si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Tuesday, May 19, 2009

Nang magsimulang magsulat si Juan Basahan

Kung sa bagay... hindi nga naman ako madaling pasukuin so malamang sa malamang kasalanan ko din kung bakit gusto ko ng DQ mudpie ice cream..

Madalas akong makawala ng cellphone pero ang malimutan ang V3 razor ng hello moto parang ewan lang. Antukin pa man din ni Rico Blanco ang pinapatugtog at napangiti ako nung sabayan ko yung "gumawa nalang tayo ng.. baby... "

Nagimpake ako. Wala lang. Trip ko lang magayos ng mga gamit at ilagay sa bag. Yung tipong ginagawa ng mga bida sa pelikula. Tapos may pangiinis kasi di rin naman pala nila itutuloy pagalis nila. Epal.

Gusto kong dumaan sa station ng Brewrats paminsan minsan. Wala lang. Gusto ko lang din kasing imaginin na si Ramon Bautista ang may ganoong buhok tulad nung kay Tado Jimenez. Pano nga kung si Ramon at si Angel ay "sila".

Naglalasang sabon din pala ang hamburger pag nilagay mo siya sa bag na amoy sabon. Sana di ako malason kasi tira lang yun ng kaibigan ko. Dati. Oo dati.

Nakakita nga pala ako ng rainbow kanina. Natuwa ako kasi minsan nalang din magpakita ng kagandahan ang langit dito sa maynila. Madalas kasi wala kang magandang mahihita sa pagtingin sa langit kahit gabi. Para akong bata kanina. Naalal ko kasi na pag ang kamay mo hiniwa mo sa isang rainbow mapuputol yung rainbow. Ginawa ko siya dati at napaniwala akong ako ang dahilan kung bakit bigla nalang naglaho yung rainbow. nagalit pa sa akin bestfriend ko noon.

Kung baga sa telepono, isang malaking busy tone yung narinig ko kanina bago ako kausapin nung author kong slang mag engles. Isang malaking patlang ng nakalipas na hindi ko mabosesan o mapagkilanlan. Nakakatawa. Nasasaktan ako sa pakikinig ng busy tone.

Nadapa ako kanina nung paakyat ako ng hagdan. Sa kamalas malasan ko, yun pa yung oras na coffe break ko at may hawak akong kape. Ayun. Hanggang ngayon laponos pa din ang kamay ko. Nakakainis.

Gusto ko sanang kausapin yung tindera kong crush. Kaso inatake nanaman ako ng pagkatorpe ko. Nakakainis talaga pag hindi ka man lang marunong manligaw. Yung tipong halatang namumula ka na at nauutal ka magsalita. Ganun pala ang mga taong marunong magmahal. Lagi nalang minamalas.

No comments: