si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Wednesday, May 20, 2009

Breathing Exercises (langhap lang beybeh!)

INHALE
EXHALE

INHALE
EXHALE

INHALE

tignan mo yung barker. Ang kapal ng mukha! parang may moral responsibility yung driver ng jeep na magbigay ng dalawang piso bawat pasaherong sasakay sa kanya na sa totoo lang ay KANINA PANG NAGHIHINTAY NG MASASAKYAN! parang kanila yung daang dinadaanan ng mga jeep ah. Pero naisip ko din. anim na piso sa bawat limang minutong dumadaan, limang daan at pitomput anim na piso araw araw. Hindi na masama para buhayin ang naghihikahos na pamilya.

bakas pa din sa balat ko yung mga bulutong ko mga 17 na taon na ang nakakalilipas. Di ko na din maalala nung mga panahon na yun. Basta ang alam ko, hindi ako binigyan ng kahit anong regalo ng magulang ko nung gumaling ako. Sa birthday ko lang kasi nangyayari yun nung bata pa ako. Pero syempre iba na ngayon. Kahit birthday ko wala nang handa. Iba na talaga ang naghihirap. Tama nga yung nabasa ko sa kiko komix. Nawawala na ang concept ng mga pinoy sa Gutom dahil nawawala na din ang concept natin ng BUSOG. Kung baga, sanay na tayong magutom kaya malamanan lang ng unti ang tyan, ayos na. Di na tayo gutom diba?

usong uso talaga ngayon yung mga sex videos sa internet no? talagang mga tao ngayon wala nang gusto kundi manghimasok sa buhay ng may buhay. pero sa totoo lang mas uso ngayon ang baby muna bago kasal. sabi nung kaopismate ko dahil daw marami ngayon ang sinusubukan muna kung may mabubuo para sa ganun sigurado nang may anak agad sila. Pero sa tingin ko, sadya lang talagang nagiba na ang persepsyon ng mga tao sa kasal, bata, buhay at sexy moments. Na parang sa kanila, kasalanan ang magbuntis pero natural lang ang pagawa ng bata. HIndi ko alam kung anong nangyayari. Dati ang marrying age 28 ngayon 20! kung sa bagay ako din dati... mahilig manghimasok sa buhay ng ibang tao. (anong tingin niyo? excuse me!)

gusto ko ding pumunta ng corrigidor. Basta kasi patungkol sa gyera lalo na yung mga WW2 land marks gusto ko puntahan. Hindi para makita kung saan talaga nangyari ang mga bagay bagay, kundi maghanap ng mga multo ng mga namatay na sundalo. Balita ko din kasi madaming multo sa corrigidor. Naiimagine ko tuloy na kahit multo na sila ngayon, nagigyera pa din sila, nagtutusukan ng bayonete, namamaril, nananaksak. Siguro pag namatay ka sa corrigidor ngayon kasama ka na din sa gyerang nagaganap. Siguro nga.

EXHALE

INHALE
EXHALE









Tuesday, May 19, 2009

Nang magsimulang magsulat si Juan Basahan

Kung sa bagay... hindi nga naman ako madaling pasukuin so malamang sa malamang kasalanan ko din kung bakit gusto ko ng DQ mudpie ice cream..

Madalas akong makawala ng cellphone pero ang malimutan ang V3 razor ng hello moto parang ewan lang. Antukin pa man din ni Rico Blanco ang pinapatugtog at napangiti ako nung sabayan ko yung "gumawa nalang tayo ng.. baby... "

Nagimpake ako. Wala lang. Trip ko lang magayos ng mga gamit at ilagay sa bag. Yung tipong ginagawa ng mga bida sa pelikula. Tapos may pangiinis kasi di rin naman pala nila itutuloy pagalis nila. Epal.

Gusto kong dumaan sa station ng Brewrats paminsan minsan. Wala lang. Gusto ko lang din kasing imaginin na si Ramon Bautista ang may ganoong buhok tulad nung kay Tado Jimenez. Pano nga kung si Ramon at si Angel ay "sila".

Naglalasang sabon din pala ang hamburger pag nilagay mo siya sa bag na amoy sabon. Sana di ako malason kasi tira lang yun ng kaibigan ko. Dati. Oo dati.

Nakakita nga pala ako ng rainbow kanina. Natuwa ako kasi minsan nalang din magpakita ng kagandahan ang langit dito sa maynila. Madalas kasi wala kang magandang mahihita sa pagtingin sa langit kahit gabi. Para akong bata kanina. Naalal ko kasi na pag ang kamay mo hiniwa mo sa isang rainbow mapuputol yung rainbow. Ginawa ko siya dati at napaniwala akong ako ang dahilan kung bakit bigla nalang naglaho yung rainbow. nagalit pa sa akin bestfriend ko noon.

Kung baga sa telepono, isang malaking busy tone yung narinig ko kanina bago ako kausapin nung author kong slang mag engles. Isang malaking patlang ng nakalipas na hindi ko mabosesan o mapagkilanlan. Nakakatawa. Nasasaktan ako sa pakikinig ng busy tone.

Nadapa ako kanina nung paakyat ako ng hagdan. Sa kamalas malasan ko, yun pa yung oras na coffe break ko at may hawak akong kape. Ayun. Hanggang ngayon laponos pa din ang kamay ko. Nakakainis.

Gusto ko sanang kausapin yung tindera kong crush. Kaso inatake nanaman ako ng pagkatorpe ko. Nakakainis talaga pag hindi ka man lang marunong manligaw. Yung tipong halatang namumula ka na at nauutal ka magsalita. Ganun pala ang mga taong marunong magmahal. Lagi nalang minamalas.