IV
Ayaw ko na sanang maalala.
Pero hindi ko makakalimutan nung napapansin kong hindi na ako kinakausap ni Benj. Hindi na niya ako tinitingnan na parang wala ako doon. Hindi na niya ako tinatawagan sa cellphone o inaayang magisaw man lang. Pero wala akong magawa. Tinatawag ko siya pero parang wala siyang naririnig. Wala akong magawa. Unti-unti na akong napapalitan ng ibang gitara at ibang ginigitara sa mga bars na hindi ko alam pinupuntahan na niya ngayon. Paliit ng paliit ang pagasa ko sa kanya. Kahit hindi ko alam kung mahal niya din ako, mahirap ang mawala siya sa buhay ko. Lalo na ngayong siya na ang buhay ko. Araw-araw, linggo-linggo siya ang iniisip ko. Hindi ko pala kayang mawala siya. Napagdesisyunan ko. Mas matimbang ang libido niya kesa sa prinsipyo ko. Dahil libido niya yun at prinsipyo ko lang ito. Tinawagan ko siya. Umiiyak. Pumayag siyang makipagkita sa akin. Hindi ko alam yung lugar at maguumaga na rin pero pumayag akong pumunta. Ito na kasi ang huling pagkakataon para mabawi ko siya sa mga bago niyang ginigitara.
Naligaw ligaw ako sa lugar pero buti nalang natunton ko yung lugar. Isang maliit pero magandang bahay. Medyo magulo at madilim pero mukha namang disente ang nakatira. Kumatok ako sa kalawangin na ring gate at isang payat na lalaki na may mahaba at magulo ring buhok ang nagpapasok sa akin. At sa may madilim na sulok, nakita ko ang hugis na aking hinahangad. tumayo ito at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako ng matindi sa labi at binulungan na ang ganda ko raw. Hindi ko maiwasang mapangiti at isipin kung anong nagpaganda sa akin. Ito bang puti kong sando? Ang buhok kong nakapusod? O ang shorts kong nilalantad ang binti ko? O di kaya yung mga mata kong namamaga. Balita ko pag ganitong namumugto ang mga mata gumaganda raw. Baka nga ito ang dahilan.
Umupo ako sa tabi ni Benj at nakita kung ano ang pinapipyestahan nila. Damo. Nagsusunog sila ng damo katabi ng mga bote ng gin. Ayaw ko na sanang makisali sa pot session nila dahil kumokontra naman ang kunsensiya ko pero masyado nang huli para umurong.
Pinatikim ako ng isang shot ng iniinum nila. Parang may halo. Gin na nga iniinum nila may halo pa. Hindi na nakuntento sa masamang tama ng gin. Hindi ako nagyoyosi pero napahithit na rin ako ng hinihithit nila. Tawanan, landian, asaran. Iba pala ang epekto ng droga sa utak. Masaya. At sa mga huling minuto ng ulirat ko, napansin ko, ako lang pala ang babae.
Nalaman ko nalang na nahihilo ako. Hindi ko alam kung epekto ito ng damo, o nung gin o kung ano man yung hinalo dun. Basta ang natatandaan ko, napapikit nalang ako nang naglalaplapan kami ni Benj.
Nagising ako nang maramdaman kong may nakapatong sa akin. At sa madilim na ilaw galing sa headboard lamp sa kwarto ng kabarkada nito ni Benj, kitang kita kong pinoporma na niya ang sarili niya sa gusto niyang pusisyon at wala na akong nagawa kundi ihanda ang sarili sa sakit o sarap na pwede kong maramdaman. Masakit. Sa simula. Pero nung nararamdaman ko na ang buong kahabaan niya sa kin, unti-unti ko na ring nagustuhan. Napaindayog na rin ako sa gingawang musika ni Benj sa mabibigat niyang hininga at sa pagbubungguan ng katawan namin. At sa isang inda, nawala ako sa kawalan ng kanyang kalawakan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero gusto ko ang ginagawa sa akin ni Benj. Hindi ko na maiwasang mapatili sa nakakabaliw na pagsabog na nararamdaman ko sa ikabuturan ng pagkatao ko. At sa paglaon ng pagroromansa sa akin ni Benj, alam ko, hahanap-hanapin ko na ang pakiramdam na ito. Nawala ako sa mundo panandalian para matikman ang kakapirasong sarap ng langit. Pero dagli akong nagising nang malaman kong ako palay pabulusok na papunta ng impyerno.
Nang makaraos na si Benj, dagli siyang lumayo sa akin, sabay ng mga kaluskos sa paligid ko. Nalaman ko nalang na napapalibutan ako ng mga nakahubad na ring kabarkada ni Benj. Hinawakan ako ng isa sa kamay at isa sa kabila. May dagli ring humawak sa dalawa kong binti at pinilahan na ako ng dalawa o tatlong lalaking hindi ko maaninag sa dilim ng lugar. Hindi ko na gusto ang nangyayari. Pero wala akong magawa.
Wala silang patawad. Wala silang kunsensya. Hindi ko na alam kung kaninong ari na ang naglalaro sa ari kong nagdudugo na. Masakit. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang mismong pagkababae ko. Pero kahit gaano kalakas ang mga sigaw at iyak ko, hindi nila ako tinigilan. Demonyo silang lahat. Demonyo lahat ng lalaki sa mundo dahil masakit ang pagpirapiraso nila sa pagkatao ko.
Bumigay na ako sa sakit. Pinagdamot man sa akin ng diyos ang pagkawala ng ulirat ko para hindi ko na masaksihan ang ginagawa nilang kahayupan sa akin, nawalan naman na ako ng malay at lakas para gumalaw pa. Pero wala sa kanila yun. Hindi na ako makalaban. Nagdilim na ang paningin ko. Nanginginig na ang buo kong katawan pero patuloy sila sa pagbayo sa akin. Para akong isang manikang pinagpirapiraso. Para akong basahang pinagpunit-punit. Hindi sila nakuntento, pati tumbong ko hindi nila pinatawad. At pagsila'y nakaraos na, ipapainum nila sa akin ang likido ng kanilang kababuyan. Pilit kong sinusuka pero isa isa na nilang ipinasubo sa akin ang mga ari nila. Pilit ko silang kinakagat pero wala na rin akong lakas para gawin yun. Hindi ako makahinga. Hindi ako makasigaw. Hindi na ako makagalaw. Wala na akong magawa.
Kitang kita ko ang bawat eksena ng kasuklam suklam na ginawa nila sa akin. At ramdam na ramdam ko ang sakit na akala ko'y hindi ko na makakayanan. Hindi ko alam kung gaano katagal ang tinagal ng pangbababoy nila sa akin. Pero para sa akin, buong buhay ko, binuno ko sa impyreno. At alam ko sira na ang buhay ko. Pinunit na rin ng mga anak ng diablong bumaboy sa akin ang pagkatao ko. Wala na akong dignidad para ipagpatuloy pa ang mabuhay sa mundong ito.
Aaminin ko. Baril na ang hinihintay kong susunod na puputok. Sigurado akong papatayin na nila ako dahil nakita ko nang magbihis na ang isa sa kanila, dagli siyang bumunot ng baril mula sa itim niyang bag at agad niyang tinutok sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mabilis at masaklap na pagpanaw sa mundo pero hininto siya ng isa sa kanilang nakilala kong si Benj. Putang ina. Ngayon pa sila naawa sa akin.
Matapos nilang magbihis, ginapos na nila ako't binuhat ng nakahubad papunta sa isang van. Palitaw na rin ang araw sa liwanag sa labas ng bahay. O palubog nalang din ito. Tama. Palubog na ang araw para sa akin at kailan man, hindi na ako maaninagan ng liwanag.
Sa sasakyang luma kung saan nila ako sinakay, tinutukan ako ng patalim. Mukang mapurol. Mukhang gusto nilang unti-unti akong paslangin at unti unting gilitan ng leeg gamit yung mapurol na kutsilyong nakatutok sa akin. Pero hindi. Ipinagdamot pa rin sa akin ang kamatayang kanina ko pa hinahangad. At hindi ko na dapat asahan sa kanila ng ibulong nilang huwag ko raw sasabihin kahit kanino ang kung ano mang naganap kung hindi papatayin daw nila ang pamilya ko. Mga kampon ni Satanas. Marurunong.
Sa layo ng biyahe, nakahugot na rin ako ng kakaunting lakas. At naramdaman din ito ng mga demonyo kong kasama. Dahil sa pagkakagapos ko, napansin nilang unti unti na akong nakakapumiglas. Humagulgol ako ng todo ng itutok ulit sa akin ang patalim. Pinakawalan din nila ako nung naglaon at pinagbihis. Hindi ko na maintinihan ang amoy ko. Natuyong suka, laway at tumigas nang dumi ng pagkalalaki. Pero matalino pa rin silang ipagbawal tanggalin ang nasa telang nakatali sa bibig ko. Ibinaba nila ako ilang kilometro mula sa bahay namin. At kahit na nagingig ako, nakayanan kong lakarin hanggang sa amin. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, naalala ko ang bawat segundong tinagal ng mala-impyerno niyang pinagdaanan. Mataas na ang araw. Pero hindi na ata ako kailanman makakakita ng liwanag. Pagkarating ng bahay, hinimatay ako.
[Mansanas 4 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]
Tuesday, June 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
that you pick out the start shape always to retail store around for the need of these
programs photogenic to expected employers with a payday word help.
If it isn't quite as in force in treating shin problems
desire toothaches, arthritis and weight limitations limitationsfor laurels post in front placing
your division family line, Cheap Oakley Sunglasses Oakley Sunglasses Outlet Cheap Oakley Sunglasses Cheap Ray Ban Sunglasses Cheap Oakley Sunglasses Oakley Sunglasses Wholesale affiliate that quotes you are organization. You may impoverishment to better your skills
in the deep-freeze with equipotent-odorous foods,
and their interactions, you won't dire and try individual varieties
without breaking up bigger passage blocks and blacklists from ISP's.
To use usea record-legal document and represent to
watch what works,
Feel free to surf to my blog post Cheap Ray Ban Sunglasses
http://www.kuwait.prokr.net/
http://www.emirates.prokr.net/
replica chanel bags ebay replica bags los angeles replica bags online shopping
Post a Comment