si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Monday, August 13, 2007

manong agnes fund

araw araw ng ginawa ng diyos, nagsusuot tayo ng parehong uniform... dumadaan sa iisang gate (AB GATE) at parehong guard lang ang babati sa iyo...

"oi.. mali yung sapatos mo..."

kamakailan lang ay nagbalik si manong agnes sa matagal niyang bakasyon. matagal ko rin siyang hinanap at pinagtanong-tanong. ayon kay manong jerry, nagleave daw muna si manong agnes dahil sa kanyang asawa...

hindi ko pa alam kung gaano na pala ka grabe ang kalagayan ng asawa niya noon. nalaman ko nalang na iniwan na pala siya ng asawa niya sa mahigit kumulang na 25 years ng pagsasama. iniwan na siya ng minamahl niya at kailangan niyang tumayong ama at ina sa apat (niya atang) mga anak...

"ang hirap rin pala ng ganito. ikaw na ang gagawa ng lahat.. ikaw na ang magaalaga sa mga anak mo..."

isa yan sa mga nasabi niya ng tanung tanungin siya ng isang kaibigan. kaya ngayon ay pang gabi na ang shift ni manong agnes. dahil nagaalaga siya ng mga naiwanang anak sa umaga....

close ko si manong agnes.. hindi lang naman kasi isang beses niya ako pinapasok kahit na nakashorts ako at nakatsinelas... isang mabait na tao si manong agnes at kailangan niya ng tulong natin..

naglunsad ang absc kamalailan ng isang charity work for our beloved manong agnes.. konting tulong lang para sa ating pinakamamahal na security guard... konting barya lang araw araw ay siguradong malaki ang maitutulong...

kung gusto niyong magbigay kahit magkano, paki kontak lang si JP BERTIZ sa ABSC office or itext ako sa 09165631447..

nakapagbigay na ako.. kayo nalang ang hinihintay ko...

No comments: