III.
Nakakamanhid masaktan
Kaya wala na rin akong maramdaman sa tuwing ginagamit ako ng kung sinu-sino. Bato na rin akong maituturing dahil matagal ko nang pinaslang ang kunsensya ko. Naisuka ko na rin papalabas ang puso ko kaya hindi ko na rin alam kung paano magmahal o masaktan. Natuyuan na rin ako ng luha at wala na rin akong pakialam sa mundo. Basta ang alam ko, kailangan mabuhay ng anak ko at para mangyari yun, kailangan ko ring mabuhay. Yun na rin ata ang pinakamalupit na parusa sa akin. Ang mabuhay. Dahil kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal ko na sanang pinageksperementuhan ang iba't ibang epekto ng iba't ibang mga lason sa katawan.
Nangarap din naman ako kahit minsan. Fourth Year High school ako noon nung pangarapin kong maging isang magaling at sikat na abogado. At noong mga araw na iyon, sigurado ako sa sarili kong kaya ko siyang makamtan. Gumraduweyt akong valedictorian ng batch namin. Isang student leader at sikat sa paaralan dahil sa mga napalanuhang mga patimpalak sa quiz bee at mga speech contests. Tuwang tuwa sa akin sina daddy noon. At masaya din akong pinangangatawan ang pagiging apple of the eyes ng mga magulang ko. Wala kaming kapera-pera pero animo'y nagmilagro ang diyos dahil naipasok ako nila mommy sa pangarap kong unibersidad. Nangako naman ako na gagawin lahat lahat para makamit ang pangarap ko sa sarili ko at para sa kanila. Kung hindi ko sana ginawa yun hindi sana ganito kabigat sa akin ang lahat.
Matalino naman ako pero hindi ko alam bakit ko pinili ang katangahan at kagagahan. Siguro dahil natipuhan ko ang mga isinisigaw nila sa labas ng building namin, nadala na rin siguro ako sa haliw ng musika at radikal nilang pagiisip. Naisip ko rin na wala akong kaalamalam sa mundo kung ikukumpara sa mga napagdaanan nila. Nakakapangliit ang mga naiisip nila na oo, hindi ko naiintindihan. Pero ang hula ko, mahirap ang pinagdadaanan nila. Yun ang natatandaan ko. Unang semstre sa unang taon ko sa kolehiyo, nailantad ako ng unang beses sa magulong mundo na kung alam ko lang na sisira sa akin, hindi ko na pinasok.
Napabarkada ako sa isang sikat at radikal na banda. Wala sa akin na ako lang ang babae sa grupo at kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa kanila. Basta sigurado ako noon, gusto kong mapabilang sa magugulong grupo na ito ng kabataan na wala na atang ginawa kung hindi magkalat ng sama ng loob sa mundo sa mga maiingay at galit nilang musika. At dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa musika at sa dedikasyon nila sa kung ano mang pinaglalaban nila, napalapit na sa akin ang bawat isang miyembro. Lalong lalo na kay Benj ang gitarista ng grupo.
Nakakabilib ang husay ni Benj sa pagigitara. Hinahawakan niya ang katawan ng gitara niya na animo'y isang babaeng nakikipagromansa at nakikipagtalik sa kaniya. At kung paano niya iniwawagayway ang mahahaba at pawisan niyang buhok sa indayog ng tugtugin nila. HIndi na rin siguro mapapantayan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang piniprito ang gitara niya sa paglalaro ng kamay niya. Minsan naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng paglaruan ng mga daliri at romansahin ng ganoon ni Benj? Iiyak din kaya ako sa sarap tulad ng gitara niya?
Wala na akong namalayan sa nangyayari sa akin. Naadik na ata ako sa taong ito. Napapadalas ang paghingi ko ng pera kina mommy masundan lang siya sa magulo niyang mundo. Napaparami na rin ang absent ko sa mga klase ko. Pababa na rin ng pababa ang grades ko sa mga subjects kasama na ng kredibilidad ko bilang isang estudyante. Pati ang pangalan at reputasyon ko bilang isang mabuting anak, magaaral at tao unti-unti na ring nalulugmok sa kawalan. At ang nakakatakot, ayos lang sa akin. Basta't maipagpilitan ko ang sarili ko sa magulong mundo ni Benj ayos lang sa akin.
Ang pangarap kong maging isang sikat at mahusay na abogado napalitan ng panaginip na magitara din ako ni Benj tulad ng pagbayo niya sa gitara niya. At kahit na minsan nararamdaman ko ang pagtaboy niya sa akin, ayos lang din sa akin basta't napapansin ako ayos lang.
May maganda namang naibubunga ang paglalandi sa kanya eh. Dumadalas na rin kasi ang paguusap at pagkain namin sa iba't ibang magugulo at madidilim na bars. Ayos lang sa akin na magulo ang mundo ko basta't siya ang gumugulo.
Ang simpleng ngitian napunta sa hawakan ng kamay at sumunod ang pasimpleng hawak kung saan saan. Hindi itinuro at sa halip ay ipinagbawal ito ng aking mga butihing magulang pero handa akong matutuhan ito para sa ikasisiya ni Benj. At hindi naglaon, nadadama ko, unti unti na niyang ipinagpapalit ang gitara niya sa akin. Mas madalas na niya akong romansahin at paglaruan at pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo sa tuwing nararamdaman kong dumadampi ang dulo ng mga ngipin niya sa dulo ng tenga ko o pag natitikman ko ang paglalaro ng dila niya sa loob ng bibig ko sa tuwing naghahalikan kami sa madidilim na sulok ng unibersidad o ng mga bar at kanilang mga tambayan. Isa lang ang hindi ko maisuko. Dahil sa tuwing nararamdaman ko ang makalyo niyang mga daliri na pilit ipinapasok sa loob ng panty ko, naaalala ko ang mga pangaral sa akin ni mommy at hinihila ako ng kunsensya ko sa katotohanang hindi pa ako handa. At sa tuwing pagpipilitan ko ang punto ko kay Benj, dagli nalang siyang umaalis na galit at bitin na bitin.
Hindi na isa o tatlong beses nangyari sa amin ito. Hindi na rin isa o tatlo beses siyang nagwawala sa harap ko. At nararamdaman ko, unti unti na ring nawawalan ng pasensya sa akin si Benj. Pero hindi ko talaga siya pwedeng pagbigyan. Dahil alam kong baka pag pinagbigyan ko siya, may mabuong dugo dito sa sinapupunan ko at hindi ko makakayanang pangatawanan yun. Hanggang sa hinamon ako ng tadhana.
[Mansanas 3 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
yeezys
balenciaga shoes
yeezy
jordan shoes
offwhite
off white
golden goose outlet
mbt shoes
lebron 15
kobe shoes
Post a Comment