si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, November 22, 2007

Pasko ni Lando at Mina

Hindi ko alam kung bakit napaaga ang paguwin nina lando at mina sa pilipinas pero ano pa man ang balak nila, hindi talaga maganda. nakakatakot siya.

ilang bagyo na rin ang yumanig sa pilipinas nitong mga nakaraang dekada.. karamihan sa mga ito naapektuhan ang mga estudyante.

oo. karamihan sa mga estudyante masaya sa mga kanseladong klase pero pano naman ang mga tulad naming hindi normal. mga tulad naming palaging may hinahabol na deadline at hinahabol ng pressure? hindi ata makatarungan ang mapagitnaan ka ng dalawang super typhoons no.. hindi siya kaaya-ayang tingnan.. nakakatakot siya.

pano nalang din yung mga taong hindi pa nakakabawi sa hagupit ng nagdaang mga bagyo? tulad nalang ng albay na iniwanang walang buhay ng mga bagyo dalawang taon na ang nakakaraan. Sila nanaman ba ang dehado sa labang ito?

Sana hindi na tuloy ang pagkikita ng lovers na sina Mina at Lando. sana di na matuloy ang masaya nilang pasko. dahil masaya ang mundo kung walang istorbo.. sa masayang pasko...

No comments: