(from the best journal entry ive ever had!)
[July 29, 2007]
Happy birthday to me.. happy birthday to me...
Hmmm... tagal kon ghindi nagsulat sa journal kong itoah... Putang ina... naman... kasi.. eh....
oo. Lumipas na ang 20th birthday ko. at sa mga oras na ito, 20 years old na ako. Matanda, Mahirap, Malungkot....
Aaminin ko. HIndi ako masaya sa birthday ko... hinding hindi talaga... After so many years umiyak na ako ulit sa wakas.. sa bus.. sa kama.... kasama buo kong pamilya... ngayon ko lang nakita at naramdaman kung gaano ka-miserable ang buhay ko. Umiyak ako dahil dun. Umiyak ako dahil hindi pala ako masaya sa buhay ko... kasabay ang malakas na ulan.. at least kasabay ko ang mundo sa paghihimutok ko... Napaisip ko tuloy... Ganito ba ako kasamang tao para para baliwalain ng lahat ng tao? HIndi ko masabing ito ang worst birthday ko.. Dahil wala naman talaga akong masayang birthday ever pwera nung 7th birhtday ko... after nun wala na... feeling ko nga dapat namatay na ako nung 7th birthday ko..
Nagbirthday ako ng puyat, malungkot, pagod, miserable, pulubi at galit na galit... what has happened to me?
Meron namang momentary na kasiyahan ang araw ko kahit papaano.. tulad nalamang ng letter at 3 fudgee barr na gift sa akin ni munch. Kaso bukod dun, wala na akong maalala.
sa Bulacan. si Joy lang ang nakaalala ng birtday ko.. kung kailan sobrang nakipagusap ako sa mga katauhan dun. Okey lang din naman... hindi naman ako nageexpect sa kanila eh... pero sa school... sa ust kung saan talga ako nakatira, kung saan ko binubuno ang bawat segundo ng buhay ko.. wala.. haaayyy.. di man ako binati ng iba kong kaklase... kahit si John MOran.. Marami ring nagtext na AA at kaklase pero ang masakit dun, send to many halos lahat... taray nga eh.. parang pasko.. send to all..
happy birthday happy birthday...
Isa sa pinakamasaklap sa birthday ko ay inggit... Buti pa si shiela may bufrang naghihintay at barkadang nageefort sa paghahanda ng isang birthday surprise... Buti pa si buddy estar may love letter, flowers at cake na nagaabang kasama ng isang masarap na kiss at i love you from jon... buti pa si jaymar may birthday bash/overnight sa bahay nila with almost all of the UBE at mga special guests... ako bati lang napala... walang pera, walang regalo, walang nakikialam... at kahit anogn pilitkong gawing masaya ang birthday ko, wala eh.. at kung alam niyo lang kung gaano kasakit iyon.. (*hmm... umiiyak nanaman ako.. hayup!)
Birthday na birthday mo kasi lagi kang magisa. Gutom, malungkot at walang money para malibre ko man ko lang ang sarili ko ng kahit kwek kwek...
Umuwi ako ng laguna ng magisa.. basang basa ng ulan, inaantok at malungkot... sa gitna ng trafic.. sa gitna ng init ng makina at kalsada ng daan... paguwi ko sa sarili kong pamilya aso lang ata ang nasiyahan na makita ako.. nothing special... gutom na gutom ka sa birthday mo at ang pagkaing sasalubong sa iyo ay tortang talong, at bangus na inulam pa nila kinagabihan.. wala man lang special... akam kong wala akong dapat iexpect dahil wala talaga akong kapera-pera eh.. pero kahit man lang lucky me pancit canton wala... at sobrang sakit nun.. (takte! pag nkita nila akong umiiyak ng ganito!)
Ang sakit talaga eh... sobra... Feeling ko walang kahit isang nagmamahal sa akin.. wala man lang kahit isang nakakaalala.. wala man lang kwenta sa buhay ng iba.. isa lamang elemento sa paningin ng lahat ng kakilala... Yun lang nagiisang araw na naghahangad ako ng kokonting appreciation wala pa akong napala.. nagiisang araw sa buong taon na naghiling ako na may makaalala sa akin wala talaga... Iisang araw na kahit papaano mapatunayan kong masarap pang mabuhay sa mundo.. pero wala talaga... kaya di niyo ako masisisi kung gusto ka nang mamatay more than ever.... Napakawalang kwenta ng buhay ko... at ang 20th birthday ko ang pruweba ko. masama raw kasi akong tao kaya wala akong karapatang maging masaya... kahit na sa mismong birthday ko... nagexpect pa akong magiging iba ang birhtday na ito sa iba..
happy birthday to me...
Tae ang last birthday ko sa UST. Tae ang last birthday ko bilang estudyante. Tae ang buhay ko.. nabuhay pa ako ng 20 years sa mundong ito kung tae lang pala ang buhay ko...
you'll need microsoft word.. thanks...
At ang masaklap dun, hindi niyo ko masisisi kung ganito ang tingin ko sa buhay ko...
Saturday, July 28, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)