naguusap ang mga busog na busog kong bulate sa tiyan ko... isa ang hindi pumirma sa kanila... buti nalang.. dahil tiyak susuka ako sa daan...
CONGRATULATIONS
isang mabilis na bus.. ni hindi ko namalayang maghihiwalay na kami ng landas ni jaymar (na first time mag-MOA kahapon.. congrats...). at ako, walang batt ang cellphone, walang kaalam-alam sa pupuntahan, walang kadudadudang kinakabahan. Tiyak kong makakapatay ako ng tao sa bahay pag may nakaalam na hindi ako uuwi nito...
The walking jackpot prize
walking jackpot prize ang tawag ko sa sarili ko habang pinipilit tumawa sa nadadamang pangangatal ng katawan. hindi ko alam kung sa naguumapaw sa sarap na Itallianis na libre ni Mark Obcena (syet! sana araw araw ka nalang madiligan!!! hahaha!!!) o sa mamang nakatitig sa bag ko... hindi na tuloy mawala sa sistema ko ang segu-segundong pag kapkap sa maliit na lagayan ko ng tuition ko.... oo.. im loaded kagabi...
9,000 pesos na pang tuition ko para mamaya, mga mamahaling sapatos ng tito ko (na hindi niya alam na nasa akin), mga pambayad sa mga utang ni mama (na ako ang pinagbabayad) at ang video camera ni Marchella Calica (na menu-minuto ko namang dinadama kung buhay pa). hindi ako madalas matakot sa mga kabalastuan ng mundo... kahapon lang.. dahil nakakabang isipin na ang dami mong dala at sa mga tambayan pa ng mga satanas ako baba para makasakay.. sa NEPA Q-MART, at MUNOZ..
Isa pang kinababahala ko, isan beses ko pa lang napuntahan ang bahay na uuwian ko.. at nung minsan pang yun sobrang bangag pa ako dahil sa kape at tonetoneladang kopibun (ng kopiroti).
ANG ANGHEL KONG KAIBIGAN...
Buti nalang at mahal talaga ako ng diyos. natuntun ko ang daan papunta sa aking uuwian.. napangiti dahil hindi talaga ako madaling maligaw. tumigil ako sa harap ng isang hindi pamilyar na apartment. sinubukan kong bumulong kaso tiyak ni ipis sa paa ko hindi ako maririnig kaya napilitan akong sumigaw... "SENDANG!!!???"
Dumungaw sa bintana ang anghel kong kapatid... at mula sa langit na kanyang kinatatayuan, binabaan niya ako para pagbuksan ng pintuan... haaayy... salamat nalang at may isa akong kaibigang tulad ni sendang...
buong gabi lang ata kami naglandian.. nagkwentuhan, nagchenesan... (bastos ng nasa isip mo!!)... pero kahit na napakasalimuot ng buhay ko kahapon, isa lang ang mapapatunayan ko...
NA MAGKAKAROON TALAGA NG ESPESYAL NA PUWANG SI SENDANG S PUSO KO.... MAHAL NA MAHAL KO TALAGA SIYA... HAAAY... SANA NABABASA MO ITO.. HAYUP...
did I just scored? nope... but i had the time of my life...