si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, January 22, 2009

happy ellipsis! (its official...)

Being together....

.... for (officially) more than a year now (5 years and 3 months not so official)...

....is like......

.....a comma (,), a question mark (?), and an exclamation point (!)... half-expecting a period (.) to surprise us, or a dash (-) to throw us off course... but really, an ellipsis (...) is really not that far-fetched...

so happy ellipsis for us!

We are officially sharing this multiply account! hehehe.. yun lang po..

Thursday, January 15, 2009

What if I die?

Just an idea.

Hindi ko naman gugustuhing manakot or kung ano man. Naitanong ko lang yan sa sarili ko... what if lang...

I am sick right now. And natatakot na ako na baka malala na nga siyang talaga tulad ng sabi ni mama (that is why I hate doctors and hospitals. Kasi maraming namamatay sa hospitals at ang doctor pag nagsalita, may finality.). Natakot ako noon pa man pero hindi tulad nito. Ngayon ko lang narerealize na kailangan ko nang harapin ang takot ko at magpatingin sa doctor.

Yesterday dito sa office, I went to the bathroom to relieve my self ng sakit ng tiyan. Puting puti yung bowl kaya naman sobrang takot na takot ako nung makita ko yung bowl na sobrang pula. As in super duper bright red. Nagkaroon lang ng split second na pagiisip ng marealize kong my ghad! dugo ko na ang nilabas ko! As in hindi lang kakarampot! parang isang tabo na ata yung nailabas ko sa dami! and the worst part is, Im not exagerating!

Matagal ko nang iniinda itong sakit na ito. Highschool palang ako nung magsimula siyang mangyari. 3rd year HS. Noon bata pa ako para aminin ito sa magulang ko. Takot na kung anu sabihin nila o pagalitan nila ako o anu man. Basta takot ako. Kaya hindi ko nasabi sa kanila. I just went to our med books sa bahay for self diagnosis and found three probable sakit kung symptoms man ito.

1. CONSTIPATION: as in major constipation. Hindi naman kasi kadalasang nagdurugo ang colon sa minor case of constipation hindi ba? and ang alam ko masakit ang constipation. Mahirap maglabas at masakit. Pero sa case ko hindi naman ganoon kasakit at hindi ganoon kahirap. Kaya maybe hindi ito ang hinahanap ko. AT hindi pala nagkakaroon ng blood excression sa constipation.

2. ULCERITIVE COLITIS: ito ang pinakamalapit na sagot sa mga katanungan ko. ULCERITIVE COLITIS. Inflamation ng colon dahil sa unknown reasons. Kadalasan sobrang cafaine, nicotine, stress o may isang emotional trauma ka lang kinakaharap raw ang dahialn. Weird. Emmotional lang ang basis. ganun din ang symptoms. Panghihina ng sobra to the point na makakatulog ka nalang o magcocolapse sa kahinaan (nangyari kahapon sa akin!), Super major blood excressions, anemia, weight loss, skin lessions, etc. Kampante na sana ako ng may dagdag na next stages. Pwede raw siya mag lead to 2nd degree infection since baka pasukan ng bacteria ang blood stream through colon or...

3. COLON CANCER: Too far fetched? I don't think so. Dahil pareho din siya ng symptoms ng UC (top). Stomach cramps, constipation, Hematochezia (bloody stool), anemia, gas, at kung anu ano pa. Hindi ko na sana papatusin ang probability na ito ang hinahanap ko dahil sa genetic din ang colon cancer nang marealize ko, namatay ang lolo ko sa mother side ko dahil sa colon cancer. Scary aye? Ganyan ang napapala ng self diagnosis. Paranoia. Praning.

For years now pabalik balik lang ang pagdumi ko ng dugo. I went through college and sa mga natetext kong mga tao noon na may sakit ako and all, totoo po lahat ng iyon. Natatakot lang ako sa kalagayan ko kaya kailangan ko ng karamay.

Sinabi ko na rin kay mama nung college ko yung dugo sa dumi ko. And, noting the fact na namatay father niya dahil sa colon cancer, iniyakan niya ako. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari hindi natuloy ang kung anu mang check-up. kaya hanggang ngayon, self diognostics pa rin ang ginagawa ko. Pero hindi ko na kayang matakot ng ganito sa tuwing mangyayari sa akin ito. Sa buhay talaga ng tao madalas kailangan talaga ng finality. Kaya naman doc asan ka na? Kailangan na kita nang magamit ko naman itong medicard ng kumpanya!

THE MOST DISGUSTING CREATURE!

I have seen worms, maggots, insects, rodents, etc. but nothing can be compared to the number 1 most disgusting creature that, could ever lived this planet!

It maybe fictional or probably a hoax but the idea of it can make any one sick to the core!

And the number 1 most disgusting creature ever is...... *drumroll*

THE RAT KING

Rat kings

are phenomena said to arise when a number of
rats become intertwined at their tails, which become stuck together with blood, dirt, ice, or excrement. The animals reputedly grow together while joined at the tails. The numbers of rats that are joined together can vary, but naturally rat kings formed from a larger number of rats are rarer. The phenomenon is particularly associated with Germany, where the majority of instances have been reported.

Most authors presume the creatures are legendary and that all supposed physical evidence is hoaxed[

citation needed], such as mummified groups of dead rats with their tails tied together. Reports of living specimens remain unsubstantiated. No known scientific study has been performed on this topic yet. (WIKIPEDIA url: http://en.wikipedia.org/wiki/Rat_king)

Salamat sa Brewrats (10PM-12MN @ 99.5 RT) at pinasaya niyo nanaman ang gabi ko!

Tuesday, January 13, 2009

GRRR!! sa mga nagpost nito! nakakahawa kaya! hehehe.. ANU TAWAG MO SA AKIN?!

GRRRR!!!!! Hindi ko na kinaya ang temptation! Hindi ko talaga balak maganito pero wala eh sinaniban na ako ng kung anung nilalang eh at ginagawa ko na siya.... Leche na tag ako sa iyo Keavy hehehe...

Rules:
1. List the names that you are called by and name the people who call you by these names.
2. Tag ten others to do the same thing, paste the link of your entry on their guestbooks.

Rex-sa mga makaluma at pangmatalagalan ko nang mga kaibigan. Mga walang kakupas kupas!

Caloy/loy/balong- tawag sa akin ng pamilya ko

Fa-ding-tawag sa akin ng kapatid kong si Kheng kheng (kala mo ah mas mabaho tawag sa iyo!)

Urbano-tawag sa akin ng nanay ko paginaasar nila ako sa katabaan at katamaran ko sa bahay (eh nakakatamad naman talaga eh).

Carlo-tawag sa akin ng mga kamaganak ko

Aso/Brownie/woofwoof- tawag sa akin ng mga kabatch ko sa Don Bosco. Mga hayop kayo gang ngayon nakakatrauma hahaha..

Fhadz- imbento kong pangalan ng college. Trip lang. nakakasawa na kasi ang Rex (at oo pang aso siya kaya goodluck)

Fhadoodles-tawag sa akin ng karamihan sa mga kaklase ko.

Ex-boyps/ex-boypren- ang nagiisang samantha sanchez

Fadrino-tawag sa akin ni sam nung tinawag ko na siyang samuel.

Beh/Pa- tawag sa akin ng taong pangarap kong pakasalan.

Kapatid-marami kayo sa totoo lang pero exclusive siya para sa dalawang taong kadikit ko simula'simula pa... Tek and Myx. The origs.

Kuya- hindi ata kakaya sa phonebook ng simcard ang lahat ng tumatawag sa akin niyan kaya hati siya sa dalawang categories:

Kuya rex- ng mga kapatid ko sa barkada. Mga hindi na maaalis sa sistema kong personalidad buhay man o patay.

Kuya Fhadz- ng mga taga UST na mas bata pa sa akin.

Sir- tawag sa akin ng mga taga comelec. Nagmuka lalo akong matanda

Dada-tawag sa akin ng nagiisang Bea Gabronino

Tatay- tawag sa akin ng pinaka na si Lean Panganiban

Pards-hi pards! hehehe.. the one and only Anggegay

Kambal- ang kahati ko sa mga kaklase ko ng kaarawan, Shielastar!

Pad/super pad- taguri sa akin ng super fwend kong si Joey ber dela Rosa

Padsy-tawag sa akin ni Pat Ocampo

Hunnie- hindi na talaga nagkupas! ang tawag sa akin ni Ms. Faith Baul!

Sweetie-naku malamang may magselos di ba Kristine Liu!

Boypren- Isa ka pa gurlpren--Arene Arcega

Fudge- mga kaklase kong hindi ko na maaninag at makilala (nakasuksok na sa memorya ko eh pasensya)

Hot Fudge-di ko matandaan.. Carol? Steff? Lyndon? basta isa o karamihan sa inyo.

Mr. Fhadz- Lyndon ikaw ata tumawag sa akin nito!

Chair- Richard Manaois

Kuropad- kombayn porses ni Avery Salaya at Jon de Chavez

Buddy- ampon man o orig--Estar Suma-oy, Marga Sumayao, Tin Ortillo, Barbie Romero, Mingu

Kuya Evil 2-tawag sa akin ng nawawala kong kapatid (lil sis) na laging nakakasira ng sapatos.

Oh yan muna. bahala na kayo magtag ng sarili niyo matatanda na kayo.. hehehe..

Thursday, January 8, 2009

A DIALOGUE WITH MYSELF (kasi dapat andun ka)

ME: alam mo na ba?

SF:......................

ME: Syempre hindi... asan ka ba lately? lagi ka nalang nawawala... asan na yung laging pumupuno ng inbox ko?

SF:......................

ME: O yung taong laging may hinanakit sa buhay?

SF:......................

ME: So ganun nalang ba? Alam mo namang pag gusto ko ng kausap ikaw at ikaw at ikaw ang uunahin kong piliin kaso...... wala ka eh.

SF:......................

ME: Nagbreak kami. Pero nagkabalikan na rin... ng hindi mo din alam...

SF:......................

ME: Nakakaselos naman talaga yang pinagkakaabalahan mo ngayon... bakit ganun? talaga bang nawawala ka na?

SF:......................

ME: kahit besty mo hinahanap ka na ah.... O well... sana naman kahit isang segundo nagawa mong isipin akong super friend mo...

SF:......................

ME: asan na yung date natin? wala na siyempre.. ni di ka na nagpaparamdam eh.. di ba?

SF:......................

ME: alam mong hindi ako nagtatampo pero.. nakakatampo lang na sasanayin mo kaming anjan ka tapos biglang ganito na kami yung naghahanap tapos ikaw naman yung nawawala.. ng biglaan.. ng walang pasabi.. ng walang kaabog abog..

SF:......................

ME: ni hindi ka man lang nagbye o nagsabing "o mawawala muna ako sa universe niyo ah" wala.. basta isang araw bigla ka nalang nawala...

SF:......................

ME: Ang masakit pa, ang dami ko nang halos pagpaparamdam sa iyo pero ni hindi mo ata napapansin..

SF:......................

ME: ni wala na akong alam sa iyo kung asan ka palagi.. haay.....

SF:......................

ME: Oo nah.. naiintindihan ko naman eh.. Busy ka. pagod ka lang palagi..... ang layo layo nga naman ng pinagtatrabahuhan mo..

SF:......................

ME:tama nga sila...

SF:......................

ME: 90% ng mga kaibigan mong may love lyf na...

SF:......................

ME: di ka na rereplayan ..

(para kay JVdlR)

Wednesday, January 7, 2009

Bukam-bibig

Buti nalang naging pipe lang ako. Hindi bulag o bingi. Pipe. Dahil nakakarinig pa rin naman ako kahit papaano. Kung baga hindi ako ganoon kabaldado para kaaawan ng mundo. Hindi ko rin ilulugmok ng sobra ang sarili ko.

Maganda raw ako para sa isang pipe sabi ng bestfriend ko noong nasa kolehiyo ako. Mukha daw akong bata para sa ganda ko. Sabagay. Siya din ang nakauna sa akin. Malandi kasi ako eh. Hindi kasi uso sa isang tulad ko ang marami pang dakdak. Kung kakana, kanaan nalang wala nang kung anu-ano pang ritwal.

Nagawa namin yun sa kwarto ng kuya. Malaki kasi pagnanasa ko sa kuya ko. Bukod kasi sa napakasustansya niyang hubog at disenteng mukhang binuo ng pagaaral niya sa PMA, napakganda din ng boses niya. Malamang mandire ka sa sinasabi ko. Hindi rin kasi normal para sa ibang tao ang mga trip ko sa buhay. Sanay na akong pandirihan at pagdudahan ng tao. Hindi naman kasi maganda ang pagpapalaki sa akin. Yung nalang din ang lagi kong rason sa lahat ng sinasabing kasamaang nangyayari sa akin. Pipe na nga, puta pa.

Hindi kami madalas magkita ni kuya. Wala na rin kasi me natatandaan noong bata pa kami. Hindi ko natatandaang nagkaroon ako ng ina o nagkainteres sa akin sa kahit anung paraan ang heneral kong ama. Yun nalang din siguro ang dahilan kung bakit parang hindi ko gustong kuyahin lang si kuya. Minsan lang kasi kung umuwi siya dito sa bahay. At kung uuwi man siya, walang makakaalam dahil may pagkapusa tong si kuya. Biglaan kung sumulpot. At siguro din malaki din masyado tong bahay para sa aming tatlo ni daddy.

Namatay si mama nung ipinanganak niya ako. Kaya siguro palagi kong nararamdamang nasa akin sinisisi ni daddy yung nangyari. Ni hindi ko naramdamang tinuring niya akong anak. Simula nung pagkamulat ko sa kamunduhan ng lahat katulong at yaya ko na ang nakasama ko. Wala akong family affair na maipagmalaki sa mga kakilala ko. Parating ganoon. Birthday ko kung wala ako sa putahan nasa bahay lang ako.

Nahuli ko dati si kuya noon na may katalik. Hindi ko naman sinasadya. Kasi kadalasan naman kapag namimiss ko siya o kung wala talaga akong magawa sa buhay, sa kwarto niya ako natutulog. Ng palihim. Ng patago. Para kasing pag andun ako para ko na siyang katabi. Nagkataon lang din na naiwan niyang nakabukas yung pintuan at di ko namalayan yung liwanag na nagmumula sa mga singit singit ng kanyang pintuan. Ganoon pala siya kung mangromansa--nakabukas lahat ng ilaw. Parang may photo shoot. Parang umaga sa liwanag. Hindi kasi ganoon yung naiimagine ko kapag nanaginip ako ng gising habang dumadayal sa kalangitan. Mas parang kagana gana kasi kapag yung dilaw na lamp shade lang yung nakabukas. Bumalik nalang ako sa ulirat ko noon ng marinig kong sinisitsitan ako ng kuya. Yumokod nalang ako't libog na sinarado ang pintuan. Diretso sa kwarto at makatulog sa isang napakagandang panaginip.

Parang walang nangyari kinaumagahan noon. Nginitian niya lang ako nung mapadaan ulit ako sa kwarto niya. Hindi din naman siya pala kwentong tao eh. Yun din ang isa sa mga gusto ko sa kanya. Kasi parang pag ako ang kausap niya, pinipilit niyang wag din magsalita--yung tipong gusto niyang pasukin ang utak ko para maintindihan kung ano ang gusto kong sabihin, kung anong nilalaman ng utak ko. Sana kahit minsan nasabi o naipakita kong siya ang mahal ko.

Nakakatuwa. Dapat "naipakita kong mahal ko siya" ang sinabi ko. Para hindi naman mayanig ang napakalinis mong mundo. At paniguradong titiklop sikmura mo kapag sinabi kong nagtatago ako ng damit niya sa kwarto ko. Ganoon lang ako kaadik sa kanya.

Ang mahirap lang sa gwapong kuya, para ka na ring nagkaroon ng perfect ex--ang hirap humanap ng mas- sa pinaka-. Ang hirap makahanp ng boypren. Kaya wala pa akong boypren eh. Kung sa bagay. May kapansanan ako. Marami naman diyang mga bilat na kayang humaling-hing. Hindi tulad ko. Sinubukan ko dating humaling-hing na animo'y sarap na sarap ang kaso nagtunog dumidigwa o animo'y nasusuka ako. Nakakadire. Nakakaturn-off. Sino nga ba naman ang may gusto nun?

Kaya kung may nabiktima man akong makati, hindi nalang ako nagsasalita. Ayos naman sa kanila yun kung sa bagay may maipagmamalaki naman akong kagandahan. Kaso para lang naman sa isang tao ako nagpapaganda eh.

Sa mga pinakamalungkot na tagpo ng buhay ko madalas may kasama akong imaginary friend. Yung gwapo. Yung kamukha ni kuya. Tulad ngayon. Kuwari kausap ko yung kakambal niya. Kuwari kasama ko siya. At least sa ganoong paraan parang nakakapagsalita ako. May nakakaintindi sa akin. May naiingayan sa sigaw ko. May nadadaldalan sa akin.

Tulad nga ngayon, ako lang magisa dito sa kwarto ni kuya. Binabasa ang diary niya. Asa likod lahat ng mga numero at pangalan ng mga nakatalik na niya. Parang koleksyon lang. Natuwa ako sa isa. Kapangalang ko. Pero iba siyempre ang numero ng telepono. Naghangad naman ako na magibang tao. Pero malamang kahit na magibang tao ako ngayon hindi ko na mararanasan ang naranasan ng mga nakasulat dito. Hindi na kasi makakauwi dito si kuya.

Ginusto ko na sanang gilitan sarili ko pero busy ako sa kadadaldal dito sa kambal ni kuya. Wala na itong nasabi kundi "... hindi pa nakakaboundary sa iyo ang mundo.. pepe ka...."

(para kay Cel)

Monday, January 5, 2009

HELP ME PLEASE!!! IM BEGGING YOU!! TO ALL OF THOSE WHO CAN READ THIS! PLEASE HELP!



I'm searching for a lost friend and I really really hope you could help me... She's actually a lil sister to me and I really really really miss her...


Well, she's cute, has small feet, always an the go, looks too young for her age, looks to old for her body, loves to party, love elephants, understands tagalog but always speaks in english, she's talkative and fun to be with but lately very off and cold as if the whole world did something bad to her... what the hell happened?!


We used to go out frequently together.. That part I always remember...


She's one of the few person I could trust with my deepest darkest secrets, one of the few people who got the chance to meet my family, my dogs, my relatives; Loves ice creams and is still practicing eating ice creams in cones, not a fan of pork, likes yakisoba pancit canton, always running from her driver, and always running late, always lost and have troubles with commuting, wants to quit but never a quiter. She cried once, frustrated by something that involves UA&P.


Oh yah! I remember! She ate her grandpa! gave her parents a fright and me and yan the greatest laugh of our lives. We'll a few people would notice that. My parents was furious that night for laughing so loudly but they end up laughing their hearts out when they heard her story.
She has a thing with bald guys (ooohhh!!! I remember the smileys!); hates walking in front of med (for reason I could not tell anyone). She made me cry once, in the 4th floor of the UST library... I cut classes just so I could hear her story.. The second time she made me cry was when she (with yan) kicked me out of my own bed, in my own room, in my own home. I remember bumping my head when I fell out of my bed.


I remember! She bought us (me and yan and my whole family) 100 plus peso worth of yakisoba which I ate, She gave my mom a cake which I also ate; Gave me and yan the greatest monthsary gift we had (a black forest cake which I ate); She's the one I hang out with in Ateneo with Mark in one of our impulsive trips... A friend took a picture of us their I remember... (the lil missy on the right)




I remember a lot about her. After all she's one of my closest. But I doubt she remembers anything. That is the reason I need your help.


The weird part is its not just me who's looking for her. There's her buddy, her ate yan, my sisters, even choco (my dog she used to cuddle and call "Halika" in slang)! Everyone's been wanting to know something about her.


If you know her, if you know where she is, if you know how to contact her please do let me know or you could let her read this. Let her know someone is looking for her. Let her remember people are dying to hear from her. I really really hope you could help..


Thank you so much....