si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Tuesday, June 17, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Part 2

II.

Nakakasawa na ring umuwi sa bahay.

Siyempre wala na rin akong masabihan sa bahay. Hindi na rin kasi kami nagkikita at nagkakausap ni mommy eh. Hindi na rin kasi sila bumababa sa second floor ng bahay. Si daddy naman sobrang nagpapakamatay sa trabaho. Kahit na inaatake na siya ng pulmunya sige pa rin ang kayod. Alam ko. Naririnig ko ang mga parusa niyang pagubo sa gabi mula sa pangalawang palapag ng bahay namin kasabay ng masasakit na hikbi at hagulgol na alam ko dahil sa akin. Hindi ko maamin pero namimiss ko na talaga siya. Hindi ko na rin kasi siya nakikita kasi siguro ayaw niyang magpakita. Pilit binubura sa pagtatrabaho ang ala-ala na ang nagiisa niyang anak ay nayari at nababoy ng maaga kaya pilit na rin niyang tinatanggap, kahit gaano kasakit, na basura ang minamahal at inaruga niyang pamilya. At tulad din nito, matatawag na ring patapon ang buhay niya. Ganoon talaga si daddy. Inaangkin niya ang lahat ng kasalanan pero duwag siyang maituturing dahil ayaw niyang harapin ang mga problema niya. Oo. Problema na niya ako ngayon. Kung sa bagay, palagi naman niyang sinasabi na hindi naman niya ako masisisi dahil hindi ko naman daw kasalanan. Pero hindi ko pa rin masabi hanggang ngayon kung sinasabi niya yun para paniwalain ako o para paniwalain ang sarili niya. At sa totoo lang, mas lalo akong nasasaktan kapag sinasabi niya iyon.

Hindi naman ganito dati eh. Noon laging inaabangan nila mommy ang paguwi ko dahil panigurado, may uwi akong mataas na marka, medalya o tropeyo at mga awards sa mga patimpalak sa eskwelahan. "Apple of the eyes" akong maituturing noon. kaya siguro Apple ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. Inakala din nilang lalaki akong maganda at tinitingala ng lahat na parang isang mansanas sa itaas ng puno. Lahat natatakam na nakatingala sa bunga pero kakaunti lang ang mapapahintulutang tikman. Yun ang akala nila. Dahil iba ang plano sa akin ng tadhana.

Ngayon ni ayaw na nila akong makita. Pero ayos lang yun kasi kahit papaano inaalagaan nila ang anak ko habang nagpapakadumi ako sa lansanganan. Masuwerte na rin siguro ako na tumira dito sa amin at hindi mapalayas. Libre na nga ang tirahan maghahangad pa ako na ituring na parang isang tunay na anak. Matagal na ring inalis sa akin yung karapatan na yun nung napagdesisyunan kong magpadala sa tawag ng damdamin at laman. Kaya kailangan ko itong pagsisihan. Ayos na yung anak ko ang palakihin nila ng tama. Okey na yung mapunta sa anak ko ang dati nilang pagmamahal sa akin. Tama na yung turuan nila ang anak ko na huwag gagayahin ang patapon nilang ina at ang mga ama nilang tropa ni satanas. Pero kung ako ang tatanungin ayaw ko nang tumira sa bahay na ito. Masyado nang mabigat ang nangyayari sa akin. Dumadagdag pa ang mga masasayang ala-ala sa bahay na ito. Gusto ko rin namang magsimula ng tama para na rin sa anak ko.

Hindi na rin tulad ng dati, hindi na nila inaabangan ang pagdating ko. Siguro kasi wala na rin akong medalya, matataas na marka o magandang balita na maiuuwi. Wala na rin kasing pakialam sa akin sila mommy. Hindi na sila nagaalala kung kumain na ba ako o may nahanap na akong trabaho. basta nagiiwan ako ng pera sa taas ng ref namin ayos na sa kanila yun. Kaya naman sa halip na mga awards sa eskwela ang inuuwi ko, nagtatakas nalang ako ng mga costumers na walang pambayad ng motel. Ang hirap naman sa lagay naming dalawa na magyayarian sa kalsada. gastos pa pag nahuli. Ganito ako maglandi. Mas ayos kung sa akin na lang ibabayad ng hinayupak kong costumer ang dapat ibabayad niya sa motel. Pang dagdag din yun sa panggatas ng anak ko o anu mang gamot kontra sa mga souvenir na sakit na iniiwan ng mga gumagamit sa akin. Hindi rin naman malalaman nila mommy na nagdadala ako ng lalaki sa bahay kasi hindi naman na sila bumababa mula sa pangalawang palapag ng bahay. Tama. Dun sila sa langit at dito ako sa impyerno. Binababoy ng sari-saring mga demonyo kapalit ng kaunting ginhawa para sa anak ko.

Noong una nahirapan din akong babuyin ang sariling bahay. Siyempre nakakatakot na ibigay ang address ng bahay ko at magpapasok ng kung sino lang sa bahay namin. Buti nalang at isa sa mga suki ko sa kama ang pulis kong kapitbahay na baliw na baliw daw sa akin lalo na kung sineserbisyo ko siya. Kaya sinisigurado niyang walang sinuman ang pwedeng manggulo sa amin. Kalaunan din nawala na rin sa akin yung kahihiyan tulad nalang ng natitira kong dignidad. At wala na talagang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko naman sila masisisi. Wala naman din silang kasalanan eh. Oo. Puro kami inosente dito. Hindi ko kasalanan at lalong hindi kasalanan nila mommy na ang nagiisa nilang Apple of the eyes ay mabingwit at mabato pabagsak, makagatan ng sari-saring bibig, itapon at hayaang mabulok sa lupa. Hindi ko kasalan dahil hindi ko ginusto ito. At hindi kasalanan ng magulang ko dahil alam ko pinalaki nila akong mabuti. yun nga lang hinayaan nalang nila akong mabulok sa kinalalagyan ko.

[Mansanas 2 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

2 comments:

Anonymous said...

[p]Now listen to the "inner voice" from the [url=http://www.suggbootsclearanceuk.co.uk]ugg boots sale[/url] opponent . Plus here i will discuss the key reason why: * They really are while in the improper sector . Hopefully, you will get some inspirations to produce [url=http://www.suggbootsclearanceuk.co.uk]ugg boots uk[/url] a hit this season with cut Ugg pairs . "Fatliquors are part of leather manufacturing that help to lubricate the collagen fiber and allow them to move flexibly and freely once the skin [url=http://www.uggoutletssalesuk.co.uk]ugg boots outlet uk

[/url] is dried . A good pair ofchristian [url=http://www.suggbootsclearanceuk.co.uk]cheap ugg boots uk sale[/url] louboutin outletugg boots fit between the straps is also a great bet for girls and women to stand out from the crowd . Running, walking or coaching [url=http://www.suggbootsclearanceuk.co.uk]cheap ugg boots clearance sale[/url] on just about any surface is feasible with the technology that has been incorporated into its style . The bests are abounding and it is you who acquire to annihilation in on the appetite you appetite as [url=http://www.uggoutletssalesuk.co.uk]cheap ugg boots sale[/url] able as on ones that clothings your birthmarket . How did it come into being? The UGG Tall Boots were first used in World War I by pilots and they were used by most Australians as a way to keep their feet warm in winter.[/p]

Anonymous said...

EzcHpv [url=http://longchampbagsoutlet.devhub.com]longchamp outlet[/url] QdjYac QoqDrz [url=http://sacslongchampfrance.devhub.com]longchamp pliage[/url] QtaXdc BguSdf [url=http://guesswatches201.ucoz.co.uk]guess watches 2013[/url] GlgHrr WyfSit [url=http://burberryoutlet.ucoz.co.uk]Burberry scarf[/url] EfyTga LyfWnw [url=http://longchampuk2013.ucoz.co.uk]longchamp 2013[/url] XlhWsl
2013 Who Wants [url=http://michael-kors-sac-soldes.webnode.fr]michael kors sac soldes[/url] To Know How To Make It To The michael kors Top Rated Position. [url=http://longchampsacsfr9.webnode.fr]longchamp pliage solde[/url] Is Raving About [url=http://longchampsacsfr.webnode.fr]sacs longchamp soldes[/url] To Study Or End Up Being Left Out Another Fatal Mistake Discovered Around [url=http://isabelshoesale.ucoz.co.uk]isabel marant boots[/url], sneakers And The Way To Bypass [url=http://sitemichaelkors.webnode.fr]site michael kors[/url], Strategies To MK In Note By Note Details
AnkJce [url=http://chaussuresisabellemarantprix.webstarts.com]chaussures isabelle marant[/url] NmuFse BhkFai [url=http://sacguesssoldes.webstarts.com]sac guess soldes[/url] FrfPyg XtkAwz [url=http://longchamppascherpliage.weebly.com]longchamp pas cher[/url] OvkSzl NbrZpi [url=http://isabellemarantsneakersimitation.weebly.com]isabelle marant 2013[/url] UpuKyy UamQzh [url=http://sacmichaelkorssoldes.weebly.com]sac michael kors[/url] NyvGrq
GobTpm [url=http://isabellemarantcollection.devhub.com]isabelle marant collection 2013[/url] XgtYwq IouCfq [url=http://longchampsoldes2013.devhub.com]longchamp soldes 2013[/url] OblNji TloNyg [url=http://sacguesspascher2.webnode.fr]sacs Guess[/url] QtmNft ZhnZzh [url=http://isabelmarantbottes7.webnode.fr]isabel marant chaussures[/url] BryMjm YwjDgo [url=http://soldeslongchamppliage.webnode.fr]sac longchamp pliage solde[/url] ZgnOnz