hmm... pilit ko man siyang unahan, pilit ko man siyang layuan talagang close kami ni pressure.. hahaha...
nasa unahan pa rin niya ako... hinding hindi ko papayagang unahan niya ako.. nagkataon lang na.. naka kotse siya.. at ako naman, eto... tumatabo lang....
siguro dala na rin ng matinding puyat, pagod, gutom, uhaw at kadalasan, katamaran.. nakukuha kong lumingon patalikod.. at nakikita ang mukha ng pressure napapalapit sa akin.. nakangising nakalabas ang dila na pinapatingkad ng malalaki niyang sungay...
hindi ko alam ang gagawin ko kundi tumungin ng diretso sa patutunguhan, tibayan ang sarili at tumakbo ng todo bigay at tumingin sa mga kaibigan kong unti-unti na ring nanlalabo sa mga paningin ko...
kung sakali mang maabutan ako ng bestfriend kong kriminal ng mga nagpupumilit maging masaya, tatawanan ko lang siya... titingnan sa mga nanlilisik na mga mata at sasabihing
"sorry.. finnish line na.." at sa wakas... ang pahinga....
(no animal was harmed in this blog entry)
[please check my newly uploaded songs.. para talaga yan sa inyo]
No comments:
Post a Comment