si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Wednesday, January 7, 2009

Bukam-bibig

Buti nalang naging pipe lang ako. Hindi bulag o bingi. Pipe. Dahil nakakarinig pa rin naman ako kahit papaano. Kung baga hindi ako ganoon kabaldado para kaaawan ng mundo. Hindi ko rin ilulugmok ng sobra ang sarili ko.

Maganda raw ako para sa isang pipe sabi ng bestfriend ko noong nasa kolehiyo ako. Mukha daw akong bata para sa ganda ko. Sabagay. Siya din ang nakauna sa akin. Malandi kasi ako eh. Hindi kasi uso sa isang tulad ko ang marami pang dakdak. Kung kakana, kanaan nalang wala nang kung anu-ano pang ritwal.

Nagawa namin yun sa kwarto ng kuya. Malaki kasi pagnanasa ko sa kuya ko. Bukod kasi sa napakasustansya niyang hubog at disenteng mukhang binuo ng pagaaral niya sa PMA, napakganda din ng boses niya. Malamang mandire ka sa sinasabi ko. Hindi rin kasi normal para sa ibang tao ang mga trip ko sa buhay. Sanay na akong pandirihan at pagdudahan ng tao. Hindi naman kasi maganda ang pagpapalaki sa akin. Yung nalang din ang lagi kong rason sa lahat ng sinasabing kasamaang nangyayari sa akin. Pipe na nga, puta pa.

Hindi kami madalas magkita ni kuya. Wala na rin kasi me natatandaan noong bata pa kami. Hindi ko natatandaang nagkaroon ako ng ina o nagkainteres sa akin sa kahit anung paraan ang heneral kong ama. Yun nalang din siguro ang dahilan kung bakit parang hindi ko gustong kuyahin lang si kuya. Minsan lang kasi kung umuwi siya dito sa bahay. At kung uuwi man siya, walang makakaalam dahil may pagkapusa tong si kuya. Biglaan kung sumulpot. At siguro din malaki din masyado tong bahay para sa aming tatlo ni daddy.

Namatay si mama nung ipinanganak niya ako. Kaya siguro palagi kong nararamdamang nasa akin sinisisi ni daddy yung nangyari. Ni hindi ko naramdamang tinuring niya akong anak. Simula nung pagkamulat ko sa kamunduhan ng lahat katulong at yaya ko na ang nakasama ko. Wala akong family affair na maipagmalaki sa mga kakilala ko. Parating ganoon. Birthday ko kung wala ako sa putahan nasa bahay lang ako.

Nahuli ko dati si kuya noon na may katalik. Hindi ko naman sinasadya. Kasi kadalasan naman kapag namimiss ko siya o kung wala talaga akong magawa sa buhay, sa kwarto niya ako natutulog. Ng palihim. Ng patago. Para kasing pag andun ako para ko na siyang katabi. Nagkataon lang din na naiwan niyang nakabukas yung pintuan at di ko namalayan yung liwanag na nagmumula sa mga singit singit ng kanyang pintuan. Ganoon pala siya kung mangromansa--nakabukas lahat ng ilaw. Parang may photo shoot. Parang umaga sa liwanag. Hindi kasi ganoon yung naiimagine ko kapag nanaginip ako ng gising habang dumadayal sa kalangitan. Mas parang kagana gana kasi kapag yung dilaw na lamp shade lang yung nakabukas. Bumalik nalang ako sa ulirat ko noon ng marinig kong sinisitsitan ako ng kuya. Yumokod nalang ako't libog na sinarado ang pintuan. Diretso sa kwarto at makatulog sa isang napakagandang panaginip.

Parang walang nangyari kinaumagahan noon. Nginitian niya lang ako nung mapadaan ulit ako sa kwarto niya. Hindi din naman siya pala kwentong tao eh. Yun din ang isa sa mga gusto ko sa kanya. Kasi parang pag ako ang kausap niya, pinipilit niyang wag din magsalita--yung tipong gusto niyang pasukin ang utak ko para maintindihan kung ano ang gusto kong sabihin, kung anong nilalaman ng utak ko. Sana kahit minsan nasabi o naipakita kong siya ang mahal ko.

Nakakatuwa. Dapat "naipakita kong mahal ko siya" ang sinabi ko. Para hindi naman mayanig ang napakalinis mong mundo. At paniguradong titiklop sikmura mo kapag sinabi kong nagtatago ako ng damit niya sa kwarto ko. Ganoon lang ako kaadik sa kanya.

Ang mahirap lang sa gwapong kuya, para ka na ring nagkaroon ng perfect ex--ang hirap humanap ng mas- sa pinaka-. Ang hirap makahanp ng boypren. Kaya wala pa akong boypren eh. Kung sa bagay. May kapansanan ako. Marami naman diyang mga bilat na kayang humaling-hing. Hindi tulad ko. Sinubukan ko dating humaling-hing na animo'y sarap na sarap ang kaso nagtunog dumidigwa o animo'y nasusuka ako. Nakakadire. Nakakaturn-off. Sino nga ba naman ang may gusto nun?

Kaya kung may nabiktima man akong makati, hindi nalang ako nagsasalita. Ayos naman sa kanila yun kung sa bagay may maipagmamalaki naman akong kagandahan. Kaso para lang naman sa isang tao ako nagpapaganda eh.

Sa mga pinakamalungkot na tagpo ng buhay ko madalas may kasama akong imaginary friend. Yung gwapo. Yung kamukha ni kuya. Tulad ngayon. Kuwari kausap ko yung kakambal niya. Kuwari kasama ko siya. At least sa ganoong paraan parang nakakapagsalita ako. May nakakaintindi sa akin. May naiingayan sa sigaw ko. May nadadaldalan sa akin.

Tulad nga ngayon, ako lang magisa dito sa kwarto ni kuya. Binabasa ang diary niya. Asa likod lahat ng mga numero at pangalan ng mga nakatalik na niya. Parang koleksyon lang. Natuwa ako sa isa. Kapangalang ko. Pero iba siyempre ang numero ng telepono. Naghangad naman ako na magibang tao. Pero malamang kahit na magibang tao ako ngayon hindi ko na mararanasan ang naranasan ng mga nakasulat dito. Hindi na kasi makakauwi dito si kuya.

Ginusto ko na sanang gilitan sarili ko pero busy ako sa kadadaldal dito sa kambal ni kuya. Wala na itong nasabi kundi "... hindi pa nakakaboundary sa iyo ang mundo.. pepe ka...."

(para kay Cel)