si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, January 15, 2009

What if I die?

Just an idea.

Hindi ko naman gugustuhing manakot or kung ano man. Naitanong ko lang yan sa sarili ko... what if lang...

I am sick right now. And natatakot na ako na baka malala na nga siyang talaga tulad ng sabi ni mama (that is why I hate doctors and hospitals. Kasi maraming namamatay sa hospitals at ang doctor pag nagsalita, may finality.). Natakot ako noon pa man pero hindi tulad nito. Ngayon ko lang narerealize na kailangan ko nang harapin ang takot ko at magpatingin sa doctor.

Yesterday dito sa office, I went to the bathroom to relieve my self ng sakit ng tiyan. Puting puti yung bowl kaya naman sobrang takot na takot ako nung makita ko yung bowl na sobrang pula. As in super duper bright red. Nagkaroon lang ng split second na pagiisip ng marealize kong my ghad! dugo ko na ang nilabas ko! As in hindi lang kakarampot! parang isang tabo na ata yung nailabas ko sa dami! and the worst part is, Im not exagerating!

Matagal ko nang iniinda itong sakit na ito. Highschool palang ako nung magsimula siyang mangyari. 3rd year HS. Noon bata pa ako para aminin ito sa magulang ko. Takot na kung anu sabihin nila o pagalitan nila ako o anu man. Basta takot ako. Kaya hindi ko nasabi sa kanila. I just went to our med books sa bahay for self diagnosis and found three probable sakit kung symptoms man ito.

1. CONSTIPATION: as in major constipation. Hindi naman kasi kadalasang nagdurugo ang colon sa minor case of constipation hindi ba? and ang alam ko masakit ang constipation. Mahirap maglabas at masakit. Pero sa case ko hindi naman ganoon kasakit at hindi ganoon kahirap. Kaya maybe hindi ito ang hinahanap ko. AT hindi pala nagkakaroon ng blood excression sa constipation.

2. ULCERITIVE COLITIS: ito ang pinakamalapit na sagot sa mga katanungan ko. ULCERITIVE COLITIS. Inflamation ng colon dahil sa unknown reasons. Kadalasan sobrang cafaine, nicotine, stress o may isang emotional trauma ka lang kinakaharap raw ang dahialn. Weird. Emmotional lang ang basis. ganun din ang symptoms. Panghihina ng sobra to the point na makakatulog ka nalang o magcocolapse sa kahinaan (nangyari kahapon sa akin!), Super major blood excressions, anemia, weight loss, skin lessions, etc. Kampante na sana ako ng may dagdag na next stages. Pwede raw siya mag lead to 2nd degree infection since baka pasukan ng bacteria ang blood stream through colon or...

3. COLON CANCER: Too far fetched? I don't think so. Dahil pareho din siya ng symptoms ng UC (top). Stomach cramps, constipation, Hematochezia (bloody stool), anemia, gas, at kung anu ano pa. Hindi ko na sana papatusin ang probability na ito ang hinahanap ko dahil sa genetic din ang colon cancer nang marealize ko, namatay ang lolo ko sa mother side ko dahil sa colon cancer. Scary aye? Ganyan ang napapala ng self diagnosis. Paranoia. Praning.

For years now pabalik balik lang ang pagdumi ko ng dugo. I went through college and sa mga natetext kong mga tao noon na may sakit ako and all, totoo po lahat ng iyon. Natatakot lang ako sa kalagayan ko kaya kailangan ko ng karamay.

Sinabi ko na rin kay mama nung college ko yung dugo sa dumi ko. And, noting the fact na namatay father niya dahil sa colon cancer, iniyakan niya ako. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari hindi natuloy ang kung anu mang check-up. kaya hanggang ngayon, self diognostics pa rin ang ginagawa ko. Pero hindi ko na kayang matakot ng ganito sa tuwing mangyayari sa akin ito. Sa buhay talaga ng tao madalas kailangan talaga ng finality. Kaya naman doc asan ka na? Kailangan na kita nang magamit ko naman itong medicard ng kumpanya!

No comments: