WARNING: medyo madrama tong blog na ito so please bear with me. salamat.
haaay.. my first direct say sa mga bagay bagay... and believe it or not mahirap siya para sa akin coz "Leos doesnt know how to express themselves"(line ni virgo, agnoia)
aaminin ko.. masakit nga yung sinabi ko.. kahit ako nabigla nung malaman kong sinabi ko yun. sobra. talagang pati ako nagpintig ang tenga sa sinabi ko. sorry... sorry talaga..
yah... sayang.. okey na sana ang lahat.. yah.. i guess "i demolished it" (taurus, agnoia). sobra. I demolished it without any reason. without any justifying reason.. nakakatawa. may mga times talaga na hindi ko alam mga nangyayari sa buhay ko at kung ano ang mga nasasabi ko. nakakatawa.. sobra.. yung tipong ang sarap paslangin ng taong ganun. sobra.
yun nga lang po.. hindi ko masasabing fictious and imaginary ang mga bagay bagay na nararamdaman ko same with yung mga things na.. yun. nangyari nung mga past few months. its just that we really can't understand other people's opinions. yun lang siguro yun..
no. you did the right decision to be nice. sobra. nakita ko yun ningning sa mga mata ng tao yung saya na "sa wakas bati na sila". yung tipong yung mga tao napapanganga nalang at napapangisi sa tuwa as if natapos na yung teleserye sa isang happy ending.. sobra.. kaso.. may mga bagay lang talaga that haunts me hangang ngayon.. kaya siguro nagpapaka istoic ako dahil i want to be invulnerable to pain. kaso yun nga.. ako naman yung nakakasakit ng ibang tao. but seriously, i really wanted to be friends with you too... sobra.. as if that's my wish kapantay ng sana makagraduate ako ngayong taon.
please.. you didn't do anything wrong. siguro yung "past self" mo oo.. pero si ***ki na nakikita ko ngayon hindi .. youve changed a lot. sobra.. as in sobra.. and i really congratulate you for that.
yah.. maybe.. i was angry with your "past self" yung taong nagpagulo ng lahat dahil sa mga reasons na beyond comprehension. and yah... nabasura ko nga lahat ng pinagsamahan natin. and you did that to if im right dahil alam kong napagusapan natin yan. but i really never called you that! huh? kelan?! hala.. di ko ata matandaan na tinawag kitang ganun... ang wird.. yah... i admit that to. being unfair this time.. di lang talga ako makagetover dun sa mga harsh words mo noon. and that really is a Leo quality.. na hindi madaling makarecover from everything.
nah.. im recovering. hindi ko yun choice. ganun lang talaga. yah.. and i am also waiting for that move na magkabati tayo after all the painful things na nagawa natin sa isa't isa.. sorry.. medyo may nakapuslit na impulsive emmotions.
"naging friends...super close friends...nag-away...naging friends ulit... tapos naging close ulit... tapos nag-away... sinubukan ko makipag-ayos...and sinira mo naman ang lahat...haaay..." naku talaga. wala akong masabi.. pangteleserye ang buhay nating magkaibigan... sobra... hahaha.. parang heroes lang.. iba't ibang season pero patuloy na sinusubaybayan.. haaaayyyy...
***ki? i thought kakalimutan na natin lahat lahat nung nagusap tayo through that bloody text messages. ewan. minsan talaga kahit gaano kita pilit intindihin di kita magets.. kahit pa noong super, uber, super close tayo.. well, that what makes you special di ba? yah.. meron pa rin namang good memories na nakatago sa akin.. yung mga times na nag a-icemonster tayo sa kainitan ng issue about... yah.. yung kina ate jade at yung mga impromptu overnights natin... marami pang iba ***ki.. and nagkasala man tayo, pantay tayo diyan. at nung hinahanap natin si "samone", kung nagkataong nakapagusap natayom di sana nagkaiyakan pa. yun sana yung greatest night ko ever. di na sana nangyari to. okey lang kokey.. eto naman tayo.. sa harap ng lahat ng mga kaibigan natin.. kahit hindi personal. (medyo mahina ako sa personal na pakikipagusap eh).. i am really really sorry sa lahat ng mga bagay na nakasakit sa atin.. sorry form the bottom of my heart.. sayang.. kung kina-m*n** nangyari to ede retreat ang kinalabasan.
Sa mga pinoint out ko, na (1) ung warning entry mo sa blog, (2) pagiging friends sa multiply, (3) sa napakababaw na text chuva, lahat ng yun ang naging dahilan ko para magisip ng mga bagay bagay. That blog thing, I-rerequest ko sana na ipabura na sa iyo. Dahil yun nalang siguro ang bagay na naghihinder sa akin para tanggapin sa sarili ko na at long last, after 10 thousand years, thank God bati na tayo. Pero yun eh. Yung about sa friends thing natin, may mga sources ako na nakapagsabi na ginawa mo lang ata daw yun para mabasa yung mga blog mo and “para di masaktan yung mga nagfifeeling close sa iyo”. That led me to the idea na yun.. tingnan at basahin kung nasa blog mo pa nga si WARNING entry. And yung about sa text, wala lang yun.. isa lang sa mga factor yun para magisip ng unhealthy things.
Tulad nga ng sabi ko, hindi talaga natin maiintindihan ang mga tao sa mundo. Kung sa iyo, untruthful lahat nung mga past things nasabi ko, maybe ganun din ako sa mga bagay na nasasabi mo… and kahit sinong I-persecute magreretaliate. Si papa Jesus lang naman ata ang hindi ganun. Kaya nga sabi ng prof ko sa ethics, pagsimula nang nagkasakitan, mahirap na itong matapos.
“san ba nanggaling ang lahat ng ito?san mo ba hinugot yung emosyon mo para sabihin ang lahat ng ito??? dahil wala talaga akong ginagawang masama sayo! di ba sabi ko lang...subukan na nating ayusin ang lahat? asan ang masama dun? hindi ko makita...”
as what ive said, sa blog mo rin naggaling lahat. Mga suppressed emotions na matagal ko nang pinipilit ikamanhidan. Dahil.. well, the blog speaks for itself.. nagkataon lang na bagong gising ako, nabasa ko yung blog at bumalik sa akin yung mga nakaraan na sikat pa sa puso’t isip ko na “masyadong masakit kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi kita magawang patawarin” (Claudine barretto in a movie na makapal pa kilay niya). Pero nagkamali ako.. napatawad at nakalimutan ko lang lahat. Nabasa ko lang ulit at nabalik lang sa akin lahat. Sana hindi ko nalang tiningnan.. sana di ko nalang hinanap.. sana di ko nalang binasa ulit. “sana di ko nalang tinanong dahil wala rin namang sagot. O meron man, hinhdi ko rin maiintindihan” (Pisces, agnoia)
haaaay… ***ki.. you know me.. may mga bagay talaga sa akin na hindi ko rin maintindihan. Akala ko kakayanin ko nang basahin yung blog na sumira sa akin dati pero bobo ko.. napablog pa ako ng walang kakwenta-kwentang mga bagay. Hindi talaga ako makapagisip ng tama pag pinangunahan ng emosyon.. hindi kinakaya ng kahit anong teaching ng STOICISM yan.. sobra.. lalo na yung mga tipong bulok na bulok na sa puso’t isip ko hindi ko pa magawang itapon. Masokista nga talaga ako sa totoong buhay.
And that mamamatay ka din is a form of exaggeration. Nakanang. Mamamatay nga ata ako dahil lahat ng bagay napakalaki sa akin.. lahat exaggerated. Lahat may stress.. nakakalunod na nga rin minsan eh..
Nga pala. Takshapu is a kapangpangan term na meaning ay langya or a sort of expression. Yun po ata yung word na akala mo po something bad na hinding hindi ko masasabi sa iyo.. never kong gagawin yun ate.. di ako ganun…
Nah.. hindi sa tuwing masasaktan ako makakapagsulat ako ng ganun.. marami na rin akong mga things na pinalalampas. Nagkataon lang na ang bigat ng emotion ko that time.. sorry..
We don’t have to deal with all our shitty things shittily. Shit lang yung sinabi ko.. walang kwenta. Basura. Yah.. nafouled out na nga ako sa game natin eh. Ako ang talo. Sobra. Hindi ko sinasabing hayaan mo nalang ang mga katangahan ko dahil hindi madaling gawin yun. Ang gusto ko lang ay maintindihan mo ako na nasabi ko yun out of the rage na nabalik, I reapeat, nabalik sa akin after kong mabasa yung blog mo ulit..
Ang ironic. I kept on saying na past is past eh pucha, nasabi ko lang yun out of the sheer pain na nabalik sa akin nung entry na yun. Walang kalogic logic. Pero yun nga… wag na tayong magungkat ng mga bagay dahil wala na akong natatandaan nung nakaplipas… kundi yung suppressed pain na hanggang ngayon hindi ko mailabas labas. Kaya gustong gusto kitang iyakan. As in gusto kong humagulgol para matanggal na tong dinadala ko.. para matapos nang lahat. Gusto kong magpakabangag sa pagluha tulad ng ginagawa natin dati nung uber friendships pa tayo. Pero.. yun nga.. “I demolished it” peklat talaga.
Ayaw ko na rin ng away. Kaya nga hindi ko alam kung sinong nilalang ang sumanib sa akin para gawin nanaman ang mga bagay na akala ko hindi ko na gagawin. Pagod na pagod na rin ako. At alam kong lahat ng tao na nakasubaybay sa atin sawang sawa na rin. Ang baba na nga ng ratings natin ate. Stupid lang talaga ako at times. Yun lang…
Sabi nga ng isang quote sa isang year book, “a friendship that ended never really started.” And I really believe na hindi magtatapos sa mga ganitong awayan ang friendship natinor what was left of it. Because magkaibigan tayo ***ki. No matter what happens, magkakausap at magkakausap tayo, magkakabati at magkakaayos tayo dahil magkaibigan tayo. Please. Nabura ko na lahat nung mga dapat burahin. Siguro its time na makamove-on na rin ako sa pain. Please…
Napaiyak nanaman kita.. sorry.. sa mga taong nagbabasa nito.. sorry.. guys you know me.. sorry talaga sa mga moments na hindi ko rin magets ang sarili ko. Siyet. Sorry talaga… I really wanted this to stop.. sorry..
Sana kayang idaan ito lahat sa libreng ice cream, sa pagtambay sa coffee-I, o sa pagsisi sa ibang bagay.. “so wala na tayong ibangsisisihin kundi.. SATURN?” (Gemini, agnoia)
Sorry, salamat, and take care
No comments:
Post a Comment