si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Sunday, November 22, 2009

Paano?

Hindi ko talaga maintidihan kung bakit ganun ganun nalang iwalang bahala ng iba ang mga bagay na sinasamba ko?

Sa lumipas na ilang linggo pinuno niya ng kulay ang buhay ko.. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam kung paano ko ilulugar ang sarili ko.. Dinikdik nanaman ako ng kapalaran sa tanong na "paano mo iiwasan ang isang bagay na nagbibigay sa iyo ng walang kapantay na kasiyahan?" Paano nga ba?

Paano mo pipigilan ang nagbabagang alimpuyo ng damdaming hindi na makita ang tama sa mali?

Paano mo isisiwalat na siya ang gusto mong makasama sa haba ng buhay mo?

Paano mo mapapaniwala ang sarili mong hindi ka niya kailangan, na wala ka lang sa buhay niya, kung sa bawat text, tawag at pagpaparamdam umiikot at humihinga ang buo mong pagkatao.

Mahina ba ako kung sasabihin kong hindi ko siya pwedeng hintayin? Kasi kahit na namummutok na sa kamalian ang pagmamalang pinangakuan niya, naniniwala pa din akong kailangan nilang ipagbunyi na sila na kailangan nilang magsama, na para sila sa isa't isa....

Mahina ba ako kung hindi ko masabi sa kanyang siya ang gusto kong makasama, na siya lang ang tangi kong hiling sa bawat dasal na ibulong ko sa hangin, na siya ang nagiisang bituing kahit kelan hindi ko makakamtan...

Mahina ba ako kung sa tuwing iiyak siya dudurugin ko ng pinong pino ang lahat ng kasiyahan ko para sa kanya? na wala akong magawa sa bawat luhang sa totoo lang gusto mo nang punasan.. pero hindi pwede... dahil wala lang naman talaga ako sa buhay nila...

Paano ko ba malalampasan ang isa na namang umaatikabong tagpong sa wala din naman mapupunta..

Paano ko masasabi sa iyo na wala na kong hihilingin pa kundi ang pagsilbihan ka, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa mga huli kong hininga... Ikaw lang ang kailangan ko, sa mundo, sa buhay kong naghihimutok sa pagmamahal sa iyo...

At para sa iyo, kahit na hindi mo kailangang malaman, na mahal na mahal kita. Na gusto kong ialay sa iyo ang lahat ng nasa akin. na gusto kitang pangakuan ng walang hanggang pagmamahal, na hindi kita iiwan, na hindi kita pababayaan tulad ng ginagawa ng taong hindi alam kung gaano siya kaswerte at ikaw ang hinirang, ikaw ang pinili, ikaw lang ang kanyang kailangan?

Kung nagkataong kaya kong humiwalay sa katawan na ito, siya ang una una kong sasaniban, para lang malaman mo ang kahulugan ng pagibig, ng pagmamahal at kung anu talaga ang karapatdapat lang para sa iyo.

Mahal kita. Mahal na nga ata talaga kita. Sa hindi ko maintindihang kahiwagaan, naglahong lahat ng taong kilala ko. at sa iyo na umiikot ang mundo ko... At hanggang ngayon nagtatanong ako, paano... Paano.. paano ko nga ba mapapaliwanag sa iyo to?

No comments: