pagalpas ng hagulgol ko sa kung san man

sa hinid makatarungang katangahan.

sa hindi matanggap na tinatamasa..

kung asa ICU kaya ako iba ang naging tagpo?

kung paanod ako dito sa gulong sa EDSA, iba kaya ang script?

kung matutunan kong matalas nga ang hiwa ng blade iba kaya ang storya?

Hindi mo man maintindihan ang mga dumaong sa iyong ulirat

sa pagpipilit paniwalaan na may kahulugan itong isinulat

wag kang magalala

hindi ka naman kasi masamang

"sabayan mabuhay si HESUS" hindi ba?

Friday, November 28, 2008

Just a question

I just got curious when I saw this picture posted by none other than Sir Cesar Apolinario in his facebook. There is something familiar about one of his classmates in his UST CA batch. (clue: he is wearing green in this screenshot):



I can't take it and I just needed to ask him. So I did. And I got a confirmation the very next time I logged-in in my face book account.

Confirmed and verified. Its Kuya Jon Montes. Thank God. I can sleep soundly tonight.

Dialogong may pinatunguhan

Sa isang lugar sa may amin na pwedeng lakarin mula sa bahay

AKO: Bunso! Happy birthday!
SIYA: ...
AKO: I miss you! Kamusta na? Anong bago? Grabe ang tagal ko nang hindi nakadalaw pasensya.
SIYA: ...
AKO: Wow, bago tambayan natin ah. Nung huli kong daan dito hindi pa ganito kalinis at hindi pa ganito kaayos. Haay.. Parang kelan lang noh? Ilang taon ka na ba ngayon?
SIYA: ...
AKO: ... teka. 1987? So 21 ka na niyan! Debut mo nah! painom ka naman hehehe.. Grabe. napabike pa ako ng wala sa oras. Wala pa akong ligo, wala pang tulog o pahinga man lang. See? Ganyan kita kamahal! hahaha.. Oo nga pala. Flowers for you. Oo na mushy! Sus naman ito. Namiss lang talaga kita! Halika nga dito! hahaha... At ito pang isa!
SIYA: ...
AKO: Oh you blow the candles na. WAIT! Birthday wish muna...
SIYA: ...
AKO: Oh game na!
SIYA: ...
AKO: Nahiya pa to oh! hahahaha.. Pero naman last Saturday hindi ka nahiya. Alam mo narinig ka kaya ni papa na tumawag
SIYA: ...
AKO: Buti nga hindi ako napagalitan tulad dati. Nakasarado kasi yung pinto ko kaya hindi ko narinig sorry. Pero naalala ko lang grabe tayo dati magkwentuhan no? Inuumaga na tayo! Gabi gabi ba naman tayo magkausap sa telepono. Walang sawa, walang break break! Wala na nga tayo mapagusapan kaya nagkakantahan nalang tayo halos magdamag. Naalal ko pa nga
nairita ka kasi hindi mo ako makausap dahil kumakanta ako ng 'Habang may buhay'. Natatandaan mo pa? Nakaktawa noh? That was.... 8 Years ago.

SIYA: ...
AKO: Waw, come to think of it 15 years na pala tayo magkakilala! hahaha.. grabe. nene at totoy pa tayo non. Ako siyempre yung nene. hahaha.. ayos lang ikaw naman yung totoy. hahaha..
SIYA: ...
AKO: Naalala ko din nung.. sinubukan kong manligaw. OO KAYA! Wag kang magulo jan! ikaw lang ang babaeng niligawan ko! Si Marianne kasi super nagkataon lang na nainlab na kami sa isa't isa kaya hindi na kailangan ng ligawan. Oo nga pala nagtext siya hi daw kita sabi niya.
SIYA: ...
AKO: wag ka nga diyan! ikakasal na nga kami eh. pero secret lang natin yun. AY YARI! SA IYO KO NASABI! hindi na siya secret hahaha!
SIYA: ...
AKO: anung magpapari? ang sabi ko makikita mo akong nakasotana ng pari bago ka mamatay.... at nakita mo ako noon sa Halloween special ng Imbestigador di ba? ng pari.. bago ka mamatay? di ba di ba? so at least dun natupad ko pangako ko.
SIYA: ...
AKO: isa nalang ang hindi ko natutupad. HIndi pa kita nakikidnap papuntang maynila.
SIYA: ...
AKO: Di bale, soon sama ka sa akin. Mas ayos na ngayon. Sobrang tipid mo kadate. Libre ka sa pamasahe, libre ka sa pagkain, libre ka sa lahat.
SIYA: ...
AKO: wag kang pasaway. nagtitipid ako. haha.. love you bunso! Happy birthday




Tuesday, November 25, 2008

Leo in the bully's star





Leo,


You will be pervaded by a sense of dissatisfaction, which will prevent you from facing positively your every day life, so at work, you will take offense at nothing and in Love, you will take up a reserved attitude regarding your partner.



Leo,
You are crazy not to show that bully who's boss. Not because it could shoot that damned arrow at you it doesn't mean you'll live your life cowering below sea level just so you won't be seen. Flaunt that mane man! Growl while you still can! For life is not just gnawing bits of meat or yawing, its facing the thing that makes you're tale shrink to your guts.



Leo,
Stop dreaming of death and start living life. That twin that once tried to slaughter you is right you know? Dream of dying and you'll live longer than expected. Breath, eat, sleep. Smile and show that blood famished teeth (You'll soon have your meat). Be what you're made of and you'll be what you really are. It's that simple. You don't need reason to be king. It's your birth right. Its who you are. It's what others needed you to be.



Leo,
Cast that foolish brain of yours to immortality. And could you please stop whimpering. Its not easy to stay calm when your like a kitten being gagged by a ball of straw. Love what that Lioness is providing. Its all you need and all you'll ever have. Bathe-in that fragrant liquid you call serene.



Leo,
Many knew you took for yourself hundreds of arrows from that demented centaur. But it's you who could weed those out. Or you could sink it in deeper. Its a matter of deciding whether to survive or die.

Tuesday, November 11, 2008

Guessing game: ang kontrobersyal na katanungan...


Sino nga ba siya?


Malamang marami sa mga kakilala ko ang malapit sa kanya. Iba kasi ang hatak niya sa mga tao eh. May kung anung elementong nagkukunwaring palamuti sa kanya ang pilit humihila sa mga taong itanong kung “sino ba siya?”

Noong una aaminin ko, hindi ko siya madalas mapansin dahil siguro sa dami ng mga kasabayan niya sa organisasyong bumuo sa apat na taon ko bilang kolehiyo [clue no. 1], eh mahirap namang kilalanin ang bawat isa. Pero nabigla ako ng biglang isang gabi naaninag ko siya, nabigyan ng pansin, natawa sa nalamang hindi nakukuntento ang mundo sa pagbibigay sa akin ng tiyansa para maging masaya at nang mapasama sa overnight rehearsals ng grupo nila [clue no. 2] noong naguumpisa palang sila, alam ko na ito ang taong babalikbalikan ko sa UST para lang makita, makasama at maakap.

Maakap. Siguro yun yung pinakanamimiss ko palagi sa kanya. Dahil sa pagkakatanda ko nasabi ko na rin sa kanya na sa lahat ng taong naakap ko, may isang beses na sa sobrang tindi ng pagkakaakap niya sa akin noon, hanggang ngayon hinahanap hanap ko siya [clue no. 3]. Tandang tanda ko pa nga yun eh...

Akap

Burnout na burnout akong pumasok sa backstage ng Albertus magnus para ayusin ang mga ilaw para sa dulang aLamat. Keaga-aga lahat ng tao nakasimangot at nakanguso sa mga pinagagawa nila noon. Kung sabagay, lahat ata ng tao noon puyat, pagod at sa tinatamasa naming kamalasan sa maraming bagay noong production na iyon, masama ang loob. At nakakahawa. Nakakahawa ang nagyayamutok na kalungkutan ng sa gitna ng lahat ng kabigatan ng nararamdaman, nakita ko siya. At nang batiin ko siya ng magandang umaga (kahit hindi buo sa loob ko ang kasamang ngiti habang sinasambit yun) bigla niya akong inakap ng mahigpit, ng matagal, ng ubod ng saya. [clue no. 3]

Hindi ko na mabilang ang naakap ko sa talang buhay ko pero ang nagiisang akap na ito ang hindi ko malilimutan kailanman. Isang akap na higit sa lahat ng akap. Ang nagiisang yapos na dinaig lahat ng yapos. Nagulat ako. Dahil kahit na pinipilit ng mundo na dapat malungkot ako ng mga panahon na iyon ni hindi ko matangal ang mga ngiting bumuhay sa pinakasusuklam kong taon ko bilang estudyante.

Post it

Tadtad ng post its ang notebook niyang pinagpapasahan ng mga tao palagi [clue no. 4]. kaya naman isang araw sa napakabusy kong araw, natripan kong sadyain ang isang stall sa may Dapitan para ibili siya ng post it. May kamahalan pala siya (para sa mga tulad kong pulubi lalo na ng mga panahong iyon) pero higit pa sa inaasahan ko ang resulta na iyon sa kanya. Hindi ko masabi kung gaano ako kasiya na kahit sa maliit na paraan napangiti ko ang tulad niya. Eh sa tulad kong pasweet, minsan lang ako makatikim ng ganoong appreciation kaya naman nabighani nalang ako sa kabaitan niya. At sa mga panahong iyon, bumaliktad ang lahat dahil sa halip na siya ang magpasalamat, ako ang napabulong sa sarili sa pagpapasalamat sa kanya sa pagpapakita sa akin na masarap mabuhay sa mundo kahit na gaano siya nakakabadtrip kadalasan (wag ka magalala, nakatabi pa rin sa akin yung mga Post-its messages mo sa akin. Di ko magagawang balewalain yun eh. Hindi ko alam kung bakit) [clue no. 5].

Debut

Siyempre sa buhay ng lahat ng mga babae sa mundo, hindi mawawala ang debut. At siyempre andun din ako. Hindi ko ata magagawang pabayaaan nalang iyon [clue no. 6]. At mas lalong hindi ako makakapayag na hindi ako makasama sa pinakamagarbong birthday celebration sa buhay ng isa sa mga pinakapaborito kong tao sa mundo.

Tulad ng inaasahan, tinadtad mo ng pagpapakita kung gaano ka kaswerte at naandito kaming lahat pero hindi mo lang alam, kami ang maswerte at hindi lang ako ang nagiisang tao na magsasabing napakaswerte namin dahil may kilala kaming... (muntik ko nang masabi pangalan mo!) na kahit kailan magiging parte malaking parte ng buhay namin. Salamat.

Takure ni Emily

Ang pinakamatinding clue ko na atang pwedeng maisaliwalat dito ay sa tahanan mo nabuo ang konsepto ng 'Takure ni Emily” ang pinakamakabukuhan at pinakaimportanteng nagawa ng administrasyon ng season 27 [clue no. 7]. Sa bahay niyong kung saan din una tayong nagkakilala, nagusap at nagkasama. Ang tahanan niyong kalapit baryo lang ng kina Tado [clue no. 8] na balita ko ay tatakbo diyan ng pagkacouncilor.

Masaya ako sa nakikita ko noon. Tama nga ang hinala ko. Na nabuhay ka para maging importante. Hindi man sa maraming tao, kahit sa isang taong tulad ko. Isa ka sa mga taong hindi ko malilimutan. Isa ka ata sa mga paborito kong kaibigang handang suportahan hanggang saan ka man datnan ng kagalingan. At kahit na may mga hindi ako natatandaang naipangako, hinding hindi ko pwedeng mabali ang kahit anung nasabi ko sa iyo. Tulad nalang nitong pagsisiwalat sa mundo na may isang taong nabuhay sa mundo na may anung hiwagang nagpapasaya ng mga tao sa paligid niya. At maswerte ako't nakilala kita.

Pangako

Alam ko kakarampot lang ang alam ko ngayon sa iyo dahil na rin siguro sa hindi tayo madalas nagkakasama, nagkakausap sa gabundok nating mga ginagawa. Pero alam mo namang ikaw ang isa sa mga espesyal na taong hindi ko pwedeng kalimutan nalang. At tulad ng pagpapangakong hindi na ako mag-gegel [clue no. 8] kahit kailan, pangako kong kahit saan man tayo mapadpad, kailan man, saan man, makakakita ka ng kaibigan sa akin. At salamat sa lahat lahat. Tunay ngang isa ka sa mga pinakamagandang tao sa mundong hindi nauubusan ng importansya at kabaitan. Salamat.

Para sa taong miss na miss ko noong miss na miss ko noong Friday (Nov. 7, 2008)

Tuesday, October 28, 2008

"Mansanas" revisited

Para sa mga taong matindi ang sikmura,

para sa mga taong may matatapang na puso,

para sa mga taong marunong masaktan,

dahil alam niyang siya'y tao lang

at nagmamahal kahit nahihirapan,

Ibinabalik ko sa sirkulasyon ng mga inbox, reminders at gunita ninyo ang "Mansanas" series. Sanay hindi ninyo siya makalimutan (due to insisting public demand ba?)

Para sa iyo ito "Apple"!

Mansanas 1
Mansanas 2, 3 and 4
Mansanas 5
Mansanas 6
Author's notes

(just click on the link. Thanks!)

Wednesday, October 8, 2008

Seven years versus FOREVER: Ano ba ang mas nakakatakot?



KASALO

Perfect! Sinong lalaki ba naman sa buong Pilipinas ang kasing husay ko sa pagaayos ng sariling kama? Lahat na halos ng tupi-tupi, ng gusot, ng kumot na mali ang ayos bumabaluktot sa pagaayos ko ng kama ko araw araw—20 minutos araw araw. Kahit magulang ko nahihiyang upuan man lang ang pusturang pustura ko ng kama sa tuwing aalis ako ng bahay. Nagtataka sila dahil parang kailan lang nagagalit ako paginaayos nila ang kama ko, dahil sa totoo lang, kailan lang din ayaw ko ng nakaayos na kama. Gusto ko gulo-gulo para masarap higaan (wag mo na ako tanungin kung bakit masarap higaan ang gulo-gulong kama. Hindi ko na matandaan kung bakit). Pero sa totoo lang, kailan ko lang din napagtanto, SIYA lang naman ang dahilan ko kung bakit ako ganito magayos ng kama eh. Masarap kasing tingnan ang malinis na kama. Gusto kong inaayos ang mga unan nito na magkatabi, hindi magkapatong, yung tipong aakalain mong dalawang tao ang natutulog dun araw araw.

Dalawang tao ang natutulog dun araw araw. Tama. Yun na nga rin siguro ang pinakarason ko kung bakit pinakanakakaadik kong hobby ang magayos ng kama—para kunwari may KASALO ako sa kamang buong buhay ko na halos hinihigaan. Panahon na sigurong lamanan ang kalahati ng kamang ginawa para sa dalawang tao.

KASAMA

Bakit ganito? Nagpunta ako dito sa beach para sa outing ng kumpanya namin—para magenjoy, kumain, magsaya. Pero bakit hindi ko magawang mapanatag ang loob? Bakit parang may malaking kulang?

Ang ganda naman ng buhangin-pinong pino at putting puti; ang dagat ang linis linis at maligamgam; ang langit nakakaigayang tingnan lalo na't walang nakaharang at todo ngiti naman ang araw sa kanyang kadakilaan sa gitna ng lahat. Ang daming libreng pagkain, daming mga pwedeng kilalanin sa lugar na ito, napakasaya naman ng mga bossing ko sa trabaho, ang dami kong kasama. Pero bakit ganito. Kulang na kulang. Parang kapeng barako na walang creamer o gatas man lang—lason para sa isang taong hindi marunong uminom ng kape na sing itim ng bumbunan ng matsing.

Nilakad ko ang dalampasigan matapos kong magpakapagod kalabanin ang maaalat at malalakas na alon. Basa kong tinahak magisa ang buhanginan sa paghahanap nung gatas o creamer ng kapeng nakahain sa harap ko. Napaupo ako ng matanto ko. Hindi ko pala siya KASAMA dito. Magisa kong isinulat sa buhanging na pinatag ng alon ang kanina ko pa gustong ipagsigawan sa mundo hanggang sa marinig niya.

“Wish your here”

Mangiyak-ngiyak akong tumawa sa kadramahang di ko mapigilang maisaliwalat. Umupo ako sa tabi ng obra kong unti unti na ring nilalamon ng mga alon noon. Natatawa na kahit anong ginanda ng lugar na puntahan ko, saan man ito, alam ko sa sarili kong hindi nito mahihigitan ang squatters area na nilalakaran namin noon na KASAMA SIYA.

KAIBIGAN

Naiirita ako kapag nababasa ko ang natetext niyang “PASS” na dapat ay “PAST”. Naiinis ako kapag tunog “BR” ang “BEAR” na pinapabigkas ko sa kanya. Nadidismaya ako kapag wrong grammar ang english niyang liham o ang tulang pilit niyang ipinagmamalaki sa akin. Pero kahit anong irita, inis at dismaya ko, hindi ko maitatanggi, ang PASS, BR at wrong grammar niyang liham ay ang PASS, BR at wrong grammar na bumubuo sa buhay ko—na ikamamatay ko kapag hindi ko nabasa, narinig o nabasa. Na paniniwalaan ko na PASS ang PAST, BR ang BEAR at dapat ganoon ang tamang pagkakasulat ng tama at magandang liham o tula basta sa SIYA ang bumigkas o nagsulat.

Sa KANYA, ang pangaasar NIYA sa akin ng MATABA, MAITIM at PANGIT ay mananatiling pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Dahil MATABA, MAITIM at PANGIT man ako, mahal NIYA
ako. At mahal ko rin SIYA ng higit pa sa alam niya. Nakakatuwa. Hindi lang ako nakatagpo sa KANYA ng kasama. Nakakita ako ng KAIBIGAN sa KANYA na handang isampal sa akin ang katotohan hindi perpekto ang mundo pero man
anatili akong perpekto sa mata niya.

KAPAMILYA

Bangus na sinigang sa bayabas ang nagpapatakam sa akin sa mga oras na ito. Makita ko pa lang ang nananabang “tiyan” ng bangus sa nakakapaglaway na sabaw, hindi ko na maiwasang mapangisi ng unti sa kinauupuan ko. Magaling talagang magluto ang soon-to-be mama ko. Laking pasalamat ko sa diyos at anak niya ang SOON-TO-BE wifey ko. Salamat nalang talaga. Dahil hindi madaling punan ang sikmura at bitukang sing laki ng akin.

Bangus na sinigang sa bayabas—pagkaing hindi ko man lang natripang kainin noon dahil kung itatabi ito sa paksiw na pata, wala nang dalawang isip pa, yari sa akin ang pata. Pero sa kakaibang amoy ng bayabas, sa saktong saktong asim ng sinigang at sa matitinik na laman ng bangus ko unang napagtanto na PAMILYA ko na rin maituturing ang PAMILYA niya—sa mga napagsaluhan naming tawanan ng tatang NIYA, sa mga naibahagi naming mga kwento ng mama NIYA, at sa mga napagpalitan naming apir ng kapatid NIYA. Salamat nalang talaga.

KAHON

Gupit dito, kalat dun. Magazine, dyaryo, letrato ng dalawang kaluluwang ikinakasal. Nakakatawa si mama. Hindi na niya maitago ang pananabik niyang ikasal ang panganay niyang anak. Ngayon pa lang naghahanap na siya ng magandang singsing, ng mamahaling gown at kung anu ang motif sa bawat mababasa o makikita niya at saka niya ito sa isang clearfolder katabi ng listahan ng daily at monthly budget namin. Napupuno na rin ng kwento tungkol sa kasalan ang mga nasasabi namin sa araw araw sa pagsasabay namin sa pagkain. Kahit na pagpilitan kong napakaaga pa ng lahat ng ito, sa loob loob ko, ito talaga ang gusto ko—ito talaga ang pinapangarap ko. KAHON nalang ng paglalagyan ng bato na may kabit na sing sing (para kuwari mas malaki ang bato sa mismong singsing) susugod na ako sa KANILA at pagsisigawan sa buong kalawakan—IKAW lang ngayon at kailanpaman.

KASAL

Ninong, ninang, abay, bestman, bridemaid, halos kumpleto na ang lahat ng bakanteng espasyo sa pangarap naming reception. Ang mga kakanta, magaayos at magdedesign ng damit at kung anu anu pa nakalista na rin sa piraso ng papel na nakikinita nanaming magiging laman ng wedding invitation. Pitong taon pa ang bibilangin namin para sa ang panaginip na ito ay masaksihan na namin ng gising. Pitong taon pa ang hihintayin para magkatotoo ang 500K na kasal. Hinahanda na namin ang sarili namin sa pagod, puyat at pagtitiis na ibubunga ng mga dasal naming kapalaran.

KAWAYAN

Isang mabigat, malaki at matangkad na KAWAYANG alkansiya ang binigay sa akin ni papa kahapon. Nakangiti ako kung kinuha ito sabay tanong na para saan kahit na buo ang loob kong alam ko ang gusto niyang ipahiwatig—mangarap ka na parang magkakatotoo ang bawat detalye, maging masaya ka sa paghihintay at maging mabuti kang asawa at simulan mo ito sa pagiipon. Gusto niya sa aking sabihin na gandahan mo ang kasal at sarapan at damihan mo ang pagkain. Na nakikita na niyang napakaraming bisita at napakaraming dapat bayaran. Nakakatawa. Dahil sa totoong buhay, mas marami pa doon ang ibig sabihin ng ngiti at ng “wala lang” na sinabi niya sa akin.

Asawa. Napakaaga pa pero paulit-ulit ko na itong nginunguya at ninanamnam sa gilagid ng aking ulirat—nagpapasaya sa bawat huklubang problemang bumubulaga sa akin, nagbibigay ng pagasa na magkakasama din kami sa iisang bubong, sa iisang kama, sa iisang pamilya.

KAPALARAN

Aaminin ko. Hindi birong paghihintay at pagtitiyaga ang kailangan kong danasin sa plano naming pitong taon. Ang daming pwedeng mangyari, masama, mabuti, nakakatuwa, nakakaiyak at nakakabaliw. Hindi ko alam kung anong ulam ang ihahain sa amin sa piging ng KAPALARAN pero sa totoo lang, hindi ko naman dapat iniisip sa ngayon yan. Ang kailangan ko lang ay ngayon, ang nararamdaman ko at ang gusto ko. Alam ko lang, mahal ko SIYA ng higit pa sa pagmamahal ko ng kahit ano sa kahit na sino. Importante sa akin ang nararamdaman ko dahil ang tao ay nabuhay para dumama, nabuhay ako para sa KANIYA.

Sa tingin ko nakakatakot ang PITONG TAON kesa sa pangakong pinako sa FOREVER sa dahilan na siguro, mas totoo ang PITONG TAON. Parang pitong bato, pitong aso o pitong araw. Ang forever, hindi napuputol, hindi napupunit, hindi nasisira. Isang kwentong nakakatakot ang pitong taon at isang nakalimutang biro ang forever—nagpapatawa sa mundong nagbabago sa bawat segundo.

KANIYA

Para sa mga tao ang mga sikat na katagang “your the air I breathe”, “I'm drowning in your love” at “you make me feel complete” ay mga liriko ng kanta, hindi impotante, walang ibig sabihin at mushy. Pero sa isang taong umiibig, kulang ang mga katagang ito para ipaliwanag ang pagibig. Kulang ang lahat ng salitang naimbento ng tao para sukatin ang higanteng matatawag nating pagibig. At hindi ko mapagtanto kung bakit kahit sabihin kong “I love you” sa KANIYA bawat segundo, hindi pa rin sapat ito para paratingin kung gaano. Kung sakaling nahahawakan at nakikita ang pagmamahal, panigurado ako, ako palang ang buhay hindi na ako kasya sa mundong ito. At sa mga taong umiibig, siguro'y naiintindihan ninyo itong gawa ng isang makatang tulad ko.

SA KANIYA LANG ANG BUHAY KO

SA KANIYA LANG ANG PANGARAP KO

SA KANIYA LANG AKO SASAYA NG GANITO

MARAMING SALAMAT SA IYO MAHAL KO


BLOG BASED ON: Top 10: Signs You're Ready To Pop The Question from AskMen.com [http://www.askmen.com/top_10/dating_60/98_dating_list.html]

Friday, October 3, 2008

THE BIGGEST PART OF MY LIFE.... (and will remain the biggest)


i.


Galit ako. Galit na galit. Umiiyak ako sa galit. 12 years old palang ako noon. Pero wala nang mapaglagyan ang hinanakit ko sa sarili ko dahil nakatulog ako ng sobra sa siestang pinilit lang akong gawin para lang wag dumampi ang nagbabagang sinturon ng ama ko sa aking pwet. Wala na. Lumagpas na ang isang importanteng parte ng pagkatao ko ng mga panahong iyon.
Galit ko ring sinagot ang mga kaibigan ko sa eskwela noon dahil sa pagkukwento ng pinaka mahalagang kaganapang dapat ay nasaksihan ko din. Hindi katanggaptanggap na isang araw akong hindi nakahinga—sa pagtatantong hanging aking hinihinga ang inilalaba (pinapalabas) sa kwadradong kahong inilagay sa aming sala para sambahin at pagtuunan ng napakatinding pansin. Masakit sa akin ang lumampas ang isang parteng araw araw inaabangan. Ngayon hindi ko na alam kung naalala na ni Lime na pagmamayari siya ni Utaro.


ii.


Di ako makapaniwalang nanliligaw ako. Nagaaral ako magisa kung paano magitara para lamang mapansin ako kahit papano ng iniirog kong kaibigan. Mamaya tatawag siya sa telepono (tulad ng gabi gabi niyang ginagawa) at dapat alam ko nang tugtugin ang “More than words” na ilang araw ko na rin g pinagpapraktisan. Siya ang Lime ng buhay ko, na tulad ng kay Utaro, ang pinaka importanteng aspeto ng pagiging lalaki ko—ng pagiging tao ko.
Namamaga na ang mga dulo ng daliri ko sa pagpipisil ng mga matatalim na chords ng guitara. Pero kailangang magtiis. Ilang oras ko na akong paulit ulit dito sa ginagawa ko pero masasabi ko namang may magandang naidudulot ang sakripisyong ito. Pero kailangan ko munang itigil to. Dahil sa ilang segundo, titigil nanaman ang mundo. Wala akong maririnig na kahit ano kundi ang tibok ng “female circuits” na buong araw na pumupulso sa pagkatao ko.


iii.


Hindi ko na namamalayang ilang oras na pala akong naglalakad dito sa kahabaan ng Quiapo kasama ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa paghahanap ng mga piratang DVD. Hindi ako masisisi ng mundo sa pagkakasalang pandalas naming ginagagwa. Di hamak naman na napakamura ng mga piratang ito kumpara sa nagtataasang presyo ng sine at ng mga VCDng nabibili sa mga malls. At para sa tulad naming mga college students, praktikal lang na bilhin namin ang kasya lamang sa bulsa namin.
Naghahanap ako ng Season 1 ng Heroes nun. Sikat na sikat noon sina Claire at sina Peter at buong mundo ata ang nagmamatyag at nagiisip kung paano papatayin si Saylar kung mismong si Hiro di siya kinaya. Sakto lang ang pera kong dala—50 pesos—para makabili ng DVD nang may nakita akong isa pang DVD na di ko akalaing bubulaga sa paningin ko. Saber Marionette J to X. Hindi na ako nagisip. Binili ko ito sa halip na Heroes ang bilhin ko. Hindi na ako nagtanong kung bakit ko ginawa yun at hindi na rin ako nagtaka kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko. Dahil para akong bumalik sa pagiging sanggol ng mga oras na iyon. Masaya, walang inaalala at hawak ang kamay ng ina, hindi inaalala ang gutom, ang kapahamakan at panganib.


iv.


Pandalas ang panonood at pagbabasa ko ng kung anu-anong bagay. Pero kahit kailan, hindi mapapantayan ng kahit ano ang Saber Marionette sa puso ko, ng buhay ko. Ito ang pinakamalaking parte ng buhay ko. Hindi ko kailanman maiisip na mabubuhay ako ng ganito sa mundo kung wala ang seryeng ito na bumuo sa pagkatao ko. Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam kung ano meron sa teleseryeng ito. Pero ang marka nito ay tagos hanggang kaluluwa ko.
Ito ay para kay Lime, Cherry at Bloodberry na hanggang sa mga oras na ito, ay may isang mahikang umaakit sa akin. Ito ay para sa pagkabata kong binuo ng panonood kung paano ihagis si Hanagata sa ibat ibang paraan. Kung paano makaramdam ang mga bionic na mga nilalang. At sa maliit na piraso ng mga naaalala ko, tinuruan ako ng panonood ng mga robot na ito kung paano maging tao.
Makata man akong maituturing sa pagbibigkas kung ano ang importansya ng SMJ sa buhay ko, simple lang naman ang gusto ko iparating—na sa dambuhalang matatawag nating buhay, may maliliit itong piraso na kailanman, hindi maaaring mapantayan ng kahit anong bago at magandang dumating. At para sa akin, ito ay ang pagupo sa harap ng TV at pagkagunaw ng mundo sa paligid ko para akapin ang mirakulo kong matatawag na serye.


With this, I part from your attention saying...


THE BIGGEST PART OF MY LIFE.... (and will remain the biggest)
is the smallest thing no one would consider thinking.


Me and my wala lang periods.... hahahaha.....

Monday, September 29, 2008

“... Ng Hindi Nakita ang Bukang Liwayway: Ang kwento ni Pareng Teban”

1.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na dumampi sa ulirat ko bilang tao.

Ano ba ang tao? Ano ba ang ginagawa ng tao? Tao ba ang masaktan? Tao ba ang magalit? Tao ba ang gumanti? Tao ba ang maging masama, ang maging mabuti? Tao rin ba ang magmahal, ang pumatay, ang ipagtangol ang buhay, ang minamahal, ang bayan?

Isang linggo, tatlong araw at mga lima o anim na oras kong binasa hanggang matapos ang librong may 368 na pahina. Maliit lang siya. Pero mas malaki pa sa mundo ang ipinakita nito—isang dambuhalang katotohanan na tao lang ang mabigo, ang magpatawad at mamatay... para sa bayan o para saan man.

Hindi ko naabutan ang panahon ng mga hapon. Pero hanggang ngayon ramdam ko ang tindi ng epekto ng pagdayo nila rito sa bansa nung WWII para maglabas ng kayabangan, ng kalibugan ng kasamaan. At hanggang ngayon, umiinit pa rin sa ngitngit ang lamang loob ko sa tuwing maaalala ko ang Author's note nito ni pareng Teban: “After reading this, maybe you'll understand us Filipinos... a little.”

May mga nakilala rin akong matatandang nasaksihang masunog ang bandilang puti at ng Imperial na araw nito. Mga matatandang kahit kailan, hindi na nagawang lumabas ng kanilang bahay sa takot na baka gahasain, paslangin, babuyin at alipustahin ng hapon. Mga matatandang hindi na nasilawan ng bukang liwayway ng paglaya.


2.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na pumukaw ng damdamin ko bilang isang lalaki.
Kaya alam ko, ramdam ko ang nararamdaman ni Carding (ang masasabing bayani ng storya) sa mga bawat punto na pilit tinutunaw ng kasamaan ang kanyang puso. Damang dama ko ang pagbabago nito mula sa isang mabait na binata sa isang simpleng baryo ng Panay hanggang sa isang demonyo sa impyernong matatawag na bansang pinutakte ng mga diablong nagsasalita ng wikang hapon.

Tumagos sa kaluluwa ko ang apoy na sumunog sa bawat kaluluwang binuhay ni pareng Teban saka iniwan para mamatay sa kanyang libro. Nasunog ako. At sa uling at abong natira sa pagtapos ko sa pagbabasa, napagtanto ko na tama nga ang matatanda sa pagsasabing, ang tao, gagawin ang lahat para mabuhay, para tumanda, matuto at gawin ang lahat para makaligtas.
Hindi ko masisisi si Carding sa mga ginawa niyang kasamaan. Tinagurian siyang anak ng Diablo ng mismo niyang kababayan at mahal sa buhay pero sa totoo lang, hindi niya kasalanan maging isang demonyo kung nakatira na siya sa impyerno. Impyreno ang imperialismong Pilipinas na binuhay ng mga hapon.

3.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na bumalot sa pagkatao ko bilang isang anak ng isang ina, kapatid ng aking ate, kabiyak ng aking asawa.

Babae ang nanay ko. Babae ang mga kapatid ko. Babae ang taong gusto kong pakasalan (natural!). Pero hindi ko matatanggap kung silang lahat makikita kong halinhinang gahasain ng mga baboy na hapon. Isa, Lima, labing isang hapon, sunod sunod, nakapila, naghihintay ng pagkakataong sila naman ang magtatangal ng kati ng mga ari nila sa isang babaeng nagmamakaawa, walang magawa at alam na pagkatapos pagpakasaan ng mga hapong ito, kakalbuhin, tatanggalan ng suso gamit ang matatalim na dulo ng bayonete, ibibitin ng patiwarik, pupugutan ng ulo, at hahayaang mabulok sa ilalim ng araw. Sinong makakapagsabing makatao ito?

Marami na akong nabasa tungkol sa mga tagpong ito. Na isang babae, gagahasain sa harap ng asawa, ama at mga anak ng limang lalaki, at pag nagpumiglas ang kaawa-awang mga kalalakihan, sila ang papasakan ng bayonete sa katawan—mamamatay na ang huling nasaksihan ang nagmamakaawang anak, asawa at ina na sinusunog sa apoy ng kamunduhan—ginagahasa kahit na nangingig na ang katawan sa pagod, sa sakit na pulmunya, at sa araw araw ng pagpapasak at pilit na pagpapainom ng likido ng hapong walang kaluluwa. Hindi ko ata makakayanan nun. Kaya sa mga ganitong tagpo, hindi kaduwagan ang pagpapakamatay. Dahil yun nalang siguro ang tangi kong magagawa sakaling mangyari sa akin yun—ang tanging papatay sa sakit, sa kalungkutan, sa galit, sa pagluluksang mararamdaman ko kung sakali.

Napanood ko na rin ang isang dokyumentaryo ng mga Koreanong comfort women at ang kanilang pinagdaanan at ang pakikipaglaban nila at paghingi ng katarungan hanggang ngayon sa mga nangyari sa kanya. Pero nananatiling naninindigan ang bansang hapones na hindi nila kailangan humingi ng tawad kahit na ang mga mismong mga sundalong hapon, umiiyak sa pagsisisi sa kademonyohang ginawa nila. Pero ang nagawa na ay nagawa na. Parte na ng dugong pilipino, tulad ng dugong kastila, ang dugong hapon. Nakahalo na sa dugo natin ang dugong hapon, sa ayaw natin o hindi.


4.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na tumunaw ng damdamin ko bilang isang kristyano.
Dahil sa kawalan ng pagasa, isa lang talaga ang matatakbuhan ng kahit sino—ang kaniyang pananampalataya. Ang isang bagay na hindi nakikita ng tao. Hindi nararamdaman, hindi naamoy, hindi nahahawakan. At sa bawat piraso ng rosaryo, sa bawat santa maria, sa bawat pagluhod at pagluha sa harap ng dambana, ang isang kaluluwang durog ay mabubuo at mabubuo. Hindi ko maitatangi, tulad ng kwento ni Pareng Teban, isa ngang makatotohanang representasyon ng pagiging pilipino ang librong “Without seeing the dawn.”



NOTES:
Naisapelikula na ang storyang ito ni Stevan Javellana: Ang pelikula ni Lino Brocka sa pangalang Santiago! Na ginanapan nina Hilda Koronel at ni Fernando Poe, Jr.

Sa mga kaibigan kong gustong mabasa ang librong ito, i-text niyo lang ako and handa kong pahiramin ang nagiisa kong kopya. Tutal, hangad ko lang naman ipasa sa inyo ang matinding nararamdaman ko.



(me sporting my copy of Javellana's
"Without Seeing the Dawn")

Friday, September 19, 2008

Ang batang nagmamayari ng boses ng sang dosenang tao

(The kid who has the voice of a dozen men)

1.

Tangnanit! Hindi na makatao tong pagkabog ng laman-loob ko sa ganda ng katabi ko dito sa bus. Bakit ba gustong gusto ng mga babae na pinaparusahan nila yung mga lalaking makakasabay nila sa biyahe?! Ang init init na nga ng mundo gusto pa nilang dinadagdagan ang paglala ng Global Warming sa mga suot nila! Oo na nga maganda na nga kayo! Pero wala naman kaming kasalanan ah! Bakit niyo kami tinotoruture?! Oh! Nayari pa! Wag mo na akong ngitian! Nagmamakaawa ako! Tama na!

Ayaw ko nito. Ito talaga ang mga panahong gusto ko nalang bumaba at sumakay sa ibang pang bus. Hindi ko kasi gusto na nawawala ang attention ko sa binabasa kong Insomnia ni Stephen King—kung kelan ba naman tapos na ang boring part at unti unti nang umaatikabo ang mga tagpo sa maliit na librong ito. Tae talaga! Hindi ko maiwasang sumulyap. Nakakainis! At nakisama pa tong si Ralph Roberts (character sa libro) sa dumadagdag na kamunduhan ng mundo ko!

“...if she'd been the one to whisper in my ear, I bet the old trouser-mouse

would have done a little more than just turn over in its sleep.”

What the FFFFFFF?!!

2.

Mas ayos na siguro itong nagbabasa ka sa biyahe kesa naman natutulog ka lang buong biyahe. Sabi nga nila papa, pag gising ka, you'll always be on guard sakaling may aksidente (wag naman sana), o may masamang loob na gustong personalin ang pagtitrip sa kanya ng kapalaran at sa iyo iparating na naghihirap siya sa mala theatrong pagiinarte niya (with the stage whispers and the props knife poking your side where your liver is located). At sa limang cellphone ko nang naiwala sa pagtulog ko sa biyahe, hindi nga kaigaigayang tulugan mo ang mundong puno ng gustong maunahan at maisahan ka. Pero hindi rin siguro maganda na Stephen King novels ang binabasa mo. Dahil pakiramdam mo nakakakita ka na rin ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao. Nakakatakot. Nakakabaliw.

3.

Napakagat-labi ako sa nagyayari sa mala-pelikulang pagbabasa ko sa librong ito. Napakapit ako sa unti-unting nadudurog na cover ng libro (siguro dahil na rin sa mahihigpit kong paghawak sa tuwing may mamamatay o may mangyayaring hindi mo inaasahan). Mahihimatay na ata ako sa pagkakadala ng storyang ito nang may bigla akong narinig na isang malakas na sigaw. Ay hindi pala siya sumisigaw. Kumakanta...

SIR MA'AM AKO LANG PO AAH-AY

NANGHIHINGI

SA INYO NG KONTING BARYA-AAHH!

PARA NAMAN PO-OOHH,

KAMI'Y MAY MAKAIN...

PARANG AWA NIYO NAMAN PO-OOHH,

WALANG WALA PO-OHH,

KAMING MAKAIN...

Kilala ko na itong batang kumakanta simula ng magsimula akong magtrabaho sa Paranaque at tahakin ang nakakapagod na rutang Calamba-Alabang sakay ng mga bus araw-araw. At hanap-buhay na niya ito. Araw araw, sumasakay siya sa jeep at kumakanta. Na parehong lyrics(na puno ng pagmamakaawa), parehong punto (mala batange-no), parehong tono (Mala maalala mo kayang kahit mismong idol ko na si Charice Pempengco mahihirapang kantahin). At sa araw arw na ginawa ng diyos, yan ang sumisira sa pagbabasa ko. Kaya naman kabisadong kabisado ko na ang malasalimuot niyang kanta. Natawa nga tong diyosang katabi ko nang subukan kong maglip-sing (ng hind ko alam na ginagawa ko) kasabay ng kanta niya. At tulad ng araw araw niyang ginagawa, declamation naman after ng solo performance.

SIR! MAM! AKO LAMANG PO AY HUMIHINGI NG KONTING BARYA. SANA PO'Y MAUNAWAAN PO NINYO AKO AT WALANG WALA NA
PO KAMING MAKAIN. MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
THANK YOU VERY MUCH! MERRY CHRISTMAS! THANK YOU! AMEN!

Wow! Ngayon ko lang narinig yung amen! Siyet! At least may alam siyang bagong salitang maidadagdag sa wala niyang kupas na pamamalimos. Pero hindi pa rin niya nababago ang punoto't mali niyang pagbigkas ng “r”., ang tono at pagbigkas ng bawat salita, at ang napakalakas na boses na mismong pader ng bus nangingig—ano pa kaya ang tenga ko! Naranasan ko na nung isang beses tumabi siya sa akin at naiiyak ako dahil pakiramdam ko puputok na ang tenga ko sa tindi ng boses niya. Kinapa ko sa mga puntong yun yung tenga ko sakaling may mainitinit na likido na ang tumutulo na rito tanda ng pagbigay nito sa napakalas niyang boses. Salamat sa diyos wala. Naririnig ko pa kasi ang mga mahihinhin na tawa ng maganda kong katabi (mahinhin?! Nagsusuot ng spaghetti strap na sando at mini mini shorts! Pasalamat ka't sexy ka at bagay sayo suot mo pero hindi ata ako makakapayag sa pavirgin mong tawa dahil hindi sa iyo yang tawang iyan).

4.

Tulad ng inaasahan, kumikitang kabuhayan nanaman ang batang nagmamayari ng boses ng dosenang tao. Piso, Limang piso, sampu at bente. Kahapon ata nakahakot ata ito ng isang daan mula sa isang pilantropong matanda at dolyar mula sa kanong namumula ang kutis sa tindi ng init. Mayaman na ang batang ito. Pero kahit araw arawin niya ako, hindi ko man ang siya naisip bigyan ng kahit kusing. Hindi dahil sa masama ang loob ko dahil sa pagistorbo niya sa pagbabasa ko. Hindi ako ganoon kababaw. Hindi ko lang matatanggap na yung piso ko mapupunta lang sa sugarol niyang ina o sa manginginom niyang ama.

Yan ang madalas na palusot niya sa tuwing may mapagkawang loob na tatanungin kung bakit wala siya sa paaralan at siya ang nagtatrabaho sa pagsisigaw at pagkanta kung gaano kamiserable ang buhay nila. Hindi ko lubos maisip na ganito katindi mangtrip ang tadhana, tulad ng madalas kong sabihin. Pero kahit ilang beses ko siya sabihin at ilang beses kong tingnan, mali pa rin siya. Maling mali.

5.

Kristyano ako. Katoliko. Naniniwala, sumusunod, naninindigan. Kahit na kadalasan nagiging suwail din akong anak, natutunan ko na ring kahit kailan, hindi pwedeng pagsamahin at pagisahin ang paniniwala sa detalyeng dinidikta ng siyensya. Hindi. Pero sa tuwing makikita ko ang paghihirap ng mundong ito dahil sa mga magulang na hindi na naging matanda—sa mga batang natututong mabuhay ng walang alam at walang diyos, hindi ko talaga maitatangging kailangan na talagang gamitan ng siyensya at maagapan ang lumulubhang kahirapang ito.

Tutol ako sa pagpaslang sa laman ng sinapupunan—dahil kahit anung rason ng taong gumagawa at pinagagawa iyon, pagpaslang pa rin iyon. Pero pabor ako sa artipisyal na pagkokontrol. Dahil bakit ka bubuo kung dudurugin, itatapon, sasaktan, papahirapan at papatayin mo lang ito.

Tulad ng batang nagmamayari ng pinakamalakas na boses, hindi niya kasalanang mabuhay sa mundo. Pero pinagsisisihan niya ang kasalanan ng mga magulang nito.


Wednesday, August 20, 2008

A Day in Springtime During a Cold Month in Winter (for my sister CHERRY)

CHERRY BLOSSOMS

Unsure whether to forward the article I just edited, I played with the mouse of my PC by hovering it over the buttons that saids 'reject'. I have failed with my last two articles, remembering that I forgot to check on some important parts, I decided that I could not afford another mistake. I hummed “Stars” by Simply Red to uplift my mood a bit but it was cut short by a grumble in my stomach and a momentary sickening taste of bitter coffee lingering in my mouth. My neck is killing me from waking up in the wrong side of the bed, in the wrong position, in the wrong moment. The day is flooding with “wrongness” and it pains me to note that the day has just started. I should expect it to get worst.

I get it. Heaven has decided to shower me with all the misfortunes the world could bombard me. And the feeling of anxiety and grief has led me to conclude that this is the perfect time to be pissed. With all the wrongness, with all the irritating details, with my life. Obviously, I'm having a bad day. And in these moments, I knew for a fact that nothing, and i mean NOTHING, can make me feel better. But I was wrong. Again.

Hesitant to click the forward button that has haunted me ever since I sat on my office table that morning, I shoved my hands frantically from my keyboard to a tiny bean pillow and hugged it tightly the way I hugged my closest friends when I was a student.

When I was a student. It seemed like a lifetime away and it dawned to me that I would never again feel the same way with life. I hugged the pillow ever so tightly, remembering all those fun filled days of rummaging bits of work, study and play. I was searching for that same old scene, my comfort place, my lala land in the middle the office so foreign, by hugging my pillow as if hugging someone. And it happened. A blinking message in my skype chat box.

There is someone who wanted me to share contacts with. I wondered who could that be. I clicked at the accept button of my skype, waited for a reply to my chat message and tried to absorb the cuteness of the face that was looking back at me smiling in her “personal profile” bar.

you may call me sister”

I have always been deemed pasweet when I am still required to wear a uniform. I was unusually sweet to everybody to the point that flattery is not enough a term to describe it. But really, living my life is not an act of fascination but an act of servitude, a life of sacrifice. Its not easy being me. I trust people too easily, why would this Chinese girl be any different.


I trusted her, expecting her to acknowledge and reciprocate the kindness and sweetness that comes out of me so naturally that I wasn't aware of it most of the time. But really, I was the one who was surprised taking in the first words that she said to me.

Sister. Older sister. My sister.

I have read that part over and over and it sent sparks in my stomachs that prickled my heart so furiously that I happiness and extreme delight start to engulf me. This girl can do wonders from the time I saw her picture. We are half the world away and yet she has extended her ability to magically touch other people's lives. Just with a smile and a simple hi. It melted my heart away—the sweetness of it all. At that point it occurred to me. I was no longer hugging my pillow; I was no longer searching for my comfy place; I am happy where I am. In my desk, talking to a complete stranger who've been calling me lil brother. I am enjoying every second of it and for the first time that day, I smiled.

But its so interesting”

I'm a Filipino, she's Chinese. Yet we understood that being nice is being human—caring knows no boundaries. We may have different religion, different upbringing, different interests, but both of us know how to care. I care about her. And its really amazing how distance and difference can be flipped and folded to commune into one rendezvous point of understanding.

I was feeling so dull that morning. But I never felt great the rest of the day. Its like magic. She's like magic. She used good English to lure me into liking my day and I used mine to keep my feet firmly in the ground. I am enjoying every keys I pushed and every buttons I clicked. It made me forget that I was whining minutes before that faithful greetings.

My co-workers looked at me. And I never knew why they were smiling when I realized, I was the one smiling at them. It was one of the days where you could really say that heaven really exists. And I had the chance to glanced upon it, to really feel it. The moment was glorious. Thanks to a pretty Chinese girl who called a complete stranger little brother.

Yes you can do what u want and it is the right decision for you! please believe in yourself”

At 21 years of age, studying medicine, she knew life and how to really live it. And I was so amazed on how she's doing well as my older sister—a place in my life vacated, waiting for her. In those tiny-detailed conversations, I understood quite well that I could trust her, that she will always a caring sister for her sad little brother. There are no words to describe the gratitude that has revealed itself to me. The pressure now bears heavily upon me. How can I repay her for making me happy when everything else wanted otherwise.

Sister is great, so I think that my brother should also be great”

Could it be that fate brought that tiny chance of knowing her into reality? Could this be a sign that everyone can be a sister or a brother to any one who needs and wanted some affection in todays world soaking in such unthinkable evilness? The answers to these questions lay on the near future. All I'm sure of is that, my sister will always find a brother in me, anxiously waiting for that magical hello—and that if everyone is like this lady, greeting a complete stranger and caring for him like his own little brother, the world would surely be a better place to live in.

TO ALL THOSE WHO KNEW ME: Please say hi to my sister! She's been very very kind to me and she deserves the same treatment you showed me. And she'd be very very happy to have a couple more addition to her list of friends. I'm sure, you guys are going to like her.

TO MY SISTER, achi, I miss you already. I'll be waiting for you, waiting excitedly to hear how your study went, of how our dreams finally coming true for our families and very very soon, I'll be singing to you the song you've sent me. Ive been practicing and I think I could sing it after a few more tries. I hope your doing fine. See, I told you I'm going to write about you! Remember, lil bro will always be waiting.. Waiting.

Sunday, July 27, 2008

Ngayong 21 na ako (para sa mga marunong magbasa at marunong tumawa)

Tama nga sila. Ang kahit anung nilikha, pagnatutong magmahal, nagiging makata. Yun siguro ang dahilan kung bakit buong buhay ko bumubula ng tula tong bibig ko. At iba rin magisip ang isang tulad kong wala nang gusto sa buhay kundi magmahal.
Nakakatawa. Sa apat na taong nilagi ko dito sa mundo ni hindi ko ata ako nagbago. Oo.. Siguro nga kinailangan kong palitan ang mga kakarampot sa mga paguugali ko pero wala. Kung gaano ako kapasweet noon, ganoon din ako pasweet ngayon. Teka. Mas nakakatawa ata yun. Aminin man kasi ng mga tao o hindi, nakakatawa naman sigurong isipin ang isang Fhadz Mollo na hindi marunong magpasweet, na hindi marunong ngumiti, na hindi marunong tumanaw ng utang ng loob, at hindi marunong magmahal. Para mo na ring sinabing hindi matamis ang asukal na nilagay mo sa kape mo. O walang lasa ang fruitcake na iniregalo sa iyo noong pasko. Siguro ganoon nalang ang isang Fhadz Mollo. Nabuhay para patamisin ang mundo (*palakpakan mga langgam!)
Hindi ako marunong magdrive. Hindi pa rin ako nakakasakay ng eroplano. At hindi ako lalong marunong magtago ng nararamdaman ko. Kung mahal kita, ipapakita ko sa iyo sa lahat ng aspeto, sa pagsasalita, sa pagawa, sa pagiisip at sa pagugunita, na importante ka at mahalaga ka sa kalawakan ko.
Lahat naman tayo may sari-sariling kalawakan (oo.. hindi lang si SuperBoi ang may kalawakan). At sa kalawakan ko, lahat ng tao masaya. Lahat ng tao nakatawa. Lahat ng tao, alam kung anu ang ibig sabihin ng pagpmamahal at alam kung paano ito ipakita. Lahat ng taong mapapalapit sa akin alam kung paano ang tamang pagakap, kung paano damayan ang taong nangungulila, ang taong may dinadamdam. .
Oo. Tama nga siguro ang sinasabi ng ibang tao—na ang lahat ng tao dito sa mundo ay gumagawa ng mga hakbangin para makuha ang sariling interes. Oo. Sa parteng iyon aaminin kong naging ganid ako. Iisa lang naman ang interes ko eh. Gusto ko lang makita na ang lahat ng mukhang haharap sa akin nakangiti. Na ang sinumang titingin sa mata ko nakatawa. Na ang sinu mang umiiyak paglumapit sa akin gusto ko nakatahan na pagkahiwalay namin. Kaibigan, kaaway, kilala at hindi, ang dami ko nang napatahang luha—mga luhang binasa ang halos karamihan ng damit ko, ibat ibang tao, ibat ibang problema.. Oo. Ganid ako sa pagpapasaya sa mga tao. Kasi yun lang ang nakikitang kong dahilan ko kaya ako nabuhay dito sa mundo.
Minsan nang sinabi ng asawa ko sa akin na sobrang nakakapagod ang lagay niya. Na buong mundo ang kahati niya sa akin. Eh kung tutuusin, mas mahirap ang lagay ko. Dahil masyado ako magmahal na halos kadalasan wala nang natitira sa akin. Na halos ubos na ang kahit katiting sa akin. Ayos lang. Dahil masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Masaya ako sa piling ng mga kaibigan ko...
Ngayong 21 na ako, matanda at mataba, isa lang ang mapapangako ko. Sa lahat ng nakakabasa nito, maswerte kayo dahil kahit kailanman hindi ko makakalimutan kung gaano ako kaswerte kahit ganito ang buhay dito sa mundo, nagkasilbi ang mundo dahil kahit isa dalawa o tatlong beses, nakita ko ang magagandang ngiti niyo. Salamat..

Wednesday, July 23, 2008

Happy BDAY to mE (para sa mahal ko)

Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to

imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and

confused.” - Paolo Coelho The Zahir



Napaisip ako...


Ilang araw ko na nga bang hinahangad makita ang mukha niya, ang makatabi siya sa pagkain, ang makakwentuhan siya at marinig ang mga minsan, wala niyang kwentong storya kung papaano siya inaasar ng mga kaopisina niya. Nakakatawa. Kasi tama pala talaga na saka mo maiintindihan ang halaga ng isang bagay pag nawala na itong bagay na ito.


Madalas ko na rin ngayong napapagtanto. Mahirap palang magpatubo ng balbas para gawing “goaty.” Hindi kasi ganoon kaganda ang tubo buhok sa baba ko. Nakakainggit ang mga taong nakuha pang kulutin ang mga buhok nilang ito.


Nakakainggit. Hmm.. Siguro nga sa mga ganitong panahon mo mapapatunayan ang tunay na kahulugan ng inggit, ngayong, ang katabi mo dito sa opisina ay engganyo sa pagkukwento ng kagabi niya kasama ng kabiyak niya. O kadalasan pag may nakikita akong naglalampungan sa gitna ng kalsada o sa jeep o kung san san—nagkalat na parang mga sakit ng lipunanang hindi man lang natatakot sa pagtaas ng pamasahe o sa pagkalate sa trabaho o sa eskwela. Kasi masaya sila.


Masaya din naman ako eh. Lalo na dati. Sobra sobra dati. Lalo na pag bumibili ako ng Lucky Me pancit canton sa grocery sa baba ng dorm nila. Siyempre pag ipaghahanda niya ako ng pagkain at papakainin na pawala nang bukas. Kaya naman ganoon nalang ang pagtaba ko. At hindi ko rin pwedeng makalimutan ang akap ko at pagbubulong sa tenga niya kung gaano ako kasaya na kahit mamatay ako noong mga oras na iyon, ayos lang..


Mamatay. Hindi na siguro pwede ngayon yan. Bukod kasi sa nakasandal sa akin ang buo kong pamilya ko sa akin at sa kakarampot kong kita, marami pa akong plano sa buhay. Planong binuo sa ilalim ng double deck na kama niya. Mga planong pinangarap at pinangakong tutuparin. At hanggang ngayon, pinipilit kong tapusin itong walang kapararakang entry na ito para lang sa kanya.


Siya. Siya lang naman ang dahilan ng lahat sa akin. Siya lang naman ang kailangan ko. Dati rati, gusto ko maging isang sikat na reporter, o isang magaling na manunulat. Pero ngayon gusto ko nang maging isang sikat na reporter o isang magaling na manunulat para lang sa kanya. Para sa kanya.


Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon. Isang pagsasamang binuno dahil pareho kaming naghahanap ng sagot. Kung ano ba ang pakiramdam ng may minamahal, may sinasabihan na mahal kita araw araw, may inaaway pag lahat ng tao inaaway ka. Nakakatawa namang isipin ang mga maliliit na simula naming ngayon ay ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko.


Baliw nga ata talaga ako. Pero walang makakasisi sa akin dahil nakakabaliw naman talaga ang sitwasyon ko. Kung meron nga lang isang teleport machine para madala ko sarili ko sa isang lugar sa may NLEX ng walang masyadong oras na kailangan at perang gagastahin papatusin ko. Kahit mauna na ang puso ko sa utak ko ayos lang. Basta't mapadala ko lang.


Nagbibilang ako...


24 araw, 6 na oras, 37 minuto nang huli ko siyang nakita. At hindi ko masasabi kung kailan ulit babalik ito sa 0 araw, 0 oras at 0 minuto para magsimula ulit. Dahil sadyang mapang-trip ang kapalaran. Gusto niya lagi akong pinahihirapan. Madugas siya masyado. Dahil talagang sinusulit niya ang pamamalagi ko dito sa mundo. Oo nga naman. Kung nasa langit na tayo, hindi na niya tayo mapapagtripan.


Maraming hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Dahil nga naman daw sa dami ng mga crush ko sa mundong to, tae na ang maniwalang tapat ako sa pangako ko. Pero aaminin ko. Tapat ako ng sobra sobra sa mga pangakong binitawan ko. Tapat ako sa nagiisang taong pinagdarasal ko at ipapangako kong hihintayin ko sa dulo ng martsa sa harap ng isang banal na dambana, at higit sa lahat, tapat ako sa sarili ko.


Oo. Minsan nalilinlang ko ang sarili ko sa sarili kong mga kasinungalingan. Sakit na ata ng mapagpanggap na utak yun. Pero kahit ako hindi ko maitatanggi na “i am truly madly deeply inlove” with her—sabi nga ng isang inaamag nakanta. Tama. Hindi ko pwedeng itanggi ang tindi ng nararamdaman ko para sa kanya.


Nabibighani ako...


Kaya nga pinilit kong itago sa mga katabi ko ang saya na titigan ang letrato niya dito sa tabi ng monitor ng station ko dito sa opisina, at ang lungkot ko na hindi siya makasama sa nagisang araw kung saan legal sa akin ang humiling, kahit hindi naman (kahit kailan) ito natutupad. May mga susunod pa naman akong kaarawan eh. Andiyan naman siya palagi. Kaya naman kung ako ang tatanongin, ayos lang din sa akin. Dadaanin ko nalang sa paglulunod sa sarili ko sa pangungulilang nararamdaman ko.


Kaya naman..


Happy birthday to me, happy birthday to me, Happy birthday happy birthday,


HAPPY BIRTHDAY TO ME


Friday, July 4, 2008

Kung Umasta Akala Mo Kung Sino

Lahat nalang tiniris mo, lahat
Inapakan… itong mga taong to kala mo
Kung sino.
Bakit?
Porket langaw di na kami
Pwede sa mundo?
Ganito na kami no.
Wala na Kayong magagawa…
Aba, at aasta pa tong isang to!
Bastos! Kumakain
Pa ako!
Hayop na tao kala mo sino kung lumaban,
Simpleng tae di pa matapakan.

Pagkakaibigan

Masarap kumain ng Ice candy—
matamis,
Masarap,
malagkit.
Nakabalot sa isang transparent
Na plastik.

Hipon

Ako’y nabasa sa pagbuhos ng ulan nang lumitaw
Ang araw sa gitna ng daan;
Nabulag, nasilaw sa taglay na
Kagandahan.
Hindi napigil ang leeg sa pagikot sa iyong kinaroroonan.
Napuno ng baga ang aking lalamunan—Natuyo ng di Inaasahan.
Nasiyahan, natugunan ang panlalamig na sa aki’y kanina pang Lumalamon;
Pinalitan ng itim na buhok na bumabalot sa akin.
Nabulag sa pagkakakapit ng damit sa katawang hinubog ng diyos
Sa kanyang kasiyahan.
Kutis na bumuntis sa maputik na daan.
Biglang dumilim ng Humarap ka sa akin.

Nabasag ang katahimikan.
Bumalik ang mundo sa
Panlalamig nitong kinasusuklaman

Palm Sunday

Sa ginta ng mga palmerang makulit na iniwawagayway

Napuna kita…

Nagulantang ang lahat sa akin.
Kinuha mo
Ang atensyong inilalaan sa dakilang
Katauhan sa dambana.
Demonyo kang nangungusap, Anghel akong nakikiusap.
Nalunod ako sa iyong kagandahan;
Nabulag sa taglay na kalwalhatian;
Ang pagpipita’y di na ata makakayanan!
Natigil ang lahat ng tamaan
Ng palaspas ang aking mata.

Namaga, namula sa pagkakasala…

Kasalanan

Sa Paglapat ng alatSa aking dila…
Nawala, tinunaw ang Init sa dagat.

Ligaw

Isang aso at isang daga ang nakasalubong sa daan.

Di ko man lang naiisip pagtanungan
Ng daan papunta sa patutunguhan.
Kinukurot at kinakagat na ang aking sakong at daliri
Sa paa ng kalyong namuo sa aking pagdadalamhati

“Naliligaw ako” nakuha kong kausapin ang sarili sa nagawa nitong pangaapi sa akin.
Ilang oras at ilang ikot na rin ang ginawa bago natutunan ang
Dapat kanina ko pa ginawa—huminto’t maghanap.

Monday, June 23, 2008

Katuparan

1. KAPALARAN

Nagkakagulo ang lahat ng tao sa techbooth ng Albertus. Hindi kasi magkandaugaga ang music head na si J-mee sa pagpipindot at paghahanda ng track sa CD na susunod na patutugtugin sa eksena. Dahil hindi ako ang nakalatag sa entablado bilang Gemini at bilang isang butihing music staff, inilaapag ko sa dimmer board ang binabasang Inquirer Libre at nakisalo na rin ako sa kaguluhan. Track nine. Siniguradong naka-pause ang CD player at pinagtawanan ang pagkagulat ni Jmee sa pagpisil ko ng pisngi niya. Malapit na ang paborito kong eksena sa dulang Agnoia. At sa takdang oras, pinindot ko ang play at iniangat naman ni Jmee ang volume sa tamang lakas kasabay ng pagbabago ng ilaw sa entablado mula dilaw hanggang sa maging pula. Sinabayan na rin ito ng indak ng mga dancers ng dula ng paborito kong dance sequence. Napangiti nalang ako sa husay ng ilan sa mga sumasayaw sa entablado. Lalo na yung pinakamagaling sa kanya. Napailing nalang ako sa pagkabilib at naibulong sa sarili "malayo ang mararating ng batang ito."
Matapos ang sayaw, muli kong kinuha ang Inquirer Libre at pinagpatuloy ang pagbabasa ng horoscope. Leo. Lima ang puso. Ayos. Nakangiti kong binasa ang nakasulat. "Humanda ka. Matutuwa ka sa makikita mo." Tama. At nakita ko na.

2. INDAK

Bitbit ang isang lumang smoke machine na hindi ko sigurado kung gumagana, kinausap ako ng Presidente ng CASA na si EJ Mallari na kung pwede raw ba akong tumulong sa Integbol nila. Isang milyon ang dahilan ko para tumanggi. Andiyan ang hindi ako CA, wala akong pera, wala akong susuotin, plano kong umuwi ng probinsiya, at kasalukuyang magkagalit kami (ng sobra sobra) ng isng malapit na kaibigan (no mentioning of names nalang. hihihi) na alam kong pupunta ng gabing iyon.

Pero itinakda na ata ng diyos na ikakamatay ko pag tumanggi ako sa hiling ng kaibigan, hinila ko nalang ang sarili kong sumakay ng taxi kasama ng kalahati ng buhay ko.

Nagkaligawligaw kami. Kapos ng sampung minuto ang pinangako naming alas sinko. At tulad ng inaasahan, hindi naging palakaibigan ang kalawakan ng warehouse na pinagdausan ng Integbol. Trabaho ang pinunta ko doon at trabaho lang ang plano kong gawin. Pero nabigla ako. Mageenjoy pala talaga ako.

Sa kasukalan ng malalakas ng tugtog, tao at alak, napatunga-nga nalang ako sa kinlalagyan sa DJ's booth sa nasasaksihang indakan. Napailing nalang ako at napangiti sabay bulong sa katabi kong DJ ng mamukhaan ang isa sa mga kumakarir ng sayaw. "Siyet. Ang galing pala talaga niya no? sobra!"

Nang magkatsansang makalapit at makausap ang nasabi kong kaibigan, napatawa nalang siya ng pabiro kong sabihing "Hindi lang ako ang Journ dito kaya wag kang magulo!" Ganoon naman talaga ako. Dinadaan sa biruan ang sa totoo lang, isang paghangang hindi matatawaran.

3. BIDYO

Tulad ng inaasahan, huli nanaman ako sa napagkasunduang alas seis. Hindi nga lang nila ako masisisi. hindi madaling magbiyahe ng mabigat ang dinadamdam. Kasalukuyan akong nagdadalamhat't nagluluksa sa pagpanaw ng isang matalik na kaibigan ng maabutan ko ang mga Stage Managers kong abala sa pangongontrata sa mga napili nilang gaganap sa dulang Rizal at Blumentritt. Hindi ako makasingit sa debateng nagaganap. Wala akong magawa kundi tumunganga sa kanila. Nageenjoy na ako sa paglalaro ng aking sariling laway ng kausapin ako ni Marchella Calica.

"Panoorin mo si Therese de Guzman matutuwa ka." Pangisi niyang ibinulong sa akin sabay abot sa akin ng kanyang videocam. Binidyo pala nila ang auditiong hindi ko nasaksihan. Humanga naman ako sa husay nila sa pagiging responsable.

Pagdating ko ng bahay sa Bulacan, dagli akong pumasok ng kwarto. Tulad ng inaasahan,. umiyak nanaman ako sa nararamdamang pighati. Sa gitna ng mga parusang hikbing pilit kong tinatago sa mga kasambahay, napagdesisyunan kong panuorin nalang ang inihanda ng mga SMs kong bidyo. Inusisa't kinalikot ko ang videocam at nang malaman kung paano paandarin, pinanuod ko simula sa umpisa ang bidyo. sa unang tingin alam ko na ang mga nararapat na karakter sa kanila. Bukod din kasi sa nabigyan na ako nila Jmee ng listahan ng mga napili nila, mahuhusay ang mga ginawa nila. At nang makita ko ang batang sinasabi ni Marchella, napatawa nalang ako. Tama pala talaga siya. Ikatutuwa ko nga ito. Nakakatuwa. hindi ko alam na pwede palang sayawin ang kantang HAPPY BIRTHDAY ng sensual, hot and sexy. Noon palang alam ko na. Maganda ang itinakda ng tadhana para sa kanya. At kahit na puno ako ng kalungkutan, napatawa ako ng isang Therese de Guzman. At sa unang pagkakatain sa tatlong araw ng pangungulila sa kaibigan, nakatulog ako ng mahimbing.

4. EKSENA

Sa kasagsagan ng kontrobersiyang pinagdadaanan ko at ng dulang aking pinaghirapan at iniyakan, hindi ko maitatanggi, masaya ako sa patuloy na pag-ganda ng takbo nito.
Sa panglimang banat ng dulang RnB, ako'y patagong ngumangasab ng paborito kong Fudgee Bar sa loob ng techbooth ng Rizal Con. Patago rin akong kinikilig sa mga banat ni Yes at kung paano ito gawing katawa tawa ni G-boy. At kung maputi lang ako, panigurado, pandalas din ang pamumula ko. Pero dahil wala akong karapatang magblush dahil sa kulay ko, inisip at pinagtuunan ko nalang ang masasarap na tawanan ng mga nanonood. Ibang klaseng bata ito. Karerista. Hindi marunong mapagod. At panigurado ko, hindi lang ako ang nakakaisip nito nang sabihin ng isang Jason de la Cruz na "Ang galing nila! Congrats Fhadz."

Alam ko. Sa dami ng naipon kong pagkakamali, may karamihan na rin ang aking naitama at tamang nagawa. Dahil marami ang makakapagsabing hindi ako nagkamali sa pagpili sa mga gumaganap sa eksena.

5. DULAS

Napadausdos ako sa madulas at basang bahagi ng sahig sa may AB lobby. Muntik na rin akong mapahiya sa mga estudyanteng nagmamadaling umuwi at ibang huli na sa klase. Bumaling baling ako sa mga nagdadaan, sinisiguradong walang nakapansin. Tiningnan ko ang parte ng sahig na muntik nang dumurog sa kahihiyan ko. Hindi na tama ang ang nararanasan kong kamalasan ng araw na iyon. Lumabas ako ng building para makahagilap ng signal na pinagkait sa loob ng building. Tatlong araw na ring umulan at naguumpisa na ring bumaha sa parking ng AB. Habang iritang ikinukwento kay Manong Agnes ang kamalasang tinatamasa, isang mukhang may napakagandang ngiti ang bumati sa akin at gulat at tuwang tuwa ko rin iyong sinuklian ng mahigpit na akap.

"Kuya may pasok po kayo ngayon?!" Gulat niyang itinanong sa akin. Sinagot ko siya ng wala na may halong pagtataka. Oo nga pala. Kabisado niya ang Class Schedule namin. Matutuwa na sana ako ng lubusan ng maalalang hindi lang pala ako ang Artistang Artlets sa klase namin. Pero napangiti nalang ako sa ganda ng ngiting pamamaalam niya sa akin. Pagharap ko kay Manong Agnes na naghihintay ng kwento ko, napatanga na rin ako sabay sabat "Uhhhmmm... Nakalimutan ko na ang sasabihin ko.. Ahihihi.. Sige!" sabay tapik sa malaking braso ni Manong Agnes. Masaya kong binagtas ang daan papuntang ABSC office. Wala na rin akong naranasang kamalasan simula noon. Hindi ko na rin maalala kung bakit ako naghihimutok noong umagang iyon.

6. PANGAKO

Hindi na ako magkanda-umayaw sa dami ng mga gagawin dito sa opisina. Hindi pala biro ang magpaka-responsableng mamamayan ata anak. Nangingintab na rin ang mukha ko sa kanina ko pang binabasang artikulo tungkol sa mga relasyon ng mga lesbiyanang muslim. Kunwari magaling ako sa layout at grammar. Pero hindi ko na maitatago ang pagkamiss sa mga kaibigan kong naiwan ko sa kolehiyo. Nang matapos ko ang mahabang proseso ng paghahanap ng mali sa mga artikulong dapat puro tama, tumunog ang cellphone ng katabi ko sa station ko. BUBBLY ni COLBIE CALIAT ang kanyang ringtone. Bigla nalang akong ibinalik sa mga masasayang nakalipas--mga huling araw ng buhay ko sa kolehiyo at mga pangakong hindi ko pa natutupad. Naalala ko. Ang tagal ko na palang planong gawin itong entry na ito. Hindi ko lang matyempuhan.
Patakas kong binuksan ang blogger account ko. fudge12.blogspot.com. Nagsimula akong magsulat. Inaalala ang mga hindi ko na malilimutang pagkakataon binuno sa trabaho, iyakan at sangkatutak na tawanan. Sumulat ako. Hindi para mamaaalam o magdrama. Nagsulat ako para tuparin ang napaglumaang pangako. Tama. Ika nga ng isang text message na natanggap ko. "Sige po kuya text mo ako pag natapos niyo na. Aasahan ko po iyon."

(PARA KAY THERESE DE GUZMAN)