si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Wednesday, July 23, 2008

Happy BDAY to mE (para sa mahal ko)

Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to

imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and

confused.” - Paolo Coelho The Zahir



Napaisip ako...


Ilang araw ko na nga bang hinahangad makita ang mukha niya, ang makatabi siya sa pagkain, ang makakwentuhan siya at marinig ang mga minsan, wala niyang kwentong storya kung papaano siya inaasar ng mga kaopisina niya. Nakakatawa. Kasi tama pala talaga na saka mo maiintindihan ang halaga ng isang bagay pag nawala na itong bagay na ito.


Madalas ko na rin ngayong napapagtanto. Mahirap palang magpatubo ng balbas para gawing “goaty.” Hindi kasi ganoon kaganda ang tubo buhok sa baba ko. Nakakainggit ang mga taong nakuha pang kulutin ang mga buhok nilang ito.


Nakakainggit. Hmm.. Siguro nga sa mga ganitong panahon mo mapapatunayan ang tunay na kahulugan ng inggit, ngayong, ang katabi mo dito sa opisina ay engganyo sa pagkukwento ng kagabi niya kasama ng kabiyak niya. O kadalasan pag may nakikita akong naglalampungan sa gitna ng kalsada o sa jeep o kung san san—nagkalat na parang mga sakit ng lipunanang hindi man lang natatakot sa pagtaas ng pamasahe o sa pagkalate sa trabaho o sa eskwela. Kasi masaya sila.


Masaya din naman ako eh. Lalo na dati. Sobra sobra dati. Lalo na pag bumibili ako ng Lucky Me pancit canton sa grocery sa baba ng dorm nila. Siyempre pag ipaghahanda niya ako ng pagkain at papakainin na pawala nang bukas. Kaya naman ganoon nalang ang pagtaba ko. At hindi ko rin pwedeng makalimutan ang akap ko at pagbubulong sa tenga niya kung gaano ako kasaya na kahit mamatay ako noong mga oras na iyon, ayos lang..


Mamatay. Hindi na siguro pwede ngayon yan. Bukod kasi sa nakasandal sa akin ang buo kong pamilya ko sa akin at sa kakarampot kong kita, marami pa akong plano sa buhay. Planong binuo sa ilalim ng double deck na kama niya. Mga planong pinangarap at pinangakong tutuparin. At hanggang ngayon, pinipilit kong tapusin itong walang kapararakang entry na ito para lang sa kanya.


Siya. Siya lang naman ang dahilan ng lahat sa akin. Siya lang naman ang kailangan ko. Dati rati, gusto ko maging isang sikat na reporter, o isang magaling na manunulat. Pero ngayon gusto ko nang maging isang sikat na reporter o isang magaling na manunulat para lang sa kanya. Para sa kanya.


Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon. Isang pagsasamang binuno dahil pareho kaming naghahanap ng sagot. Kung ano ba ang pakiramdam ng may minamahal, may sinasabihan na mahal kita araw araw, may inaaway pag lahat ng tao inaaway ka. Nakakatawa namang isipin ang mga maliliit na simula naming ngayon ay ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko.


Baliw nga ata talaga ako. Pero walang makakasisi sa akin dahil nakakabaliw naman talaga ang sitwasyon ko. Kung meron nga lang isang teleport machine para madala ko sarili ko sa isang lugar sa may NLEX ng walang masyadong oras na kailangan at perang gagastahin papatusin ko. Kahit mauna na ang puso ko sa utak ko ayos lang. Basta't mapadala ko lang.


Nagbibilang ako...


24 araw, 6 na oras, 37 minuto nang huli ko siyang nakita. At hindi ko masasabi kung kailan ulit babalik ito sa 0 araw, 0 oras at 0 minuto para magsimula ulit. Dahil sadyang mapang-trip ang kapalaran. Gusto niya lagi akong pinahihirapan. Madugas siya masyado. Dahil talagang sinusulit niya ang pamamalagi ko dito sa mundo. Oo nga naman. Kung nasa langit na tayo, hindi na niya tayo mapapagtripan.


Maraming hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Dahil nga naman daw sa dami ng mga crush ko sa mundong to, tae na ang maniwalang tapat ako sa pangako ko. Pero aaminin ko. Tapat ako ng sobra sobra sa mga pangakong binitawan ko. Tapat ako sa nagiisang taong pinagdarasal ko at ipapangako kong hihintayin ko sa dulo ng martsa sa harap ng isang banal na dambana, at higit sa lahat, tapat ako sa sarili ko.


Oo. Minsan nalilinlang ko ang sarili ko sa sarili kong mga kasinungalingan. Sakit na ata ng mapagpanggap na utak yun. Pero kahit ako hindi ko maitatanggi na “i am truly madly deeply inlove” with her—sabi nga ng isang inaamag nakanta. Tama. Hindi ko pwedeng itanggi ang tindi ng nararamdaman ko para sa kanya.


Nabibighani ako...


Kaya nga pinilit kong itago sa mga katabi ko ang saya na titigan ang letrato niya dito sa tabi ng monitor ng station ko dito sa opisina, at ang lungkot ko na hindi siya makasama sa nagisang araw kung saan legal sa akin ang humiling, kahit hindi naman (kahit kailan) ito natutupad. May mga susunod pa naman akong kaarawan eh. Andiyan naman siya palagi. Kaya naman kung ako ang tatanongin, ayos lang din sa akin. Dadaanin ko nalang sa paglulunod sa sarili ko sa pangungulilang nararamdaman ko.


Kaya naman..


Happy birthday to me, happy birthday to me, Happy birthday happy birthday,


HAPPY BIRTHDAY TO ME


1 comment:

Fernand Yim said...

Hi there,

It was fun reading your blog. Nakakatuwa saka ang galing! I just voted for you sa Top 10 Emerging Influential Blogs of 2008. For details, you can visit my blog at: reportingfernandyim.blogspot.com.

Thanks!