si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, June 7, 2007

Heartbroken...

Hindi ko inaasahan... na ako'y masasaktan...


Minsan talaga sa mundong ito, may mga bagay na sobrang nagpapasaya sa buhay mo... mga bagay na feeling mo umiikot sa iyo ang buong mundo...


sama ng loob? galit? irita? dahil sa mga panira? hindi na yun tama...


Tulad nalang kahapon.. sino ba naman ang magaakalang isang masayang araw ang magaganap kahapon? isang simpleng lakaran na nauwi sa isang masigabong galaan...


sirang tiwala, sirang paghanga dahil sa isang desisyon...


SHREK 3, DVD ni CHristian Bautista live, libreng chowking kalu-halo, at ang makasama ang 2 tao na lubos na malapit sa iyong puso...


kasiyahan ko, naipit at nakulong sa isang kahong kwadrado... ng inaasahan, ang umasa, sa pagasa...


uuwi pala ng maaga ha? ito talagang si marchella.. nakakatuwa.. at si john? sulit na sulit naman ang pagpunta sa school na wala naman talagang dahilan... haaay.. minsan nalang kami magsama tatlo.. buti nalang tinadhana kaming magsama kahapon bago matapos ang bakasyon...


sorry, tulad ng lagi kong sinasabi... pero nasaktan ako eh.. dahil lang sa isang buto, lumuhod na sa ibang amo ang alaga kong aso....


walang makakatalo sa saya ko kahapon.. kahit na walang tulog, naging mabulaklak naman ang pagsasamahan naming minsan nang nasubukan ng mundo...


[para sa inyo to... sana basahin niyo...]

No comments: