si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Sunday, June 17, 2007

kamatayan: kalungkutan? kahangalan...

masaya ang mamatay... oo.. marahil nawiwirduhan kayo sa sinasabi ko... anu nga naman ang masaya sa maghirap sa proseso ng kamatayan, sa pangiiwan, sa maiwan, sa kalungkutan, sa pamamaalam? crap!

kamatayan ang walang hanggang pahinga.. sa trabaho, sa problema, sa kalungkutan, sa kamunduhan, sa katangahan at pagwawalang bahala.. kamatayan ang dulo ng para na yatang walang katapusang magdudusa.. kamatayan ang tanging kasiyahan sa buhay na wala na yatang hangganan...
hindi ako takot mamatay... hindi ko naman masasabing gusto ko nang mamatay.. pero sinasabi kong kung mamatay ako ngayon, walang kaso iyon... at sa oras na matanggap mo na ang iyong kamatayan, iyon na ang pinakapunto at pinaka-antas ng kasiyahan... believe me.. i know..
sa oras na mawala ako sa mundong ito, alam kong magiging masaya ako.. dahil alam kong marami akong buhay na napanghawakan... mga taong napasaya, napamura, napaiyak, nainis at nakilala.... mga taong alam na may isang tulad kong nabuhay sa mundo.. mga taong alam na kahit minsan man lang, naging malaking parte ng buhay ko...


salamat sa inyo, pasensya at sa muling pagkikita...
p.s. hindi pa po ako mamatay... hahaha.. masyado pa akong bata...

No comments: