si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, August 2, 2007

im so sorry to all...

Sabi nga ng isa sa mga prof ko (na hindi ko na maalala kung sino) na hindi mo mapapatunayang mabait kang tao pag hindi ka naka-experience ng chance na maging masama ka. At according sa mga debate namin noon sa isang philo subject, man are naturally evil. So masama ang taong inuuna ang bugso ng damdamin niya kesa sa pagiisip ng tamang solusyon sa problema.
Kagabi, may na-open sa aking isang opportunity para magkasala hindi lang sa iisang tao kundi sa lahat ng taong nasa paligid ko. At ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapatunayan kong hindi ako masamang tao. Kahit na ganoon nalang katindi ang temptation ng paghihiganti. aakalain ko bang may tumatalab pa akong chuva?
"i think i have to break someone's heart"
Mabuti na ang isa kesa marami. kahit na itong iisang taong ito ay isa sa mga pinakaclose mong tao lately. isang dating *ehem* na nagevolve na sa isang *ehem*. matagal ko na ring hindi naeexperience ang tablan ng kung ano since malaki na ang kalyo sa puso ko sa mga napagdaanan, at pinagdadaanan nito.
Sa inyong mga nakakaalam ng storyang ito, i really need your help. Joey and Mendoy.. oo.. kayo lang naman ang nakakaalam diba? haaayyy...
sooner or later magkakaalamanan na. hindi na maganda ang nagyayari. at sana habang napapagdaanan ko ito, isipin niyong ginagawa ko itong sakripisyong ito... para lang sa inyo.. at kung alam niyo lang kung gaano kahirap ang pagdadaanan ko...

No comments: