Naiinis ako.
Aaminin ko sobrang naiimbyerna ako sa fact na ganito kita kamahal. Walang nang paglugaran ang saya ko kapag kasama ka, kapag naririnig ko ang mga mahihinhin mong "i love you", ang mga walang kapintasan mong tawa, kapag naaalala ko ang mga numerong 2011, 2511, 123 at 1206.. hindi na magkamayaw ang buong pagkatao ko sa tuwing maalala ko kung gaano mo ako pinapasaya araw araw, sa pagising sa akin kapag late na ako, sa pag tawag mo sa akin kapag wala kang makausap, sa pag paparamdam sa akin sa tuwing nalulungkot ako.
Galit ako.
Dahil inangkin mo ako. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong maging ganito ako kasaya sa piling mo. galit ako sa iyo dahil binibigay mo ang mga bagay na kailanman hindi ko makukuha kahit kanino, ang saya, ang pagmamahal at pagaarugang matagal tagal ko na ding hindi nakikita at nararamdaman, galit ako sa mundo, dahil parang minamadali niya tayo, sa pag pirapiraso niya sa bawat segundo, minuto, oras at araw at pinagtugma tugma, pinagparepareha, at pinagdikit dikit na animo'y piraso ng isang dambuhalang puzzle. Perpekto ang bawat kanto, swabe ang pagkakasunod-sunod at hinulma at pinagdikit ng pagmamahal at pagibig na hindi ko mawari kung san nagmumula. Kainis talaga.
Suko na ako.
Dahil alam kong meron at merong patutunguhan ito. Dahil kahit anong gawin kong iwas, sa iyo at iyo lang din ako titilapon. Parang isang asong nakakadena sa paborito niyang buto. Wala na akong mas hihilingin pa kundi sa kinalalagyan ko. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano nakakapagod. Dahil sa pagmamahal na pinapakita mo, hindi ko na nararamdaman yun. Suko na ako dahil, kahit gaano kumontra ang utak ko, puso ko pa din ang magwawagi at ipagwawagi pa nito ang anu mang pagsubok na susuungin ng pagmamahal na ito.
Hindi ko na kaya.
kasi mahal kita. Mahal na mahal. Na sa tuwing iisipin ko kung gaano, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa galak, na tipong nalulunod na ako sa saya. At alam ko, wala na akong hihilingin pa, kundi ang mapasa iyo, ang mapunta at tumira sa puso mo, ang maging iyo, buong buhay ko. Kaya pagpasensyahan mo na ako, sa tuwing aandar nanaman ang pagka-aligaga ko. Ugat lang naman akong nagmamahal sa isang lumot. Mahal na mahal kita. At nakakatuwang isipin na kulang ang pagulit ng katagang yun ng ilang beses para maipakita kung gaano. Buhay kita lumot ko. Buhay kitang pinapangakong bubuhayin, at pagyayabungin.
Nagmamahal,
Ugat
Ugat
No comments:
Post a Comment