Tagpo: Sa isang mumurahing bar sa may Manila. Nakaupo si -=am sa isang mesa animoy may hinihintay. Nakahanda sa harap niya ang isang kahang yosi na di pa nabubuksan, at mga bote ng beer na di pa rin bukas.
(Papasol si -=fm na nakashades ate mukhang kagigising lang. hindi pa nagayos at hindi pa rin nagaahit. Makikita siya ni -=am)
-=am: heps! wag kang magsalita. upo. (uupo si -=fm sa bakanteng upuan sa harap ni -=am)
-=am: akala ko kailangan pa kitang sugurin sa bahay niyo eh.
-=fm: eh kailangan ko din naman to eh. (kkusot ang noo na animo'y hahagulgol na)
-=am: oi! tama na yan! iinum mo nalang yan (bubuksan ang isang bote at ibibigay kay -=fm. agad namang iinumin ni -=fm)
-=am: anong gusto mong kainin? sisig? (oorder ng sisig)
-=fm: wala akong gusto.... gusto ko siya.. siya lang gusto ko..
-=am: gago! hindi ka na gusto nung tao! tigilan mo na nga yan.. nakakahiya ka.
-=fm: wala akong pakialam. basta kelangan ko siya. siya lang! at kala ko ba kaibigan kita? bakit mo ba lalong pinahihirapan sitwasyon ko? di ba dapat tinatanung mo kung kamusta na ako?!
-=am: fine! eh tumahan ka na muna kasi diyan? pano ko sisimulan pagtatanung ko kung ganyan ka?
(sandaling katahimikan. magaayos ng upo si -=fm)
-=am: so.... how's the big 'B'?
-=fm: ayun.. malaki pa din. malaki... masakit.. nakamamatay...
-=am: eh ikaw kamusta ka na?
-=fm: obvious ba? gusto mo bang basagin sa ulo mo itong bote? penge pa nga!
-=am: kalma lang.. kelangan nating ubusin yan masasabi mo sa trahedya mong buhay.
-=fm: wala kang pakialam! wasak ako at karapatan kong magpakawasak!
-=am: tignan mo nga yang sarili mo? ano nalang ang sasabihin ni...
-=fm: sige sabihin mo pangalan niya papatayin talaga kita!
-=am: napakawarfreak mo naman parekoy. kalma.. eh yun nga.. kung sakaling andito siya, ano nalang ang sasabihin niya?
-=fm: ede yun. uulitin nanaman niya yung litanya niya kung gaano niya pinagisipan ito, kung gaano na katagal niya akong niloloko sa peke niyang pagibig o kung gaano niya kagusto mapagisa sa sarili niyang mundo, sa sarili niyang gusto, sa sarili niyang kasiyahan. SELFISH AMPOTA!
-=am: tignan mo nga naman nagsalita ang hindi selfish! tignan mo nga ang sarili mo. ni wala kang pakialam sa mundo! sino ngayon ang selfish?! at least siya nagpakatotoo siya sa iyo di ba?
-=fm: nagpakatotoo? putang inang totoo yan nakakabastos! alam naman niyang ikamamatay ko pagginawa niya yun pero tinuloy niya pa din! isang iglap nawala nalang lahat! isang segundo lang halos buong mundo ko naglaho nalang sa harap ko! ni hindi niya man lang ako binantaan na mangyayari yun!
-=am: sus me naman ma mehn! ang trahedya hindi naman talaga napapaghandaan eh! dahil kung napaghandaan yun, hindi trahedya yun! ganun lang talaga ang mundo kaya tanggapin mo na.
-=fm: isa pa yang mundo na yang sinasabi mo. nakakagago! taena hindi ko deserve yun.. ito.. itong putang inang sakit na ito! i've been the greatest person na makakasama niya pero putang ina! wala.
-=am: sira ka pala pero koy eh. yung great sa iyo malamang hindi great sa kanya. o great man sa kanya yun, hindi naman niya matanggap dahil alam niyang hindi naman dapat.
-=fm: eto pa pare ah.. gusto raw niya ng bago! ng challenging! ng iba! putang ina! naging gameshow nalang sana ako para nachachalenge siya anak ng puta!
-=am: tsk tsk... alam ko hindi mo matatangap yun dahil kita naman halos ng lahat ng tao kung gaano mo pinaghirapan yun eh. na maging IBA para sa kanya. aba! sa totoo lang bilib ako sa iyo na nakakaya mong mainlove sa kanya everyday na ginawa ng diyos. every moment siya. hindi ko nga inexpect yun sa iyo eh pero nagawa mo.
-=fm: hindi ko kelangan ng mga sugar coated and feel good na mga statements mo dahil the fact still remains--iniwan ako.
-=am: iniwan ka para sa?
-=fm: malamang sa iba. Malamang sa bago o sa mas challenging.
-=am: malamang sa malamang. eh yun nga eh.. wala ka nang magagawa. Kung nagsawa na siya sa iyo, kung hindi ka niya gusto, kung hindi na siya masaya sa mga pangarap niyo, kung di na niya maatim na pagtakpan niya yung totoo niyang nararamdaman, wala kang magagawa dahil buhay niya yun! masakit mang pakinggan pero yun ang totoo. kaya kailangan mo nalang tanggapin.
-=fm: (humihikbi na) putang ina.. hindi katanggap tanggap yun. paano naman ako.. paano nalang yung mga sakripisyo ko sa kanya? putang ina! pakakasalan ko nalang siya! ganoon ko siya kamahal! na wala na akong ibang inisip kundi pakasalan siya at yung mga pangarap namin together na akala ko pareho kaming nagplano. Ako lang pala ang gumawa. Ako lang pala ang nagplano. I've been the most understanding of all boyfriends. Of all fiances! pero wala. i don't deserve this unbelievable pain.
-=am: eh bakit ka ba nagpapaka-understanding sa kanya?
-=fm: ogag ka ba? kasi mahal ko yung tao! mahal na mahal. Mahal more than my self.
-=am: Then why would this be any different?! Mahal mo pa rin naman din siya I know and since mahal mo pa rin siya, you need to understand na ganoon talaga ang buhay! mahal mo siya kaya dapat matanggap mo yun.
-=fm: but she's asking too much! i can give her everything she ever wanted but not this.
-=am: ikaw na mismo nagsabi. you would give to her everything she wanted. then give her what she really wants. set her free.
-=fm: and paano ako? binigay ko ang lahat lahat sa kanya. Lahat lahat na ngayon wala nang natira sa akin. wala ni isang kusing. wala. lahat ng pangarap ko nawala. lahat ng pinaniniwalaan ko naglaho. Putang ina ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil ni hindi ko alam kung saan na ako napadpad.
-=am: taena. buhay ka pa. makikita mo din kung saan ka nanggaling. Makakapunta ka din sa dapat mong puntahan. kailangan mo lang tumayo, bumangon diyan sa kinahulugan mo at maghanap. yun lang naman eh.
-=fm: buhay pa ako. sana nga hindi nalang ako nabuhay eh. sana hindi ko nalang pinagdadaanan itong sakit na ito. na hindi ko nalang sana pinapahirapan ang sarili ko ng ganito.
-=am: ano gusto mo? mamatay ka nalang ng hindi nakakatikim ng totoong saya sa mundo? na mamatay kang maga ang mata na wasak na wasak? gago. forever mo nang mararamdaman yang nararamdaman mo pag pinilit mo yang iniisip mo.
(papasok na si ateng may dala ng sisig na isa lang ang tinidor)
-=am: ate padalawa nalang ng tinidor salamat.
(magtatakang tatango si ate saka aalis. makikita ni -=fm ang yosi. bubuksan. kukuha ng isang sigarilyo at ibabalik sa box ng nakabaliktad para magsilbing wish stick. bubunot ulit ng isa. isusubo at sisindihan. uubo ubo si -=fm)
-=am: parang marunong ka magyosi ah.
-=fm: (hihinga na parang hinihika) tama lang to. para maaga akong mamatay.
-=am: gago ang kailangan mo matulog. magpahinga. magahit. magpagupit. magayos ng pananamit. magbagong buhay. eh ano yung mga huli mo ng sinabi sa kanya?
-=fm: tinanong ko siya kung masaya ba siya..
-=am: bakit mo naman tinanong yun?
-=fm: para masigurado kong worthwhile ang paghihirap at yung sakit na pinagdadaanan ko... ngayon sinusumpa ko ang matulog. ni ayaw ko nang ipikit ang mata ko. taena. lahat nalang ng napapanaginipan ko tungkol sa kanya. kung paano ko siya dating naaakap. kung paano ko siya nahahalikan. kung paano ko nahahawakan yung kamay niya. tapos maalimpungatan ka at mapapasigaw na tangina! sana hindi ka nalang nagising! dahil mula ngayon, sa panaginip ko nalang talaga siya magagawa lahat.
-=am: masakit naman talga yun noh. and kahit sinong tanungin mo masakit talaga ang recovering stage ng the big 'b'. pero jan nasusukat ang tindi ng isang lalaki. kung paano niya mapapagtagumpayan lahat ng iyan.
-=fm: salamat sa mga sinasabi mo pero hindi ko sila kailangan ngayon. Kailangan ko siya. Kahit anong gawin ko siya lang ang nasa isip ko. siya lang talaga. pakiramdam ko siya na ang pinakaperfect na babaeng nakilala ko. perfect in every inch of her personality. lahat lahat.
-=am: dahil binulag mo ang sarili mong ganyan. marami pang iba jan na kaya kang pagsilbihan more than pinagsilbihan ka ni.... (titignan ng masama ni -=fm si -=am)... niya... e tols. you don't deserve this sabi mo nga. maybe you deserve someone better.
-=fm: nakakatakot yung maybe na yun eh. dahil malamang sa malamang pwedeng magkaroon pwedeng wala. kasi sa kanya..
-=am: sigurado ka na...
-=fm: .. masaya na ako.....
-=am: e ganun din nalang yun eh.. at sa totoo lang.. hindi mo rin kailangan ng iba eh. sarili mo lang talaga ang kailangan mo...
-=fm: wow.. spoken like a true single ah... welcoming committee ba kita sa single life?
-=am: tama! welcome to the single and blessed life.
-=fm: salamat...
-=am: so bilang bagong miyembro ng single life, ano ang wish mo?
-=fm: na sana mahanap niya ang kasiyahan na hinahanap niya.. na sana maging masaya siya sa gusto niya. sa bago. sa iba.. sa bagong buhay.. kasi yung nalang din ang magagawa ko eh.. ang humiling sa diyos na maligaya sana siya sa buhay na tinatahak niya...
-=am: kadire.. kinahihiya ka ng lahat ng single sa mundo sa sinasabi mo! hahahaha.. pero may isa ka pang pwedeng gawin..
-=fm: ano?
-=am: maghintay..
-=fm: tama.. maghintay
(itatapon ni -=fm ang hawak na yosi at sisindihan ni -=am ang wish stick ni -=fm)
Wednesday, April 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)