si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Monday, June 11, 2007

Hari ng sablay...


hindi ko talaga maiiwasan ang mga ganitong pagkakataon... na parang lahat ng tao napapagiwanan ka... parang lahat ng bagay ayaw sa iyo... parang ikaw lang magisa, sa isang mapangkutyang mundo...


lagi nalang ganito.. hindi na ako tumanda... hindi na ako nanibago... sino ba naman ako para magdrama at magtampo...


Sino ba naman ako?


Ilang beses ko na rin sinabi yan sa sarili ko...

Iba't ibang panahon, iba't ibang pagkakataon, iba't ibang tagpo at iba't ibang dahilan... minsan tao ang rason, kadalasan ang ang mga pangyayari sa buhay pero mas kalimitan, wala talagang dahilan... nagkataon lang na madrama talaga ako.. at magisa akong maghihirap sa mga ganitong tagpo....


Nakakairita na rin ako minsan hindi ba? kung kayo nga minsan gusto na akong kitlin pano pa kaya ako... na palagi nalang akong ganito.. palagi nalang magisa.. palaging nagdurusa...


hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.. siguro dahil mayginawa nanaman akong katangahan sa mundo... ang UMASA...


UMASA nanaman ako na maraming nakakakilala sa akin... UMASA ako na marami na rin akong napagdaan sa mundo... UMASA ako na sa mga paghihirap na yun ako makakabangon, pero wala eh.. UMASA lang ako.. hindi ito nagbago... UMASA lang ako...


kung alam lang ng mga tao sa paligid ko kung ano ang ipagpapalit ko para lang maging manhid.. Kung alam lang nila kung gaano ako nasasaktan sa mga bagay na hindi ko masabi kung pano... kung alam lang nila kung bakit sa mga segundong ito, nangingilid ang luha ko... kung alam lang nila... pero wala naman akong magagawa... kundi UMASA...


UMASA pa akong may makikiramay... kung sa bagay... lahat naman tayo sa mundong ito ay... mga hindi magkakilalang anino..

2 comments:

kalansaycollector said...

ang pagiging SOBRANG madrama ay hindi na nakakatuwa...

fine hindi mo kasalanan, bakit kasalanan naman ba nila/namin na magkaganyan ka? naapektuhan din naman kami...

yun lang... just a thought..

yanmaneee said...

golden goose
nike air max 2018
reebok outlet
air max 95
cheap jordans
moncler jackets
nike vapormax
supreme clothing
golden goose
hermes