si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Monday, September 29, 2008

“... Ng Hindi Nakita ang Bukang Liwayway: Ang kwento ni Pareng Teban”

1.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na dumampi sa ulirat ko bilang tao.

Ano ba ang tao? Ano ba ang ginagawa ng tao? Tao ba ang masaktan? Tao ba ang magalit? Tao ba ang gumanti? Tao ba ang maging masama, ang maging mabuti? Tao rin ba ang magmahal, ang pumatay, ang ipagtangol ang buhay, ang minamahal, ang bayan?

Isang linggo, tatlong araw at mga lima o anim na oras kong binasa hanggang matapos ang librong may 368 na pahina. Maliit lang siya. Pero mas malaki pa sa mundo ang ipinakita nito—isang dambuhalang katotohanan na tao lang ang mabigo, ang magpatawad at mamatay... para sa bayan o para saan man.

Hindi ko naabutan ang panahon ng mga hapon. Pero hanggang ngayon ramdam ko ang tindi ng epekto ng pagdayo nila rito sa bansa nung WWII para maglabas ng kayabangan, ng kalibugan ng kasamaan. At hanggang ngayon, umiinit pa rin sa ngitngit ang lamang loob ko sa tuwing maaalala ko ang Author's note nito ni pareng Teban: “After reading this, maybe you'll understand us Filipinos... a little.”

May mga nakilala rin akong matatandang nasaksihang masunog ang bandilang puti at ng Imperial na araw nito. Mga matatandang kahit kailan, hindi na nagawang lumabas ng kanilang bahay sa takot na baka gahasain, paslangin, babuyin at alipustahin ng hapon. Mga matatandang hindi na nasilawan ng bukang liwayway ng paglaya.


2.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na pumukaw ng damdamin ko bilang isang lalaki.
Kaya alam ko, ramdam ko ang nararamdaman ni Carding (ang masasabing bayani ng storya) sa mga bawat punto na pilit tinutunaw ng kasamaan ang kanyang puso. Damang dama ko ang pagbabago nito mula sa isang mabait na binata sa isang simpleng baryo ng Panay hanggang sa isang demonyo sa impyernong matatawag na bansang pinutakte ng mga diablong nagsasalita ng wikang hapon.

Tumagos sa kaluluwa ko ang apoy na sumunog sa bawat kaluluwang binuhay ni pareng Teban saka iniwan para mamatay sa kanyang libro. Nasunog ako. At sa uling at abong natira sa pagtapos ko sa pagbabasa, napagtanto ko na tama nga ang matatanda sa pagsasabing, ang tao, gagawin ang lahat para mabuhay, para tumanda, matuto at gawin ang lahat para makaligtas.
Hindi ko masisisi si Carding sa mga ginawa niyang kasamaan. Tinagurian siyang anak ng Diablo ng mismo niyang kababayan at mahal sa buhay pero sa totoo lang, hindi niya kasalanan maging isang demonyo kung nakatira na siya sa impyerno. Impyreno ang imperialismong Pilipinas na binuhay ng mga hapon.

3.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na bumalot sa pagkatao ko bilang isang anak ng isang ina, kapatid ng aking ate, kabiyak ng aking asawa.

Babae ang nanay ko. Babae ang mga kapatid ko. Babae ang taong gusto kong pakasalan (natural!). Pero hindi ko matatanggap kung silang lahat makikita kong halinhinang gahasain ng mga baboy na hapon. Isa, Lima, labing isang hapon, sunod sunod, nakapila, naghihintay ng pagkakataong sila naman ang magtatangal ng kati ng mga ari nila sa isang babaeng nagmamakaawa, walang magawa at alam na pagkatapos pagpakasaan ng mga hapong ito, kakalbuhin, tatanggalan ng suso gamit ang matatalim na dulo ng bayonete, ibibitin ng patiwarik, pupugutan ng ulo, at hahayaang mabulok sa ilalim ng araw. Sinong makakapagsabing makatao ito?

Marami na akong nabasa tungkol sa mga tagpong ito. Na isang babae, gagahasain sa harap ng asawa, ama at mga anak ng limang lalaki, at pag nagpumiglas ang kaawa-awang mga kalalakihan, sila ang papasakan ng bayonete sa katawan—mamamatay na ang huling nasaksihan ang nagmamakaawang anak, asawa at ina na sinusunog sa apoy ng kamunduhan—ginagahasa kahit na nangingig na ang katawan sa pagod, sa sakit na pulmunya, at sa araw araw ng pagpapasak at pilit na pagpapainom ng likido ng hapong walang kaluluwa. Hindi ko ata makakayanan nun. Kaya sa mga ganitong tagpo, hindi kaduwagan ang pagpapakamatay. Dahil yun nalang siguro ang tangi kong magagawa sakaling mangyari sa akin yun—ang tanging papatay sa sakit, sa kalungkutan, sa galit, sa pagluluksang mararamdaman ko kung sakali.

Napanood ko na rin ang isang dokyumentaryo ng mga Koreanong comfort women at ang kanilang pinagdaanan at ang pakikipaglaban nila at paghingi ng katarungan hanggang ngayon sa mga nangyari sa kanya. Pero nananatiling naninindigan ang bansang hapones na hindi nila kailangan humingi ng tawad kahit na ang mga mismong mga sundalong hapon, umiiyak sa pagsisisi sa kademonyohang ginawa nila. Pero ang nagawa na ay nagawa na. Parte na ng dugong pilipino, tulad ng dugong kastila, ang dugong hapon. Nakahalo na sa dugo natin ang dugong hapon, sa ayaw natin o hindi.


4.

Hindi ko maitatangi. Isa na nga ang “Without Seeing the Dawn” ni Stevan Javellana sa mga pinakamagandang literaturang likha na tumunaw ng damdamin ko bilang isang kristyano.
Dahil sa kawalan ng pagasa, isa lang talaga ang matatakbuhan ng kahit sino—ang kaniyang pananampalataya. Ang isang bagay na hindi nakikita ng tao. Hindi nararamdaman, hindi naamoy, hindi nahahawakan. At sa bawat piraso ng rosaryo, sa bawat santa maria, sa bawat pagluhod at pagluha sa harap ng dambana, ang isang kaluluwang durog ay mabubuo at mabubuo. Hindi ko maitatangi, tulad ng kwento ni Pareng Teban, isa ngang makatotohanang representasyon ng pagiging pilipino ang librong “Without seeing the dawn.”



NOTES:
Naisapelikula na ang storyang ito ni Stevan Javellana: Ang pelikula ni Lino Brocka sa pangalang Santiago! Na ginanapan nina Hilda Koronel at ni Fernando Poe, Jr.

Sa mga kaibigan kong gustong mabasa ang librong ito, i-text niyo lang ako and handa kong pahiramin ang nagiisa kong kopya. Tutal, hangad ko lang naman ipasa sa inyo ang matinding nararamdaman ko.



(me sporting my copy of Javellana's
"Without Seeing the Dawn")

Friday, September 19, 2008

Ang batang nagmamayari ng boses ng sang dosenang tao

(The kid who has the voice of a dozen men)

1.

Tangnanit! Hindi na makatao tong pagkabog ng laman-loob ko sa ganda ng katabi ko dito sa bus. Bakit ba gustong gusto ng mga babae na pinaparusahan nila yung mga lalaking makakasabay nila sa biyahe?! Ang init init na nga ng mundo gusto pa nilang dinadagdagan ang paglala ng Global Warming sa mga suot nila! Oo na nga maganda na nga kayo! Pero wala naman kaming kasalanan ah! Bakit niyo kami tinotoruture?! Oh! Nayari pa! Wag mo na akong ngitian! Nagmamakaawa ako! Tama na!

Ayaw ko nito. Ito talaga ang mga panahong gusto ko nalang bumaba at sumakay sa ibang pang bus. Hindi ko kasi gusto na nawawala ang attention ko sa binabasa kong Insomnia ni Stephen King—kung kelan ba naman tapos na ang boring part at unti unti nang umaatikabo ang mga tagpo sa maliit na librong ito. Tae talaga! Hindi ko maiwasang sumulyap. Nakakainis! At nakisama pa tong si Ralph Roberts (character sa libro) sa dumadagdag na kamunduhan ng mundo ko!

“...if she'd been the one to whisper in my ear, I bet the old trouser-mouse

would have done a little more than just turn over in its sleep.”

What the FFFFFFF?!!

2.

Mas ayos na siguro itong nagbabasa ka sa biyahe kesa naman natutulog ka lang buong biyahe. Sabi nga nila papa, pag gising ka, you'll always be on guard sakaling may aksidente (wag naman sana), o may masamang loob na gustong personalin ang pagtitrip sa kanya ng kapalaran at sa iyo iparating na naghihirap siya sa mala theatrong pagiinarte niya (with the stage whispers and the props knife poking your side where your liver is located). At sa limang cellphone ko nang naiwala sa pagtulog ko sa biyahe, hindi nga kaigaigayang tulugan mo ang mundong puno ng gustong maunahan at maisahan ka. Pero hindi rin siguro maganda na Stephen King novels ang binabasa mo. Dahil pakiramdam mo nakakakita ka na rin ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao. Nakakatakot. Nakakabaliw.

3.

Napakagat-labi ako sa nagyayari sa mala-pelikulang pagbabasa ko sa librong ito. Napakapit ako sa unti-unting nadudurog na cover ng libro (siguro dahil na rin sa mahihigpit kong paghawak sa tuwing may mamamatay o may mangyayaring hindi mo inaasahan). Mahihimatay na ata ako sa pagkakadala ng storyang ito nang may bigla akong narinig na isang malakas na sigaw. Ay hindi pala siya sumisigaw. Kumakanta...

SIR MA'AM AKO LANG PO AAH-AY

NANGHIHINGI

SA INYO NG KONTING BARYA-AAHH!

PARA NAMAN PO-OOHH,

KAMI'Y MAY MAKAIN...

PARANG AWA NIYO NAMAN PO-OOHH,

WALANG WALA PO-OHH,

KAMING MAKAIN...

Kilala ko na itong batang kumakanta simula ng magsimula akong magtrabaho sa Paranaque at tahakin ang nakakapagod na rutang Calamba-Alabang sakay ng mga bus araw-araw. At hanap-buhay na niya ito. Araw araw, sumasakay siya sa jeep at kumakanta. Na parehong lyrics(na puno ng pagmamakaawa), parehong punto (mala batange-no), parehong tono (Mala maalala mo kayang kahit mismong idol ko na si Charice Pempengco mahihirapang kantahin). At sa araw arw na ginawa ng diyos, yan ang sumisira sa pagbabasa ko. Kaya naman kabisadong kabisado ko na ang malasalimuot niyang kanta. Natawa nga tong diyosang katabi ko nang subukan kong maglip-sing (ng hind ko alam na ginagawa ko) kasabay ng kanta niya. At tulad ng araw araw niyang ginagawa, declamation naman after ng solo performance.

SIR! MAM! AKO LAMANG PO AY HUMIHINGI NG KONTING BARYA. SANA PO'Y MAUNAWAAN PO NINYO AKO AT WALANG WALA NA
PO KAMING MAKAIN. MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
THANK YOU VERY MUCH! MERRY CHRISTMAS! THANK YOU! AMEN!

Wow! Ngayon ko lang narinig yung amen! Siyet! At least may alam siyang bagong salitang maidadagdag sa wala niyang kupas na pamamalimos. Pero hindi pa rin niya nababago ang punoto't mali niyang pagbigkas ng “r”., ang tono at pagbigkas ng bawat salita, at ang napakalakas na boses na mismong pader ng bus nangingig—ano pa kaya ang tenga ko! Naranasan ko na nung isang beses tumabi siya sa akin at naiiyak ako dahil pakiramdam ko puputok na ang tenga ko sa tindi ng boses niya. Kinapa ko sa mga puntong yun yung tenga ko sakaling may mainitinit na likido na ang tumutulo na rito tanda ng pagbigay nito sa napakalas niyang boses. Salamat sa diyos wala. Naririnig ko pa kasi ang mga mahihinhin na tawa ng maganda kong katabi (mahinhin?! Nagsusuot ng spaghetti strap na sando at mini mini shorts! Pasalamat ka't sexy ka at bagay sayo suot mo pero hindi ata ako makakapayag sa pavirgin mong tawa dahil hindi sa iyo yang tawang iyan).

4.

Tulad ng inaasahan, kumikitang kabuhayan nanaman ang batang nagmamayari ng boses ng dosenang tao. Piso, Limang piso, sampu at bente. Kahapon ata nakahakot ata ito ng isang daan mula sa isang pilantropong matanda at dolyar mula sa kanong namumula ang kutis sa tindi ng init. Mayaman na ang batang ito. Pero kahit araw arawin niya ako, hindi ko man ang siya naisip bigyan ng kahit kusing. Hindi dahil sa masama ang loob ko dahil sa pagistorbo niya sa pagbabasa ko. Hindi ako ganoon kababaw. Hindi ko lang matatanggap na yung piso ko mapupunta lang sa sugarol niyang ina o sa manginginom niyang ama.

Yan ang madalas na palusot niya sa tuwing may mapagkawang loob na tatanungin kung bakit wala siya sa paaralan at siya ang nagtatrabaho sa pagsisigaw at pagkanta kung gaano kamiserable ang buhay nila. Hindi ko lubos maisip na ganito katindi mangtrip ang tadhana, tulad ng madalas kong sabihin. Pero kahit ilang beses ko siya sabihin at ilang beses kong tingnan, mali pa rin siya. Maling mali.

5.

Kristyano ako. Katoliko. Naniniwala, sumusunod, naninindigan. Kahit na kadalasan nagiging suwail din akong anak, natutunan ko na ring kahit kailan, hindi pwedeng pagsamahin at pagisahin ang paniniwala sa detalyeng dinidikta ng siyensya. Hindi. Pero sa tuwing makikita ko ang paghihirap ng mundong ito dahil sa mga magulang na hindi na naging matanda—sa mga batang natututong mabuhay ng walang alam at walang diyos, hindi ko talaga maitatangging kailangan na talagang gamitan ng siyensya at maagapan ang lumulubhang kahirapang ito.

Tutol ako sa pagpaslang sa laman ng sinapupunan—dahil kahit anung rason ng taong gumagawa at pinagagawa iyon, pagpaslang pa rin iyon. Pero pabor ako sa artipisyal na pagkokontrol. Dahil bakit ka bubuo kung dudurugin, itatapon, sasaktan, papahirapan at papatayin mo lang ito.

Tulad ng batang nagmamayari ng pinakamalakas na boses, hindi niya kasalanang mabuhay sa mundo. Pero pinagsisisihan niya ang kasalanan ng mga magulang nito.


Wednesday, August 20, 2008

A Day in Springtime During a Cold Month in Winter (for my sister CHERRY)

CHERRY BLOSSOMS

Unsure whether to forward the article I just edited, I played with the mouse of my PC by hovering it over the buttons that saids 'reject'. I have failed with my last two articles, remembering that I forgot to check on some important parts, I decided that I could not afford another mistake. I hummed “Stars” by Simply Red to uplift my mood a bit but it was cut short by a grumble in my stomach and a momentary sickening taste of bitter coffee lingering in my mouth. My neck is killing me from waking up in the wrong side of the bed, in the wrong position, in the wrong moment. The day is flooding with “wrongness” and it pains me to note that the day has just started. I should expect it to get worst.

I get it. Heaven has decided to shower me with all the misfortunes the world could bombard me. And the feeling of anxiety and grief has led me to conclude that this is the perfect time to be pissed. With all the wrongness, with all the irritating details, with my life. Obviously, I'm having a bad day. And in these moments, I knew for a fact that nothing, and i mean NOTHING, can make me feel better. But I was wrong. Again.

Hesitant to click the forward button that has haunted me ever since I sat on my office table that morning, I shoved my hands frantically from my keyboard to a tiny bean pillow and hugged it tightly the way I hugged my closest friends when I was a student.

When I was a student. It seemed like a lifetime away and it dawned to me that I would never again feel the same way with life. I hugged the pillow ever so tightly, remembering all those fun filled days of rummaging bits of work, study and play. I was searching for that same old scene, my comfort place, my lala land in the middle the office so foreign, by hugging my pillow as if hugging someone. And it happened. A blinking message in my skype chat box.

There is someone who wanted me to share contacts with. I wondered who could that be. I clicked at the accept button of my skype, waited for a reply to my chat message and tried to absorb the cuteness of the face that was looking back at me smiling in her “personal profile” bar.

you may call me sister”

I have always been deemed pasweet when I am still required to wear a uniform. I was unusually sweet to everybody to the point that flattery is not enough a term to describe it. But really, living my life is not an act of fascination but an act of servitude, a life of sacrifice. Its not easy being me. I trust people too easily, why would this Chinese girl be any different.


I trusted her, expecting her to acknowledge and reciprocate the kindness and sweetness that comes out of me so naturally that I wasn't aware of it most of the time. But really, I was the one who was surprised taking in the first words that she said to me.

Sister. Older sister. My sister.

I have read that part over and over and it sent sparks in my stomachs that prickled my heart so furiously that I happiness and extreme delight start to engulf me. This girl can do wonders from the time I saw her picture. We are half the world away and yet she has extended her ability to magically touch other people's lives. Just with a smile and a simple hi. It melted my heart away—the sweetness of it all. At that point it occurred to me. I was no longer hugging my pillow; I was no longer searching for my comfy place; I am happy where I am. In my desk, talking to a complete stranger who've been calling me lil brother. I am enjoying every second of it and for the first time that day, I smiled.

But its so interesting”

I'm a Filipino, she's Chinese. Yet we understood that being nice is being human—caring knows no boundaries. We may have different religion, different upbringing, different interests, but both of us know how to care. I care about her. And its really amazing how distance and difference can be flipped and folded to commune into one rendezvous point of understanding.

I was feeling so dull that morning. But I never felt great the rest of the day. Its like magic. She's like magic. She used good English to lure me into liking my day and I used mine to keep my feet firmly in the ground. I am enjoying every keys I pushed and every buttons I clicked. It made me forget that I was whining minutes before that faithful greetings.

My co-workers looked at me. And I never knew why they were smiling when I realized, I was the one smiling at them. It was one of the days where you could really say that heaven really exists. And I had the chance to glanced upon it, to really feel it. The moment was glorious. Thanks to a pretty Chinese girl who called a complete stranger little brother.

Yes you can do what u want and it is the right decision for you! please believe in yourself”

At 21 years of age, studying medicine, she knew life and how to really live it. And I was so amazed on how she's doing well as my older sister—a place in my life vacated, waiting for her. In those tiny-detailed conversations, I understood quite well that I could trust her, that she will always a caring sister for her sad little brother. There are no words to describe the gratitude that has revealed itself to me. The pressure now bears heavily upon me. How can I repay her for making me happy when everything else wanted otherwise.

Sister is great, so I think that my brother should also be great”

Could it be that fate brought that tiny chance of knowing her into reality? Could this be a sign that everyone can be a sister or a brother to any one who needs and wanted some affection in todays world soaking in such unthinkable evilness? The answers to these questions lay on the near future. All I'm sure of is that, my sister will always find a brother in me, anxiously waiting for that magical hello—and that if everyone is like this lady, greeting a complete stranger and caring for him like his own little brother, the world would surely be a better place to live in.

TO ALL THOSE WHO KNEW ME: Please say hi to my sister! She's been very very kind to me and she deserves the same treatment you showed me. And she'd be very very happy to have a couple more addition to her list of friends. I'm sure, you guys are going to like her.

TO MY SISTER, achi, I miss you already. I'll be waiting for you, waiting excitedly to hear how your study went, of how our dreams finally coming true for our families and very very soon, I'll be singing to you the song you've sent me. Ive been practicing and I think I could sing it after a few more tries. I hope your doing fine. See, I told you I'm going to write about you! Remember, lil bro will always be waiting.. Waiting.

Sunday, July 27, 2008

Ngayong 21 na ako (para sa mga marunong magbasa at marunong tumawa)

Tama nga sila. Ang kahit anung nilikha, pagnatutong magmahal, nagiging makata. Yun siguro ang dahilan kung bakit buong buhay ko bumubula ng tula tong bibig ko. At iba rin magisip ang isang tulad kong wala nang gusto sa buhay kundi magmahal.
Nakakatawa. Sa apat na taong nilagi ko dito sa mundo ni hindi ko ata ako nagbago. Oo.. Siguro nga kinailangan kong palitan ang mga kakarampot sa mga paguugali ko pero wala. Kung gaano ako kapasweet noon, ganoon din ako pasweet ngayon. Teka. Mas nakakatawa ata yun. Aminin man kasi ng mga tao o hindi, nakakatawa naman sigurong isipin ang isang Fhadz Mollo na hindi marunong magpasweet, na hindi marunong ngumiti, na hindi marunong tumanaw ng utang ng loob, at hindi marunong magmahal. Para mo na ring sinabing hindi matamis ang asukal na nilagay mo sa kape mo. O walang lasa ang fruitcake na iniregalo sa iyo noong pasko. Siguro ganoon nalang ang isang Fhadz Mollo. Nabuhay para patamisin ang mundo (*palakpakan mga langgam!)
Hindi ako marunong magdrive. Hindi pa rin ako nakakasakay ng eroplano. At hindi ako lalong marunong magtago ng nararamdaman ko. Kung mahal kita, ipapakita ko sa iyo sa lahat ng aspeto, sa pagsasalita, sa pagawa, sa pagiisip at sa pagugunita, na importante ka at mahalaga ka sa kalawakan ko.
Lahat naman tayo may sari-sariling kalawakan (oo.. hindi lang si SuperBoi ang may kalawakan). At sa kalawakan ko, lahat ng tao masaya. Lahat ng tao nakatawa. Lahat ng tao, alam kung anu ang ibig sabihin ng pagpmamahal at alam kung paano ito ipakita. Lahat ng taong mapapalapit sa akin alam kung paano ang tamang pagakap, kung paano damayan ang taong nangungulila, ang taong may dinadamdam. .
Oo. Tama nga siguro ang sinasabi ng ibang tao—na ang lahat ng tao dito sa mundo ay gumagawa ng mga hakbangin para makuha ang sariling interes. Oo. Sa parteng iyon aaminin kong naging ganid ako. Iisa lang naman ang interes ko eh. Gusto ko lang makita na ang lahat ng mukhang haharap sa akin nakangiti. Na ang sinumang titingin sa mata ko nakatawa. Na ang sinu mang umiiyak paglumapit sa akin gusto ko nakatahan na pagkahiwalay namin. Kaibigan, kaaway, kilala at hindi, ang dami ko nang napatahang luha—mga luhang binasa ang halos karamihan ng damit ko, ibat ibang tao, ibat ibang problema.. Oo. Ganid ako sa pagpapasaya sa mga tao. Kasi yun lang ang nakikitang kong dahilan ko kaya ako nabuhay dito sa mundo.
Minsan nang sinabi ng asawa ko sa akin na sobrang nakakapagod ang lagay niya. Na buong mundo ang kahati niya sa akin. Eh kung tutuusin, mas mahirap ang lagay ko. Dahil masyado ako magmahal na halos kadalasan wala nang natitira sa akin. Na halos ubos na ang kahit katiting sa akin. Ayos lang. Dahil masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Masaya ako sa piling ng mga kaibigan ko...
Ngayong 21 na ako, matanda at mataba, isa lang ang mapapangako ko. Sa lahat ng nakakabasa nito, maswerte kayo dahil kahit kailanman hindi ko makakalimutan kung gaano ako kaswerte kahit ganito ang buhay dito sa mundo, nagkasilbi ang mundo dahil kahit isa dalawa o tatlong beses, nakita ko ang magagandang ngiti niyo. Salamat..

Wednesday, July 23, 2008

Happy BDAY to mE (para sa mahal ko)

Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to

imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and

confused.” - Paolo Coelho The Zahir



Napaisip ako...


Ilang araw ko na nga bang hinahangad makita ang mukha niya, ang makatabi siya sa pagkain, ang makakwentuhan siya at marinig ang mga minsan, wala niyang kwentong storya kung papaano siya inaasar ng mga kaopisina niya. Nakakatawa. Kasi tama pala talaga na saka mo maiintindihan ang halaga ng isang bagay pag nawala na itong bagay na ito.


Madalas ko na rin ngayong napapagtanto. Mahirap palang magpatubo ng balbas para gawing “goaty.” Hindi kasi ganoon kaganda ang tubo buhok sa baba ko. Nakakainggit ang mga taong nakuha pang kulutin ang mga buhok nilang ito.


Nakakainggit. Hmm.. Siguro nga sa mga ganitong panahon mo mapapatunayan ang tunay na kahulugan ng inggit, ngayong, ang katabi mo dito sa opisina ay engganyo sa pagkukwento ng kagabi niya kasama ng kabiyak niya. O kadalasan pag may nakikita akong naglalampungan sa gitna ng kalsada o sa jeep o kung san san—nagkalat na parang mga sakit ng lipunanang hindi man lang natatakot sa pagtaas ng pamasahe o sa pagkalate sa trabaho o sa eskwela. Kasi masaya sila.


Masaya din naman ako eh. Lalo na dati. Sobra sobra dati. Lalo na pag bumibili ako ng Lucky Me pancit canton sa grocery sa baba ng dorm nila. Siyempre pag ipaghahanda niya ako ng pagkain at papakainin na pawala nang bukas. Kaya naman ganoon nalang ang pagtaba ko. At hindi ko rin pwedeng makalimutan ang akap ko at pagbubulong sa tenga niya kung gaano ako kasaya na kahit mamatay ako noong mga oras na iyon, ayos lang..


Mamatay. Hindi na siguro pwede ngayon yan. Bukod kasi sa nakasandal sa akin ang buo kong pamilya ko sa akin at sa kakarampot kong kita, marami pa akong plano sa buhay. Planong binuo sa ilalim ng double deck na kama niya. Mga planong pinangarap at pinangakong tutuparin. At hanggang ngayon, pinipilit kong tapusin itong walang kapararakang entry na ito para lang sa kanya.


Siya. Siya lang naman ang dahilan ng lahat sa akin. Siya lang naman ang kailangan ko. Dati rati, gusto ko maging isang sikat na reporter, o isang magaling na manunulat. Pero ngayon gusto ko nang maging isang sikat na reporter o isang magaling na manunulat para lang sa kanya. Para sa kanya.


Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon. Isang pagsasamang binuno dahil pareho kaming naghahanap ng sagot. Kung ano ba ang pakiramdam ng may minamahal, may sinasabihan na mahal kita araw araw, may inaaway pag lahat ng tao inaaway ka. Nakakatawa namang isipin ang mga maliliit na simula naming ngayon ay ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko.


Baliw nga ata talaga ako. Pero walang makakasisi sa akin dahil nakakabaliw naman talaga ang sitwasyon ko. Kung meron nga lang isang teleport machine para madala ko sarili ko sa isang lugar sa may NLEX ng walang masyadong oras na kailangan at perang gagastahin papatusin ko. Kahit mauna na ang puso ko sa utak ko ayos lang. Basta't mapadala ko lang.


Nagbibilang ako...


24 araw, 6 na oras, 37 minuto nang huli ko siyang nakita. At hindi ko masasabi kung kailan ulit babalik ito sa 0 araw, 0 oras at 0 minuto para magsimula ulit. Dahil sadyang mapang-trip ang kapalaran. Gusto niya lagi akong pinahihirapan. Madugas siya masyado. Dahil talagang sinusulit niya ang pamamalagi ko dito sa mundo. Oo nga naman. Kung nasa langit na tayo, hindi na niya tayo mapapagtripan.


Maraming hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Dahil nga naman daw sa dami ng mga crush ko sa mundong to, tae na ang maniwalang tapat ako sa pangako ko. Pero aaminin ko. Tapat ako ng sobra sobra sa mga pangakong binitawan ko. Tapat ako sa nagiisang taong pinagdarasal ko at ipapangako kong hihintayin ko sa dulo ng martsa sa harap ng isang banal na dambana, at higit sa lahat, tapat ako sa sarili ko.


Oo. Minsan nalilinlang ko ang sarili ko sa sarili kong mga kasinungalingan. Sakit na ata ng mapagpanggap na utak yun. Pero kahit ako hindi ko maitatanggi na “i am truly madly deeply inlove” with her—sabi nga ng isang inaamag nakanta. Tama. Hindi ko pwedeng itanggi ang tindi ng nararamdaman ko para sa kanya.


Nabibighani ako...


Kaya nga pinilit kong itago sa mga katabi ko ang saya na titigan ang letrato niya dito sa tabi ng monitor ng station ko dito sa opisina, at ang lungkot ko na hindi siya makasama sa nagisang araw kung saan legal sa akin ang humiling, kahit hindi naman (kahit kailan) ito natutupad. May mga susunod pa naman akong kaarawan eh. Andiyan naman siya palagi. Kaya naman kung ako ang tatanongin, ayos lang din sa akin. Dadaanin ko nalang sa paglulunod sa sarili ko sa pangungulilang nararamdaman ko.


Kaya naman..


Happy birthday to me, happy birthday to me, Happy birthday happy birthday,


HAPPY BIRTHDAY TO ME


Friday, July 4, 2008

Kung Umasta Akala Mo Kung Sino

Lahat nalang tiniris mo, lahat
Inapakan… itong mga taong to kala mo
Kung sino.
Bakit?
Porket langaw di na kami
Pwede sa mundo?
Ganito na kami no.
Wala na Kayong magagawa…
Aba, at aasta pa tong isang to!
Bastos! Kumakain
Pa ako!
Hayop na tao kala mo sino kung lumaban,
Simpleng tae di pa matapakan.

Pagkakaibigan

Masarap kumain ng Ice candy—
matamis,
Masarap,
malagkit.
Nakabalot sa isang transparent
Na plastik.

Hipon

Ako’y nabasa sa pagbuhos ng ulan nang lumitaw
Ang araw sa gitna ng daan;
Nabulag, nasilaw sa taglay na
Kagandahan.
Hindi napigil ang leeg sa pagikot sa iyong kinaroroonan.
Napuno ng baga ang aking lalamunan—Natuyo ng di Inaasahan.
Nasiyahan, natugunan ang panlalamig na sa aki’y kanina pang Lumalamon;
Pinalitan ng itim na buhok na bumabalot sa akin.
Nabulag sa pagkakakapit ng damit sa katawang hinubog ng diyos
Sa kanyang kasiyahan.
Kutis na bumuntis sa maputik na daan.
Biglang dumilim ng Humarap ka sa akin.

Nabasag ang katahimikan.
Bumalik ang mundo sa
Panlalamig nitong kinasusuklaman

Palm Sunday

Sa ginta ng mga palmerang makulit na iniwawagayway

Napuna kita…

Nagulantang ang lahat sa akin.
Kinuha mo
Ang atensyong inilalaan sa dakilang
Katauhan sa dambana.
Demonyo kang nangungusap, Anghel akong nakikiusap.
Nalunod ako sa iyong kagandahan;
Nabulag sa taglay na kalwalhatian;
Ang pagpipita’y di na ata makakayanan!
Natigil ang lahat ng tamaan
Ng palaspas ang aking mata.

Namaga, namula sa pagkakasala…

Kasalanan

Sa Paglapat ng alatSa aking dila…
Nawala, tinunaw ang Init sa dagat.

Ligaw

Isang aso at isang daga ang nakasalubong sa daan.

Di ko man lang naiisip pagtanungan
Ng daan papunta sa patutunguhan.
Kinukurot at kinakagat na ang aking sakong at daliri
Sa paa ng kalyong namuo sa aking pagdadalamhati

“Naliligaw ako” nakuha kong kausapin ang sarili sa nagawa nitong pangaapi sa akin.
Ilang oras at ilang ikot na rin ang ginawa bago natutunan ang
Dapat kanina ko pa ginawa—huminto’t maghanap.

Monday, June 23, 2008

Katuparan

1. KAPALARAN

Nagkakagulo ang lahat ng tao sa techbooth ng Albertus. Hindi kasi magkandaugaga ang music head na si J-mee sa pagpipindot at paghahanda ng track sa CD na susunod na patutugtugin sa eksena. Dahil hindi ako ang nakalatag sa entablado bilang Gemini at bilang isang butihing music staff, inilaapag ko sa dimmer board ang binabasang Inquirer Libre at nakisalo na rin ako sa kaguluhan. Track nine. Siniguradong naka-pause ang CD player at pinagtawanan ang pagkagulat ni Jmee sa pagpisil ko ng pisngi niya. Malapit na ang paborito kong eksena sa dulang Agnoia. At sa takdang oras, pinindot ko ang play at iniangat naman ni Jmee ang volume sa tamang lakas kasabay ng pagbabago ng ilaw sa entablado mula dilaw hanggang sa maging pula. Sinabayan na rin ito ng indak ng mga dancers ng dula ng paborito kong dance sequence. Napangiti nalang ako sa husay ng ilan sa mga sumasayaw sa entablado. Lalo na yung pinakamagaling sa kanya. Napailing nalang ako sa pagkabilib at naibulong sa sarili "malayo ang mararating ng batang ito."
Matapos ang sayaw, muli kong kinuha ang Inquirer Libre at pinagpatuloy ang pagbabasa ng horoscope. Leo. Lima ang puso. Ayos. Nakangiti kong binasa ang nakasulat. "Humanda ka. Matutuwa ka sa makikita mo." Tama. At nakita ko na.

2. INDAK

Bitbit ang isang lumang smoke machine na hindi ko sigurado kung gumagana, kinausap ako ng Presidente ng CASA na si EJ Mallari na kung pwede raw ba akong tumulong sa Integbol nila. Isang milyon ang dahilan ko para tumanggi. Andiyan ang hindi ako CA, wala akong pera, wala akong susuotin, plano kong umuwi ng probinsiya, at kasalukuyang magkagalit kami (ng sobra sobra) ng isng malapit na kaibigan (no mentioning of names nalang. hihihi) na alam kong pupunta ng gabing iyon.

Pero itinakda na ata ng diyos na ikakamatay ko pag tumanggi ako sa hiling ng kaibigan, hinila ko nalang ang sarili kong sumakay ng taxi kasama ng kalahati ng buhay ko.

Nagkaligawligaw kami. Kapos ng sampung minuto ang pinangako naming alas sinko. At tulad ng inaasahan, hindi naging palakaibigan ang kalawakan ng warehouse na pinagdausan ng Integbol. Trabaho ang pinunta ko doon at trabaho lang ang plano kong gawin. Pero nabigla ako. Mageenjoy pala talaga ako.

Sa kasukalan ng malalakas ng tugtog, tao at alak, napatunga-nga nalang ako sa kinlalagyan sa DJ's booth sa nasasaksihang indakan. Napailing nalang ako at napangiti sabay bulong sa katabi kong DJ ng mamukhaan ang isa sa mga kumakarir ng sayaw. "Siyet. Ang galing pala talaga niya no? sobra!"

Nang magkatsansang makalapit at makausap ang nasabi kong kaibigan, napatawa nalang siya ng pabiro kong sabihing "Hindi lang ako ang Journ dito kaya wag kang magulo!" Ganoon naman talaga ako. Dinadaan sa biruan ang sa totoo lang, isang paghangang hindi matatawaran.

3. BIDYO

Tulad ng inaasahan, huli nanaman ako sa napagkasunduang alas seis. Hindi nga lang nila ako masisisi. hindi madaling magbiyahe ng mabigat ang dinadamdam. Kasalukuyan akong nagdadalamhat't nagluluksa sa pagpanaw ng isang matalik na kaibigan ng maabutan ko ang mga Stage Managers kong abala sa pangongontrata sa mga napili nilang gaganap sa dulang Rizal at Blumentritt. Hindi ako makasingit sa debateng nagaganap. Wala akong magawa kundi tumunganga sa kanila. Nageenjoy na ako sa paglalaro ng aking sariling laway ng kausapin ako ni Marchella Calica.

"Panoorin mo si Therese de Guzman matutuwa ka." Pangisi niyang ibinulong sa akin sabay abot sa akin ng kanyang videocam. Binidyo pala nila ang auditiong hindi ko nasaksihan. Humanga naman ako sa husay nila sa pagiging responsable.

Pagdating ko ng bahay sa Bulacan, dagli akong pumasok ng kwarto. Tulad ng inaasahan,. umiyak nanaman ako sa nararamdamang pighati. Sa gitna ng mga parusang hikbing pilit kong tinatago sa mga kasambahay, napagdesisyunan kong panuorin nalang ang inihanda ng mga SMs kong bidyo. Inusisa't kinalikot ko ang videocam at nang malaman kung paano paandarin, pinanuod ko simula sa umpisa ang bidyo. sa unang tingin alam ko na ang mga nararapat na karakter sa kanila. Bukod din kasi sa nabigyan na ako nila Jmee ng listahan ng mga napili nila, mahuhusay ang mga ginawa nila. At nang makita ko ang batang sinasabi ni Marchella, napatawa nalang ako. Tama pala talaga siya. Ikatutuwa ko nga ito. Nakakatuwa. hindi ko alam na pwede palang sayawin ang kantang HAPPY BIRTHDAY ng sensual, hot and sexy. Noon palang alam ko na. Maganda ang itinakda ng tadhana para sa kanya. At kahit na puno ako ng kalungkutan, napatawa ako ng isang Therese de Guzman. At sa unang pagkakatain sa tatlong araw ng pangungulila sa kaibigan, nakatulog ako ng mahimbing.

4. EKSENA

Sa kasagsagan ng kontrobersiyang pinagdadaanan ko at ng dulang aking pinaghirapan at iniyakan, hindi ko maitatanggi, masaya ako sa patuloy na pag-ganda ng takbo nito.
Sa panglimang banat ng dulang RnB, ako'y patagong ngumangasab ng paborito kong Fudgee Bar sa loob ng techbooth ng Rizal Con. Patago rin akong kinikilig sa mga banat ni Yes at kung paano ito gawing katawa tawa ni G-boy. At kung maputi lang ako, panigurado, pandalas din ang pamumula ko. Pero dahil wala akong karapatang magblush dahil sa kulay ko, inisip at pinagtuunan ko nalang ang masasarap na tawanan ng mga nanonood. Ibang klaseng bata ito. Karerista. Hindi marunong mapagod. At panigurado ko, hindi lang ako ang nakakaisip nito nang sabihin ng isang Jason de la Cruz na "Ang galing nila! Congrats Fhadz."

Alam ko. Sa dami ng naipon kong pagkakamali, may karamihan na rin ang aking naitama at tamang nagawa. Dahil marami ang makakapagsabing hindi ako nagkamali sa pagpili sa mga gumaganap sa eksena.

5. DULAS

Napadausdos ako sa madulas at basang bahagi ng sahig sa may AB lobby. Muntik na rin akong mapahiya sa mga estudyanteng nagmamadaling umuwi at ibang huli na sa klase. Bumaling baling ako sa mga nagdadaan, sinisiguradong walang nakapansin. Tiningnan ko ang parte ng sahig na muntik nang dumurog sa kahihiyan ko. Hindi na tama ang ang nararanasan kong kamalasan ng araw na iyon. Lumabas ako ng building para makahagilap ng signal na pinagkait sa loob ng building. Tatlong araw na ring umulan at naguumpisa na ring bumaha sa parking ng AB. Habang iritang ikinukwento kay Manong Agnes ang kamalasang tinatamasa, isang mukhang may napakagandang ngiti ang bumati sa akin at gulat at tuwang tuwa ko rin iyong sinuklian ng mahigpit na akap.

"Kuya may pasok po kayo ngayon?!" Gulat niyang itinanong sa akin. Sinagot ko siya ng wala na may halong pagtataka. Oo nga pala. Kabisado niya ang Class Schedule namin. Matutuwa na sana ako ng lubusan ng maalalang hindi lang pala ako ang Artistang Artlets sa klase namin. Pero napangiti nalang ako sa ganda ng ngiting pamamaalam niya sa akin. Pagharap ko kay Manong Agnes na naghihintay ng kwento ko, napatanga na rin ako sabay sabat "Uhhhmmm... Nakalimutan ko na ang sasabihin ko.. Ahihihi.. Sige!" sabay tapik sa malaking braso ni Manong Agnes. Masaya kong binagtas ang daan papuntang ABSC office. Wala na rin akong naranasang kamalasan simula noon. Hindi ko na rin maalala kung bakit ako naghihimutok noong umagang iyon.

6. PANGAKO

Hindi na ako magkanda-umayaw sa dami ng mga gagawin dito sa opisina. Hindi pala biro ang magpaka-responsableng mamamayan ata anak. Nangingintab na rin ang mukha ko sa kanina ko pang binabasang artikulo tungkol sa mga relasyon ng mga lesbiyanang muslim. Kunwari magaling ako sa layout at grammar. Pero hindi ko na maitatago ang pagkamiss sa mga kaibigan kong naiwan ko sa kolehiyo. Nang matapos ko ang mahabang proseso ng paghahanap ng mali sa mga artikulong dapat puro tama, tumunog ang cellphone ng katabi ko sa station ko. BUBBLY ni COLBIE CALIAT ang kanyang ringtone. Bigla nalang akong ibinalik sa mga masasayang nakalipas--mga huling araw ng buhay ko sa kolehiyo at mga pangakong hindi ko pa natutupad. Naalala ko. Ang tagal ko na palang planong gawin itong entry na ito. Hindi ko lang matyempuhan.
Patakas kong binuksan ang blogger account ko. fudge12.blogspot.com. Nagsimula akong magsulat. Inaalala ang mga hindi ko na malilimutang pagkakataon binuno sa trabaho, iyakan at sangkatutak na tawanan. Sumulat ako. Hindi para mamaaalam o magdrama. Nagsulat ako para tuparin ang napaglumaang pangako. Tama. Ika nga ng isang text message na natanggap ko. "Sige po kuya text mo ako pag natapos niyo na. Aasahan ko po iyon."

(PARA KAY THERESE DE GUZMAN)

Thursday, June 19, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Author's notes

The entry "MANSANAS" in six part series is inspired by a true story shared by a very close friend of mine (whose real name i cannot reveal for her protection). Some of the things I mentioned in the entries were just a mere representations of the actual facts of the true story. But the whole story itself is rather true than fiction. This story is dedicated to the people who suffered the same gruesome fate as "Apple," some of whom never survived. This is a call for the people who are humane enough to know and understand that these things are evil and should be stopped.

Real names of the characters are withheld to protect the innocent and the guilty. May they recieve the same treatment in hell.

"Apple" is currently an undergrad student and also works for a well known company. She now lives in a nice home just a few blocks from her parents. Her son is now on preschool. She is happily married and is living he life to the fullest. But she can never erase the horrible facts that happened in her life. May this be the beggining for a better life for her.

For "Apple", remember that i will always stay with you no matter what. Thank you for entrusting me with your story and for allowing me to do this. I'll be waiting for your text messages. Hope your doing good. I love you. Good luck in everything.

Comments, suggestions and violent reactions in the publication of this story can be addressed to me at the comment page of my blogger account (http://www.fudge12.blogspot.com). Thank you for visiting and have a nice day.

NOTE: For those who are reading the "Mansanas" series from Multiply and want to comment on any of its six parts,I advise that you comment on my blogger account. that's www.fudge12.blogspot.com for the reason that I cannot access my Multiply account from our office's server. Thanks.

Mansanas (Inspired by a true story) Part 6

VI

Naging malupit sa akin ang mundo.

Wala akong katraining training at hindi man lang ako nakapaghanda. Ang dami ko pang dapat matutunan sa mundong ito. Hindi ko pa pwedeng ituro ang nalalaman ko sa anak ko. Ayaw ko namang mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Buti nalang at pinanganak siyang may nakalundong organismong magiging sanhi ng kanyang malulupit na pakikipagsapalaran sa mundo ng pagkalalaki. Ipinagdadasal ko nalang na hindi niya mamana ang kabaliktaran ng bituka ng mga ama niya.

Yun ang kinakatakot ko. Paano kung tanungin niya ako kung sino ang ama niya. Hindi ko naman siguro pwedeng sabihin na pito ang ama niya at na ang iba sa kanila nakakulong, o nagtatago o nakaligtas ng hindi ko malaman kung bakit sa hustisya.

Iyan ang hindi ko minsan maintindihan sa katotohahan eh. Hindi lahat ng tao parepareho ang pananaw sa katotohanan. Ang tama sa kanila, mali sa iba. Kaya naman alam ko na kaihit kailan, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa mundong ito. Na kahit kailan, hindi magiging pantay pantay ang tingnin ng mga tao sa kapwa niya tao. May ibang tinitingala, may ibang hindi man lang pinapansin. Sana pag laki ng anak ko, maintindihan niya na hindi mo pwedeng tapak tapakan ang ibang tao. Pero kailangan niyang maging matapang at matatag para hindi naman siya ang tapak tapakan. Lahat kasi ng tao dito sa mundo nagmamadali. Kaya kailangan mong makipagsapalaran sa kasukalan ng kamunduhan. Kailangan mong sumunod sa agos ng panahon. Kailangan tinitingala ka ng mga tao. Dahil kung sa sarili mo nanliliit ka na, hindi maawa ang mundo sa iyo pag ikaw ay natisod at matapakan ng iba pang mga nagmamadali sa mundong ito na wala nang pakialam tumingin sa dinadaana makarating lang sa pupuntahan. Hindi alintana sa kanila kung may naiiwan sila o may nasasaktan sila. sa mundo ngayon kailangang maging praktikal.

Pero bata pa ang anak ko para pangaralan na natural na masama ang tao. Bata pa siya para maintindihan na maari siyang paglaruan ng tadhan tulad ng pagtrip nito sa buhay ko. Sa ngayon, dito muna siya sa akin. Hindi ko man naprotektahan ang dignidad ko dahil na rin siguro sa sarili kong kahinaan at kakitiran ng utak, hindi ko hahayaang masaktan ng mundong pilit nandudumilat sa mga mahihina sa mundo. Hindi. Hangga't nandito ako, walang pwedeng gumalaw sa anak ko. Buhay kami. Buhay ako. Siguro sapat na dahilan na iyon para magdiwang sa masaklap na mundo na ito. Tama. Sapat na rason na yun para magsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay. Nakakatuwa. Parang ganoon lang kadaking palitan yun. Basta ang alam ko, gagawin ko ang lahat para masiguradong paglaki ng anak ko, magiging isang matibay at mataas siyang puno ng mansanas. Hitik sa bunga at nagbibigay ng kasiyahan at kasarapan sa mundo. Tama. Isang puno ng mansanas mula sa nilapastangang binhi ng kanyang ina.

[Mansanas 6 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Wednesday, June 18, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Part 5

V.

Araw araw kong pinapatay ang sarili ko noon.

Pero hindi pa siguro ang pagiyak sa bawat segundo ng buhay ko noon. Hindi na rin ako pumasok sa eskwela. Nagkulong na lang ako sa kwarto, pilit hinuhugasan ang sariling awa sa iyak. nakaksampung beses na rin ako kung maligo sa isang araw pero lubos atang hindi ko na maaalis ang dumi at nakakalasong alinsangan ng kababuyan na napagdaanan ko. Kahit ilang beses kong hilurin ang namumula at nanakit ko nang balat hindi ko na siguro mabubura ang ala-ala na anim o pitong tao ang gumamit nitong nilamusak kong katawan. Ilang linggo ko na ring pilit ipagdasal na humiwalay sa napakadumi kong katawan at makawala sa sakit na pilit akong pinapaslang. Nagsimula akong magsuka at mahilo. Siguro dahil sa matinding pagkamuhi sa mga lalaki sa mundo, matinding galit sa sarili ko at matinding pagkairita sa mundo na kung bakit kailangan kong pagdaanan itong lahat ng ito.

Tumupad ako sa kasunduan namin ng mga demonyo. Hindi ko sinabi kahit kanino man. Paano ko naman siguro masasabi eh sa tuwing tatanungin ako ni mommy walang salita ang lumalabas sa bibig ko dahil na rin sa matitinding hikbi at pag ungal ko sa tuwing naalala ko ang bawat segundong sinunog ako sa impyerno. Wala na ring magawa sina mommy kundi umiyak at kitang kita ko ang matinding takot sa mata nila ni daddy dahil saksing-saksi sila sa masalimuot at halos ikamatay ko nang sakit na hindi nila masabi kung ano ang dahilan.

Nagpatuloy ang panghihina ko. At halata ko sa kulay ko ang matinding pamumutla. Hindi ko magawang lumabas ng bahay kaya't nagpatawag nalang sila daddy ng doktor. Doon ko nalaman, buntis pala ako.

Noong narinig nila mommy ang balita, hindi nila alam ang dapat isipin o gawin. Tumitig lang sila sa akin ng nanlilisik ang mata pero walang lumabas sa bunganga niya. Umiiyak din ako noon at inihanda ang sasabihin kong katotohanan sa kanila. At sa puntong pagalit na tinalikuran ako ni mommy saka ko nasabing narape ako.

Hindi madali sa akin ang tanggapin na ang kademonyohang ginawa sa akin ay magbubunga ng isang inosenteng tao sa sinapupunan ko. Hindi ko kayang masikmura na madadamay sa karumaldumal na nangyari sa akin ang isang anghel na walang kamuwang muwang. Paano nalang pagnagtanong kung sino ang ama niya? Paano ko palalakihin ito? Paano kung hindi ko kaya?

Isinalaysay ko ang lahat lahat kina mommy at sa unang pagkakataon, nakita ko si daddy na umiyak na parang aatakihin na sa puso. Galit siya. Galit na galit. Hindi niya alam ang gagawin niya sa kalagayan ng nagiisa nilang anak na ngayon ay pinagdadaanan ang isa sa pinakamalupit na magagawa ng tadhana. Gusto niya raw pumatay ng tao. Gusto kong aminin na ako rin. gusto kong pumaslang ng tao. Kahit sino. May pagbuhusan lang itong sama ng loob at pagkamuhi ko. Pero alam kong hindi pupwedeng mangyari yun. Kaya't kasama si mommy, pilit naming pinigilan si daddy na nagwawala.

Tuesday, June 17, 2008

Mansanas (inspired by a true story) Part 4

IV

Ayaw ko na sanang maalala.

Pero hindi ko makakalimutan nung napapansin kong hindi na ako kinakausap ni Benj. Hindi na niya ako tinitingnan na parang wala ako doon. Hindi na niya ako tinatawagan sa cellphone o inaayang magisaw man lang. Pero wala akong magawa. Tinatawag ko siya pero parang wala siyang naririnig. Wala akong magawa. Unti-unti na akong napapalitan ng ibang gitara at ibang ginigitara sa mga bars na hindi ko alam pinupuntahan na niya ngayon. Paliit ng paliit ang pagasa ko sa kanya. Kahit hindi ko alam kung mahal niya din ako, mahirap ang mawala siya sa buhay ko. Lalo na ngayong siya na ang buhay ko. Araw-araw, linggo-linggo siya ang iniisip ko. Hindi ko pala kayang mawala siya. Napagdesisyunan ko. Mas matimbang ang libido niya kesa sa prinsipyo ko. Dahil libido niya yun at prinsipyo ko lang ito. Tinawagan ko siya. Umiiyak. Pumayag siyang makipagkita sa akin. Hindi ko alam yung lugar at maguumaga na rin pero pumayag akong pumunta. Ito na kasi ang huling pagkakataon para mabawi ko siya sa mga bago niyang ginigitara.

Naligaw ligaw ako sa lugar pero buti nalang natunton ko yung lugar. Isang maliit pero magandang bahay. Medyo magulo at madilim pero mukha namang disente ang nakatira. Kumatok ako sa kalawangin na ring gate at isang payat na lalaki na may mahaba at magulo ring buhok ang nagpapasok sa akin. At sa may madilim na sulok, nakita ko ang hugis na aking hinahangad. tumayo ito at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako ng matindi sa labi at binulungan na ang ganda ko raw. Hindi ko maiwasang mapangiti at isipin kung anong nagpaganda sa akin. Ito bang puti kong sando? Ang buhok kong nakapusod? O ang shorts kong nilalantad ang binti ko? O di kaya yung mga mata kong namamaga. Balita ko pag ganitong namumugto ang mga mata gumaganda raw. Baka nga ito ang dahilan.

Umupo ako sa tabi ni Benj at nakita kung ano ang pinapipyestahan nila. Damo. Nagsusunog sila ng damo katabi ng mga bote ng gin. Ayaw ko na sanang makisali sa pot session nila dahil kumokontra naman ang kunsensiya ko pero masyado nang huli para umurong.

Pinatikim ako ng isang shot ng iniinum nila. Parang may halo. Gin na nga iniinum nila may halo pa. Hindi na nakuntento sa masamang tama ng gin. Hindi ako nagyoyosi pero napahithit na rin ako ng hinihithit nila. Tawanan, landian, asaran. Iba pala ang epekto ng droga sa utak. Masaya. At sa mga huling minuto ng ulirat ko, napansin ko, ako lang pala ang babae.

Nalaman ko nalang na nahihilo ako. Hindi ko alam kung epekto ito ng damo, o nung gin o kung ano man yung hinalo dun. Basta ang natatandaan ko, napapikit nalang ako nang naglalaplapan kami ni Benj.

Nagising ako nang maramdaman kong may nakapatong sa akin. At sa madilim na ilaw galing sa headboard lamp sa kwarto ng kabarkada nito ni Benj, kitang kita kong pinoporma na niya ang sarili niya sa gusto niyang pusisyon at wala na akong nagawa kundi ihanda ang sarili sa sakit o sarap na pwede kong maramdaman. Masakit. Sa simula. Pero nung nararamdaman ko na ang buong kahabaan niya sa kin, unti-unti ko na ring nagustuhan. Napaindayog na rin ako sa gingawang musika ni Benj sa mabibigat niyang hininga at sa pagbubungguan ng katawan namin. At sa isang inda, nawala ako sa kawalan ng kanyang kalawakan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero gusto ko ang ginagawa sa akin ni Benj. Hindi ko na maiwasang mapatili sa nakakabaliw na pagsabog na nararamdaman ko sa ikabuturan ng pagkatao ko. At sa paglaon ng pagroromansa sa akin ni Benj, alam ko, hahanap-hanapin ko na ang pakiramdam na ito. Nawala ako sa mundo panandalian para matikman ang kakapirasong sarap ng langit. Pero dagli akong nagising nang malaman kong ako palay pabulusok na papunta ng impyerno.

Nang makaraos na si Benj, dagli siyang lumayo sa akin, sabay ng mga kaluskos sa paligid ko. Nalaman ko nalang na napapalibutan ako ng mga nakahubad na ring kabarkada ni Benj. Hinawakan ako ng isa sa kamay at isa sa kabila. May dagli ring humawak sa dalawa kong binti at pinilahan na ako ng dalawa o tatlong lalaking hindi ko maaninag sa dilim ng lugar. Hindi ko na gusto ang nangyayari. Pero wala akong magawa.

Wala silang patawad. Wala silang kunsensya. Hindi ko na alam kung kaninong ari na ang naglalaro sa ari kong nagdudugo na. Masakit. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang mismong pagkababae ko. Pero kahit gaano kalakas ang mga sigaw at iyak ko, hindi nila ako tinigilan. Demonyo silang lahat. Demonyo lahat ng lalaki sa mundo dahil masakit ang pagpirapiraso nila sa pagkatao ko.

Bumigay na ako sa sakit. Pinagdamot man sa akin ng diyos ang pagkawala ng ulirat ko para hindi ko na masaksihan ang ginagawa nilang kahayupan sa akin, nawalan naman na ako ng malay at lakas para gumalaw pa. Pero wala sa kanila yun. Hindi na ako makalaban. Nagdilim na ang paningin ko. Nanginginig na ang buo kong katawan pero patuloy sila sa pagbayo sa akin. Para akong isang manikang pinagpirapiraso. Para akong basahang pinagpunit-punit. Hindi sila nakuntento, pati tumbong ko hindi nila pinatawad. At pagsila'y nakaraos na, ipapainum nila sa akin ang likido ng kanilang kababuyan. Pilit kong sinusuka pero isa isa na nilang ipinasubo sa akin ang mga ari nila. Pilit ko silang kinakagat pero wala na rin akong lakas para gawin yun. Hindi ako makahinga. Hindi ako makasigaw. Hindi na ako makagalaw. Wala na akong magawa.

Kitang kita ko ang bawat eksena ng kasuklam suklam na ginawa nila sa akin. At ramdam na ramdam ko ang sakit na akala ko'y hindi ko na makakayanan. Hindi ko alam kung gaano katagal ang tinagal ng pangbababoy nila sa akin. Pero para sa akin, buong buhay ko, binuno ko sa impyreno. At alam ko sira na ang buhay ko. Pinunit na rin ng mga anak ng diablong bumaboy sa akin ang pagkatao ko. Wala na akong dignidad para ipagpatuloy pa ang mabuhay sa mundong ito.

Aaminin ko. Baril na ang hinihintay kong susunod na puputok. Sigurado akong papatayin na nila ako dahil nakita ko nang magbihis na ang isa sa kanila, dagli siyang bumunot ng baril mula sa itim niyang bag at agad niyang tinutok sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mabilis at masaklap na pagpanaw sa mundo pero hininto siya ng isa sa kanilang nakilala kong si Benj. Putang ina. Ngayon pa sila naawa sa akin.

Matapos nilang magbihis, ginapos na nila ako't binuhat ng nakahubad papunta sa isang van. Palitaw na rin ang araw sa liwanag sa labas ng bahay. O palubog nalang din ito. Tama. Palubog na ang araw para sa akin at kailan man, hindi na ako maaninagan ng liwanag.

Sa sasakyang luma kung saan nila ako sinakay, tinutukan ako ng patalim. Mukang mapurol. Mukhang gusto nilang unti-unti akong paslangin at unti unting gilitan ng leeg gamit yung mapurol na kutsilyong nakatutok sa akin. Pero hindi. Ipinagdamot pa rin sa akin ang kamatayang kanina ko pa hinahangad. At hindi ko na dapat asahan sa kanila ng ibulong nilang huwag ko raw sasabihin kahit kanino ang kung ano mang naganap kung hindi papatayin daw nila ang pamilya ko. Mga kampon ni Satanas. Marurunong.

Sa layo ng biyahe, nakahugot na rin ako ng kakaunting lakas. At naramdaman din ito ng mga demonyo kong kasama. Dahil sa pagkakagapos ko, napansin nilang unti unti na akong nakakapumiglas. Humagulgol ako ng todo ng itutok ulit sa akin ang patalim. Pinakawalan din nila ako nung naglaon at pinagbihis. Hindi ko na maintinihan ang amoy ko. Natuyong suka, laway at tumigas nang dumi ng pagkalalaki. Pero matalino pa rin silang ipagbawal tanggalin ang nasa telang nakatali sa bibig ko. Ibinaba nila ako ilang kilometro mula sa bahay namin. At kahit na nagingig ako, nakayanan kong lakarin hanggang sa amin. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, naalala ko ang bawat segundong tinagal ng mala-impyerno niyang pinagdaanan. Mataas na ang araw. Pero hindi na ata ako kailanman makakakita ng liwanag. Pagkarating ng bahay, hinimatay ako.

[Mansanas 4 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 3

III.

Nakakamanhid masaktan

Kaya wala na rin akong maramdaman sa tuwing ginagamit ako ng kung sinu-sino. Bato na rin akong maituturing dahil matagal ko nang pinaslang ang kunsensya ko. Naisuka ko na rin papalabas ang puso ko kaya hindi ko na rin alam kung paano magmahal o masaktan. Natuyuan na rin ako ng luha at wala na rin akong pakialam sa mundo. Basta ang alam ko, kailangan mabuhay ng anak ko at para mangyari yun, kailangan ko ring mabuhay. Yun na rin ata ang pinakamalupit na parusa sa akin. Ang mabuhay. Dahil kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal ko na sanang pinageksperementuhan ang iba't ibang epekto ng iba't ibang mga lason sa katawan.

Nangarap din naman ako kahit minsan. Fourth Year High school ako noon nung pangarapin kong maging isang magaling at sikat na abogado. At noong mga araw na iyon, sigurado ako sa sarili kong kaya ko siyang makamtan. Gumraduweyt akong valedictorian ng batch namin. Isang student leader at sikat sa paaralan dahil sa mga napalanuhang mga patimpalak sa quiz bee at mga speech contests. Tuwang tuwa sa akin sina daddy noon. At masaya din akong pinangangatawan ang pagiging apple of the eyes ng mga magulang ko. Wala kaming kapera-pera pero animo'y nagmilagro ang diyos dahil naipasok ako nila mommy sa pangarap kong unibersidad. Nangako naman ako na gagawin lahat lahat para makamit ang pangarap ko sa sarili ko at para sa kanila. Kung hindi ko sana ginawa yun hindi sana ganito kabigat sa akin ang lahat.

Matalino naman ako pero hindi ko alam bakit ko pinili ang katangahan at kagagahan. Siguro dahil natipuhan ko ang mga isinisigaw nila sa labas ng building namin, nadala na rin siguro ako sa haliw ng musika at radikal nilang pagiisip. Naisip ko rin na wala akong kaalamalam sa mundo kung ikukumpara sa mga napagdaanan nila. Nakakapangliit ang mga naiisip nila na oo, hindi ko naiintindihan. Pero ang hula ko, mahirap ang pinagdadaanan nila. Yun ang natatandaan ko. Unang semstre sa unang taon ko sa kolehiyo, nailantad ako ng unang beses sa magulong mundo na kung alam ko lang na sisira sa akin, hindi ko na pinasok.

Napabarkada ako sa isang sikat at radikal na banda. Wala sa akin na ako lang ang babae sa grupo at kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa kanila. Basta sigurado ako noon, gusto kong mapabilang sa magugulong grupo na ito ng kabataan na wala na atang ginawa kung hindi magkalat ng sama ng loob sa mundo sa mga maiingay at galit nilang musika. At dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa musika at sa dedikasyon nila sa kung ano mang pinaglalaban nila, napalapit na sa akin ang bawat isang miyembro. Lalong lalo na kay Benj ang gitarista ng grupo.

Nakakabilib ang husay ni Benj sa pagigitara. Hinahawakan niya ang katawan ng gitara niya na animo'y isang babaeng nakikipagromansa at nakikipagtalik sa kaniya. At kung paano niya iniwawagayway ang mahahaba at pawisan niyang buhok sa indayog ng tugtugin nila. HIndi na rin siguro mapapantayan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang piniprito ang gitara niya sa paglalaro ng kamay niya. Minsan naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng paglaruan ng mga daliri at romansahin ng ganoon ni Benj? Iiyak din kaya ako sa sarap tulad ng gitara niya?

Wala na akong namalayan sa nangyayari sa akin. Naadik na ata ako sa taong ito. Napapadalas ang paghingi ko ng pera kina mommy masundan lang siya sa magulo niyang mundo. Napaparami na rin ang absent ko sa mga klase ko. Pababa na rin ng pababa ang grades ko sa mga subjects kasama na ng kredibilidad ko bilang isang estudyante. Pati ang pangalan at reputasyon ko bilang isang mabuting anak, magaaral at tao unti-unti na ring nalulugmok sa kawalan. At ang nakakatakot, ayos lang sa akin. Basta't maipagpilitan ko ang sarili ko sa magulong mundo ni Benj ayos lang sa akin.

Ang pangarap kong maging isang sikat at mahusay na abogado napalitan ng panaginip na magitara din ako ni Benj tulad ng pagbayo niya sa gitara niya. At kahit na minsan nararamdaman ko ang pagtaboy niya sa akin, ayos lang din sa akin basta't napapansin ako ayos lang.

May maganda namang naibubunga ang paglalandi sa kanya eh. Dumadalas na rin kasi ang paguusap at pagkain namin sa iba't ibang magugulo at madidilim na bars. Ayos lang sa akin na magulo ang mundo ko basta't siya ang gumugulo.

Ang simpleng ngitian napunta sa hawakan ng kamay at sumunod ang pasimpleng hawak kung saan saan. Hindi itinuro at sa halip ay ipinagbawal ito ng aking mga butihing magulang pero handa akong matutuhan ito para sa ikasisiya ni Benj. At hindi naglaon, nadadama ko, unti unti na niyang ipinagpapalit ang gitara niya sa akin. Mas madalas na niya akong romansahin at paglaruan at pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo sa tuwing nararamdaman kong dumadampi ang dulo ng mga ngipin niya sa dulo ng tenga ko o pag natitikman ko ang paglalaro ng dila niya sa loob ng bibig ko sa tuwing naghahalikan kami sa madidilim na sulok ng unibersidad o ng mga bar at kanilang mga tambayan. Isa lang ang hindi ko maisuko. Dahil sa tuwing nararamdaman ko ang makalyo niyang mga daliri na pilit ipinapasok sa loob ng panty ko, naaalala ko ang mga pangaral sa akin ni mommy at hinihila ako ng kunsensya ko sa katotohanang hindi pa ako handa. At sa tuwing pagpipilitan ko ang punto ko kay Benj, dagli nalang siyang umaalis na galit at bitin na bitin.

Hindi na isa o tatlong beses nangyari sa amin ito. Hindi na rin isa o tatlo beses siyang nagwawala sa harap ko. At nararamdaman ko, unti unti na ring nawawalan ng pasensya sa akin si Benj. Pero hindi ko talaga siya pwedeng pagbigyan. Dahil alam kong baka pag pinagbigyan ko siya, may mabuong dugo dito sa sinapupunan ko at hindi ko makakayanang pangatawanan yun. Hanggang sa hinamon ako ng tadhana.

[Mansanas 3 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 2

II.

Nakakasawa na ring umuwi sa bahay.

Siyempre wala na rin akong masabihan sa bahay. Hindi na rin kasi kami nagkikita at nagkakausap ni mommy eh. Hindi na rin kasi sila bumababa sa second floor ng bahay. Si daddy naman sobrang nagpapakamatay sa trabaho. Kahit na inaatake na siya ng pulmunya sige pa rin ang kayod. Alam ko. Naririnig ko ang mga parusa niyang pagubo sa gabi mula sa pangalawang palapag ng bahay namin kasabay ng masasakit na hikbi at hagulgol na alam ko dahil sa akin. Hindi ko maamin pero namimiss ko na talaga siya. Hindi ko na rin kasi siya nakikita kasi siguro ayaw niyang magpakita. Pilit binubura sa pagtatrabaho ang ala-ala na ang nagiisa niyang anak ay nayari at nababoy ng maaga kaya pilit na rin niyang tinatanggap, kahit gaano kasakit, na basura ang minamahal at inaruga niyang pamilya. At tulad din nito, matatawag na ring patapon ang buhay niya. Ganoon talaga si daddy. Inaangkin niya ang lahat ng kasalanan pero duwag siyang maituturing dahil ayaw niyang harapin ang mga problema niya. Oo. Problema na niya ako ngayon. Kung sa bagay, palagi naman niyang sinasabi na hindi naman niya ako masisisi dahil hindi ko naman daw kasalanan. Pero hindi ko pa rin masabi hanggang ngayon kung sinasabi niya yun para paniwalain ako o para paniwalain ang sarili niya. At sa totoo lang, mas lalo akong nasasaktan kapag sinasabi niya iyon.

Hindi naman ganito dati eh. Noon laging inaabangan nila mommy ang paguwi ko dahil panigurado, may uwi akong mataas na marka, medalya o tropeyo at mga awards sa mga patimpalak sa eskwelahan. "Apple of the eyes" akong maituturing noon. kaya siguro Apple ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. Inakala din nilang lalaki akong maganda at tinitingala ng lahat na parang isang mansanas sa itaas ng puno. Lahat natatakam na nakatingala sa bunga pero kakaunti lang ang mapapahintulutang tikman. Yun ang akala nila. Dahil iba ang plano sa akin ng tadhana.

Ngayon ni ayaw na nila akong makita. Pero ayos lang yun kasi kahit papaano inaalagaan nila ang anak ko habang nagpapakadumi ako sa lansanganan. Masuwerte na rin siguro ako na tumira dito sa amin at hindi mapalayas. Libre na nga ang tirahan maghahangad pa ako na ituring na parang isang tunay na anak. Matagal na ring inalis sa akin yung karapatan na yun nung napagdesisyunan kong magpadala sa tawag ng damdamin at laman. Kaya kailangan ko itong pagsisihan. Ayos na yung anak ko ang palakihin nila ng tama. Okey na yung mapunta sa anak ko ang dati nilang pagmamahal sa akin. Tama na yung turuan nila ang anak ko na huwag gagayahin ang patapon nilang ina at ang mga ama nilang tropa ni satanas. Pero kung ako ang tatanungin ayaw ko nang tumira sa bahay na ito. Masyado nang mabigat ang nangyayari sa akin. Dumadagdag pa ang mga masasayang ala-ala sa bahay na ito. Gusto ko rin namang magsimula ng tama para na rin sa anak ko.

Hindi na rin tulad ng dati, hindi na nila inaabangan ang pagdating ko. Siguro kasi wala na rin akong medalya, matataas na marka o magandang balita na maiuuwi. Wala na rin kasing pakialam sa akin sila mommy. Hindi na sila nagaalala kung kumain na ba ako o may nahanap na akong trabaho. basta nagiiwan ako ng pera sa taas ng ref namin ayos na sa kanila yun. Kaya naman sa halip na mga awards sa eskwela ang inuuwi ko, nagtatakas nalang ako ng mga costumers na walang pambayad ng motel. Ang hirap naman sa lagay naming dalawa na magyayarian sa kalsada. gastos pa pag nahuli. Ganito ako maglandi. Mas ayos kung sa akin na lang ibabayad ng hinayupak kong costumer ang dapat ibabayad niya sa motel. Pang dagdag din yun sa panggatas ng anak ko o anu mang gamot kontra sa mga souvenir na sakit na iniiwan ng mga gumagamit sa akin. Hindi rin naman malalaman nila mommy na nagdadala ako ng lalaki sa bahay kasi hindi naman na sila bumababa mula sa pangalawang palapag ng bahay. Tama. Dun sila sa langit at dito ako sa impyerno. Binababoy ng sari-saring mga demonyo kapalit ng kaunting ginhawa para sa anak ko.

Noong una nahirapan din akong babuyin ang sariling bahay. Siyempre nakakatakot na ibigay ang address ng bahay ko at magpapasok ng kung sino lang sa bahay namin. Buti nalang at isa sa mga suki ko sa kama ang pulis kong kapitbahay na baliw na baliw daw sa akin lalo na kung sineserbisyo ko siya. Kaya sinisigurado niyang walang sinuman ang pwedeng manggulo sa amin. Kalaunan din nawala na rin sa akin yung kahihiyan tulad nalang ng natitira kong dignidad. At wala na talagang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko naman sila masisisi. Wala naman din silang kasalanan eh. Oo. Puro kami inosente dito. Hindi ko kasalanan at lalong hindi kasalanan nila mommy na ang nagiisa nilang Apple of the eyes ay mabingwit at mabato pabagsak, makagatan ng sari-saring bibig, itapon at hayaang mabulok sa lupa. Hindi ko kasalan dahil hindi ko ginusto ito. At hindi kasalanan ng magulang ko dahil alam ko pinalaki nila akong mabuti. yun nga lang hinayaan nalang nila akong mabulok sa kinalalagyan ko.

[Mansanas 2 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Monday, June 16, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Part 1

I.

Pagod na pagod na ako magtrabaho.

Siyempre sa sarili ko lang pwedeng sabihin ito. Dahil wala na akong karapatang magreklamo. Kung ang karapatan ngang tumawa at maging maligaya wala na rin akong karapatan yun pa kayang karapatang magreklamo?

Wala eh. Kailangang kumita kahit pang tawid gutom lang namin ng anak ko. Minsan nga kahit ako nalang ang kumain para sa maghapon. Kailangan nga lang magtiis nitong isang taong gulang kong anak sa kahit anong mahihita niya sa suso ko. Kailangan niyang magtiis. Tutal nakarami naman dito yung mga ama niya hindi ba? At isa pa, andiyan naman sina mommy at daddy eh. Matatawag na rin sigurong suwerte yun.

Hindi rin kasi sapat minsan ang nakukuha ko sa pag-puputa sa may highway para sa aming mag-ina. Marami na rin akong kakumpitensya sa pagsusuot ng maiikling shorts at spaghetti straps dito sa may amin. Kadalasan nadadaig ako ng mas bata na may mas mapuputi at makikinis na balat. Yung tipong pag natutukan ng headlights ng costumer siguradong kumikinang sila sa ganda. Panigurado sila ang maisasakay. Talo nanaman ako sa laro ng tadhana. Kasi kung ikukumpara sa kanila, kahit tutukan ako ng headlights ng sasakyan panigurado hindi pa rin nila ako mapapansin. Siguro kung nung medyo bata pa ako't hapit pa ang balat at pantay pa ang kulay ng hita't tuhod ko, pwede pa akong makipagsabayan sa mga bagong salta na ito. Suwerte nang maka dalawa o tatlo ang gumagamit sa akin kada linggo. Karamihan nga lang dito ay mga pulubi na sekyo o construction workers na mas inuuna ang pangangati ng mga ari nila kesa sa sabong panligo o deodorant man lang. Kaya alam ko na ang lahat ng kabahuan ng mundong ito na nabubulok na rin sa impyerno.

[Mansanas 1 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Monday, March 24, 2008

pagtinotopak nga naman..

I’m messing my life again..

I never knew job hunting would be this agonizing. It started as a simple rational “kailangan ko ng trabaho. Kaya kahit ano papatusin ko.” But it turns out to be a bogus of a rationale in every sense of the word. Damn. Why do I keep turning down possible employers? Its their duty to turn its possible employees… not the other way around!

There is this world-renowned company in paranaque which insist that I take application exams for a high ranking position. The first proposal, I turned down because of a “prior engagement” which happens to be another bonding experience with boos and beers—not a prerequisite for a PLEASANT FUTURE. I thought that chance was gone forever. But I was wrong. A girl called me (in her sexy bedroom voice) that I can still take that exams the next day. But laziness, whose growing popularity amongst graduating students, won over the war against the most rational idea of finding a job. I turned the offer for the second time.

Chances are that I wont have the same opportunity with other companies and I’ll stay bum and bankrupt forever (with the growing “pot of debt” I owe to many friends and family). On the other hand, the same opportunity might reveal itself in the near future. The question is whether to go the extra mile to live my dreams of having a decent life, or would just stay here in my comfort zone where everything is just a happy “bonding experience.” Though that question lies somewhere in the future, I must know now what really is my priority.

As of now, I’m still searching for that courage within me to stand up, stretch and stop staring at the TV for a moment and relive my former glory of being a workaholic and face a brighter future.

Yah.. probably this psycho-drama would turn out to be “just a phase.” But one thing is for sure. Opportunity is a wise being. It only knocks once or twice in your door to know whether your priority is to live your life or live dreaming big and.. just that.. just dreaming..