Sawa na ako.
Suko na ako.
Sa delubyong pilit na lumulunod sa buo kong pagkatao
sa piitiang pilit na lumalapnos sa balat ko
gamit ang apoy na nagaalimpuyo
sa kalooblooban ko
sa tuwing sasabihin ko
"Mahal kita. Mahal na mahal."
sa piitiang pilit na lumalapnos sa balat ko
gamit ang apoy na nagaalimpuyo
sa kalooblooban ko
sa tuwing sasabihin ko
"Mahal kita. Mahal na mahal."
Mahal naman talaga kita eh.
Mahal na mahal.
Wala na ngang paglugaran ang nararamdaman ko sa iyo eh.
Yun nga lang.
Minsan hindi ko mabanaagan
kung ang masarap
o masakit ang nararamdaman ko
Mahal na mahal.
Wala na ngang paglugaran ang nararamdaman ko sa iyo eh.
Yun nga lang.
Minsan hindi ko mabanaagan
kung ang masarap
o masakit ang nararamdaman ko
naiintindihan kita.
Naiinitindihan ko kung bakit siya
kahit na pilit na binubura
talagang nakaukit at nakatatak sa
Naiinitindihan ko kung bakit siya
kahit na pilit na binubura
talagang nakaukit at nakatatak sa
puso't isipan mo ay siya.
naiintindihan ko kung bakit hindi ako
dahil sino lang ba naman ako.
isa lang naman akong extra sa tagpo ninyo
kung saan unti unti na kayong napupuno
ng hinanakit at pagtitiis
pero sa huli, extra pa din ako
isang entradang mabagsik at mabilis
dahil sino lang ba naman ako.
isa lang naman akong extra sa tagpo ninyo
kung saan unti unti na kayong napupuno
ng hinanakit at pagtitiis
pero sa huli, extra pa din ako
isang entradang mabagsik at mabilis
naiintidihan ko naman kung bakit hindi pwede
dahil ramdam ko ang pagkakabilanggo mo
sa utang ng loob
sa responsibilidad
sa bahay
na bumubuhay
at umaakay sa iyo
dahil ramdam ko ang pagkakabilanggo mo
sa utang ng loob
sa responsibilidad
sa bahay
na bumubuhay
at umaakay sa iyo
pero sana mainitindihan mo
na tao lang ako
napapagod
napapasuko
namamatay
at sa akign pagninilay
at paghuhukay
ng mga gunitang kala ko'y matagal nang
nakahimlay
naintindihan ko
kailangan ko nang lumayo
na tao lang ako
napapagod
napapasuko
namamatay
at sa akign pagninilay
at paghuhukay
ng mga gunitang kala ko'y matagal nang
nakahimlay
naintindihan ko
kailangan ko nang lumayo
lumayo para sa sarili ko
na kahit na kaladkarin ng tadhana papalayo
nakapit pa din ng mahigpit
na kahit gaano kasakit
at kahit gaano namimilipit
ayaw bumitaw sa pagkakakabit
na kahit na kaladkarin ng tadhana papalayo
nakapit pa din ng mahigpit
na kahit gaano kasakit
at kahit gaano namimilipit
ayaw bumitaw sa pagkakakabit
consulation prize
consuelo de bobo
talaga bang sa ganito lang magtatapos
ang ating tagpo?
sa isang mabilisang kamustahan
at paalam?
consuelo de bobo
talaga bang sa ganito lang magtatapos
ang ating tagpo?
sa isang mabilisang kamustahan
at paalam?
No comments:
Post a Comment