si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Thursday, January 28, 2010

formspring.me

Would you rather be a zombie or a mummy?

i'd rather be a mummy.. People want to preserve mummies even if mummies want to rest in peace.. People kill zombies even if zombies want to live..

Ask me anything

Sunday, December 27, 2009

Halika na

Halika. Pagusapan natin kung paano mo ako papatayin...

Medyo napapadalas na kasi yung pagtawag ko kay kamatayan eh. Kung kailan papatapos na ang taon saka ako nag-gagago. Eh magrereklamo pa ba ako? Matagal ko nang ginagawa sa sarili ko yun. Dapat lang sanay na ako ngayon.

Kailan mo ako papatayin?

Ngayon na. As in ngayon na. Hanggat manhid pa ako sa sakit na dapat buong buo kong nararamdaman ngayon. Kung anung dahilan ng sakit hindi ko alam. Matagal ko na din kasing hindi sinubukang magisip para lang makaramdam. Eh yun nga eh. Kung kailan ko sinubukang magisip saka ko naisip pagod na pagod na din pala ako. Isang nanamang magandang rason para mamatay. Kasi naubusan na din kasi ako ng rason para mabuhay. Nawalan na din ako ng dahilan para maging masaya sa pagkaladkad sa sarili ko sa aspalto ng tadhana.

Ramdam ko, pagod na din ang tadhanang maging mabait sa akin. Kaya eto siya ngayon. Naniningil. Yun nga lang, ayaw niyang pumayag ng hulugan. Gusto niya buo. Kaya naman eto namumulubi na ako. Kaya patayin mo na ako ngayon.

Paano mo ako papatayin?

Gusto ko sana yung isang mabilisang bugahan lang. Isang sandaling bwelta. Yung di na ako makakaramdam ng sakit. Yung di na ako makakapalag. Gusto ko nun. Gusto ko nung duguan. Pwede din yung hindi na ako makakakilala. Gusto ko din kasing magpasunog eh. Pugutan mo ako ng ulo, ihulog mo ako sa bangin. Wag mo lang akong lunurin o unti unting ihawin. Tulad ng nangyayari sa akin ngayon. Unti unti akong ginigisa ng sarili ko sa paulit ulit na pagsasabing "tanga ka kasi.. Tanga. Sinabi nang masakit yan. Tanga." Alam ko naman yun eh. kaya nga ito na ako, kailangang pangatawanan ang kasalanan... sa kamatayan..

Bakit mo ako papatayin?

Hindi ko din alam eh. Tanungin mo bestfriend ko. Baka sa sakaling alam niya..

Ano? Game?

Consuelo de bobo

Pagod na ako.
Sawa na ako.
Suko na ako.

Sa delubyong pilit na lumulunod sa buo kong pagkatao
sa piitiang pilit na lumalapnos sa balat ko
gamit ang apoy na nagaalimpuyo
sa kalooblooban ko
sa tuwing sasabihin ko
"Mahal kita. Mahal na mahal."

Mahal naman talaga kita eh.
Mahal na mahal.
Wala na ngang paglugaran ang nararamdaman ko sa iyo eh.
Yun nga lang.
Minsan hindi ko mabanaagan
kung ang masarap
o masakit ang nararamdaman ko
naiintindihan kita.
Naiinitindihan ko kung bakit siya
kahit na pilit na binubura
talagang nakaukit at nakatatak sa
puso't isipan mo ay siya.

naiintindihan ko kung bakit hindi ako
dahil sino lang ba naman ako.
isa lang naman akong extra sa tagpo ninyo
kung saan unti unti na kayong napupuno
ng hinanakit at pagtitiis
pero sa huli, extra pa din ako
isang entradang mabagsik at mabilis
naiintidihan ko naman kung bakit hindi pwede
dahil ramdam ko ang pagkakabilanggo mo
sa utang ng loob
sa responsibilidad
sa bahay
na bumubuhay
at umaakay sa iyo
pero sana mainitindihan mo
na tao lang ako
napapagod
napapasuko
namamatay
at sa akign pagninilay
at paghuhukay
ng mga gunitang kala ko'y matagal nang
nakahimlay
naintindihan ko
kailangan ko nang lumayo
lumayo para sa sarili ko
na kahit na kaladkarin ng tadhana papalayo
nakapit pa din ng mahigpit
na kahit gaano kasakit
at kahit gaano namimilipit
ayaw bumitaw sa pagkakakabit
consulation prize
consuelo de bobo
talaga bang sa ganito lang magtatapos
ang ating tagpo?
sa isang mabilisang kamustahan
at paalam?

Tuesday, December 22, 2009

Soul sister's yuletide message

Just had one hell of a message from a very treasured friend of mine...


"sa lubak na dinaraanan mo.. madapa ka man... masaktan at maligaw.. sa huli... kung san ka nakatakdang tumungo... dun ka dadalhin ng mga paa mo..
kahit pikit man ang mga mata mo.. tanging tibok ng puso mo ang makakapag sabing nasa tamang daan ka.. kung naisin mo mang gamitin ang utak mo... para di mo maramdaman ang sakit na sinisigaw ng puso mo... ito ang itanong mo sa sarili mo.. "masaya ka ba kung utak ang susundin mo?"
minsan.. hindi masamang maranasan mo ang sobrang sakit.. dahil darating ang panahon... sobrang saya naman ang kasunod.. dapat lang... marunong tayong magtiis... maghintay.. kahit parang wala naman talagang patutunguhan..
pero wag kang mag-alala... mali mang daan ang tinatahak mo ngayon.. maitatama mo rin yan.. sulitin mo lang ang bawat patak ng luha sa mga mata mo.. bawat dugong ibubuwis ng puso mong sinusugatan ng sakit na nararanasan mo.. dahil hindi matatapos ang buhay na meron ka.. hanggang hindi mo nararanasan ang lahat ng iyan..
pero maniwala ka lang... bukas... o sa darating na araw... ngingiti ka din... at masasabi mo.. tama ang daan pinili mo..."


Love yah kapatid! salamat ng madami!!!! You're the best!!!!


Thursday, December 10, 2009

Love Ugat

Dear Lumot,

Naiinis ako.

Aaminin ko sobrang naiimbyerna ako sa fact na ganito kita kamahal. Walang nang paglugaran ang saya ko kapag kasama ka, kapag naririnig ko ang mga mahihinhin mong "i love you", ang mga walang kapintasan mong tawa, kapag naaalala ko ang mga numerong 2011, 2511, 123 at 1206.. hindi na magkamayaw ang buong pagkatao ko sa tuwing maalala ko kung gaano mo ako pinapasaya araw araw, sa pagising sa akin kapag late na ako, sa pag tawag mo sa akin kapag wala kang makausap, sa pag paparamdam sa akin sa tuwing nalulungkot ako.

Galit ako.

Dahil inangkin mo ako. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong maging ganito ako kasaya sa piling mo. galit ako sa iyo dahil binibigay mo ang mga bagay na kailanman hindi ko makukuha kahit kanino, ang saya, ang pagmamahal at pagaarugang matagal tagal ko na ding hindi nakikita at nararamdaman, galit ako sa mundo, dahil parang minamadali niya tayo, sa pag pirapiraso niya sa bawat segundo, minuto, oras at araw at pinagtugma tugma, pinagparepareha, at pinagdikit dikit na animo'y piraso ng isang dambuhalang puzzle. Perpekto ang bawat kanto, swabe ang pagkakasunod-sunod at hinulma at pinagdikit ng pagmamahal at pagibig na hindi ko mawari kung san nagmumula. Kainis talaga.

Suko na ako.

Dahil alam kong meron at merong patutunguhan ito. Dahil kahit anong gawin kong iwas, sa iyo at iyo lang din ako titilapon. Parang isang asong nakakadena sa paborito niyang buto. Wala na akong mas hihilingin pa kundi sa kinalalagyan ko. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano nakakapagod. Dahil sa pagmamahal na pinapakita mo, hindi ko na nararamdaman yun. Suko na ako dahil, kahit gaano kumontra ang utak ko, puso ko pa din ang magwawagi at ipagwawagi pa nito ang anu mang pagsubok na susuungin ng pagmamahal na ito.

Hindi ko na kaya.

kasi mahal kita. Mahal na mahal. Na sa tuwing iisipin ko kung gaano, pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa galak, na tipong nalulunod na ako sa saya. At alam ko, wala na akong hihilingin pa, kundi ang mapasa iyo, ang mapunta at tumira sa puso mo, ang maging iyo, buong buhay ko. Kaya pagpasensyahan mo na ako, sa tuwing aandar nanaman ang pagka-aligaga ko. Ugat lang naman akong nagmamahal sa isang lumot. Mahal na mahal kita. At nakakatuwang isipin na kulang ang pagulit ng katagang yun ng ilang beses para maipakita kung gaano. Buhay kita lumot ko. Buhay kitang pinapangakong bubuhayin, at pagyayabungin.

Nagmamahal,
Ugat

Wednesday, December 9, 2009

understatement of the year: I love you so much

Love makes life so friggin IRONIC! taena siya..

It started as a crush..
isang simpleng pangungutya sa katotohanang dati kong pinaniniwalaan ko bago ko pa man siya makita.

a simple gesture of affection.. An obvious recognition of the overwhelming fact that she's no ordinary girl. The very first time I layed eyes on her, she just stole every bit of sensical thought I had at that moment..
nabalatan ng buong buo ang pagkatao ko.. ni hindi ko namalayang inuugatan na ako sa kinauupuan ko.. at sa takaw kong to, naiwan kong hindi nagagalaw ang hapunang noo'y pinagpipilitang tapusin.

There is really something about the first time I met her. My whole world colapsed to a tiny speck, a cosmo of some sort, whose dying and living wish is to be with her, to revolve around her, to make HER the center of the universe. It scared me to death. I even forgot that I, at that time, the SUN to someone else's universe.
Sino ba namang magaakalang sa isang malaking pagtalon sa mga taong namagitan sa noon at ngayon, makikita ko sarili kong hawak ang mga kamay niya and everything that goes with it.

A thin line between friends and SOMETHING else was breached. The personal, MUTUAL bubble was popped. One thing led to another, two souls succumbed to each others wants and needs, and three parties were involved. That fact sucked. And the fat ass writing this crap sucks. Hindi na ako natuto. Hindi na ako nagsisi. Hindi na ako nagising sa katotohanang hindi KAILANMAN pwedeng maging kami. Dahil nabuhay siya para mahalin ang iba. At masakit tanggapin mo. Ang mahalin ang isang taong may mahal nang iba.

Am I always the backup plan? The spare tire? The supporting actor dying to have the main role shoved his greedy throat? Hanggang kelan ba ako mabubuhay sa anino ng iba? Minsan hindi ko talaga alam kung mahal niya ako kaya niya ako kailangan o kailangan niya ako kaya niya ako mahal?

A relationship brought by love saturated chances, an instrument glorifying the downfall of a anemically justfied commitment. Pagsasamahang dinungisan ng pangiintriga't pangungutya, na binubuhay sa tyaga at pagaaruga. Kasalanan na ba talagang magmahal ngayon?

Looking back, friends of mine urged me to press the eject button and save my pathetic ass from dying in that inevitable plane crash. Pero hindi ko ginawa. Hindi ko tinigilan bagkos, inakap ko ang kalugmukang inaasahan ko. Kaya kung may dapat sisihin, kung may dapat gaguhin, kung may damuhong dapat bugbugin ako yun. kasi tanga akong magmahal. gago akong umibig. ika nga ng isa sa mga diyus-diyusan ko:


Now that we are over as the loving kind
we'll be dreaming ways to keep the good alive
only when we want is not a compromise
I'd be pouring tears into your drying eyes

you whisper "come on over" 'cause you're two drinks in
but in the morning, I will say goodbye again
Think we'll never fall into the jealous game?
the streets all flood with the blood of those who felt the same

friends lovers or nothing,
there can only be one
friends lovers or nothing
there'll never be an in-between, so give it up


anything other than yes is no
anything other than stay is go
anything less than "i love you" is lying

Sunday, November 22, 2009

noong benteng araw ang dumali sa onseng buwan

adik

adik ka

adik kang mahal

adik kang mahal na

adik kang mahal na mahal

adik kang mahal na mahal ko..

na bumubuo ng buong sistema ko..

na rason ng bawat pagpintig ng puso ko..

na dahilan ng pagkakapangak ko sa mundo..

na bumubuhay sa bawat piraso ng pangarap ko..

na tumutupad sa bawat pangakong binibitiwan ko...

sa sarili ko..

sa hangin..

sa mundo..


nangyari

nangyari ang

nangyari ang di

nangyari ang di ko

nangyari ang di ko inaasahan

nangyari ang di ko inaasahan pero

nangyari ang di ko inaasahan pero pangarap

nangyari ang din ko inaasahan pero pangarap kong

nangyari ang di ko inaasahan pero pangarap kong makamtan

gumuho ang paniniwala ko

na sa pagibig may tama at mali

na may dapat sinusunod

na dapat may pinanghahawakang

batas, butas, bayabas..

dalawa lang pala ang importante..

ang mahal mo..

at mahal ka..


para sa iyo lumot ko..

sa bayan ng nakahubong adonis, sa may nakalubog na pamulaklakan

Nanlumo ako..

Nang malaman kong totoo ito
nang maintindihan kong seryoso ako..
nang mapagdesisyunan kong pangatawanan...

lahat ng pangakong binitiwan ko..
lahat ng salitang binwelta ko..
lahat ng pagibig na nararamdaman ko..

na rason ko sa bawat gising ko..
na dahilan ng bawat hanging hinihinga ko..
na halaga ng buhay ko..

ang bawat segundo, oras at minuto..
ang bawat luha't hinanakit na napapawi mo..
ang lahat ng saya ng mundo..

ay para lang sa iyo..
mahal ko..
san man to patungo....


(OO ADIK LANG)

Paano?

Hindi ko talaga maintidihan kung bakit ganun ganun nalang iwalang bahala ng iba ang mga bagay na sinasamba ko?

Sa lumipas na ilang linggo pinuno niya ng kulay ang buhay ko.. Sa totoo lang, hindi ko na nga alam kung paano ko ilulugar ang sarili ko.. Dinikdik nanaman ako ng kapalaran sa tanong na "paano mo iiwasan ang isang bagay na nagbibigay sa iyo ng walang kapantay na kasiyahan?" Paano nga ba?

Paano mo pipigilan ang nagbabagang alimpuyo ng damdaming hindi na makita ang tama sa mali?

Paano mo isisiwalat na siya ang gusto mong makasama sa haba ng buhay mo?

Paano mo mapapaniwala ang sarili mong hindi ka niya kailangan, na wala ka lang sa buhay niya, kung sa bawat text, tawag at pagpaparamdam umiikot at humihinga ang buo mong pagkatao.

Mahina ba ako kung sasabihin kong hindi ko siya pwedeng hintayin? Kasi kahit na namummutok na sa kamalian ang pagmamalang pinangakuan niya, naniniwala pa din akong kailangan nilang ipagbunyi na sila na kailangan nilang magsama, na para sila sa isa't isa....

Mahina ba ako kung hindi ko masabi sa kanyang siya ang gusto kong makasama, na siya lang ang tangi kong hiling sa bawat dasal na ibulong ko sa hangin, na siya ang nagiisang bituing kahit kelan hindi ko makakamtan...

Mahina ba ako kung sa tuwing iiyak siya dudurugin ko ng pinong pino ang lahat ng kasiyahan ko para sa kanya? na wala akong magawa sa bawat luhang sa totoo lang gusto mo nang punasan.. pero hindi pwede... dahil wala lang naman talaga ako sa buhay nila...

Paano ko ba malalampasan ang isa na namang umaatikabong tagpong sa wala din naman mapupunta..

Paano ko masasabi sa iyo na wala na kong hihilingin pa kundi ang pagsilbihan ka, sa abot ng aking makakaya, hanggang sa mga huli kong hininga... Ikaw lang ang kailangan ko, sa mundo, sa buhay kong naghihimutok sa pagmamahal sa iyo...

At para sa iyo, kahit na hindi mo kailangang malaman, na mahal na mahal kita. Na gusto kong ialay sa iyo ang lahat ng nasa akin. na gusto kitang pangakuan ng walang hanggang pagmamahal, na hindi kita iiwan, na hindi kita pababayaan tulad ng ginagawa ng taong hindi alam kung gaano siya kaswerte at ikaw ang hinirang, ikaw ang pinili, ikaw lang ang kanyang kailangan?

Kung nagkataong kaya kong humiwalay sa katawan na ito, siya ang una una kong sasaniban, para lang malaman mo ang kahulugan ng pagibig, ng pagmamahal at kung anu talaga ang karapatdapat lang para sa iyo.

Mahal kita. Mahal na nga ata talaga kita. Sa hindi ko maintindihang kahiwagaan, naglahong lahat ng taong kilala ko. at sa iyo na umiikot ang mundo ko... At hanggang ngayon nagtatanong ako, paano... Paano.. paano ko nga ba mapapaliwanag sa iyo to?

Wednesday, September 2, 2009

Minsan talaga...

... Nakakairita ang mga barker sa jeep lalo na pag hindi sila naliligo.

... nakakaiyak pag may nakapuslit na "ano" sa dapat ay pure english sentence na pagpapakitang tao sa boss mo.

... mahirap maghanap ng kakwentuhan kung lahat sila may load sa sun at ikaw globe lang--pang tropa ang potah.

... may ibang bagay masikip pag pinipilit. Pero madalas namang maluwang din. Go figure.

... nakakapagpatae ang "Don't worry be happy" ni Bob Marley lalo na pagkatatapos mo lang kumain ng Callos na panay taba ng baka.

... nakakamiss tumabay sa mga tambayan mo dating ngayon ay tambayan na ng mga batang tambay. Oo. Kayo yung sinasabi ko mga leche kayo.

... mahirap pag wala kang maisulat at kailangan mo pang gawin tong katangahan na itong pwede namang hindi ipublish pero...

... ang tanga ay mananatiling tanga.

... ang pinaka nakakainis na bagay ay ang mga bagay na walang ending. Well ayos lang siguro kung yung bagay walang simula.

Tuesday, September 1, 2009

The Mummy returns

At sa pagbuhay ng sumasaludong bukang liwayway.. sa tulog na gunita at panis na laway,

liliwanag ang mundo.. maninibago ang mga damuho... malulunod sa abo ang mga demonyo sa impyerno..

sa wakas tatahak ng lumang landas, ng may bagong dahas ang ngayo'y pesteng ungas na walang pangarap kundi magkapangarap, at maglaro ng pilikmatang walang habas na dinamay sa pangkat ng kaluluwang iluluwa ng langit at lupa...

in other words: ANAK NG PIGING NANLILIMAHID SA MANTIKA! BUHAY NANAMAN LIVEJOURNAL KO! YEY!


http://fhadz28.livejournal.com/

The live journal account!

At sa pagbuhay ng sumasaludong bukang liwayway.. sa tulog na gunita at panis na laway,

liliwanag ang mundo.. maninibago ang mga damuho... malulunod sa abo ang mga demonyo sa impyerno..

sa wakas tatahak ng lumang landas, ng may bagong dahas ang ngayo'y pesteng ungas na walang pangarap kundi magkapangarap, at maglaro ng pilikmatang walang habas na dinamay sa pangkat ng kaluluwang iluluwa ng langit at lupa...

in other words: ANAK NG PIGING NANLILIMAHID SA MANTIKA! BUHAY NANAMAN LIVEJOURNAL KO! YEY!


http://fhadz28.livejournal.com/

Wednesday, May 20, 2009

Breathing Exercises (langhap lang beybeh!)

INHALE
EXHALE

INHALE
EXHALE

INHALE

tignan mo yung barker. Ang kapal ng mukha! parang may moral responsibility yung driver ng jeep na magbigay ng dalawang piso bawat pasaherong sasakay sa kanya na sa totoo lang ay KANINA PANG NAGHIHINTAY NG MASASAKYAN! parang kanila yung daang dinadaanan ng mga jeep ah. Pero naisip ko din. anim na piso sa bawat limang minutong dumadaan, limang daan at pitomput anim na piso araw araw. Hindi na masama para buhayin ang naghihikahos na pamilya.

bakas pa din sa balat ko yung mga bulutong ko mga 17 na taon na ang nakakalilipas. Di ko na din maalala nung mga panahon na yun. Basta ang alam ko, hindi ako binigyan ng kahit anong regalo ng magulang ko nung gumaling ako. Sa birthday ko lang kasi nangyayari yun nung bata pa ako. Pero syempre iba na ngayon. Kahit birthday ko wala nang handa. Iba na talaga ang naghihirap. Tama nga yung nabasa ko sa kiko komix. Nawawala na ang concept ng mga pinoy sa Gutom dahil nawawala na din ang concept natin ng BUSOG. Kung baga, sanay na tayong magutom kaya malamanan lang ng unti ang tyan, ayos na. Di na tayo gutom diba?

usong uso talaga ngayon yung mga sex videos sa internet no? talagang mga tao ngayon wala nang gusto kundi manghimasok sa buhay ng may buhay. pero sa totoo lang mas uso ngayon ang baby muna bago kasal. sabi nung kaopismate ko dahil daw marami ngayon ang sinusubukan muna kung may mabubuo para sa ganun sigurado nang may anak agad sila. Pero sa tingin ko, sadya lang talagang nagiba na ang persepsyon ng mga tao sa kasal, bata, buhay at sexy moments. Na parang sa kanila, kasalanan ang magbuntis pero natural lang ang pagawa ng bata. HIndi ko alam kung anong nangyayari. Dati ang marrying age 28 ngayon 20! kung sa bagay ako din dati... mahilig manghimasok sa buhay ng ibang tao. (anong tingin niyo? excuse me!)

gusto ko ding pumunta ng corrigidor. Basta kasi patungkol sa gyera lalo na yung mga WW2 land marks gusto ko puntahan. Hindi para makita kung saan talaga nangyari ang mga bagay bagay, kundi maghanap ng mga multo ng mga namatay na sundalo. Balita ko din kasi madaming multo sa corrigidor. Naiimagine ko tuloy na kahit multo na sila ngayon, nagigyera pa din sila, nagtutusukan ng bayonete, namamaril, nananaksak. Siguro pag namatay ka sa corrigidor ngayon kasama ka na din sa gyerang nagaganap. Siguro nga.

EXHALE

INHALE
EXHALE









Tuesday, May 19, 2009

Nang magsimulang magsulat si Juan Basahan

Kung sa bagay... hindi nga naman ako madaling pasukuin so malamang sa malamang kasalanan ko din kung bakit gusto ko ng DQ mudpie ice cream..

Madalas akong makawala ng cellphone pero ang malimutan ang V3 razor ng hello moto parang ewan lang. Antukin pa man din ni Rico Blanco ang pinapatugtog at napangiti ako nung sabayan ko yung "gumawa nalang tayo ng.. baby... "

Nagimpake ako. Wala lang. Trip ko lang magayos ng mga gamit at ilagay sa bag. Yung tipong ginagawa ng mga bida sa pelikula. Tapos may pangiinis kasi di rin naman pala nila itutuloy pagalis nila. Epal.

Gusto kong dumaan sa station ng Brewrats paminsan minsan. Wala lang. Gusto ko lang din kasing imaginin na si Ramon Bautista ang may ganoong buhok tulad nung kay Tado Jimenez. Pano nga kung si Ramon at si Angel ay "sila".

Naglalasang sabon din pala ang hamburger pag nilagay mo siya sa bag na amoy sabon. Sana di ako malason kasi tira lang yun ng kaibigan ko. Dati. Oo dati.

Nakakita nga pala ako ng rainbow kanina. Natuwa ako kasi minsan nalang din magpakita ng kagandahan ang langit dito sa maynila. Madalas kasi wala kang magandang mahihita sa pagtingin sa langit kahit gabi. Para akong bata kanina. Naalal ko kasi na pag ang kamay mo hiniwa mo sa isang rainbow mapuputol yung rainbow. Ginawa ko siya dati at napaniwala akong ako ang dahilan kung bakit bigla nalang naglaho yung rainbow. nagalit pa sa akin bestfriend ko noon.

Kung baga sa telepono, isang malaking busy tone yung narinig ko kanina bago ako kausapin nung author kong slang mag engles. Isang malaking patlang ng nakalipas na hindi ko mabosesan o mapagkilanlan. Nakakatawa. Nasasaktan ako sa pakikinig ng busy tone.

Nadapa ako kanina nung paakyat ako ng hagdan. Sa kamalas malasan ko, yun pa yung oras na coffe break ko at may hawak akong kape. Ayun. Hanggang ngayon laponos pa din ang kamay ko. Nakakainis.

Gusto ko sanang kausapin yung tindera kong crush. Kaso inatake nanaman ako ng pagkatorpe ko. Nakakainis talaga pag hindi ka man lang marunong manligaw. Yung tipong halatang namumula ka na at nauutal ka magsalita. Ganun pala ang mga taong marunong magmahal. Lagi nalang minamalas.

Wednesday, April 1, 2009

Inuman Monolgue

Tagpo: Sa isang mumurahing bar sa may Manila. Nakaupo si -=am sa isang mesa animoy may hinihintay. Nakahanda sa harap niya ang isang kahang yosi na di pa nabubuksan, at mga bote ng beer na di pa rin bukas.

(Papasol si -=fm na nakashades ate mukhang kagigising lang. hindi pa nagayos at hindi pa rin nagaahit. Makikita siya ni -=am)

-=am: heps! wag kang magsalita. upo. (uupo si -=fm sa bakanteng upuan sa harap ni -=am)

-=am: akala ko kailangan pa kitang sugurin sa bahay niyo eh.

-=fm: eh kailangan ko din naman to eh. (kkusot ang noo na animo'y hahagulgol na)

-=am: oi! tama na yan! iinum mo nalang yan (bubuksan ang isang bote at ibibigay kay -=fm. agad namang iinumin ni -=fm)

-=am: anong gusto mong kainin? sisig? (oorder ng sisig)

-=fm: wala akong gusto.... gusto ko siya.. siya lang gusto ko..

-=am: gago! hindi ka na gusto nung tao! tigilan mo na nga yan.. nakakahiya ka.

-=fm: wala akong pakialam. basta kelangan ko siya. siya lang! at kala ko ba kaibigan kita? bakit mo ba lalong pinahihirapan sitwasyon ko? di ba dapat tinatanung mo kung kamusta na ako?!

-=am: fine! eh tumahan ka na muna kasi diyan? pano ko sisimulan pagtatanung ko kung ganyan ka?

(sandaling katahimikan. magaayos ng upo si -=fm)

-=am: so.... how's the big 'B'?

-=fm: ayun.. malaki pa din. malaki... masakit.. nakamamatay...

-=am: eh ikaw kamusta ka na?

-=fm: obvious ba? gusto mo bang basagin sa ulo mo itong bote? penge pa nga!

-=am: kalma lang.. kelangan nating ubusin yan masasabi mo sa trahedya mong buhay.

-=fm: wala kang pakialam! wasak ako at karapatan kong magpakawasak!

-=am: tignan mo nga yang sarili mo? ano nalang ang sasabihin ni...

-=fm: sige sabihin mo pangalan niya papatayin talaga kita!

-=am: napakawarfreak mo naman parekoy. kalma.. eh yun nga.. kung sakaling andito siya, ano nalang ang sasabihin niya?

-=fm: ede yun. uulitin nanaman niya yung litanya niya kung gaano niya pinagisipan ito, kung gaano na katagal niya akong niloloko sa peke niyang pagibig o kung gaano niya kagusto mapagisa sa sarili niyang mundo, sa sarili niyang gusto, sa sarili niyang kasiyahan. SELFISH AMPOTA!

-=am: tignan mo nga naman nagsalita ang hindi selfish! tignan mo nga ang sarili mo. ni wala kang pakialam sa mundo! sino ngayon ang selfish?! at least siya nagpakatotoo siya sa iyo di ba?

-=fm: nagpakatotoo? putang inang totoo yan nakakabastos! alam naman niyang ikamamatay ko pagginawa niya yun pero tinuloy niya pa din! isang iglap nawala nalang lahat! isang segundo lang halos buong mundo ko naglaho nalang sa harap ko! ni hindi niya man lang ako binantaan na mangyayari yun!

-=am: sus me naman ma mehn! ang trahedya hindi naman talaga napapaghandaan eh! dahil kung napaghandaan yun, hindi trahedya yun! ganun lang talaga ang mundo kaya tanggapin mo na.

-=fm: isa pa yang mundo na yang sinasabi mo. nakakagago! taena hindi ko deserve yun.. ito.. itong putang inang sakit na ito! i've been the greatest person na makakasama niya pero putang ina! wala.

-=am: sira ka pala pero koy eh. yung great sa iyo malamang hindi great sa kanya. o great man sa kanya yun, hindi naman niya matanggap dahil alam niyang hindi naman dapat.

-=fm: eto pa pare ah.. gusto raw niya ng bago! ng challenging! ng iba! putang ina! naging gameshow nalang sana ako para nachachalenge siya anak ng puta!

-=am: tsk tsk... alam ko hindi mo matatangap yun dahil kita naman halos ng lahat ng tao kung gaano mo pinaghirapan yun eh. na maging IBA para sa kanya. aba! sa totoo lang bilib ako sa iyo na nakakaya mong mainlove sa kanya everyday na ginawa ng diyos. every moment siya. hindi ko nga inexpect yun sa iyo eh pero nagawa mo.

-=fm: hindi ko kelangan ng mga sugar coated and feel good na mga statements mo dahil the fact still remains--iniwan ako.

-=am: iniwan ka para sa?

-=fm: malamang sa iba. Malamang sa bago o sa mas challenging.

-=am: malamang sa malamang. eh yun nga eh.. wala ka nang magagawa. Kung nagsawa na siya sa iyo, kung hindi ka niya gusto, kung hindi na siya masaya sa mga pangarap niyo, kung di na niya maatim na pagtakpan niya yung totoo niyang nararamdaman, wala kang magagawa dahil buhay niya yun! masakit mang pakinggan pero yun ang totoo. kaya kailangan mo nalang tanggapin.

-=fm: (humihikbi na) putang ina.. hindi katanggap tanggap yun. paano naman ako.. paano nalang yung mga sakripisyo ko sa kanya? putang ina! pakakasalan ko nalang siya! ganoon ko siya kamahal! na wala na akong ibang inisip kundi pakasalan siya at yung mga pangarap namin together na akala ko pareho kaming nagplano. Ako lang pala ang gumawa. Ako lang pala ang nagplano. I've been the most understanding of all boyfriends. Of all fiances! pero wala. i don't deserve this unbelievable pain.

-=am: eh bakit ka ba nagpapaka-understanding sa kanya?

-=fm: ogag ka ba? kasi mahal ko yung tao! mahal na mahal. Mahal more than my self.

-=am: Then why would this be any different?! Mahal mo pa rin naman din siya I know and since mahal mo pa rin siya, you need to understand na ganoon talaga ang buhay! mahal mo siya kaya dapat matanggap mo yun.

-=fm: but she's asking too much! i can give her everything she ever wanted but not this.

-=am: ikaw na mismo nagsabi. you would give to her everything she wanted. then give her what she really wants. set her free.

-=fm: and paano ako? binigay ko ang lahat lahat sa kanya. Lahat lahat na ngayon wala nang natira sa akin. wala ni isang kusing. wala. lahat ng pangarap ko nawala. lahat ng pinaniniwalaan ko naglaho. Putang ina ni hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil ni hindi ko alam kung saan na ako napadpad.

-=am: taena. buhay ka pa. makikita mo din kung saan ka nanggaling. Makakapunta ka din sa dapat mong puntahan. kailangan mo lang tumayo, bumangon diyan sa kinahulugan mo at maghanap. yun lang naman eh.

-=fm: buhay pa ako. sana nga hindi nalang ako nabuhay eh. sana hindi ko nalang pinagdadaanan itong sakit na ito. na hindi ko nalang sana pinapahirapan ang sarili ko ng ganito.

-=am: ano gusto mo? mamatay ka nalang ng hindi nakakatikim ng totoong saya sa mundo? na mamatay kang maga ang mata na wasak na wasak? gago. forever mo nang mararamdaman yang nararamdaman mo pag pinilit mo yang iniisip mo.

(papasok na si ateng may dala ng sisig na isa lang ang tinidor)

-=am: ate padalawa nalang ng tinidor salamat.

(magtatakang tatango si ate saka aalis. makikita ni -=fm ang yosi. bubuksan. kukuha ng isang sigarilyo at ibabalik sa box ng nakabaliktad para magsilbing wish stick. bubunot ulit ng isa. isusubo at sisindihan. uubo ubo si -=fm)

-=am: parang marunong ka magyosi ah.

-=fm: (hihinga na parang hinihika) tama lang to. para maaga akong mamatay.

-=am: gago ang kailangan mo matulog. magpahinga. magahit. magpagupit. magayos ng pananamit. magbagong buhay. eh ano yung mga huli mo ng sinabi sa kanya?

-=fm: tinanong ko siya kung masaya ba siya..

-=am: bakit mo naman tinanong yun?

-=fm: para masigurado kong worthwhile ang paghihirap at yung sakit na pinagdadaanan ko... ngayon sinusumpa ko ang matulog. ni ayaw ko nang ipikit ang mata ko. taena. lahat nalang ng napapanaginipan ko tungkol sa kanya. kung paano ko siya dating naaakap. kung paano ko siya nahahalikan. kung paano ko nahahawakan yung kamay niya. tapos maalimpungatan ka at mapapasigaw na tangina! sana hindi ka nalang nagising! dahil mula ngayon, sa panaginip ko nalang talaga siya magagawa lahat.

-=am: masakit naman talga yun noh. and kahit sinong tanungin mo masakit talaga ang recovering stage ng the big 'b'. pero jan nasusukat ang tindi ng isang lalaki. kung paano niya mapapagtagumpayan lahat ng iyan.

-=fm: salamat sa mga sinasabi mo pero hindi ko sila kailangan ngayon. Kailangan ko siya. Kahit anong gawin ko siya lang ang nasa isip ko. siya lang talaga. pakiramdam ko siya na ang pinakaperfect na babaeng nakilala ko. perfect in every inch of her personality. lahat lahat.

-=am: dahil binulag mo ang sarili mong ganyan. marami pang iba jan na kaya kang pagsilbihan more than pinagsilbihan ka ni.... (titignan ng masama ni -=fm si -=am)... niya... e tols. you don't deserve this sabi mo nga. maybe you deserve someone better.

-=fm: nakakatakot yung maybe na yun eh. dahil malamang sa malamang pwedeng magkaroon pwedeng wala. kasi sa kanya..

-=am: sigurado ka na...

-=fm: .. masaya na ako.....

-=am: e ganun din nalang yun eh.. at sa totoo lang.. hindi mo rin kailangan ng iba eh. sarili mo lang talaga ang kailangan mo...

-=fm: wow.. spoken like a true single ah... welcoming committee ba kita sa single life?

-=am: tama! welcome to the single and blessed life.

-=fm: salamat...

-=am: so bilang bagong miyembro ng single life, ano ang wish mo?

-=fm: na sana mahanap niya ang kasiyahan na hinahanap niya.. na sana maging masaya siya sa gusto niya. sa bago. sa iba.. sa bagong buhay.. kasi yung nalang din ang magagawa ko eh.. ang humiling sa diyos na maligaya sana siya sa buhay na tinatahak niya...

-=am: kadire.. kinahihiya ka ng lahat ng single sa mundo sa sinasabi mo! hahahaha.. pero may isa ka pang pwedeng gawin..

-=fm: ano?

-=am: maghintay..

-=fm: tama.. maghintay

(itatapon ni -=fm ang hawak na yosi at sisindihan ni -=am ang wish stick ni -=fm)

Monday, March 30, 2009

The unexpected 'dot'

ANG TATLO... KINAPOS NG DALAWA

NGAYO'Y NGUMANGAWA 

SA PAGTAPOS NIYA SA PINAGHIRAPANG NOBELA...

NGAYO'Y NAGLAHO NA

ANG MGA PANGARAP AT PAGPAPAKASASA

SA KASIYAHANG HINDI NAMAN PALA.................

                                                            +  Rest+++++in+++++peace +


Friday, March 27, 2009

Ilocos Norte's swimmer the 8th ulitmate Pinoy Sports Idol


Charisma and talent did the trick for swimmer Mark Joseph Paderon, 2nd year high school student from Ilocos Norte, proclaimed as the new ultimate Pinoy Sports Idol at the awarding ceremonies for the 8th season of Pinoy Sports Idols held at the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Paranaque branch last March 24.

Paderon defeated arnis player Nicko Bhara of Cagayan de Oro and soccer champion Jay-R de Jesus of Tuloy sa Don Bosco after garnering the highest number of points ushered from the viewer's text votes and judges' decision.

"It's okay to loose in sports as long as you loose like a champion" said the young Paderon showing his exceptional love of sports and immeasurable passion for winning. "I'm offering this award first of all, to God, to my family and to my inspiration."


The title gave Paderon full scholarship grant in any university of his choice and a chance to represent the country in an international sporting event, all provided by PAGCOR.

The PAGCOR Paranaque branch manager Valerio Santos, also congratulated the top three finalists for Pinoy Sports Idols by highlighting the importance of education and sports in gearing the youth towards a better future.

PAGCOR and Pinoy Sports Idols, hosted by TV Icon and taekwondo champion John Paul "Japoy" Lizardo and produced by Timeline Digital Productions, also awarded Bhara and de Jesus the same scholarship grant for being among the top three candidates from the twelve who also vied for the title.

"The Team PSI"



Thursday, January 22, 2009

happy ellipsis! (its official...)

Being together....

.... for (officially) more than a year now (5 years and 3 months not so official)...

....is like......

.....a comma (,), a question mark (?), and an exclamation point (!)... half-expecting a period (.) to surprise us, or a dash (-) to throw us off course... but really, an ellipsis (...) is really not that far-fetched...

so happy ellipsis for us!

We are officially sharing this multiply account! hehehe.. yun lang po..

Thursday, January 15, 2009

What if I die?

Just an idea.

Hindi ko naman gugustuhing manakot or kung ano man. Naitanong ko lang yan sa sarili ko... what if lang...

I am sick right now. And natatakot na ako na baka malala na nga siyang talaga tulad ng sabi ni mama (that is why I hate doctors and hospitals. Kasi maraming namamatay sa hospitals at ang doctor pag nagsalita, may finality.). Natakot ako noon pa man pero hindi tulad nito. Ngayon ko lang narerealize na kailangan ko nang harapin ang takot ko at magpatingin sa doctor.

Yesterday dito sa office, I went to the bathroom to relieve my self ng sakit ng tiyan. Puting puti yung bowl kaya naman sobrang takot na takot ako nung makita ko yung bowl na sobrang pula. As in super duper bright red. Nagkaroon lang ng split second na pagiisip ng marealize kong my ghad! dugo ko na ang nilabas ko! As in hindi lang kakarampot! parang isang tabo na ata yung nailabas ko sa dami! and the worst part is, Im not exagerating!

Matagal ko nang iniinda itong sakit na ito. Highschool palang ako nung magsimula siyang mangyari. 3rd year HS. Noon bata pa ako para aminin ito sa magulang ko. Takot na kung anu sabihin nila o pagalitan nila ako o anu man. Basta takot ako. Kaya hindi ko nasabi sa kanila. I just went to our med books sa bahay for self diagnosis and found three probable sakit kung symptoms man ito.

1. CONSTIPATION: as in major constipation. Hindi naman kasi kadalasang nagdurugo ang colon sa minor case of constipation hindi ba? and ang alam ko masakit ang constipation. Mahirap maglabas at masakit. Pero sa case ko hindi naman ganoon kasakit at hindi ganoon kahirap. Kaya maybe hindi ito ang hinahanap ko. AT hindi pala nagkakaroon ng blood excression sa constipation.

2. ULCERITIVE COLITIS: ito ang pinakamalapit na sagot sa mga katanungan ko. ULCERITIVE COLITIS. Inflamation ng colon dahil sa unknown reasons. Kadalasan sobrang cafaine, nicotine, stress o may isang emotional trauma ka lang kinakaharap raw ang dahialn. Weird. Emmotional lang ang basis. ganun din ang symptoms. Panghihina ng sobra to the point na makakatulog ka nalang o magcocolapse sa kahinaan (nangyari kahapon sa akin!), Super major blood excressions, anemia, weight loss, skin lessions, etc. Kampante na sana ako ng may dagdag na next stages. Pwede raw siya mag lead to 2nd degree infection since baka pasukan ng bacteria ang blood stream through colon or...

3. COLON CANCER: Too far fetched? I don't think so. Dahil pareho din siya ng symptoms ng UC (top). Stomach cramps, constipation, Hematochezia (bloody stool), anemia, gas, at kung anu ano pa. Hindi ko na sana papatusin ang probability na ito ang hinahanap ko dahil sa genetic din ang colon cancer nang marealize ko, namatay ang lolo ko sa mother side ko dahil sa colon cancer. Scary aye? Ganyan ang napapala ng self diagnosis. Paranoia. Praning.

For years now pabalik balik lang ang pagdumi ko ng dugo. I went through college and sa mga natetext kong mga tao noon na may sakit ako and all, totoo po lahat ng iyon. Natatakot lang ako sa kalagayan ko kaya kailangan ko ng karamay.

Sinabi ko na rin kay mama nung college ko yung dugo sa dumi ko. And, noting the fact na namatay father niya dahil sa colon cancer, iniyakan niya ako. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari hindi natuloy ang kung anu mang check-up. kaya hanggang ngayon, self diognostics pa rin ang ginagawa ko. Pero hindi ko na kayang matakot ng ganito sa tuwing mangyayari sa akin ito. Sa buhay talaga ng tao madalas kailangan talaga ng finality. Kaya naman doc asan ka na? Kailangan na kita nang magamit ko naman itong medicard ng kumpanya!

THE MOST DISGUSTING CREATURE!

I have seen worms, maggots, insects, rodents, etc. but nothing can be compared to the number 1 most disgusting creature that, could ever lived this planet!

It maybe fictional or probably a hoax but the idea of it can make any one sick to the core!

And the number 1 most disgusting creature ever is...... *drumroll*

THE RAT KING

Rat kings

are phenomena said to arise when a number of
rats become intertwined at their tails, which become stuck together with blood, dirt, ice, or excrement. The animals reputedly grow together while joined at the tails. The numbers of rats that are joined together can vary, but naturally rat kings formed from a larger number of rats are rarer. The phenomenon is particularly associated with Germany, where the majority of instances have been reported.

Most authors presume the creatures are legendary and that all supposed physical evidence is hoaxed[

citation needed], such as mummified groups of dead rats with their tails tied together. Reports of living specimens remain unsubstantiated. No known scientific study has been performed on this topic yet. (WIKIPEDIA url: http://en.wikipedia.org/wiki/Rat_king)

Salamat sa Brewrats (10PM-12MN @ 99.5 RT) at pinasaya niyo nanaman ang gabi ko!