Halika. Pagusapan natin kung paano mo ako papatayin...
Medyo napapadalas na kasi yung pagtawag ko kay kamatayan eh. Kung kailan papatapos na ang taon saka ako nag-gagago. Eh magrereklamo pa ba ako? Matagal ko nang ginagawa sa sarili ko yun. Dapat lang sanay na ako ngayon.
Kailan mo ako papatayin?
Ngayon na. As in ngayon na. Hanggat manhid pa ako sa sakit na dapat buong buo kong nararamdaman ngayon. Kung anung dahilan ng sakit hindi ko alam. Matagal ko na din kasing hindi sinubukang magisip para lang makaramdam. Eh yun nga eh. Kung kailan ko sinubukang magisip saka ko naisip pagod na pagod na din pala ako. Isang nanamang magandang rason para mamatay. Kasi naubusan na din kasi ako ng rason para mabuhay. Nawalan na din ako ng dahilan para maging masaya sa pagkaladkad sa sarili ko sa aspalto ng tadhana.
Ramdam ko, pagod na din ang tadhanang maging mabait sa akin. Kaya eto siya ngayon. Naniningil. Yun nga lang, ayaw niyang pumayag ng hulugan. Gusto niya buo. Kaya naman eto namumulubi na ako. Kaya patayin mo na ako ngayon.
Paano mo ako papatayin?
Gusto ko sana yung isang mabilisang bugahan lang. Isang sandaling bwelta. Yung di na ako makakaramdam ng sakit. Yung di na ako makakapalag. Gusto ko nun. Gusto ko nung duguan. Pwede din yung hindi na ako makakakilala. Gusto ko din kasing magpasunog eh. Pugutan mo ako ng ulo, ihulog mo ako sa bangin. Wag mo lang akong lunurin o unti unting ihawin. Tulad ng nangyayari sa akin ngayon. Unti unti akong ginigisa ng sarili ko sa paulit ulit na pagsasabing "tanga ka kasi.. Tanga. Sinabi nang masakit yan. Tanga." Alam ko naman yun eh. kaya nga ito na ako, kailangang pangatawanan ang kasalanan... sa kamatayan..
Bakit mo ako papatayin?
Hindi ko din alam eh. Tanungin mo bestfriend ko. Baka sa sakaling alam niya..
Ano? Game?
Sunday, December 27, 2009
Consuelo de bobo
Pagod na ako.
Sawa na ako.
Suko na ako.
Sawa na ako.
Suko na ako.
Sa delubyong pilit na lumulunod sa buo kong pagkatao
sa piitiang pilit na lumalapnos sa balat ko
gamit ang apoy na nagaalimpuyo
sa kalooblooban ko
sa tuwing sasabihin ko
"Mahal kita. Mahal na mahal."
sa piitiang pilit na lumalapnos sa balat ko
gamit ang apoy na nagaalimpuyo
sa kalooblooban ko
sa tuwing sasabihin ko
"Mahal kita. Mahal na mahal."
Mahal naman talaga kita eh.
Mahal na mahal.
Wala na ngang paglugaran ang nararamdaman ko sa iyo eh.
Yun nga lang.
Minsan hindi ko mabanaagan
kung ang masarap
o masakit ang nararamdaman ko
Mahal na mahal.
Wala na ngang paglugaran ang nararamdaman ko sa iyo eh.
Yun nga lang.
Minsan hindi ko mabanaagan
kung ang masarap
o masakit ang nararamdaman ko
naiintindihan kita.
Naiinitindihan ko kung bakit siya
kahit na pilit na binubura
talagang nakaukit at nakatatak sa
Naiinitindihan ko kung bakit siya
kahit na pilit na binubura
talagang nakaukit at nakatatak sa
puso't isipan mo ay siya.
naiintindihan ko kung bakit hindi ako
dahil sino lang ba naman ako.
isa lang naman akong extra sa tagpo ninyo
kung saan unti unti na kayong napupuno
ng hinanakit at pagtitiis
pero sa huli, extra pa din ako
isang entradang mabagsik at mabilis
dahil sino lang ba naman ako.
isa lang naman akong extra sa tagpo ninyo
kung saan unti unti na kayong napupuno
ng hinanakit at pagtitiis
pero sa huli, extra pa din ako
isang entradang mabagsik at mabilis
naiintidihan ko naman kung bakit hindi pwede
dahil ramdam ko ang pagkakabilanggo mo
sa utang ng loob
sa responsibilidad
sa bahay
na bumubuhay
at umaakay sa iyo
dahil ramdam ko ang pagkakabilanggo mo
sa utang ng loob
sa responsibilidad
sa bahay
na bumubuhay
at umaakay sa iyo
pero sana mainitindihan mo
na tao lang ako
napapagod
napapasuko
namamatay
at sa akign pagninilay
at paghuhukay
ng mga gunitang kala ko'y matagal nang
nakahimlay
naintindihan ko
kailangan ko nang lumayo
na tao lang ako
napapagod
napapasuko
namamatay
at sa akign pagninilay
at paghuhukay
ng mga gunitang kala ko'y matagal nang
nakahimlay
naintindihan ko
kailangan ko nang lumayo
lumayo para sa sarili ko
na kahit na kaladkarin ng tadhana papalayo
nakapit pa din ng mahigpit
na kahit gaano kasakit
at kahit gaano namimilipit
ayaw bumitaw sa pagkakakabit
na kahit na kaladkarin ng tadhana papalayo
nakapit pa din ng mahigpit
na kahit gaano kasakit
at kahit gaano namimilipit
ayaw bumitaw sa pagkakakabit
consulation prize
consuelo de bobo
talaga bang sa ganito lang magtatapos
ang ating tagpo?
sa isang mabilisang kamustahan
at paalam?
consuelo de bobo
talaga bang sa ganito lang magtatapos
ang ating tagpo?
sa isang mabilisang kamustahan
at paalam?
Tuesday, December 22, 2009
Soul sister's yuletide message
Just had one hell of a message from a very treasured friend of mine...
"sa lubak na dinaraanan mo.. madapa ka man... masaktan at maligaw.. sa huli... kung san ka nakatakdang tumungo... dun ka dadalhin ng mga paa mo..
kahit pikit man ang mga mata mo.. tanging tibok ng puso mo ang makakapag sabing nasa tamang daan ka.. kung naisin mo mang gamitin ang utak mo... para di mo maramdaman ang sakit na sinisigaw ng puso mo... ito ang itanong mo sa sarili mo.. "masaya ka ba kung utak ang susundin mo?"
minsan.. hindi masamang maranasan mo ang sobrang sakit.. dahil darating ang panahon... sobrang saya naman ang kasunod.. dapat lang... marunong tayong magtiis... maghintay.. kahit parang wala naman talagang patutunguhan..
pero wag kang mag-alala... mali mang daan ang tinatahak mo ngayon.. maitatama mo rin yan.. sulitin mo lang ang bawat patak ng luha sa mga mata mo.. bawat dugong ibubuwis ng puso mong sinusugatan ng sakit na nararanasan mo.. dahil hindi matatapos ang buhay na meron ka.. hanggang hindi mo nararanasan ang lahat ng iyan..
pero maniwala ka lang... bukas... o sa darating na araw... ngingiti ka din... at masasabi mo.. tama ang daan pinili mo..."
Love yah kapatid! salamat ng madami!!!! You're the best!!!!
Thursday, December 10, 2009
Love Ugat
Dear Lumot,
Naiinis ako.
Aaminin ko sobrang naiimbyerna ako sa fact na ganito kita kamahal. Walang nang paglugaran ang saya ko kapag kasama ka, kapag naririnig ko ang mga mahihinhin mong "i love you", ang mga walang kapintasan mong tawa, kapag naaalala ko ang mga numerong 2011, 2511, 123 at 1206.. hindi na magkamayaw ang buong pagkatao ko sa tuwing maalala ko kung gaano mo ako pinapasaya araw araw, sa pagising sa akin kapag late na ako, sa pag tawag mo sa akin kapag wala kang makausap, sa pag paparamdam sa akin sa tuwing nalulungkot ako.
Galit ako.
Dahil inangkin mo ako. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong maging ganito ako kasaya sa piling mo. galit ako sa iyo dahil binibigay mo ang mga bagay na kailanman hindi ko makukuha kahit kanino, ang saya, ang pagmamahal at pagaarugang matagal tagal ko na ding hindi nakikita at nararamdaman, galit ako sa mundo, dahil parang minamadali niya tayo, sa pag pirapiraso niya sa bawat segundo, minuto, oras at araw at pinagtugma tugma, pinagparepareha, at pinagdikit dikit na animo'y piraso ng isang dambuhalang puzzle. Perpekto ang bawat kanto, swabe ang pagkakasunod-sunod at hinulma at pinagdikit ng pagmamahal at pagibig na hindi ko mawari kung san nagmumula. Kainis talaga.
Suko na ako.
Dahil alam kong meron at merong patutunguhan ito. Dahil kahit anong gawin kong iwas, sa iyo at iyo lang din ako titilapon. Parang isang asong nakakadena sa paborito niyang buto. Wala na akong mas hihilingin pa kundi sa kinalalagyan ko. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano nakakapagod. Dahil sa pagmamahal na pinapakita mo, hindi ko na nararamdaman yun. Suko na ako dahil, kahit gaano kumontra ang utak ko, puso ko pa din ang magwawagi at ipagwawagi pa nito ang anu mang pagsubok na susuungin ng pagmamahal na ito.
Hindi ko na kaya.
kasi mahal kita. Mahal na mahal. Na sa tuwing iisipin ko kung gaano, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa galak, na tipong nalulunod na ako sa saya. At alam ko, wala na akong hihilingin pa, kundi ang mapasa iyo, ang mapunta at tumira sa puso mo, ang maging iyo, buong buhay ko. Kaya pagpasensyahan mo na ako, sa tuwing aandar nanaman ang pagka-aligaga ko. Ugat lang naman akong nagmamahal sa isang lumot. Mahal na mahal kita. At nakakatuwang isipin na kulang ang pagulit ng katagang yun ng ilang beses para maipakita kung gaano. Buhay kita lumot ko. Buhay kitang pinapangakong bubuhayin, at pagyayabungin.

Nagmamahal,
Ugat
Ugat
Wednesday, December 9, 2009
understatement of the year: I love you so much
Love makes life so friggin IRONIC! taena siya..
It started as a crush.. isang simpleng pangungutya sa katotohanang dati kong pinaniniwalaan ko bago ko pa man siya makita.
a simple gesture of affection.. An obvious recognition of the overwhelming fact that she's no ordinary girl. The very first time I layed eyes on her, she just stole every bit of sensical thought I had at that moment.. nabalatan ng buong buo ang pagkatao ko.. ni hindi ko namalayang inuugatan na ako sa kinauupuan ko.. at sa takaw kong to, naiwan kong hindi nagagalaw ang hapunang noo'y pinagpipilitang tapusin.
There is really something about the first time I met her. My whole world colapsed to a tiny speck, a cosmo of some sort, whose dying and living wish is to be with her, to revolve around her, to make HER the center of the universe. It scared me to death. I even forgot that I, at that time, the SUN to someone else's universe. Sino ba namang magaakalang sa isang malaking pagtalon sa mga taong namagitan sa noon at ngayon, makikita ko sarili kong hawak ang mga kamay niya and everything that goes with it.
A thin line between friends and SOMETHING else was breached. The personal, MUTUAL bubble was popped. One thing led to another, two souls succumbed to each others wants and needs, and three parties were involved. That fact sucked. And the fat ass writing this crap sucks. Hindi na ako natuto. Hindi na ako nagsisi. Hindi na ako nagising sa katotohanang hindi KAILANMAN pwedeng maging kami. Dahil nabuhay siya para mahalin ang iba. At masakit tanggapin mo. Ang mahalin ang isang taong may mahal nang iba.
Am I always the backup plan? The spare tire? The supporting actor dying to have the main role shoved his greedy throat? Hanggang kelan ba ako mabubuhay sa anino ng iba? Minsan hindi ko talaga alam kung mahal niya ako kaya niya ako kailangan o kailangan niya ako kaya niya ako mahal?
A relationship brought by love saturated chances, an instrument glorifying the downfall of a anemically justfied commitment. Pagsasamahang dinungisan ng pangiintriga't pangungutya, na binubuhay sa tyaga at pagaaruga. Kasalanan na ba talagang magmahal ngayon?
Looking back, friends of mine urged me to press the eject button and save my pathetic ass from dying in that inevitable plane crash. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko tinigilan bagkos, inakap ko ang kalugmukang inaasahan ko. Kaya kung may dapat sisihin, kung may dapat gaguhin, kung may damuhong dapat bugbugin ako yun. kasi tanga akong magmahal. gago akong umibig. ika nga ng isa sa mga diyus-diyusan ko:
Now that we are over as the loving kind
you whisper "come on over" 'cause you're two drinks in
friends lovers or nothing,
anything other than yes is no
Subscribe to:
Posts (Atom)