Sa Artistang Artlets, hindi uso ang pwede na. Kung gagawa ka, gawin mo na ng todo bigay—ng lahat ng iyong makakaya. Noon naisip ko siguro ganito ang kultura sa kinalakhan at minahal kong organisasyon ay dahil likas sa bawat miyembro nito ang kagalingan at kasipagang natural sa isang Tomasino. Pero nagbago ang aking sariling pananaw matapos mangyari ang ilang bagay na hindi ko kailanman malilimutan. Tulad nalamang ng pagbabago ng papanaw ko sa pagiging director.
Hindi ko lubos maisip na makakatapak ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ni hindi ko akalaing kakayanin ko ang stress at ang pressure na panghawakan ang tiwala ng buong organisasyon kasama na ang lahat na inaasahang panghihina ng loob at insecurities sa katawan. Pero kasama sa trabaho ko yun bilang isang direktor.
Buti nalang hindi basta basta ang Artistang Artlets. Dahil ang nagpatibay sa grupong ito ay ang samahan at pagkakaibigang hinid mapapantayan; hindi matutularan. Ito ang nagpatibay ng loob ko para matugunan ang trabaho ko.
Pagkakaibigan. Pati ito nagiba na rin ang kahulagan sa akin. Nabigyan ito ng ibang mukha sa produksyong ito matapos mangyari ang mga pagkakataong muntik tumunaw sa lahat ng katapangan ko. Hindi pa ako nakaramdam ng ganoong katinding pagluluksa ng mawala ang isang matalik na kaibigan na sinamahan at dinamayan ako sa lahat ng kasiyahan, kalungkutan, galit at hinanakit sa buhay sa mahigit kumulang na 13 na taon. 13 na taon. Ganoon na pala katagal yun. Nakakapanghinayang naman at hindi na niya napanood ang isa sa mga pinakamalaking parte ng buhay ko. Nakakapanghinayang na kung alam ko lang
Panghihinayang. Nakakatawa. Ito kasi ang pinakatema ng dulang Rizal at Blumentritt. Tulad nalamang nila Gemma, Ian, Yes at ang mga naging biktima ng LRT Rizal Day bombing, pinakita ng Rizal at Blumentritt ang konteksto ng pagsisisi, pagdurusa, panghihinayang sa isang napakabuluhang pamamaraan—ang paguungkat sa kamatayan.
Ang dulang Rizal at Blumentritt ay mananatiling isang dula—isang “representasyon” ng katotohan; isang kasinungalingan sa paglalahad ng katotohanan. Ngunit ito ay mananatiling totoo sa puso’t isip ng mga tao na nagkamali pero marunong magsisi para lamang malaman na huli na ang lahat; tapos na ang lahat; wala na ang lahat.
Itong dulang ito ay para sa mga tulad kong tao, nagkakasala, nagsisisi at marunong manghinayang. Ito rin ay para rin sa mga taong marunong magpatawad at makaintindi na walang perpekto sa mundo; para sa mga taong naiintindihan na sandali lang ang pinagkaloob na oras ng diyos, na sandali lang ang buhay sa mundo, na nakakaunawa na importante ang bawat segundong dumadaan.
Para sa mga kaibigan kong pinaghugutan ko ng lakas at nagpapalala na masarap talaga ang mabuhay, salamat.
Sa UBE, kina John, Sam, Munch, Marianne, Jaymar, Jason, Cyril, Judy, Nikki, Mark, Sendang, Mayee, Mimi, EJ, Arianne, Kaye, Diego, isa nanaman itong patunay na hindi mapapantayan ang batch natin salamat sa suporta, salamat sa pagkakaibigan, salamat sa pagtanggap, salamat sa pagmamahal. Hindi ko kayo malilimutan.
Sa Artistang Artlets, ang pamilya ko sa AB at pamilya habang buhay. Salamat. Para sa atin ito. Maraming maraming salamat sa samahan, suporta at sa lahat ng naitulong at naituro niyo sa akin. Kayo ang bumubuhay sa akin ngayon. Mahal na mahal ko kayo. Alam kong hindi tayo magkakalimutan dahil hindi ko rin kayo malilimutan.
Sa AB-COMELEC, salamat sa suporta. Grabe. Kahit na lahat tayo ay patay na sa mga trabaho, di niyo pa rin ako nalimutan. Mahal na mahal ko kayo. Lalo na kayong mga commissioners, salamat ng marami. Hindi niyo talaga ko kinalimutan.
Sa 4JRN3, paano ba yan? Nadagdagan naman ang pwedeng maipagyayabang ng klaseng hindi marunong hind imaging the best. Number one pa rin talaga tayo basta’t wala sanang magkakalimutan.
Sa Tropang Cute, saan man tayo mapadpad, walang makakasira sa 13 na taong pagsasama. Kayo ang isa sa mga malaking part eng buhay ko. Salamat sa inyo. Alam niyo naman siguro kung gaano ko kayo kamahal. Kahit ano man ang mangyari, alam kong hindi na talaga tayo magkakalimutan.
Sa mga buddies ko, ampon man o hindi, kina Buddy Barbie, MArga, Tin, Estar, Mingu, mahal na mahal ko kayo.
Sa partner kong si Angge. Mahal na mahal kita pards.. salamat sa lahat lahat… simula’t simula palang, tinadhana na tayong magpartner… at alam kong hindi tayo pwedeng magkalimutan. Natupad na natin ang pangarap nating magkatrabaho sa isang produksyon. Pards na tayo magpakailanman.
Kay Mingu ang aking production designer. Hindi ako nagkamali sa iyo. Maraming maraming salamat sa pasensya sa pagtitiis at pagtatrabaho ng napakahusay. Napakarami kong utang sa iyo. Hindi ko yun malilimutan. Mahal na mahal kita HB. Sobra.
Kay Gabby, nasabi mo sa akin minsan na “tagumpay man o pagkatalo, magkasam tayo” well, napatunayan nay an ng napakaraming pagkakataon. Mahal na mahal kita. Hindi kita malilimutan…
Kay BESTY na may ibang mga bestfriends, nakita mo na akong magalit, umikay ng grabe at gumulong sa katatawa. Kahit lagi mo kong sinasaktan, minumura, iniinsulto, kinalilimutan mahal na mahal na mahal kita.
Kay Marianne, konti nalang mabebreak na natin ang record natin. Ikaw ang mananatili kong kaligayahan. Ang dami na nating pangarap sa buhay na dapat lang nating tuparin. Maraming maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita.
Kina mama, papa, joy, tano. Ngayon alam niyo na kung bakit napakapangit ng kuya niyo dahil sa stress. Kahit hindi ako marunong magpakamushy sa harap ninyo alam niyong mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko. Salamat sa pagaaruga at pagmamahal. Kayo ang number one. Para sa inyo ito.
Kay Lord, dami ko nang utang sa inyo, napakarami ko nang kasalanan. Pero kahit kalian, hindi niyo ako iniwan, hindi niyo ako pinabayaan. Makakabawi rin ako sa inyo. Mahal na mahal kita. Sa inyo nanggaling ang lahat lahat sa ng ito, ibabalik ko lang po ulit sa inyo.
Kay Cindy, ang nagiisa kong bunso, nasaan ka man ngayon, alam mong mahal na mahal ka ni kuya. Ang dami kong utang sa iyo. Di bale. Sa pagkikita natin, makakabawi rin ako. Miss na miss na kita. Salamat sa lahat lahat. Para sa iyo iyong dulang ito.
Sa mga nanood, nagkritiko, nagkomento, nagenjoy at hindi sa dulang pinagpaguran ng Artistang Artlets, salamat sa pagtangkilik. Naway wag kayong magsawa sa pagsubaybay. Para sa inyo ito.
Ito ang Rizal at Blumentritt. Ito po ang Artistang Artlets. Salamat sa lahat lahat. Mabuhay po kayo.
Abad Santos Station, Abad Santos Station. Paunahin lamang po ang bumababa ng tren. Next Station, Blumentritt Station.
1 comment:
Keep up the good work.
Post a Comment