Halika. Pagusapan natin kung paano mo ako papatayin...
Medyo napapadalas na kasi yung pagtawag ko kay kamatayan eh. Kung kailan papatapos na ang taon saka ako nag-gagago. Eh magrereklamo pa ba ako? Matagal ko nang ginagawa sa sarili ko yun. Dapat lang sanay na ako ngayon.
Kailan mo ako papatayin?
Ngayon na. As in ngayon na. Hanggat manhid pa ako sa sakit na dapat buong buo kong nararamdaman ngayon. Kung anung dahilan ng sakit hindi ko alam. Matagal ko na din kasing hindi sinubukang magisip para lang makaramdam. Eh yun nga eh. Kung kailan ko sinubukang magisip saka ko naisip pagod na pagod na din pala ako. Isang nanamang magandang rason para mamatay. Kasi naubusan na din kasi ako ng rason para mabuhay. Nawalan na din ako ng dahilan para maging masaya sa pagkaladkad sa sarili ko sa aspalto ng tadhana.
Ramdam ko, pagod na din ang tadhanang maging mabait sa akin. Kaya eto siya ngayon. Naniningil. Yun nga lang, ayaw niyang pumayag ng hulugan. Gusto niya buo. Kaya naman eto namumulubi na ako. Kaya patayin mo na ako ngayon.
Paano mo ako papatayin?
Gusto ko sana yung isang mabilisang bugahan lang. Isang sandaling bwelta. Yung di na ako makakaramdam ng sakit. Yung di na ako makakapalag. Gusto ko nun. Gusto ko nung duguan. Pwede din yung hindi na ako makakakilala. Gusto ko din kasing magpasunog eh. Pugutan mo ako ng ulo, ihulog mo ako sa bangin. Wag mo lang akong lunurin o unti unting ihawin. Tulad ng nangyayari sa akin ngayon. Unti unti akong ginigisa ng sarili ko sa paulit ulit na pagsasabing "tanga ka kasi.. Tanga. Sinabi nang masakit yan. Tanga." Alam ko naman yun eh. kaya nga ito na ako, kailangang pangatawanan ang kasalanan... sa kamatayan..
Bakit mo ako papatayin?
Hindi ko din alam eh. Tanungin mo bestfriend ko. Baka sa sakaling alam niya..
Ano? Game?
Sunday, December 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment