1. KAPALARAN
Nagkakagulo ang lahat ng tao sa techbooth ng Albertus. Hindi kasi magkandaugaga ang music head na si J-mee sa pagpipindot at paghahanda ng track sa CD na susunod na patutugtugin sa eksena. Dahil hindi ako ang nakalatag sa entablado bilang Gemini at bilang isang butihing music staff, inilaapag ko sa dimmer board ang binabasang Inquirer Libre at nakisalo na rin ako sa kaguluhan. Track nine. Siniguradong naka-pause ang CD player at pinagtawanan ang pagkagulat ni Jmee sa pagpisil ko ng pisngi niya. Malapit na ang paborito kong eksena sa dulang Agnoia. At sa takdang oras, pinindot ko ang play at iniangat naman ni Jmee ang volume sa tamang lakas kasabay ng pagbabago ng ilaw sa entablado mula dilaw hanggang sa maging pula. Sinabayan na rin ito ng indak ng mga dancers ng dula ng paborito kong dance sequence. Napangiti nalang ako sa husay ng ilan sa mga sumasayaw sa entablado. Lalo na yung pinakamagaling sa kanya. Napailing nalang ako sa pagkabilib at naibulong sa sarili "malayo ang mararating ng batang ito."
Matapos ang sayaw, muli kong kinuha ang Inquirer Libre at pinagpatuloy ang pagbabasa ng horoscope. Leo. Lima ang puso. Ayos. Nakangiti kong binasa ang nakasulat. "Humanda ka. Matutuwa ka sa makikita mo." Tama. At nakita ko na.
2. INDAK
Bitbit ang isang lumang smoke machine na hindi ko sigurado kung gumagana, kinausap ako ng Presidente ng CASA na si EJ Mallari na kung pwede raw ba akong tumulong sa Integbol nila. Isang milyon ang dahilan ko para tumanggi. Andiyan ang hindi ako CA, wala akong pera, wala akong susuotin, plano kong umuwi ng probinsiya, at kasalukuyang magkagalit kami (ng sobra sobra) ng isng malapit na kaibigan (no mentioning of names nalang. hihihi) na alam kong pupunta ng gabing iyon.
Pero itinakda na ata ng diyos na ikakamatay ko pag tumanggi ako sa hiling ng kaibigan, hinila ko nalang ang sarili kong sumakay ng taxi kasama ng kalahati ng buhay ko.
Nagkaligawligaw kami. Kapos ng sampung minuto ang pinangako naming alas sinko. At tulad ng inaasahan, hindi naging palakaibigan ang kalawakan ng warehouse na pinagdausan ng Integbol. Trabaho ang pinunta ko doon at trabaho lang ang plano kong gawin. Pero nabigla ako. Mageenjoy pala talaga ako.
Sa kasukalan ng malalakas ng tugtog, tao at alak, napatunga-nga nalang ako sa kinlalagyan sa DJ's booth sa nasasaksihang indakan. Napailing nalang ako at napangiti sabay bulong sa katabi kong DJ ng mamukhaan ang isa sa mga kumakarir ng sayaw. "Siyet. Ang galing pala talaga niya no? sobra!"
Nang magkatsansang makalapit at makausap ang nasabi kong kaibigan, napatawa nalang siya ng pabiro kong sabihing "Hindi lang ako ang Journ dito kaya wag kang magulo!" Ganoon naman talaga ako. Dinadaan sa biruan ang sa totoo lang, isang paghangang hindi matatawaran.
3. BIDYO
Tulad ng inaasahan, huli nanaman ako sa napagkasunduang alas seis. Hindi nga lang nila ako masisisi. hindi madaling magbiyahe ng mabigat ang dinadamdam. Kasalukuyan akong nagdadalamhat't nagluluksa sa pagpanaw ng isang matalik na kaibigan ng maabutan ko ang mga Stage Managers kong abala sa pangongontrata sa mga napili nilang gaganap sa dulang Rizal at Blumentritt. Hindi ako makasingit sa debateng nagaganap. Wala akong magawa kundi tumunganga sa kanila. Nageenjoy na ako sa paglalaro ng aking sariling laway ng kausapin ako ni Marchella Calica.
"Panoorin mo si Therese de Guzman matutuwa ka." Pangisi niyang ibinulong sa akin sabay abot sa akin ng kanyang videocam. Binidyo pala nila ang auditiong hindi ko nasaksihan. Humanga naman ako sa husay nila sa pagiging responsable.
Pagdating ko ng bahay sa Bulacan, dagli akong pumasok ng kwarto. Tulad ng inaasahan,. umiyak nanaman ako sa nararamdamang pighati. Sa gitna ng mga parusang hikbing pilit kong tinatago sa mga kasambahay, napagdesisyunan kong panuorin nalang ang inihanda ng mga SMs kong bidyo. Inusisa't kinalikot ko ang videocam at nang malaman kung paano paandarin, pinanuod ko simula sa umpisa ang bidyo. sa unang tingin alam ko na ang mga nararapat na karakter sa kanila. Bukod din kasi sa nabigyan na ako nila Jmee ng listahan ng mga napili nila, mahuhusay ang mga ginawa nila. At nang makita ko ang batang sinasabi ni Marchella, napatawa nalang ako. Tama pala talaga siya. Ikatutuwa ko nga ito. Nakakatuwa. hindi ko alam na pwede palang sayawin ang kantang HAPPY BIRTHDAY ng sensual, hot and sexy. Noon palang alam ko na. Maganda ang itinakda ng tadhana para sa kanya. At kahit na puno ako ng kalungkutan, napatawa ako ng isang Therese de Guzman. At sa unang pagkakatain sa tatlong araw ng pangungulila sa kaibigan, nakatulog ako ng mahimbing.
4. EKSENA
Sa kasagsagan ng kontrobersiyang pinagdadaanan ko at ng dulang aking pinaghirapan at iniyakan, hindi ko maitatanggi, masaya ako sa patuloy na pag-ganda ng takbo nito.
Sa panglimang banat ng dulang RnB, ako'y patagong ngumangasab ng paborito kong Fudgee Bar sa loob ng techbooth ng Rizal Con. Patago rin akong kinikilig sa mga banat ni Yes at kung paano ito gawing katawa tawa ni G-boy. At kung maputi lang ako, panigurado, pandalas din ang pamumula ko. Pero dahil wala akong karapatang magblush dahil sa kulay ko, inisip at pinagtuunan ko nalang ang masasarap na tawanan ng mga nanonood. Ibang klaseng bata ito. Karerista. Hindi marunong mapagod. At panigurado ko, hindi lang ako ang nakakaisip nito nang sabihin ng isang Jason de la Cruz na "Ang galing nila! Congrats Fhadz."
Alam ko. Sa dami ng naipon kong pagkakamali, may karamihan na rin ang aking naitama at tamang nagawa. Dahil marami ang makakapagsabing hindi ako nagkamali sa pagpili sa mga gumaganap sa eksena.
5. DULAS
Napadausdos ako sa madulas at basang bahagi ng sahig sa may AB lobby. Muntik na rin akong mapahiya sa mga estudyanteng nagmamadaling umuwi at ibang huli na sa klase. Bumaling baling ako sa mga nagdadaan, sinisiguradong walang nakapansin. Tiningnan ko ang parte ng sahig na muntik nang dumurog sa kahihiyan ko. Hindi na tama ang ang nararanasan kong kamalasan ng araw na iyon. Lumabas ako ng building para makahagilap ng signal na pinagkait sa loob ng building. Tatlong araw na ring umulan at naguumpisa na ring bumaha sa parking ng AB. Habang iritang ikinukwento kay Manong Agnes ang kamalasang tinatamasa, isang mukhang may napakagandang ngiti ang bumati sa akin at gulat at tuwang tuwa ko rin iyong sinuklian ng mahigpit na akap.
"Kuya may pasok po kayo ngayon?!" Gulat niyang itinanong sa akin. Sinagot ko siya ng wala na may halong pagtataka. Oo nga pala. Kabisado niya ang Class Schedule namin. Matutuwa na sana ako ng lubusan ng maalalang hindi lang pala ako ang Artistang Artlets sa klase namin. Pero napangiti nalang ako sa ganda ng ngiting pamamaalam niya sa akin. Pagharap ko kay Manong Agnes na naghihintay ng kwento ko, napatanga na rin ako sabay sabat "Uhhhmmm... Nakalimutan ko na ang sasabihin ko.. Ahihihi.. Sige!" sabay tapik sa malaking braso ni Manong Agnes. Masaya kong binagtas ang daan papuntang ABSC office. Wala na rin akong naranasang kamalasan simula noon. Hindi ko na rin maalala kung bakit ako naghihimutok noong umagang iyon.
6. PANGAKO
Hindi na ako magkanda-umayaw sa dami ng mga gagawin dito sa opisina. Hindi pala biro ang magpaka-responsableng mamamayan ata anak. Nangingintab na rin ang mukha ko sa kanina ko pang binabasang artikulo tungkol sa mga relasyon ng mga lesbiyanang muslim. Kunwari magaling ako sa layout at grammar. Pero hindi ko na maitatago ang pagkamiss sa mga kaibigan kong naiwan ko sa kolehiyo. Nang matapos ko ang mahabang proseso ng paghahanap ng mali sa mga artikulong dapat puro tama, tumunog ang cellphone ng katabi ko sa station ko. BUBBLY ni COLBIE CALIAT ang kanyang ringtone. Bigla nalang akong ibinalik sa mga masasayang nakalipas--mga huling araw ng buhay ko sa kolehiyo at mga pangakong hindi ko pa natutupad. Naalala ko. Ang tagal ko na palang planong gawin itong entry na ito. Hindi ko lang matyempuhan.
Patakas kong binuksan ang blogger account ko. fudge12.blogspot.com. Nagsimula akong magsulat. Inaalala ang mga hindi ko na malilimutang pagkakataon binuno sa trabaho, iyakan at sangkatutak na tawanan. Sumulat ako. Hindi para mamaaalam o magdrama. Nagsulat ako para tuparin ang napaglumaang pangako. Tama. Ika nga ng isang text message na natanggap ko. "Sige po kuya text mo ako pag natapos niyo na. Aasahan ko po iyon."
(PARA KAY THERESE DE GUZMAN)
Monday, June 23, 2008
Thursday, June 19, 2008
Mansanas (Inspired by a true story) Author's notes
The entry "MANSANAS" in six part series is inspired by a true story shared by a very close friend of mine (whose real name i cannot reveal for her protection). Some of the things I mentioned in the entries were just a mere representations of the actual facts of the true story. But the whole story itself is rather true than fiction. This story is dedicated to the people who suffered the same gruesome fate as "Apple," some of whom never survived. This is a call for the people who are humane enough to know and understand that these things are evil and should be stopped.
Real names of the characters are withheld to protect the innocent and the guilty. May they recieve the same treatment in hell.
"Apple" is currently an undergrad student and also works for a well known company. She now lives in a nice home just a few blocks from her parents. Her son is now on preschool. She is happily married and is living he life to the fullest. But she can never erase the horrible facts that happened in her life. May this be the beggining for a better life for her.
For "Apple", remember that i will always stay with you no matter what. Thank you for entrusting me with your story and for allowing me to do this. I'll be waiting for your text messages. Hope your doing good. I love you. Good luck in everything.
Comments, suggestions and violent reactions in the publication of this story can be addressed to me at the comment page of my blogger account (http://www.fudge12.blogspot.com). Thank you for visiting and have a nice day.
NOTE: For those who are reading the "Mansanas" series from Multiply and want to comment on any of its six parts,I advise that you comment on my blogger account. that's www.fudge12.blogspot.com for the reason that I cannot access my Multiply account from our office's server. Thanks.

Mansanas (Inspired by a true story) Part 6
VI
Naging malupit sa akin ang mundo.
Wala akong katraining training at hindi man lang ako nakapaghanda. Ang dami ko pang dapat matutunan sa mundong ito. Hindi ko pa pwedeng ituro ang nalalaman ko sa anak ko. Ayaw ko namang mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Buti nalang at pinanganak siyang may nakalundong organismong magiging sanhi ng kanyang malulupit na pakikipagsapalaran sa mundo ng pagkalalaki. Ipinagdadasal ko nalang na hindi niya mamana ang kabaliktaran ng bituka ng mga ama niya.
Yun ang kinakatakot ko. Paano kung tanungin niya ako kung sino ang ama niya. Hindi ko naman siguro pwedeng sabihin na pito ang ama niya at na ang iba sa kanila nakakulong, o nagtatago o nakaligtas ng hindi ko malaman kung bakit sa hustisya.
Iyan ang hindi ko minsan maintindihan sa katotohahan eh. Hindi lahat ng tao parepareho ang pananaw sa katotohanan. Ang tama sa kanila, mali sa iba. Kaya naman alam ko na kaihit kailan, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa mundong ito. Na kahit kailan, hindi magiging pantay pantay ang tingnin ng mga tao sa kapwa niya tao. May ibang tinitingala, may ibang hindi man lang pinapansin. Sana pag laki ng anak ko, maintindihan niya na hindi mo pwedeng tapak tapakan ang ibang tao. Pero kailangan niyang maging matapang at matatag para hindi naman siya ang tapak tapakan. Lahat kasi ng tao dito sa mundo nagmamadali. Kaya kailangan mong makipagsapalaran sa kasukalan ng kamunduhan. Kailangan mong sumunod sa agos ng panahon. Kailangan tinitingala ka ng mga tao. Dahil kung sa sarili mo nanliliit ka na, hindi maawa ang mundo sa iyo pag ikaw ay natisod at matapakan ng iba pang mga nagmamadali sa mundong ito na wala nang pakialam tumingin sa dinadaana makarating lang sa pupuntahan. Hindi alintana sa kanila kung may naiiwan sila o may nasasaktan sila. sa mundo ngayon kailangang maging praktikal.
Pero bata pa ang anak ko para pangaralan na natural na masama ang tao. Bata pa siya para maintindihan na maari siyang paglaruan ng tadhan tulad ng pagtrip nito sa buhay ko. Sa ngayon, dito muna siya sa akin. Hindi ko man naprotektahan ang dignidad ko dahil na rin siguro sa sarili kong kahinaan at kakitiran ng utak, hindi ko hahayaang masaktan ng mundong pilit nandudumilat sa mga mahihina sa mundo. Hindi. Hangga't nandito ako, walang pwedeng gumalaw sa anak ko. Buhay kami. Buhay ako. Siguro sapat na dahilan na iyon para magdiwang sa masaklap na mundo na ito. Tama. Sapat na rason na yun para magsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay. Nakakatuwa. Parang ganoon lang kadaking palitan yun. Basta ang alam ko, gagawin ko ang lahat para masiguradong paglaki ng anak ko, magiging isang matibay at mataas siyang puno ng mansanas. Hitik sa bunga at nagbibigay ng kasiyahan at kasarapan sa mundo. Tama. Isang puno ng mansanas mula sa nilapastangang binhi ng kanyang ina.
[Mansanas 6 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Wednesday, June 18, 2008
Mansanas (Inspired by a true story) Part 5
V.
Araw araw kong pinapatay ang sarili ko noon.
Pero hindi pa siguro ang pagiyak sa bawat segundo ng buhay ko noon. Hindi na rin ako pumasok sa eskwela. Nagkulong na lang ako sa kwarto, pilit hinuhugasan ang sariling awa sa iyak. nakaksampung beses na rin ako kung maligo sa isang araw pero lubos atang hindi ko na maaalis ang dumi at nakakalasong alinsangan ng kababuyan na napagdaanan ko. Kahit ilang beses kong hilurin ang namumula at nanakit ko nang balat hindi ko na siguro mabubura ang ala-ala na anim o pitong tao ang gumamit nitong nilamusak kong katawan. Ilang linggo ko na ring pilit ipagdasal na humiwalay sa napakadumi kong katawan at makawala sa sakit na pilit akong pinapaslang. Nagsimula akong magsuka at mahilo. Siguro dahil sa matinding pagkamuhi sa mga lalaki sa mundo, matinding galit sa sarili ko at matinding pagkairita sa mundo na kung bakit kailangan kong pagdaanan itong lahat ng ito.
Tumupad ako sa kasunduan namin ng mga demonyo. Hindi ko sinabi kahit kanino man. Paano ko naman siguro masasabi eh sa tuwing tatanungin ako ni mommy walang salita ang lumalabas sa bibig ko dahil na rin sa matitinding hikbi at pag ungal ko sa tuwing naalala ko ang bawat segundong sinunog ako sa impyerno. Wala na ring magawa sina mommy kundi umiyak at kitang kita ko ang matinding takot sa mata nila ni daddy dahil saksing-saksi sila sa masalimuot at halos ikamatay ko nang sakit na hindi nila masabi kung ano ang dahilan.
Nagpatuloy ang panghihina ko. At halata ko sa kulay ko ang matinding pamumutla. Hindi ko magawang lumabas ng bahay kaya't nagpatawag nalang sila daddy ng doktor. Doon ko nalaman, buntis pala ako.
Noong narinig nila mommy ang balita, hindi nila alam ang dapat isipin o gawin. Tumitig lang sila sa akin ng nanlilisik ang mata pero walang lumabas sa bunganga niya. Umiiyak din ako noon at inihanda ang sasabihin kong katotohanan sa kanila. At sa puntong pagalit na tinalikuran ako ni mommy saka ko nasabing narape ako.
Hindi madali sa akin ang tanggapin na ang kademonyohang ginawa sa akin ay magbubunga ng isang inosenteng tao sa sinapupunan ko. Hindi ko kayang masikmura na madadamay sa karumaldumal na nangyari sa akin ang isang anghel na walang kamuwang muwang. Paano nalang pagnagtanong kung sino ang ama niya? Paano ko palalakihin ito? Paano kung hindi ko kaya?
Isinalaysay ko ang lahat lahat kina mommy at sa unang pagkakataon, nakita ko si daddy na umiyak na parang aatakihin na sa puso. Galit siya. Galit na galit. Hindi niya alam ang gagawin niya sa kalagayan ng nagiisa nilang anak na ngayon ay pinagdadaanan ang isa sa pinakamalupit na magagawa ng tadhana. Gusto niya raw pumatay ng tao. Gusto kong aminin na ako rin. gusto kong pumaslang ng tao. Kahit sino. May pagbuhusan lang itong sama ng loob at pagkamuhi ko. Pero alam kong hindi pupwedeng mangyari yun. Kaya't kasama si mommy, pilit naming pinigilan si daddy na nagwawala.

Tuesday, June 17, 2008
Mansanas (inspired by a true story) Part 4
IV
Ayaw ko na sanang maalala.
Pero hindi ko makakalimutan nung napapansin kong hindi na ako kinakausap ni Benj. Hindi na niya ako tinitingnan na parang wala ako doon. Hindi na niya ako tinatawagan sa cellphone o inaayang magisaw man lang. Pero wala akong magawa. Tinatawag ko siya pero parang wala siyang naririnig. Wala akong magawa. Unti-unti na akong napapalitan ng ibang gitara at ibang ginigitara sa mga bars na hindi ko alam pinupuntahan na niya ngayon. Paliit ng paliit ang pagasa ko sa kanya. Kahit hindi ko alam kung mahal niya din ako, mahirap ang mawala siya sa buhay ko. Lalo na ngayong siya na ang buhay ko. Araw-araw, linggo-linggo siya ang iniisip ko. Hindi ko pala kayang mawala siya. Napagdesisyunan ko. Mas matimbang ang libido niya kesa sa prinsipyo ko. Dahil libido niya yun at prinsipyo ko lang ito. Tinawagan ko siya. Umiiyak. Pumayag siyang makipagkita sa akin. Hindi ko alam yung lugar at maguumaga na rin pero pumayag akong pumunta. Ito na kasi ang huling pagkakataon para mabawi ko siya sa mga bago niyang ginigitara.
Naligaw ligaw ako sa lugar pero buti nalang natunton ko yung lugar. Isang maliit pero magandang bahay. Medyo magulo at madilim pero mukha namang disente ang nakatira. Kumatok ako sa kalawangin na ring gate at isang payat na lalaki na may mahaba at magulo ring buhok ang nagpapasok sa akin. At sa may madilim na sulok, nakita ko ang hugis na aking hinahangad. tumayo ito at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako ng matindi sa labi at binulungan na ang ganda ko raw. Hindi ko maiwasang mapangiti at isipin kung anong nagpaganda sa akin. Ito bang puti kong sando? Ang buhok kong nakapusod? O ang shorts kong nilalantad ang binti ko? O di kaya yung mga mata kong namamaga. Balita ko pag ganitong namumugto ang mga mata gumaganda raw. Baka nga ito ang dahilan.
Umupo ako sa tabi ni Benj at nakita kung ano ang pinapipyestahan nila. Damo. Nagsusunog sila ng damo katabi ng mga bote ng gin. Ayaw ko na sanang makisali sa pot session nila dahil kumokontra naman ang kunsensiya ko pero masyado nang huli para umurong.
Pinatikim ako ng isang shot ng iniinum nila. Parang may halo. Gin na nga iniinum nila may halo pa. Hindi na nakuntento sa masamang tama ng gin. Hindi ako nagyoyosi pero napahithit na rin ako ng hinihithit nila. Tawanan, landian, asaran. Iba pala ang epekto ng droga sa utak. Masaya. At sa mga huling minuto ng ulirat ko, napansin ko, ako lang pala ang babae.
Nalaman ko nalang na nahihilo ako. Hindi ko alam kung epekto ito ng damo, o nung gin o kung ano man yung hinalo dun. Basta ang natatandaan ko, napapikit nalang ako nang naglalaplapan kami ni Benj.
Nagising ako nang maramdaman kong may nakapatong sa akin. At sa madilim na ilaw galing sa headboard lamp sa kwarto ng kabarkada nito ni Benj, kitang kita kong pinoporma na niya ang sarili niya sa gusto niyang pusisyon at wala na akong nagawa kundi ihanda ang sarili sa sakit o sarap na pwede kong maramdaman. Masakit. Sa simula. Pero nung nararamdaman ko na ang buong kahabaan niya sa kin, unti-unti ko na ring nagustuhan. Napaindayog na rin ako sa gingawang musika ni Benj sa mabibigat niyang hininga at sa pagbubungguan ng katawan namin. At sa isang inda, nawala ako sa kawalan ng kanyang kalawakan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero gusto ko ang ginagawa sa akin ni Benj. Hindi ko na maiwasang mapatili sa nakakabaliw na pagsabog na nararamdaman ko sa ikabuturan ng pagkatao ko. At sa paglaon ng pagroromansa sa akin ni Benj, alam ko, hahanap-hanapin ko na ang pakiramdam na ito. Nawala ako sa mundo panandalian para matikman ang kakapirasong sarap ng langit. Pero dagli akong nagising nang malaman kong ako palay pabulusok na papunta ng impyerno.
Nang makaraos na si Benj, dagli siyang lumayo sa akin, sabay ng mga kaluskos sa paligid ko. Nalaman ko nalang na napapalibutan ako ng mga nakahubad na ring kabarkada ni Benj. Hinawakan ako ng isa sa kamay at isa sa kabila. May dagli ring humawak sa dalawa kong binti at pinilahan na ako ng dalawa o tatlong lalaking hindi ko maaninag sa dilim ng lugar. Hindi ko na gusto ang nangyayari. Pero wala akong magawa.
Wala silang patawad. Wala silang kunsensya. Hindi ko na alam kung kaninong ari na ang naglalaro sa ari kong nagdudugo na. Masakit. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang mismong pagkababae ko. Pero kahit gaano kalakas ang mga sigaw at iyak ko, hindi nila ako tinigilan. Demonyo silang lahat. Demonyo lahat ng lalaki sa mundo dahil masakit ang pagpirapiraso nila sa pagkatao ko.
Bumigay na ako sa sakit. Pinagdamot man sa akin ng diyos ang pagkawala ng ulirat ko para hindi ko na masaksihan ang ginagawa nilang kahayupan sa akin, nawalan naman na ako ng malay at lakas para gumalaw pa. Pero wala sa kanila yun. Hindi na ako makalaban. Nagdilim na ang paningin ko. Nanginginig na ang buo kong katawan pero patuloy sila sa pagbayo sa akin. Para akong isang manikang pinagpirapiraso. Para akong basahang pinagpunit-punit. Hindi sila nakuntento, pati tumbong ko hindi nila pinatawad. At pagsila'y nakaraos na, ipapainum nila sa akin ang likido ng kanilang kababuyan. Pilit kong sinusuka pero isa isa na nilang ipinasubo sa akin ang mga ari nila. Pilit ko silang kinakagat pero wala na rin akong lakas para gawin yun. Hindi ako makahinga. Hindi ako makasigaw. Hindi na ako makagalaw. Wala na akong magawa.
Kitang kita ko ang bawat eksena ng kasuklam suklam na ginawa nila sa akin. At ramdam na ramdam ko ang sakit na akala ko'y hindi ko na makakayanan. Hindi ko alam kung gaano katagal ang tinagal ng pangbababoy nila sa akin. Pero para sa akin, buong buhay ko, binuno ko sa impyreno. At alam ko sira na ang buhay ko. Pinunit na rin ng mga anak ng diablong bumaboy sa akin ang pagkatao ko. Wala na akong dignidad para ipagpatuloy pa ang mabuhay sa mundong ito.
Aaminin ko. Baril na ang hinihintay kong susunod na puputok. Sigurado akong papatayin na nila ako dahil nakita ko nang magbihis na ang isa sa kanila, dagli siyang bumunot ng baril mula sa itim niyang bag at agad niyang tinutok sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mabilis at masaklap na pagpanaw sa mundo pero hininto siya ng isa sa kanilang nakilala kong si Benj. Putang ina. Ngayon pa sila naawa sa akin.
Matapos nilang magbihis, ginapos na nila ako't binuhat ng nakahubad papunta sa isang van. Palitaw na rin ang araw sa liwanag sa labas ng bahay. O palubog nalang din ito. Tama. Palubog na ang araw para sa akin at kailan man, hindi na ako maaninagan ng liwanag.
Sa sasakyang luma kung saan nila ako sinakay, tinutukan ako ng patalim. Mukang mapurol. Mukhang gusto nilang unti-unti akong paslangin at unti unting gilitan ng leeg gamit yung mapurol na kutsilyong nakatutok sa akin. Pero hindi. Ipinagdamot pa rin sa akin ang kamatayang kanina ko pa hinahangad. At hindi ko na dapat asahan sa kanila ng ibulong nilang huwag ko raw sasabihin kahit kanino ang kung ano mang naganap kung hindi papatayin daw nila ang pamilya ko. Mga kampon ni Satanas. Marurunong.
Sa layo ng biyahe, nakahugot na rin ako ng kakaunting lakas. At naramdaman din ito ng mga demonyo kong kasama. Dahil sa pagkakagapos ko, napansin nilang unti unti na akong nakakapumiglas. Humagulgol ako ng todo ng itutok ulit sa akin ang patalim. Pinakawalan din nila ako nung naglaon at pinagbihis. Hindi ko na maintinihan ang amoy ko. Natuyong suka, laway at tumigas nang dumi ng pagkalalaki. Pero matalino pa rin silang ipagbawal tanggalin ang nasa telang nakatali sa bibig ko. Ibinaba nila ako ilang kilometro mula sa bahay namin. At kahit na nagingig ako, nakayanan kong lakarin hanggang sa amin. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, naalala ko ang bawat segundong tinagal ng mala-impyerno niyang pinagdaanan. Mataas na ang araw. Pero hindi na ata ako kailanman makakakita ng liwanag. Pagkarating ng bahay, hinimatay ako.
[Mansanas 4 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 3
III.
Nakakamanhid masaktan
Kaya wala na rin akong maramdaman sa tuwing ginagamit ako ng kung sinu-sino. Bato na rin akong maituturing dahil matagal ko nang pinaslang ang kunsensya ko. Naisuka ko na rin papalabas ang puso ko kaya hindi ko na rin alam kung paano magmahal o masaktan. Natuyuan na rin ako ng luha at wala na rin akong pakialam sa mundo. Basta ang alam ko, kailangan mabuhay ng anak ko at para mangyari yun, kailangan ko ring mabuhay. Yun na rin ata ang pinakamalupit na parusa sa akin. Ang mabuhay. Dahil kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal ko na sanang pinageksperementuhan ang iba't ibang epekto ng iba't ibang mga lason sa katawan.
Nangarap din naman ako kahit minsan. Fourth Year High school ako noon nung pangarapin kong maging isang magaling at sikat na abogado. At noong mga araw na iyon, sigurado ako sa sarili kong kaya ko siyang makamtan. Gumraduweyt akong valedictorian ng batch namin. Isang student leader at sikat sa paaralan dahil sa mga napalanuhang mga patimpalak sa quiz bee at mga speech contests. Tuwang tuwa sa akin sina daddy noon. At masaya din akong pinangangatawan ang pagiging apple of the eyes ng mga magulang ko. Wala kaming kapera-pera pero animo'y nagmilagro ang diyos dahil naipasok ako nila mommy sa pangarap kong unibersidad. Nangako naman ako na gagawin lahat lahat para makamit ang pangarap ko sa sarili ko at para sa kanila. Kung hindi ko sana ginawa yun hindi sana ganito kabigat sa akin ang lahat.
Matalino naman ako pero hindi ko alam bakit ko pinili ang katangahan at kagagahan. Siguro dahil natipuhan ko ang mga isinisigaw nila sa labas ng building namin, nadala na rin siguro ako sa haliw ng musika at radikal nilang pagiisip. Naisip ko rin na wala akong kaalamalam sa mundo kung ikukumpara sa mga napagdaanan nila. Nakakapangliit ang mga naiisip nila na oo, hindi ko naiintindihan. Pero ang hula ko, mahirap ang pinagdadaanan nila. Yun ang natatandaan ko. Unang semstre sa unang taon ko sa kolehiyo, nailantad ako ng unang beses sa magulong mundo na kung alam ko lang na sisira sa akin, hindi ko na pinasok.
Napabarkada ako sa isang sikat at radikal na banda. Wala sa akin na ako lang ang babae sa grupo at kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa kanila. Basta sigurado ako noon, gusto kong mapabilang sa magugulong grupo na ito ng kabataan na wala na atang ginawa kung hindi magkalat ng sama ng loob sa mundo sa mga maiingay at galit nilang musika. At dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa musika at sa dedikasyon nila sa kung ano mang pinaglalaban nila, napalapit na sa akin ang bawat isang miyembro. Lalong lalo na kay Benj ang gitarista ng grupo.
Nakakabilib ang husay ni Benj sa pagigitara. Hinahawakan niya ang katawan ng gitara niya na animo'y isang babaeng nakikipagromansa at nakikipagtalik sa kaniya. At kung paano niya iniwawagayway ang mahahaba at pawisan niyang buhok sa indayog ng tugtugin nila. HIndi na rin siguro mapapantayan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang piniprito ang gitara niya sa paglalaro ng kamay niya. Minsan naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng paglaruan ng mga daliri at romansahin ng ganoon ni Benj? Iiyak din kaya ako sa sarap tulad ng gitara niya?
Wala na akong namalayan sa nangyayari sa akin. Naadik na ata ako sa taong ito. Napapadalas ang paghingi ko ng pera kina mommy masundan lang siya sa magulo niyang mundo. Napaparami na rin ang absent ko sa mga klase ko. Pababa na rin ng pababa ang grades ko sa mga subjects kasama na ng kredibilidad ko bilang isang estudyante. Pati ang pangalan at reputasyon ko bilang isang mabuting anak, magaaral at tao unti-unti na ring nalulugmok sa kawalan. At ang nakakatakot, ayos lang sa akin. Basta't maipagpilitan ko ang sarili ko sa magulong mundo ni Benj ayos lang sa akin.
Ang pangarap kong maging isang sikat at mahusay na abogado napalitan ng panaginip na magitara din ako ni Benj tulad ng pagbayo niya sa gitara niya. At kahit na minsan nararamdaman ko ang pagtaboy niya sa akin, ayos lang din sa akin basta't napapansin ako ayos lang.
May maganda namang naibubunga ang paglalandi sa kanya eh. Dumadalas na rin kasi ang paguusap at pagkain namin sa iba't ibang magugulo at madidilim na bars. Ayos lang sa akin na magulo ang mundo ko basta't siya ang gumugulo.
Ang simpleng ngitian napunta sa hawakan ng kamay at sumunod ang pasimpleng hawak kung saan saan. Hindi itinuro at sa halip ay ipinagbawal ito ng aking mga butihing magulang pero handa akong matutuhan ito para sa ikasisiya ni Benj. At hindi naglaon, nadadama ko, unti unti na niyang ipinagpapalit ang gitara niya sa akin. Mas madalas na niya akong romansahin at paglaruan at pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo sa tuwing nararamdaman kong dumadampi ang dulo ng mga ngipin niya sa dulo ng tenga ko o pag natitikman ko ang paglalaro ng dila niya sa loob ng bibig ko sa tuwing naghahalikan kami sa madidilim na sulok ng unibersidad o ng mga bar at kanilang mga tambayan. Isa lang ang hindi ko maisuko. Dahil sa tuwing nararamdaman ko ang makalyo niyang mga daliri na pilit ipinapasok sa loob ng panty ko, naaalala ko ang mga pangaral sa akin ni mommy at hinihila ako ng kunsensya ko sa katotohanang hindi pa ako handa. At sa tuwing pagpipilitan ko ang punto ko kay Benj, dagli nalang siyang umaalis na galit at bitin na bitin.
Hindi na isa o tatlong beses nangyari sa amin ito. Hindi na rin isa o tatlo beses siyang nagwawala sa harap ko. At nararamdaman ko, unti unti na ring nawawalan ng pasensya sa akin si Benj. Pero hindi ko talaga siya pwedeng pagbigyan. Dahil alam kong baka pag pinagbigyan ko siya, may mabuong dugo dito sa sinapupunan ko at hindi ko makakayanang pangatawanan yun. Hanggang sa hinamon ako ng tadhana.
[Mansanas 3 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 2
II.
Nakakasawa na ring umuwi sa bahay.
Siyempre wala na rin akong masabihan sa bahay. Hindi na rin kasi kami nagkikita at nagkakausap ni mommy eh. Hindi na rin kasi sila bumababa sa second floor ng bahay. Si daddy naman sobrang nagpapakamatay sa trabaho. Kahit na inaatake na siya ng pulmunya sige pa rin ang kayod. Alam ko. Naririnig ko ang mga parusa niyang pagubo sa gabi mula sa pangalawang palapag ng bahay namin kasabay ng masasakit na hikbi at hagulgol na alam ko dahil sa akin. Hindi ko maamin pero namimiss ko na talaga siya. Hindi ko na rin kasi siya nakikita kasi siguro ayaw niyang magpakita. Pilit binubura sa pagtatrabaho ang ala-ala na ang nagiisa niyang anak ay nayari at nababoy ng maaga kaya pilit na rin niyang tinatanggap, kahit gaano kasakit, na basura ang minamahal at inaruga niyang pamilya. At tulad din nito, matatawag na ring patapon ang buhay niya. Ganoon talaga si daddy. Inaangkin niya ang lahat ng kasalanan pero duwag siyang maituturing dahil ayaw niyang harapin ang mga problema niya. Oo. Problema na niya ako ngayon. Kung sa bagay, palagi naman niyang sinasabi na hindi naman niya ako masisisi dahil hindi ko naman daw kasalanan. Pero hindi ko pa rin masabi hanggang ngayon kung sinasabi niya yun para paniwalain ako o para paniwalain ang sarili niya. At sa totoo lang, mas lalo akong nasasaktan kapag sinasabi niya iyon.
Hindi naman ganito dati eh. Noon laging inaabangan nila mommy ang paguwi ko dahil panigurado, may uwi akong mataas na marka, medalya o tropeyo at mga awards sa mga patimpalak sa eskwelahan. "Apple of the eyes" akong maituturing noon. kaya siguro Apple ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. Inakala din nilang lalaki akong maganda at tinitingala ng lahat na parang isang mansanas sa itaas ng puno. Lahat natatakam na nakatingala sa bunga pero kakaunti lang ang mapapahintulutang tikman. Yun ang akala nila. Dahil iba ang plano sa akin ng tadhana.
Ngayon ni ayaw na nila akong makita. Pero ayos lang yun kasi kahit papaano inaalagaan nila ang anak ko habang nagpapakadumi ako sa lansanganan. Masuwerte na rin siguro ako na tumira dito sa amin at hindi mapalayas. Libre na nga ang tirahan maghahangad pa ako na ituring na parang isang tunay na anak. Matagal na ring inalis sa akin yung karapatan na yun nung napagdesisyunan kong magpadala sa tawag ng damdamin at laman. Kaya kailangan ko itong pagsisihan. Ayos na yung anak ko ang palakihin nila ng tama. Okey na yung mapunta sa anak ko ang dati nilang pagmamahal sa akin. Tama na yung turuan nila ang anak ko na huwag gagayahin ang patapon nilang ina at ang mga ama nilang tropa ni satanas. Pero kung ako ang tatanungin ayaw ko nang tumira sa bahay na ito. Masyado nang mabigat ang nangyayari sa akin. Dumadagdag pa ang mga masasayang ala-ala sa bahay na ito. Gusto ko rin namang magsimula ng tama para na rin sa anak ko.
Hindi na rin tulad ng dati, hindi na nila inaabangan ang pagdating ko. Siguro kasi wala na rin akong medalya, matataas na marka o magandang balita na maiuuwi. Wala na rin kasing pakialam sa akin sila mommy. Hindi na sila nagaalala kung kumain na ba ako o may nahanap na akong trabaho. basta nagiiwan ako ng pera sa taas ng ref namin ayos na sa kanila yun. Kaya naman sa halip na mga awards sa eskwela ang inuuwi ko, nagtatakas nalang ako ng mga costumers na walang pambayad ng motel. Ang hirap naman sa lagay naming dalawa na magyayarian sa kalsada. gastos pa pag nahuli. Ganito ako maglandi. Mas ayos kung sa akin na lang ibabayad ng hinayupak kong costumer ang dapat ibabayad niya sa motel. Pang dagdag din yun sa panggatas ng anak ko o anu mang gamot kontra sa mga souvenir na sakit na iniiwan ng mga gumagamit sa akin. Hindi rin naman malalaman nila mommy na nagdadala ako ng lalaki sa bahay kasi hindi naman na sila bumababa mula sa pangalawang palapag ng bahay. Tama. Dun sila sa langit at dito ako sa impyerno. Binababoy ng sari-saring mga demonyo kapalit ng kaunting ginhawa para sa anak ko.
Noong una nahirapan din akong babuyin ang sariling bahay. Siyempre nakakatakot na ibigay ang address ng bahay ko at magpapasok ng kung sino lang sa bahay namin. Buti nalang at isa sa mga suki ko sa kama ang pulis kong kapitbahay na baliw na baliw daw sa akin lalo na kung sineserbisyo ko siya. Kaya sinisigurado niyang walang sinuman ang pwedeng manggulo sa amin. Kalaunan din nawala na rin sa akin yung kahihiyan tulad nalang ng natitira kong dignidad. At wala na talagang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko naman sila masisisi. Wala naman din silang kasalanan eh. Oo. Puro kami inosente dito. Hindi ko kasalanan at lalong hindi kasalanan nila mommy na ang nagiisa nilang Apple of the eyes ay mabingwit at mabato pabagsak, makagatan ng sari-saring bibig, itapon at hayaang mabulok sa lupa. Hindi ko kasalan dahil hindi ko ginusto ito. At hindi kasalanan ng magulang ko dahil alam ko pinalaki nila akong mabuti. yun nga lang hinayaan nalang nila akong mabulok sa kinalalagyan ko.
[Mansanas 2 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Monday, June 16, 2008
Mansanas (Inspired by a true story) Part 1
I.
Pagod na pagod na ako magtrabaho.
Siyempre sa sarili ko lang pwedeng sabihin ito. Dahil wala na akong karapatang magreklamo. Kung ang karapatan ngang tumawa at maging maligaya wala na rin akong karapatan yun pa kayang karapatang magreklamo?
Wala eh. Kailangang kumita kahit pang tawid gutom lang namin ng anak ko. Minsan nga kahit ako nalang ang kumain para sa maghapon. Kailangan nga lang magtiis nitong isang taong gulang kong anak sa kahit anong mahihita niya sa suso ko. Kailangan niyang magtiis. Tutal nakarami naman dito yung mga ama niya hindi ba? At isa pa, andiyan naman sina mommy at daddy eh. Matatawag na rin sigurong suwerte yun.
Hindi rin kasi sapat minsan ang nakukuha ko sa pag-puputa sa may highway para sa aming mag-ina. Marami na rin akong kakumpitensya sa pagsusuot ng maiikling shorts at spaghetti straps dito sa may amin. Kadalasan nadadaig ako ng mas bata na may mas mapuputi at makikinis na balat. Yung tipong pag natutukan ng headlights ng costumer siguradong kumikinang sila sa ganda. Panigurado sila ang maisasakay. Talo nanaman ako sa laro ng tadhana. Kasi kung ikukumpara sa kanila, kahit tutukan ako ng headlights ng sasakyan panigurado hindi pa rin nila ako mapapansin. Siguro kung nung medyo bata pa ako't hapit pa ang balat at pantay pa ang kulay ng hita't tuhod ko, pwede pa akong makipagsabayan sa mga bagong salta na ito. Suwerte nang maka dalawa o tatlo ang gumagamit sa akin kada linggo. Karamihan nga lang dito ay mga pulubi na sekyo o construction workers na mas inuuna ang pangangati ng mga ari nila kesa sa sabong panligo o deodorant man lang. Kaya alam ko na ang lahat ng kabahuan ng mundong ito na nabubulok na rin sa impyerno.
[Mansanas 1 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Subscribe to:
Posts (Atom)