si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Wednesday, February 24, 2010

Spot the Difference

SPOT THE DIFFERENCE..


hmmmm...


wala eh.. pareho pa din naman silang nagmamahalan..

Tuesday, February 9, 2010

para sa masipag na IBMer



sa lahat ng hirap na dinadanas mo..

sa pagiyak sa tambak na ERs...

sa pagkaimbyerna sa tracking....

sa pagtitimpi sa mga kaopisina....

sa paguwi ng late...

sa mga pagpapakabihasa sa vlookup...

at sa pagiging isang butihing empliyado...

isa lang masasabi ko sa iyo.
.

HINDI DAPAT MASYADONG SINISIRYOSO ANG TRABAHO!!!!

at para sa iyo,..

na grabeng nagpapastress at nagpapakapagod sa trabaho...

wag ka na sanang ganito:


sarap mo tuloy isabit sa opisina
parang pagsabit ko sa puso mo... na parang TALABA...
kasi kahit patay na.. nakakapit pa... syet panis! :p


Monday, February 8, 2010

BOYFRIEND POTENTIAL SURVEY -- pasimuno si joey..sinagutan q lng...

by ISHA from facebook

(check ko lang kung pasado ako)

1.dapat ba gwapo?
isha: mejo...dapat yung katanggap tanggap naman diba...
caloy: 0_0 suko na ata ako... unang banat palang... syet...

2. matalino?
isha: hmmm...yung sakto lng...ayoko rin ng mxdong matalino eh...it makes things complicated...hahahhaha! based from my experience...
caloy: madami akong tres nung college. sakto na ba yun?

3. preferred Age?
isha: basta older than me...
caloy: 5 months older ako.

4. preferred height?
isha: taller than me...
caloy: woohoo! salamat sa pagpapatangkad!

5. How about sense of humor?
isha: uu naman...
caloy: common sense oki na siguro yun?

6. How about piercings?
isha: yaw q...
caloy: gusto ko..

7. Accepts you for who you are?
isha: naman! tinatanong pa ba yan?!
caloy: ACCEPT! :D

8. Pink hair?
isha: BIG NO NO!!!
caloy: brown hair? onting highlights? PAYAGAN MO NA AKO 0_0

9. mushy or no?
isha: hehehe..oo...gusto ko ng malambing eh..pero yaw q naman ng sobrang corny...
caloy: cheesy ako. swabe lang sana..

10. Thin or fat?
isha: yung may tamang laman lng..hehehe...hindi mataba...hindi payat...
caloy: oo na! mataba na ako!!! 0_0

11. Moreno or chinito or mestizo?
isha: anything will do..
caloy: your stuck with an alien. Sorry.

12. Long hair or short hair?
isha:hmmm...short...yaw q ng super haba!
caloy: papakarakstar pa naman sana ako. sayang.. :p
13. Plastic or metal? isha: ano toh?? hahahaha!!!
caloy: metal hands? hindi naman ako clingy eh. Hindi din naman ako masyadong maluwag. seloso din ako.

14. Smells good?
isha: mmmm..that really is a PLUS!!!
caloy: AKIN NA NGA YANG LECHENG PABANGO!!!

15. Smoker?
isha: BIG NO NO!! kakaturnoff!
caloy: poser oki lang ba? yung tipong taga sindi lang?

16. Drinker?
isha: hmmmm...yung tamang inom lng...pero kung pwedeng hindi umiinom...mas maganda
caloy: tamang inom. ang noo'y 2 times a week kong paginom 4 months ago ngayon ni SHOT wala!! 0_0

17. Boy-next-door type?
isha: why not?
caloy: BOY type? yung tipong alilang sagigilid oki lang?

18. Musically inclined?
isha: uhm...i like..hehehhe
caloy: musically challenged?

19. Plays piano?
isha: pwede rin,,,
caloy: used to..
20. Plays bass and/or acoustic guitar?
isha: pwede rin...
caloy: bass player din ata ako nung bata-bata pa ako

21. Plays violin?
isha: sosyal...hahhaha!
caloy: i wanted to..

22. Sings very good?
isha: hehehe..d nmng kelangang magaling...basta ba kantahan nya q..okay na... :)
caloy: wag kang magulo araw araw kitang kinakantahan kahit na lagi mo ko pinagtatawanan..

23. Vain?
isha: wag lng SOBRA! nakakatakot na eh!
caloy: vague ako eh. ayus na yun! wag nang choosy.

24. With glasses?
isha: kahit ano...basta bagay...
caloy: pinatanggal mo salamin ko. syet. hindi ko bagay.. 0_0

25. With braces?
isha: wala
caloy: retainers? pero naapakan ko so wala na din ako nun..

26. Shy type?
isha: gusto ko kasi ako una inaapproach eh..so..i think that's a no..
caloy: shy kaya ako! sa iyo lang which is weird.

27. Rebel or good boy?
isha: good boy.. :D
caloy: boy lang ako eh.

28. Active or passive?
isha: active
caloy: PASS!

29. tight or bomb?
isha: tight or bomb??? hmm....im not sure about this...but i choose...bomb?
caloy: anu daw?

30. Singer or dancer?
isha: a little of both will do..
caloy: oo. ang galing ko kasing sumayaw eh. sobra.

31. Suplado?
isha: ayoko!! hate ko mga suplado!
caloy: CHE o_0

32. Hiphop?
isha: YUCK! nu un..as in gangster type!...NO!
caloy: aray naman.. sakit ah..

33. Earrings?
isha: kung pwedeng wala...mas maganda..
caloy: so pwedeng meron?

35. Torpe?
isha: NOPE
caloy: aray.. duguan na ako ah..

36. Mr. count-my-ex-girlfriends-until-you-drop?
isha: yaw q...
caloy: I only have.. 1 EX! yey! Oh NO NAGBILANG AKO!!!!!! 0_0

37. Dimples? isha: pwede...
caloy: sa pwet! :D at wag mong magawang imbestigahan yan!

38. Bookworm?
isha: pwede...
caloy: kala ko ba takot ka sa bulate?

39. Mr. love letter?
isha: awww...ang sweet :)
caloy: mr. scrapbook at journal ako eh.

40. Makulit?
isha: uu...i find it cute nga eh...
caloy: magulo na kasi ako eh. hindi na makulit.

41. Flirt?
isha: ay! NO!
caloy: oo malandi ako! pero sa iyo lang.. :D

42. Poem writer?
isha: pwede...
caloy: ay! poet ako as pow-et.. :D

43. Serious?
isha: wag lng sobra!
caloy: emo?

44. Campus crush?
isha: hehehe...okay na okay lng...
caloy: campus slave? alila ako eh.

45. Painter ..?
isha: ok Lang.
caloy: which reminds me.. OI ISHA KELAN NATIN SISIMULAN MGA BALAK NATING MAGPAINT?

46. Religious?
isha: yup.
caloy: thank God!

47. Alaskador?
isha: uhm...wag mxdo...
caloy: alaskador? galing ba sa alaska yun? ede angelador nalang ako.. :p
48. Computer games geek? Or internet freak
isha: pwede...pero kung pwede wag mxdo...
caloy: SYET!!! GRAND THEFT AUTO!!! :D

49. Speaks 20 languages?
isha: wow! tinalo si Rizal...
caloy: i can speak whale, cat, dog, ant, tree, tagalog, kapampangan (onti lang).. syet.. ang dami ng 20! 0_0

50. Loyal o faithful?
isha: BOTH ARE REQUIRED!!!!!!!
caloy: ARF ARF!!!!

The List

Ang mga nagsabi na hindi daw kami TAO dahil.....

1.Charito Villafuerte
2. Annabelle Meroy
3. Christine Evangelista
4. Alex Brana
5. Jean Marie Quiroz
6. Sheryl Pontanoza
7. Tek dela Cruz
8. Myx Rodriguez
9. Joy Delfin

Well looking at this photo, oo nga noh. Hindi nga kami TAO. Hindi din kami HAYUP. Dahil kami ay KAMI :D

Meron pa bang hahabol?

Sunflowers much?!

onti nalang...
sandaling paghihintay nalang..

at magyayabong na din ng sobra sobra
ang tinanim naming PAGMAMAHALAN!

yey! soon to come:

SUNFLOWERS


Initial Planting Date: January 1, 2010
tulad nalang ng pakikipagtunggali ko sa higanteng NAKALIPAS gamit ang kakarampot kong NGAYON para sa pinakapapangarap na BUKAS!




wala lang.. inlove much? TAMA!


Tuesday, February 2, 2010

sa paglilinaw...

kung baga sa teleportation... nawala ako sa gitna ng katotohanan at panaginip.. dahil sa tuwing paniniwalaan kong nagkatotoo, nagkaroon ng kaanyuan sa tunay na mundo ang mga pangarap na hinubog ko lang sa pagiisip ko... parang hindi siya totoo.. para siyang multo.. na tinatakot ako.. na baka bigla nalang akong magising sa totoong kaanyuan ng kapaligiran... at ako'y masaktan sa pagkakagising sa katotohan.. pero sa totoo lang, alam ko... dito ko gustong mabuhay.. dito ko gustong mamatay.. dito ko gustong patunayan na totoo ang habang buhay..


nakakatuwang isipin.. na nung una kaming nagkita, meron at meron na siyang nasaging ugat sa litid ko sa puso.. hindi ko to nabigyang pansin dahil nakakandado ang pagkatao ko sa isang kasinungalingang binubuo ko sa mga panahong yaon.. sayang.. kung alam ko lang.. na may patutunguhan ang sang gabing pagkakasilaw sa kagandahan... na may pupuntahan ang sang linggong kabaliwan... na kung pahihintulutan, hindi ko na sinayang ang sang taong namagitan mula nung una, at ng
sumunod na pagkikita..

nagkabiglaan at nagkagulatan nalang.. nung biglang nagkasalubong sa labasan ang dalawang tinadhanang magkabistuhan. Ako, wasakang hinihilom ang dinurog na pagkatao sa pakikipaghiwalay ng dapat ay asawa ko na. Siya, medyo tabingi ang pagkakaayos sa sarili sa pagod na tinatamasa sa trabaho at kung san man.. at sa nagiisang pagkataon, nakita ko sarili kong nahihiya.. sa pagkakakita muli ng taong minsan nang kumalabit sa puso ko. Tadhana nga naman oo palaging nasa tyempo magpatawa. Pasalamat nalang ako't naintindihan ko agad ang kakatuwang katotohanang hinambalos niya sa pagmumuka ko. Nabulaga nalang ako sa biglaang pagusbong ng bagong tagpo sa buhay ko.


walang halong malisya pero, wala nang nakapagpreno sa ulirat ko sa pagkakabighani sa taong ginusto ko mula sa unang beses ko siyang makita. Ayaw ko mang sunggaban ang pagkakataon pero kinailangan ko din ng kaibigan. Ng matalik na kaibigang masasabihan ko at maalagaan ko at mapapagbuhusan ko ng pagmamahal at arugang bumubukal sa kaloob looban ko. Salamat nalang at may isang tao akong nakitang karapatdapat ng pagdaluyan ng pagmamahal kong matagal tagal na ring natigang. Mula noon, pinangako ko sa sarili kong magiging isa akong mabuting kaibigan para sa taong ito. Ngunit hindi ko naman inaasahang maiibsan sa ibang paraan ang pagkauhaw ko sa pagibig sa mga nakatakdang mangyari



Binuksan ko ang mundo ko sa kanya.. sa paglalayong maging ganon din kabukas ang buhay niya sa akin. At natagpuan ko't nadiskubreng hindi lang isa, o isang libo ang mga rason kung bakit ganoon nalamang ako natangay sa indayog na pagkatao ng kaibigan kong ito. Dahil bagkos sa mga kadahilanang parang siya ang matagal ko nang hinahanap, marami pa siyang kahiwagaan na kumutos sa natatakam kong gunita. Hanggang sa nakita ko ang sarili kong masaya.. sa piling niya, sa tabi niya, na kasama siya...



nanguna ako sa mga taong kinilala mong kaibigan. sapat para gawin mo akong bestfriend. sa pagaalaga, sa pagiisip ng mga bagong gawa, sa pagsisilbi, sa pagaaruga, sa pagsuporta sa mga bagay na ginagampanan ng bawat isa, nakita ko ang sarili kong naghahangad pa ng mas sa sobra. Natagpuan ko ang sarili kong naging tao sa paghahanap ng mas ikabubuti at ikasisiya, nadiskubre ko ang kahinaan kong maging ganid at paging pariwara sa pagibig na hindi ko namalayang nalunod na ako, sa pagibig na nararamdaman ko.. na nabalutan na ako ng pagmamahal na hindi ko dapat sinuong pero nakatadhanang umusbong sa titolo ko. nagkaroon ng ibang kahulugan ang bestfriend. ang malisyang iniiwasan ay naging pundasyon ng bagong simulain sa
storyang bumaluktot at tumungo sa kakaibang daan..

ngayong wala nang nakapagpigil sa dapat na mangyari, may mga bagay akong gusto kong liwanagin. Una, na hindi ko alam kung pano nagsimula, pangalawa, hindi ko alam kung gaano ang nararamdaman ko para sa kanya pero sigurado akong sobra sobra, at pangatlo, hindi ko masasabi kung ano pa ang mangyayari pero tiyak, magiging pinaka ang mga ito, basta kasama ang pinakamamahal ko sa mundong ito. MAHAL NA MAHAL KITA mahal ko. At sana naliwanagan kang, magulo ang mundo. At dugyot nating susuungin ang ano mang karumihang haharapin natin. Ngayon, at kailan pa man.