
I can't take it and I just needed to ask him. So I did. And I got a confirmation the very next time I logged-in in my face book account.
Confirmed and verified. Its Kuya Jon Montes. Thank God. I can sleep soundly tonight.
adding a little sugar, a bunch of spice and tons of everything nice to the BESTFRIEND title




KASALO
Perfect! Sinong lalaki ba naman sa buong Pilipinas ang kasing husay ko sa pagaayos ng sariling kama? Lahat na halos ng tupi-tupi, ng gusot, ng kumot na mali ang ayos bumabaluktot sa pagaayos ko ng kama ko araw araw—20 minutos araw araw. Kahit magulang ko nahihiyang upuan man lang ang pusturang pustura ko ng kama sa tuwing aalis ako ng bahay. Nagtataka sila dahil parang kailan lang nagagalit ako paginaayos nila ang kama ko, dahil sa totoo lang, kailan lang din ayaw ko ng nakaayos na kama. Gusto ko gulo-gulo para masarap higaan (wag mo na ako tanungin kung bakit masarap higaan ang gulo-gulong kama. Hindi ko na matandaan kung bakit). Pero sa totoo lang, kailan ko lang din napagtanto, SIYA lang naman ang dahilan ko kung bakit ako ganito magayos ng kama eh. Masarap kasing tingnan ang malinis na kama. Gusto kong inaayos ang mga unan nito na magkatabi, hindi magkapatong, yung tipong aakalain mong dalawang tao ang natutulog dun araw araw.
Dalawang tao ang natutulog dun araw araw. Tama. Yun na nga rin siguro ang pinakarason ko kung bakit pinakanakakaadik kong hobby ang magayos ng kama—para kunwari may KASALO ako sa kamang buong buhay ko na halos hinihigaan. Panahon na sigurong lamanan ang kalahati ng kamang ginawa para sa dalawang tao.
KASAMA
Bakit ganito? Nagpunta ako dito sa beach para sa outing ng kumpanya namin—para magenjoy, kumain, magsaya. Pero bakit hindi ko magawang mapanatag ang loob? Bakit parang may malaking kulang?
Ang ganda naman ng buhangin-pinong pino at putting puti; ang dagat ang linis linis at maligamgam; ang langit nakakaigayang tingnan lalo na't walang nakaharang at todo ngiti naman ang araw sa kanyang kadakilaan sa gitna ng lahat. Ang daming libreng pagkain, daming mga pwedeng kilalanin sa lugar na ito, napakasaya naman ng mga bossing ko sa trabaho, ang dami kong kasama. Pero bakit ganito. Kulang na kulang. Parang kapeng barako na walang creamer o gatas man lang—lason para sa isang taong hindi marunong uminom ng kape na sing itim ng bumbunan ng matsing.
Nilakad ko ang dalampasigan matapos kong magpakapagod kalabanin ang maaalat at malalakas na alon. Basa kong tinahak magisa ang buhanginan sa paghahanap nung gatas o creamer ng kapeng nakahain sa harap ko. Napaupo ako ng matanto ko. Hindi ko pala siya KASAMA dito. Magisa kong isinulat sa buhanging na pinatag ng alon ang kanina ko pa gustong ipagsigawan sa mundo hanggang sa marinig niya.
“Wish your here”
Mangiyak-ngiyak akong tumawa sa kadramahang di ko mapigilang maisaliwalat. Umupo ako sa tabi ng obra kong unti unti na ring nilalamon ng mga alon noon. Natatawa na kahit anong ginanda ng lugar na puntahan ko, saan man ito, alam ko sa sarili kong hindi nito mahihigitan ang squatters area na nilalakaran namin noon na KASAMA SIYA.
KAIBIGAN
Naiirita ako kapag nababasa ko ang natetext niyang “PASS” na dapat ay “PAST”. Naiinis ako kapag tunog “BR” ang “BEAR” na pinapabigkas ko sa kanya. Nadidismaya ako kapag wrong grammar ang english niyang liham o ang tulang pilit niyang ipinagmamalaki sa akin. Pero kahit anong irita, inis at dismaya ko, hindi ko maitatanggi, ang PASS, BR at wrong grammar niyang liham ay ang PASS, BR at wrong grammar na bumubuo sa buhay ko—na ikamamatay ko kapag hindi ko nabasa, narinig o nabasa. Na paniniwalaan ko na PASS ang PAST, BR ang BEAR at dapat ganoon ang tamang pagkakasulat ng tama at magandang liham o tula basta sa SIYA ang bumigkas o nagsulat.
Sa KANYA, ang pangaasar NIYA sa akin ng MATABA, MAITIM at PANGIT ay mananatiling pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Dahil MATABA, MAITIM at PANGIT man ako, mahal NIYA
ako. At mahal ko rin SIYA ng higit pa sa alam niya. Nakakatuwa. Hindi lang ako nakatagpo sa KANYA ng kasama. Nakakita ako ng KAIBIGAN sa KANYA na handang isampal sa akin ang katotohan hindi perpekto ang mundo pero mananatili akong perpekto sa mata niya.
KAPAMILYA
Bangus na sinigang sa bayabas ang nagpapatakam sa akin sa mga oras na ito. Makita ko pa lang ang nananabang “tiyan” ng bangus sa nakakapaglaway na sabaw, hindi ko na maiwasang mapangisi ng unti sa kinauupuan ko. Magaling talagang magluto ang soon-to-be mama ko. Laking pasalamat ko sa diyos at anak niya ang SOON-TO-BE wifey ko. Salamat nalang talaga. Dahil hindi madaling punan ang sikmura at bitukang sing laki ng akin.
Bangus na sinigang sa bayabas—pagkaing hindi ko man lang natripang kainin noon dahil kung itatabi ito sa paksiw na pata, wala nang dalawang isip pa, yari sa akin ang pata. Pero sa kakaibang amoy ng bayabas, sa saktong saktong asim ng sinigang at sa matitinik na laman ng bangus ko unang napagtanto na PAMILYA ko na rin maituturing ang PAMILYA niya—sa mga napagsaluhan naming tawanan ng tatang NIYA, sa mga naibahagi naming mga kwento ng mama NIYA, at sa mga napagpalitan naming apir ng kapatid NIYA. Salamat nalang talaga.
KAHON
Gupit dito, kalat dun. Magazine, dyaryo, letrato ng dalawang kaluluwang ikinakasal. Nakakatawa si mama. Hindi na niya maitago ang pananabik niyang ikasal ang panganay niyang anak. Ngayon pa lang naghahanap na siya ng magandang singsing, ng mamahaling gown at kung anu ang motif sa bawat mababasa o makikita niya at saka niya ito sa isang clearfolder katabi ng listahan ng daily at monthly budget namin. Napupuno na rin ng kwento tungkol sa kasalan ang mga nasasabi namin sa araw araw sa pagsasabay namin sa pagkain. Kahit na pagpilitan kong napakaaga pa ng lahat ng ito, sa loob loob ko, ito talaga ang gusto ko—ito talaga ang pinapangarap ko. KAHON nalang ng paglalagyan ng bato na may kabit na sing sing (para kuwari mas malaki ang bato sa mismong singsing) susugod na ako sa KANILA at pagsisigawan sa buong kalawakan—IKAW lang ngayon at kailanpaman.
KASAL
Ninong, ninang, abay, bestman, bridemaid, halos kumpleto na ang lahat ng bakanteng espasyo sa pangarap naming reception. Ang mga kakanta, magaayos at magdedesign ng damit at kung anu anu pa nakalista na rin sa piraso ng papel na nakikinita nanaming magiging laman ng wedding invitation. Pitong taon pa ang bibilangin namin para sa ang panaginip na ito ay masaksihan na namin ng gising. Pitong taon pa ang hihintayin para magkatotoo ang 500K na kasal. Hinahanda na namin ang sarili namin sa pagod, puyat at pagtitiis na ibubunga ng mga dasal naming kapalaran.
KAWAYAN
Isang mabigat, malaki at matangkad na KAWAYANG alkansiya ang binigay sa akin ni papa kahapon. Nakangiti ako kung kinuha ito sabay tanong na para saan kahit na buo ang loob kong alam ko ang gusto niyang ipahiwatig—mangarap ka na parang magkakatotoo ang bawat detalye, maging masaya ka sa paghihintay at maging mabuti kang asawa at simulan mo ito sa pagiipon. Gusto niya sa aking sabihin na gandahan mo ang kasal at sarapan at damihan mo ang pagkain. Na nakikita na niyang napakaraming bisita at napakaraming dapat bayaran. Nakakatawa. Dahil sa totoong buhay, mas marami pa doon ang ibig sabihin ng ngiti at ng “wala lang” na sinabi niya sa akin.
Asawa. Napakaaga pa pero paulit-ulit ko na itong nginunguya at ninanamnam sa gilagid ng aking ulirat—nagpapasaya sa bawat huklubang problemang bumubulaga sa akin, nagbibigay ng pagasa na magkakasama din kami sa iisang bubong, sa iisang kama, sa iisang pamilya.
KAPALARAN
Aaminin ko. Hindi birong paghihintay at pagtitiyaga ang kailangan kong danasin sa plano naming pitong taon. Ang daming pwedeng mangyari, masama, mabuti, nakakatuwa, nakakaiyak at nakakabaliw. Hindi ko alam kung anong ulam ang ihahain sa amin sa piging ng KAPALARAN pero sa totoo lang, hindi ko naman dapat iniisip sa ngayon yan. Ang kailangan ko lang ay ngayon, ang nararamdaman ko at ang gusto ko. Alam ko lang, mahal ko SIYA ng higit pa sa pagmamahal ko ng kahit ano sa kahit na sino. Importante sa akin ang nararamdaman ko dahil ang tao ay nabuhay para dumama, nabuhay ako para sa KANIYA.
Sa tingin ko nakakatakot ang PITONG TAON kesa sa pangakong pinako sa FOREVER sa dahilan na siguro, mas totoo ang PITONG TAON. Parang pitong bato, pitong aso o pitong araw. Ang forever, hindi napuputol, hindi napupunit, hindi nasisira. Isang kwentong nakakatakot ang pitong taon at isang nakalimutang biro ang forever—nagpapatawa sa mundong nagbabago sa bawat segundo.
KANIYA
Para sa mga tao ang mga sikat na katagang “your the air I breathe”, “I'm drowning in your love” at “you make me feel complete” ay mga liriko ng kanta, hindi impotante, walang ibig sabihin at mushy. Pero sa isang taong umiibig, kulang ang mga katagang ito para ipaliwanag ang pagibig. Kulang ang lahat ng salitang naimbento ng tao para sukatin ang higanteng matatawag nating pagibig. At hindi ko mapagtanto kung bakit kahit sabihin kong “I love you” sa KANIYA bawat segundo, hindi pa rin sapat ito para paratingin kung gaano. Kung sakaling nahahawakan at nakikita ang pagmamahal, panigurado ako, ako palang ang buhay hindi na ako kasya sa mundong ito. At sa mga taong umiibig, siguro'y naiintindihan ninyo itong gawa ng isang makatang tulad ko.
SA KANIYA LANG ANG BUHAY KO
SA KANIYA LANG ANG PANGARAP KO
SA KANIYA LANG AKO SASAYA NG GANITO
MARAMING SALAMAT SA IYO MAHAL KO
BLOG BASED ON: Top 10: Signs You're Ready To Pop The Question from AskMen.com [http://www.askmen.com/top_10/dating_60/98_dating_list.html]

(The kid who has the voice of a dozen men)
1.
Tangnanit! Hindi na makatao tong pagkabog ng laman-loob ko sa ganda ng katabi ko dito sa bus. Bakit ba gustong gusto ng mga babae na pinaparusahan nila yung mga lalaking makakasabay nila sa biyahe?! Ang init init na nga ng mundo gusto pa nilang dinadagdagan ang paglala ng Global Warming sa mga suot nila! Oo na nga maganda na nga kayo! Pero wala naman kaming kasalanan ah! Bakit niyo kami tinotoruture?! Oh! Nayari pa! Wag mo na akong ngitian! Nagmamakaawa ako! Tama na!
Ayaw ko nito. Ito talaga ang mga panahong gusto ko nalang bumaba at sumakay sa ibang pang bus. Hindi ko kasi gusto na nawawala ang attention ko sa binabasa kong Insomnia ni Stephen King—kung kelan ba naman tapos na ang boring part at unti unti nang umaatikabo ang mga tagpo sa maliit na librong ito. Tae talaga! Hindi ko maiwasang sumulyap. Nakakainis! At nakisama pa tong si Ralph Roberts (character sa libro) sa dumadagdag na kamunduhan ng mundo ko!
“...if she'd been the one to whisper in my ear, I bet the old trouser-mouse
would have done a little more than just turn over in its sleep.”
What the FFFFFFF?!!
2.
Mas ayos na siguro itong nagbabasa ka sa biyahe kesa naman natutulog ka lang buong biyahe. Sabi nga nila papa, pag gising ka, you'll always be on guard sakaling may aksidente (wag naman sana), o may masamang loob na gustong personalin ang pagtitrip sa kanya ng kapalaran at sa iyo iparating na naghihirap siya sa mala theatrong pagiinarte niya (with the stage whispers and the props knife poking your side where your liver is located). At sa limang cellphone ko nang naiwala sa pagtulog ko sa biyahe, hindi nga kaigaigayang tulugan mo ang mundong puno ng gustong maunahan at maisahan ka. Pero hindi rin siguro maganda na Stephen King novels ang binabasa mo. Dahil pakiramdam mo nakakakita ka na rin ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao. Nakakatakot. Nakakabaliw.
3.
Napakagat-labi ako sa nagyayari sa mala-pelikulang pagbabasa ko sa librong ito. Napakapit ako sa unti-unting nadudurog na cover ng libro (siguro dahil na rin sa mahihigpit kong paghawak sa tuwing may mamamatay o may mangyayaring hindi mo inaasahan). Mahihimatay na ata ako sa pagkakadala ng storyang ito nang may bigla akong narinig na isang malakas na sigaw. Ay hindi pala siya sumisigaw. Kumakanta...
SIR MA'AM AKO LANG PO AAH-AY
NANGHIHINGI
SA INYO NG KONTING BARYA-AAHH!
PARA NAMAN PO-OOHH,
KAMI'Y MAY MAKAIN...
PARANG AWA NIYO NAMAN PO-OOHH,
WALANG WALA PO-OHH,
KAMING MAKAIN...
Kilala ko na itong batang kumakanta simula ng magsimula akong magtrabaho sa Paranaque at tahakin ang nakakapagod na rutang Calamba-Alabang sakay ng mga bus araw-araw. At hanap-buhay na niya ito. Araw araw, sumasakay siya sa jeep at kumakanta. Na parehong lyrics(na puno ng pagmamakaawa), parehong punto (mala batange-no), parehong tono (Mala maalala mo kayang kahit mismong idol ko na si Charice Pempengco mahihirapang kantahin). At sa araw arw na ginawa ng diyos, yan ang sumisira sa pagbabasa ko. Kaya naman kabisadong kabisado ko na ang malasalimuot niyang kanta. Natawa nga tong diyosang katabi ko nang subukan kong maglip-sing (ng hind ko alam na ginagawa ko) kasabay ng kanta niya. At tulad ng araw araw niyang ginagawa, declamation naman after ng solo performance.
SIR! MAM! AKO LAMANG PO AY HUMIHINGI NG KONTING BARYA. SANA PO'Y MAUNAWAAN PO NINYO AKO AT WALANG WALA NA
PO KAMING MAKAIN. MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
THANK YOU VERY MUCH! MERRY CHRISTMAS! THANK YOU! AMEN!
Wow! Ngayon ko lang narinig yung amen! Siyet! At least may alam siyang bagong salitang maidadagdag sa wala niyang kupas na pamamalimos. Pero hindi pa rin niya nababago ang punoto't mali niyang pagbigkas ng “r”., ang tono at pagbigkas ng bawat salita, at ang napakalakas na boses na mismong pader ng bus nangingig—ano pa kaya ang tenga ko! Naranasan ko na nung isang beses tumabi siya sa akin at naiiyak ako dahil pakiramdam ko puputok na ang tenga ko sa tindi ng boses niya. Kinapa ko sa mga puntong yun yung tenga ko sakaling may mainitinit na likido na ang tumutulo na rito tanda ng pagbigay nito sa napakalas niyang boses. Salamat sa diyos wala. Naririnig ko pa kasi ang mga mahihinhin na tawa ng maganda kong katabi (mahinhin?! Nagsusuot ng spaghetti strap na sando at mini mini shorts! Pasalamat ka't sexy ka at bagay sayo suot mo pero hindi ata ako makakapayag sa pavirgin mong tawa dahil hindi sa iyo yang tawang iyan).
4.
Tulad ng inaasahan, kumikitang kabuhayan nanaman ang batang nagmamayari ng boses ng dosenang tao. Piso, Limang piso, sampu at bente. Kahapon ata nakahakot ata ito ng isang daan mula sa isang pilantropong matanda at dolyar mula sa kanong namumula ang kutis sa tindi ng init. Mayaman na ang batang ito. Pero kahit araw arawin niya ako, hindi ko man ang siya naisip bigyan ng kahit kusing. Hindi dahil sa masama ang loob ko dahil sa pagistorbo niya sa pagbabasa ko. Hindi ako ganoon kababaw. Hindi ko lang matatanggap na yung piso ko mapupunta lang sa sugarol niyang ina o sa manginginom niyang ama.
Yan ang madalas na palusot niya sa tuwing may mapagkawang loob na tatanungin kung bakit wala siya sa paaralan at siya ang nagtatrabaho sa pagsisigaw at pagkanta kung gaano kamiserable ang buhay nila. Hindi ko lubos maisip na ganito katindi mangtrip ang tadhana, tulad ng madalas kong sabihin. Pero kahit ilang beses ko siya sabihin at ilang beses kong tingnan, mali pa rin siya. Maling mali.
5.
Kristyano ako. Katoliko. Naniniwala, sumusunod, naninindigan. Kahit na kadalasan nagiging suwail din akong anak, natutunan ko na ring kahit kailan, hindi pwedeng pagsamahin at pagisahin ang paniniwala sa detalyeng dinidikta ng siyensya. Hindi. Pero sa tuwing makikita ko ang paghihirap ng mundong ito dahil sa mga magulang na hindi na naging matanda—sa mga batang natututong mabuhay ng walang alam at walang diyos, hindi ko talaga maitatangging kailangan na talagang gamitan ng siyensya at maagapan ang lumulubhang kahirapang ito.
Tutol ako sa pagpaslang sa laman ng sinapupunan—dahil kahit anung rason ng taong gumagawa at pinagagawa iyon, pagpaslang pa rin iyon. Pero pabor ako sa artipisyal na pagkokontrol. Dahil bakit ka bubuo kung dudurugin, itatapon, sasaktan, papahirapan at papatayin mo lang ito.
Tulad ng batang nagmamayari ng pinakamalakas na boses, hindi niya kasalanang mabuhay sa mundo. Pero pinagsisisihan niya ang kasalanan ng mga magulang nito.
Unsure whether to forward the article I just edited, I played with the mouse of my PC by hovering it over the buttons that saids 'reject'. I have failed with my last two articles, remembering that I forgot to check on some important parts, I decided that I could not afford another mistake. I hummed “Stars” by Simply Red to uplift my mood a bit but it was cut short by a grumble in my stomach and a momentary sickening taste of bitter coffee lingering in my mouth. My neck is killing me from waking up in the wrong side of the bed, in the wrong position, in the wrong moment. The day is flooding with “wrongness” and it pains me to note that the day has just started. I should expect it to get worst.
I get it. Heaven has decided to shower me with all the misfortunes the world could bombard me. And the feeling of anxiety and grief has led me to conclude that this is the perfect time to be pissed. With all the wrongness, with all the irritating details, with my life. Obviously, I'm having a bad day. And in these moments, I knew for a fact that nothing, and i mean NOTHING, can make me feel better. But I was wrong. Again.
Hesitant to click the forward button that has haunted me ever since I sat on my office table that morning, I shoved my hands frantically from my keyboard to a tiny bean pillow and hugged it tightly the way I hugged my closest friends when I was a student.
When I was a student. It seemed like a lifetime away and it dawned to me that I would never again feel the same way with life. I hugged the pillow ever so tightly, remembering all those fun filled days of rummaging bits of work, study and play. I was searching for that same old scene, my comfort place, my lala land in the middle the office so foreign, by hugging my pillow as if hugging someone. And it happened. A blinking message in my skype chat box.
There is someone who wanted me to share contacts with. I wondered who could that be. I clicked at the accept button of my skype, waited for a reply to my chat message and tried to absorb the cuteness of the face that was looking back at me smiling in her “personal profile” bar.
“you may call me sister”
I have always been deemed pasweet when I am still required to wear a uniform. I was unusually sweet to everybody to the point that flattery is not enough a term to describe it. But really, living my life is not an act of fascination but an act of servitude, a life of sacrifice. Its not easy being me. I trust people too easily, why would this Chinese girl be any different.
I trusted her, expecting her to acknowledge and reciprocate the kindness and sweetness that comes out of me so naturally that I wasn't aware of it most of the time. But really, I was the one who was surprised taking in the first words that she said to me.
Sister. Older sister. My sister.
I have read that part over and over and it sent sparks in my stomachs that prickled my heart so furiously that I happiness and extreme delight start to engulf me. This girl can do wonders from the time I saw her picture. We are half the world away and yet she has extended her ability to magically touch other people's lives. Just with a smile and a simple hi. It melted my heart away—the sweetness of it all. At that point it occurred to me. I was no longer hugging my pillow; I was no longer searching for my comfy place; I am happy where I am. In my desk, talking to a complete stranger who've been calling me lil brother. I am enjoying every second of it and for the first time that day, I smiled.
“But its so interesting”
I'm a Filipino, she's Chinese. Yet we understood that being nice is being human—caring knows no boundaries. We may have different religion, different upbringing, different interests, but both of us know how to care. I care about her. And its really amazing how distance and difference can be flipped and folded to commune into one rendezvous point of understanding.
I was feeling so dull that morning. But I never felt great the rest of the day. Its like magic. She's like magic. She used good English to lure me into liking my day and I used mine to keep my feet firmly in the ground. I am enjoying every keys I pushed and every buttons I clicked. It made me forget that I was whining minutes before that faithful greetings.
My co-workers looked at me. And I never knew why they were smiling when I realized, I was the one smiling at them. It was one of the days where you could really say that heaven really exists. And I had the chance to glanced upon it, to really feel it. The moment was glorious. Thanks to a pretty Chinese girl who called a complete stranger little brother.
“Yes you can do what u want and it is the right decision for you! please believe in yourself”
At 21 years of age, studying medicine, she knew life and how to really live it. And I was so amazed on how she's doing well as my older sister—a place in my life vacated, waiting for her. In those tiny-detailed conversations, I understood quite well that I could trust her, that she will always a caring sister for her sad little brother. There are no words to describe the gratitude that has revealed itself to me. The pressure now bears heavily upon me. How can I repay her for making me happy when everything else wanted otherwise.
“Sister is great, so I think that my brother should also be great”
Could it be that fate brought that tiny chance of knowing her into reality? Could this be a sign that everyone can be a sister or a brother to any one who needs and wanted some affection in todays world soaking in such unthinkable evilness? The answers to these questions lay on the near future. All I'm sure of is that, my sister will always find a brother in me, anxiously waiting for that magical hello—and that if everyone is like this lady, greeting a complete stranger and caring for him like his own little brother, the world would surely be a better place to live in.
TO ALL THOSE WHO KNEW ME: Please say hi to my sister! She's been very very kind to me and she deserves the same treatment you showed me. And she'd be very very happy to have a couple more addition to her list of friends. I'm sure, you guys are going to like her.
TO MY SISTER, achi, I miss you already. I'll be waiting for you, waiting excitedly to hear how your study went, of how our dreams finally coming true for our families and very very soon, I'll be singing to you the song you've sent me. Ive been practicing and I think I could sing it after a few more tries. I hope your doing fine. See, I told you I'm going to write about you! Remember, lil bro will always be waiting.. Waiting.
“Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to
imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and
confused.” - Paolo Coelho The Zahir
Napaisip ako...
Ilang araw ko na nga bang hinahangad makita ang mukha niya, ang makatabi siya sa pagkain, ang makakwentuhan siya at marinig ang mga minsan, wala niyang kwentong storya kung papaano siya inaasar ng mga kaopisina niya. Nakakatawa. Kasi tama pala talaga na saka mo maiintindihan ang halaga ng isang bagay pag nawala na itong bagay na ito.
Madalas ko na rin ngayong napapagtanto. Mahirap palang magpatubo ng balbas para gawing “goaty.” Hindi kasi ganoon kaganda ang tubo buhok sa baba ko. Nakakainggit ang mga taong nakuha pang kulutin ang mga buhok nilang ito.
Nakakainggit. Hmm.. Siguro nga sa mga ganitong panahon mo mapapatunayan ang tunay na kahulugan ng inggit, ngayong, ang katabi mo dito sa opisina ay engganyo sa pagkukwento ng kagabi niya kasama ng kabiyak niya. O kadalasan pag may nakikita akong naglalampungan sa gitna ng kalsada o sa jeep o kung san san—nagkalat na parang mga sakit ng lipunanang hindi man lang natatakot sa pagtaas ng pamasahe o sa pagkalate sa trabaho o sa eskwela. Kasi masaya sila.
Masaya din naman ako eh. Lalo na dati. Sobra sobra dati. Lalo na pag bumibili ako ng Lucky Me pancit canton sa grocery sa baba ng dorm nila. Siyempre pag ipaghahanda niya ako ng pagkain at papakainin na pawala nang bukas. Kaya naman ganoon nalang ang pagtaba ko. At hindi ko rin pwedeng makalimutan ang akap ko at pagbubulong sa tenga niya kung gaano ako kasaya na kahit mamatay ako noong mga oras na iyon, ayos lang..
Mamatay. Hindi na siguro pwede ngayon yan. Bukod kasi sa nakasandal sa akin ang buo kong pamilya ko sa akin at sa kakarampot kong kita, marami pa akong plano sa buhay. Planong binuo sa ilalim ng double deck na kama niya. Mga planong pinangarap at pinangakong tutuparin. At hanggang ngayon, pinipilit kong tapusin itong walang kapararakang entry na ito para lang sa kanya.
Siya. Siya lang naman ang dahilan ng lahat sa akin. Siya lang naman ang kailangan ko. Dati rati, gusto ko maging isang sikat na reporter, o isang magaling na manunulat. Pero ngayon gusto ko nang maging isang sikat na reporter o isang magaling na manunulat para lang sa kanya. Para sa kanya.
Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon. Isang pagsasamang binuno dahil pareho kaming naghahanap ng sagot. Kung ano ba ang pakiramdam ng may minamahal, may sinasabihan na mahal kita araw araw, may inaaway pag lahat ng tao inaaway ka. Nakakatawa namang isipin ang mga maliliit na simula naming ngayon ay ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko.
Baliw nga ata talaga ako. Pero walang makakasisi sa akin dahil nakakabaliw naman talaga ang sitwasyon ko. Kung meron nga lang isang teleport machine para madala ko sarili ko sa isang lugar sa may NLEX ng walang masyadong oras na kailangan at perang gagastahin papatusin ko. Kahit mauna na ang puso ko sa utak ko ayos lang. Basta't mapadala ko lang.
Nagbibilang ako...
24 araw, 6 na oras, 37 minuto nang huli ko siyang nakita. At hindi ko masasabi kung kailan ulit babalik ito sa 0 araw, 0 oras at 0 minuto para magsimula ulit. Dahil sadyang mapang-trip ang kapalaran. Gusto niya lagi akong pinahihirapan. Madugas siya masyado. Dahil talagang sinusulit niya ang pamamalagi ko dito sa mundo. Oo nga naman. Kung nasa langit na tayo, hindi na niya tayo mapapagtripan.
Maraming hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Dahil nga naman daw sa dami ng mga crush ko sa mundong to, tae na ang maniwalang tapat ako sa pangako ko. Pero aaminin ko. Tapat ako ng sobra sobra sa mga pangakong binitawan ko. Tapat ako sa nagiisang taong pinagdarasal ko at ipapangako kong hihintayin ko sa dulo ng martsa sa harap ng isang banal na dambana, at higit sa lahat, tapat ako sa sarili ko.
Oo. Minsan nalilinlang ko ang sarili ko sa sarili kong mga kasinungalingan. Sakit na ata ng mapagpanggap na utak yun. Pero kahit ako hindi ko maitatanggi na “i am truly madly deeply inlove” with her—sabi nga ng isang inaamag nakanta. Tama. Hindi ko pwedeng itanggi ang tindi ng nararamdaman ko para sa kanya.
Nabibighani ako...
Kaya nga pinilit kong itago sa mga katabi ko ang saya na titigan ang letrato niya dito sa tabi ng monitor ng station ko dito sa opisina, at ang lungkot ko na hindi siya makasama sa nagisang araw kung saan legal sa akin ang humiling, kahit hindi naman (kahit kailan) ito natutupad. May mga susunod pa naman akong kaarawan eh. Andiyan naman siya palagi. Kaya naman kung ako ang tatanongin, ayos lang din sa akin. Dadaanin ko nalang sa paglulunod sa sarili ko sa pangungulilang nararamdaman ko.
Kaya naman..
Happy birthday to me, happy birthday to me, Happy birthday happy birthday,
HAPPY BIRTHDAY TO ME
Sign by Dealighted - Deals and Coupon Codes