si caloy at si isha

My photo
sa pagbabago ng panahon, sa pagkurba ng tadhana sa napagpintasang gunita, sa paglalayon sa habang buhay na pagtunton... sa dambana, sa harap ng madla, nanaisin kong mangako ng magpakailanman, patungkol, dahil at para sa iyo...

Monday, June 23, 2008

Katuparan

1. KAPALARAN

Nagkakagulo ang lahat ng tao sa techbooth ng Albertus. Hindi kasi magkandaugaga ang music head na si J-mee sa pagpipindot at paghahanda ng track sa CD na susunod na patutugtugin sa eksena. Dahil hindi ako ang nakalatag sa entablado bilang Gemini at bilang isang butihing music staff, inilaapag ko sa dimmer board ang binabasang Inquirer Libre at nakisalo na rin ako sa kaguluhan. Track nine. Siniguradong naka-pause ang CD player at pinagtawanan ang pagkagulat ni Jmee sa pagpisil ko ng pisngi niya. Malapit na ang paborito kong eksena sa dulang Agnoia. At sa takdang oras, pinindot ko ang play at iniangat naman ni Jmee ang volume sa tamang lakas kasabay ng pagbabago ng ilaw sa entablado mula dilaw hanggang sa maging pula. Sinabayan na rin ito ng indak ng mga dancers ng dula ng paborito kong dance sequence. Napangiti nalang ako sa husay ng ilan sa mga sumasayaw sa entablado. Lalo na yung pinakamagaling sa kanya. Napailing nalang ako sa pagkabilib at naibulong sa sarili "malayo ang mararating ng batang ito."
Matapos ang sayaw, muli kong kinuha ang Inquirer Libre at pinagpatuloy ang pagbabasa ng horoscope. Leo. Lima ang puso. Ayos. Nakangiti kong binasa ang nakasulat. "Humanda ka. Matutuwa ka sa makikita mo." Tama. At nakita ko na.

2. INDAK

Bitbit ang isang lumang smoke machine na hindi ko sigurado kung gumagana, kinausap ako ng Presidente ng CASA na si EJ Mallari na kung pwede raw ba akong tumulong sa Integbol nila. Isang milyon ang dahilan ko para tumanggi. Andiyan ang hindi ako CA, wala akong pera, wala akong susuotin, plano kong umuwi ng probinsiya, at kasalukuyang magkagalit kami (ng sobra sobra) ng isng malapit na kaibigan (no mentioning of names nalang. hihihi) na alam kong pupunta ng gabing iyon.

Pero itinakda na ata ng diyos na ikakamatay ko pag tumanggi ako sa hiling ng kaibigan, hinila ko nalang ang sarili kong sumakay ng taxi kasama ng kalahati ng buhay ko.

Nagkaligawligaw kami. Kapos ng sampung minuto ang pinangako naming alas sinko. At tulad ng inaasahan, hindi naging palakaibigan ang kalawakan ng warehouse na pinagdausan ng Integbol. Trabaho ang pinunta ko doon at trabaho lang ang plano kong gawin. Pero nabigla ako. Mageenjoy pala talaga ako.

Sa kasukalan ng malalakas ng tugtog, tao at alak, napatunga-nga nalang ako sa kinlalagyan sa DJ's booth sa nasasaksihang indakan. Napailing nalang ako at napangiti sabay bulong sa katabi kong DJ ng mamukhaan ang isa sa mga kumakarir ng sayaw. "Siyet. Ang galing pala talaga niya no? sobra!"

Nang magkatsansang makalapit at makausap ang nasabi kong kaibigan, napatawa nalang siya ng pabiro kong sabihing "Hindi lang ako ang Journ dito kaya wag kang magulo!" Ganoon naman talaga ako. Dinadaan sa biruan ang sa totoo lang, isang paghangang hindi matatawaran.

3. BIDYO

Tulad ng inaasahan, huli nanaman ako sa napagkasunduang alas seis. Hindi nga lang nila ako masisisi. hindi madaling magbiyahe ng mabigat ang dinadamdam. Kasalukuyan akong nagdadalamhat't nagluluksa sa pagpanaw ng isang matalik na kaibigan ng maabutan ko ang mga Stage Managers kong abala sa pangongontrata sa mga napili nilang gaganap sa dulang Rizal at Blumentritt. Hindi ako makasingit sa debateng nagaganap. Wala akong magawa kundi tumunganga sa kanila. Nageenjoy na ako sa paglalaro ng aking sariling laway ng kausapin ako ni Marchella Calica.

"Panoorin mo si Therese de Guzman matutuwa ka." Pangisi niyang ibinulong sa akin sabay abot sa akin ng kanyang videocam. Binidyo pala nila ang auditiong hindi ko nasaksihan. Humanga naman ako sa husay nila sa pagiging responsable.

Pagdating ko ng bahay sa Bulacan, dagli akong pumasok ng kwarto. Tulad ng inaasahan,. umiyak nanaman ako sa nararamdamang pighati. Sa gitna ng mga parusang hikbing pilit kong tinatago sa mga kasambahay, napagdesisyunan kong panuorin nalang ang inihanda ng mga SMs kong bidyo. Inusisa't kinalikot ko ang videocam at nang malaman kung paano paandarin, pinanuod ko simula sa umpisa ang bidyo. sa unang tingin alam ko na ang mga nararapat na karakter sa kanila. Bukod din kasi sa nabigyan na ako nila Jmee ng listahan ng mga napili nila, mahuhusay ang mga ginawa nila. At nang makita ko ang batang sinasabi ni Marchella, napatawa nalang ako. Tama pala talaga siya. Ikatutuwa ko nga ito. Nakakatuwa. hindi ko alam na pwede palang sayawin ang kantang HAPPY BIRTHDAY ng sensual, hot and sexy. Noon palang alam ko na. Maganda ang itinakda ng tadhana para sa kanya. At kahit na puno ako ng kalungkutan, napatawa ako ng isang Therese de Guzman. At sa unang pagkakatain sa tatlong araw ng pangungulila sa kaibigan, nakatulog ako ng mahimbing.

4. EKSENA

Sa kasagsagan ng kontrobersiyang pinagdadaanan ko at ng dulang aking pinaghirapan at iniyakan, hindi ko maitatanggi, masaya ako sa patuloy na pag-ganda ng takbo nito.
Sa panglimang banat ng dulang RnB, ako'y patagong ngumangasab ng paborito kong Fudgee Bar sa loob ng techbooth ng Rizal Con. Patago rin akong kinikilig sa mga banat ni Yes at kung paano ito gawing katawa tawa ni G-boy. At kung maputi lang ako, panigurado, pandalas din ang pamumula ko. Pero dahil wala akong karapatang magblush dahil sa kulay ko, inisip at pinagtuunan ko nalang ang masasarap na tawanan ng mga nanonood. Ibang klaseng bata ito. Karerista. Hindi marunong mapagod. At panigurado ko, hindi lang ako ang nakakaisip nito nang sabihin ng isang Jason de la Cruz na "Ang galing nila! Congrats Fhadz."

Alam ko. Sa dami ng naipon kong pagkakamali, may karamihan na rin ang aking naitama at tamang nagawa. Dahil marami ang makakapagsabing hindi ako nagkamali sa pagpili sa mga gumaganap sa eksena.

5. DULAS

Napadausdos ako sa madulas at basang bahagi ng sahig sa may AB lobby. Muntik na rin akong mapahiya sa mga estudyanteng nagmamadaling umuwi at ibang huli na sa klase. Bumaling baling ako sa mga nagdadaan, sinisiguradong walang nakapansin. Tiningnan ko ang parte ng sahig na muntik nang dumurog sa kahihiyan ko. Hindi na tama ang ang nararanasan kong kamalasan ng araw na iyon. Lumabas ako ng building para makahagilap ng signal na pinagkait sa loob ng building. Tatlong araw na ring umulan at naguumpisa na ring bumaha sa parking ng AB. Habang iritang ikinukwento kay Manong Agnes ang kamalasang tinatamasa, isang mukhang may napakagandang ngiti ang bumati sa akin at gulat at tuwang tuwa ko rin iyong sinuklian ng mahigpit na akap.

"Kuya may pasok po kayo ngayon?!" Gulat niyang itinanong sa akin. Sinagot ko siya ng wala na may halong pagtataka. Oo nga pala. Kabisado niya ang Class Schedule namin. Matutuwa na sana ako ng lubusan ng maalalang hindi lang pala ako ang Artistang Artlets sa klase namin. Pero napangiti nalang ako sa ganda ng ngiting pamamaalam niya sa akin. Pagharap ko kay Manong Agnes na naghihintay ng kwento ko, napatanga na rin ako sabay sabat "Uhhhmmm... Nakalimutan ko na ang sasabihin ko.. Ahihihi.. Sige!" sabay tapik sa malaking braso ni Manong Agnes. Masaya kong binagtas ang daan papuntang ABSC office. Wala na rin akong naranasang kamalasan simula noon. Hindi ko na rin maalala kung bakit ako naghihimutok noong umagang iyon.

6. PANGAKO

Hindi na ako magkanda-umayaw sa dami ng mga gagawin dito sa opisina. Hindi pala biro ang magpaka-responsableng mamamayan ata anak. Nangingintab na rin ang mukha ko sa kanina ko pang binabasang artikulo tungkol sa mga relasyon ng mga lesbiyanang muslim. Kunwari magaling ako sa layout at grammar. Pero hindi ko na maitatago ang pagkamiss sa mga kaibigan kong naiwan ko sa kolehiyo. Nang matapos ko ang mahabang proseso ng paghahanap ng mali sa mga artikulong dapat puro tama, tumunog ang cellphone ng katabi ko sa station ko. BUBBLY ni COLBIE CALIAT ang kanyang ringtone. Bigla nalang akong ibinalik sa mga masasayang nakalipas--mga huling araw ng buhay ko sa kolehiyo at mga pangakong hindi ko pa natutupad. Naalala ko. Ang tagal ko na palang planong gawin itong entry na ito. Hindi ko lang matyempuhan.
Patakas kong binuksan ang blogger account ko. fudge12.blogspot.com. Nagsimula akong magsulat. Inaalala ang mga hindi ko na malilimutang pagkakataon binuno sa trabaho, iyakan at sangkatutak na tawanan. Sumulat ako. Hindi para mamaaalam o magdrama. Nagsulat ako para tuparin ang napaglumaang pangako. Tama. Ika nga ng isang text message na natanggap ko. "Sige po kuya text mo ako pag natapos niyo na. Aasahan ko po iyon."

(PARA KAY THERESE DE GUZMAN)

Thursday, June 19, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Author's notes

The entry "MANSANAS" in six part series is inspired by a true story shared by a very close friend of mine (whose real name i cannot reveal for her protection). Some of the things I mentioned in the entries were just a mere representations of the actual facts of the true story. But the whole story itself is rather true than fiction. This story is dedicated to the people who suffered the same gruesome fate as "Apple," some of whom never survived. This is a call for the people who are humane enough to know and understand that these things are evil and should be stopped.

Real names of the characters are withheld to protect the innocent and the guilty. May they recieve the same treatment in hell.

"Apple" is currently an undergrad student and also works for a well known company. She now lives in a nice home just a few blocks from her parents. Her son is now on preschool. She is happily married and is living he life to the fullest. But she can never erase the horrible facts that happened in her life. May this be the beggining for a better life for her.

For "Apple", remember that i will always stay with you no matter what. Thank you for entrusting me with your story and for allowing me to do this. I'll be waiting for your text messages. Hope your doing good. I love you. Good luck in everything.

Comments, suggestions and violent reactions in the publication of this story can be addressed to me at the comment page of my blogger account (http://www.fudge12.blogspot.com). Thank you for visiting and have a nice day.

NOTE: For those who are reading the "Mansanas" series from Multiply and want to comment on any of its six parts,I advise that you comment on my blogger account. that's www.fudge12.blogspot.com for the reason that I cannot access my Multiply account from our office's server. Thanks.

Mansanas (Inspired by a true story) Part 6

VI

Naging malupit sa akin ang mundo.

Wala akong katraining training at hindi man lang ako nakapaghanda. Ang dami ko pang dapat matutunan sa mundong ito. Hindi ko pa pwedeng ituro ang nalalaman ko sa anak ko. Ayaw ko namang mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Buti nalang at pinanganak siyang may nakalundong organismong magiging sanhi ng kanyang malulupit na pakikipagsapalaran sa mundo ng pagkalalaki. Ipinagdadasal ko nalang na hindi niya mamana ang kabaliktaran ng bituka ng mga ama niya.

Yun ang kinakatakot ko. Paano kung tanungin niya ako kung sino ang ama niya. Hindi ko naman siguro pwedeng sabihin na pito ang ama niya at na ang iba sa kanila nakakulong, o nagtatago o nakaligtas ng hindi ko malaman kung bakit sa hustisya.

Iyan ang hindi ko minsan maintindihan sa katotohahan eh. Hindi lahat ng tao parepareho ang pananaw sa katotohanan. Ang tama sa kanila, mali sa iba. Kaya naman alam ko na kaihit kailan, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa mundong ito. Na kahit kailan, hindi magiging pantay pantay ang tingnin ng mga tao sa kapwa niya tao. May ibang tinitingala, may ibang hindi man lang pinapansin. Sana pag laki ng anak ko, maintindihan niya na hindi mo pwedeng tapak tapakan ang ibang tao. Pero kailangan niyang maging matapang at matatag para hindi naman siya ang tapak tapakan. Lahat kasi ng tao dito sa mundo nagmamadali. Kaya kailangan mong makipagsapalaran sa kasukalan ng kamunduhan. Kailangan mong sumunod sa agos ng panahon. Kailangan tinitingala ka ng mga tao. Dahil kung sa sarili mo nanliliit ka na, hindi maawa ang mundo sa iyo pag ikaw ay natisod at matapakan ng iba pang mga nagmamadali sa mundong ito na wala nang pakialam tumingin sa dinadaana makarating lang sa pupuntahan. Hindi alintana sa kanila kung may naiiwan sila o may nasasaktan sila. sa mundo ngayon kailangang maging praktikal.

Pero bata pa ang anak ko para pangaralan na natural na masama ang tao. Bata pa siya para maintindihan na maari siyang paglaruan ng tadhan tulad ng pagtrip nito sa buhay ko. Sa ngayon, dito muna siya sa akin. Hindi ko man naprotektahan ang dignidad ko dahil na rin siguro sa sarili kong kahinaan at kakitiran ng utak, hindi ko hahayaang masaktan ng mundong pilit nandudumilat sa mga mahihina sa mundo. Hindi. Hangga't nandito ako, walang pwedeng gumalaw sa anak ko. Buhay kami. Buhay ako. Siguro sapat na dahilan na iyon para magdiwang sa masaklap na mundo na ito. Tama. Sapat na rason na yun para magsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay. Nakakatuwa. Parang ganoon lang kadaking palitan yun. Basta ang alam ko, gagawin ko ang lahat para masiguradong paglaki ng anak ko, magiging isang matibay at mataas siyang puno ng mansanas. Hitik sa bunga at nagbibigay ng kasiyahan at kasarapan sa mundo. Tama. Isang puno ng mansanas mula sa nilapastangang binhi ng kanyang ina.

[Mansanas 6 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Wednesday, June 18, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Part 5

V.

Araw araw kong pinapatay ang sarili ko noon.

Pero hindi pa siguro ang pagiyak sa bawat segundo ng buhay ko noon. Hindi na rin ako pumasok sa eskwela. Nagkulong na lang ako sa kwarto, pilit hinuhugasan ang sariling awa sa iyak. nakaksampung beses na rin ako kung maligo sa isang araw pero lubos atang hindi ko na maaalis ang dumi at nakakalasong alinsangan ng kababuyan na napagdaanan ko. Kahit ilang beses kong hilurin ang namumula at nanakit ko nang balat hindi ko na siguro mabubura ang ala-ala na anim o pitong tao ang gumamit nitong nilamusak kong katawan. Ilang linggo ko na ring pilit ipagdasal na humiwalay sa napakadumi kong katawan at makawala sa sakit na pilit akong pinapaslang. Nagsimula akong magsuka at mahilo. Siguro dahil sa matinding pagkamuhi sa mga lalaki sa mundo, matinding galit sa sarili ko at matinding pagkairita sa mundo na kung bakit kailangan kong pagdaanan itong lahat ng ito.

Tumupad ako sa kasunduan namin ng mga demonyo. Hindi ko sinabi kahit kanino man. Paano ko naman siguro masasabi eh sa tuwing tatanungin ako ni mommy walang salita ang lumalabas sa bibig ko dahil na rin sa matitinding hikbi at pag ungal ko sa tuwing naalala ko ang bawat segundong sinunog ako sa impyerno. Wala na ring magawa sina mommy kundi umiyak at kitang kita ko ang matinding takot sa mata nila ni daddy dahil saksing-saksi sila sa masalimuot at halos ikamatay ko nang sakit na hindi nila masabi kung ano ang dahilan.

Nagpatuloy ang panghihina ko. At halata ko sa kulay ko ang matinding pamumutla. Hindi ko magawang lumabas ng bahay kaya't nagpatawag nalang sila daddy ng doktor. Doon ko nalaman, buntis pala ako.

Noong narinig nila mommy ang balita, hindi nila alam ang dapat isipin o gawin. Tumitig lang sila sa akin ng nanlilisik ang mata pero walang lumabas sa bunganga niya. Umiiyak din ako noon at inihanda ang sasabihin kong katotohanan sa kanila. At sa puntong pagalit na tinalikuran ako ni mommy saka ko nasabing narape ako.

Hindi madali sa akin ang tanggapin na ang kademonyohang ginawa sa akin ay magbubunga ng isang inosenteng tao sa sinapupunan ko. Hindi ko kayang masikmura na madadamay sa karumaldumal na nangyari sa akin ang isang anghel na walang kamuwang muwang. Paano nalang pagnagtanong kung sino ang ama niya? Paano ko palalakihin ito? Paano kung hindi ko kaya?

Isinalaysay ko ang lahat lahat kina mommy at sa unang pagkakataon, nakita ko si daddy na umiyak na parang aatakihin na sa puso. Galit siya. Galit na galit. Hindi niya alam ang gagawin niya sa kalagayan ng nagiisa nilang anak na ngayon ay pinagdadaanan ang isa sa pinakamalupit na magagawa ng tadhana. Gusto niya raw pumatay ng tao. Gusto kong aminin na ako rin. gusto kong pumaslang ng tao. Kahit sino. May pagbuhusan lang itong sama ng loob at pagkamuhi ko. Pero alam kong hindi pupwedeng mangyari yun. Kaya't kasama si mommy, pilit naming pinigilan si daddy na nagwawala.

Tuesday, June 17, 2008

Mansanas (inspired by a true story) Part 4

IV

Ayaw ko na sanang maalala.

Pero hindi ko makakalimutan nung napapansin kong hindi na ako kinakausap ni Benj. Hindi na niya ako tinitingnan na parang wala ako doon. Hindi na niya ako tinatawagan sa cellphone o inaayang magisaw man lang. Pero wala akong magawa. Tinatawag ko siya pero parang wala siyang naririnig. Wala akong magawa. Unti-unti na akong napapalitan ng ibang gitara at ibang ginigitara sa mga bars na hindi ko alam pinupuntahan na niya ngayon. Paliit ng paliit ang pagasa ko sa kanya. Kahit hindi ko alam kung mahal niya din ako, mahirap ang mawala siya sa buhay ko. Lalo na ngayong siya na ang buhay ko. Araw-araw, linggo-linggo siya ang iniisip ko. Hindi ko pala kayang mawala siya. Napagdesisyunan ko. Mas matimbang ang libido niya kesa sa prinsipyo ko. Dahil libido niya yun at prinsipyo ko lang ito. Tinawagan ko siya. Umiiyak. Pumayag siyang makipagkita sa akin. Hindi ko alam yung lugar at maguumaga na rin pero pumayag akong pumunta. Ito na kasi ang huling pagkakataon para mabawi ko siya sa mga bago niyang ginigitara.

Naligaw ligaw ako sa lugar pero buti nalang natunton ko yung lugar. Isang maliit pero magandang bahay. Medyo magulo at madilim pero mukha namang disente ang nakatira. Kumatok ako sa kalawangin na ring gate at isang payat na lalaki na may mahaba at magulo ring buhok ang nagpapasok sa akin. At sa may madilim na sulok, nakita ko ang hugis na aking hinahangad. tumayo ito at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako ng matindi sa labi at binulungan na ang ganda ko raw. Hindi ko maiwasang mapangiti at isipin kung anong nagpaganda sa akin. Ito bang puti kong sando? Ang buhok kong nakapusod? O ang shorts kong nilalantad ang binti ko? O di kaya yung mga mata kong namamaga. Balita ko pag ganitong namumugto ang mga mata gumaganda raw. Baka nga ito ang dahilan.

Umupo ako sa tabi ni Benj at nakita kung ano ang pinapipyestahan nila. Damo. Nagsusunog sila ng damo katabi ng mga bote ng gin. Ayaw ko na sanang makisali sa pot session nila dahil kumokontra naman ang kunsensiya ko pero masyado nang huli para umurong.

Pinatikim ako ng isang shot ng iniinum nila. Parang may halo. Gin na nga iniinum nila may halo pa. Hindi na nakuntento sa masamang tama ng gin. Hindi ako nagyoyosi pero napahithit na rin ako ng hinihithit nila. Tawanan, landian, asaran. Iba pala ang epekto ng droga sa utak. Masaya. At sa mga huling minuto ng ulirat ko, napansin ko, ako lang pala ang babae.

Nalaman ko nalang na nahihilo ako. Hindi ko alam kung epekto ito ng damo, o nung gin o kung ano man yung hinalo dun. Basta ang natatandaan ko, napapikit nalang ako nang naglalaplapan kami ni Benj.

Nagising ako nang maramdaman kong may nakapatong sa akin. At sa madilim na ilaw galing sa headboard lamp sa kwarto ng kabarkada nito ni Benj, kitang kita kong pinoporma na niya ang sarili niya sa gusto niyang pusisyon at wala na akong nagawa kundi ihanda ang sarili sa sakit o sarap na pwede kong maramdaman. Masakit. Sa simula. Pero nung nararamdaman ko na ang buong kahabaan niya sa kin, unti-unti ko na ring nagustuhan. Napaindayog na rin ako sa gingawang musika ni Benj sa mabibigat niyang hininga at sa pagbubungguan ng katawan namin. At sa isang inda, nawala ako sa kawalan ng kanyang kalawakan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero gusto ko ang ginagawa sa akin ni Benj. Hindi ko na maiwasang mapatili sa nakakabaliw na pagsabog na nararamdaman ko sa ikabuturan ng pagkatao ko. At sa paglaon ng pagroromansa sa akin ni Benj, alam ko, hahanap-hanapin ko na ang pakiramdam na ito. Nawala ako sa mundo panandalian para matikman ang kakapirasong sarap ng langit. Pero dagli akong nagising nang malaman kong ako palay pabulusok na papunta ng impyerno.

Nang makaraos na si Benj, dagli siyang lumayo sa akin, sabay ng mga kaluskos sa paligid ko. Nalaman ko nalang na napapalibutan ako ng mga nakahubad na ring kabarkada ni Benj. Hinawakan ako ng isa sa kamay at isa sa kabila. May dagli ring humawak sa dalawa kong binti at pinilahan na ako ng dalawa o tatlong lalaking hindi ko maaninag sa dilim ng lugar. Hindi ko na gusto ang nangyayari. Pero wala akong magawa.

Wala silang patawad. Wala silang kunsensya. Hindi ko na alam kung kaninong ari na ang naglalaro sa ari kong nagdudugo na. Masakit. Sobrang sakit. Parang pinupunit ang mismong pagkababae ko. Pero kahit gaano kalakas ang mga sigaw at iyak ko, hindi nila ako tinigilan. Demonyo silang lahat. Demonyo lahat ng lalaki sa mundo dahil masakit ang pagpirapiraso nila sa pagkatao ko.

Bumigay na ako sa sakit. Pinagdamot man sa akin ng diyos ang pagkawala ng ulirat ko para hindi ko na masaksihan ang ginagawa nilang kahayupan sa akin, nawalan naman na ako ng malay at lakas para gumalaw pa. Pero wala sa kanila yun. Hindi na ako makalaban. Nagdilim na ang paningin ko. Nanginginig na ang buo kong katawan pero patuloy sila sa pagbayo sa akin. Para akong isang manikang pinagpirapiraso. Para akong basahang pinagpunit-punit. Hindi sila nakuntento, pati tumbong ko hindi nila pinatawad. At pagsila'y nakaraos na, ipapainum nila sa akin ang likido ng kanilang kababuyan. Pilit kong sinusuka pero isa isa na nilang ipinasubo sa akin ang mga ari nila. Pilit ko silang kinakagat pero wala na rin akong lakas para gawin yun. Hindi ako makahinga. Hindi ako makasigaw. Hindi na ako makagalaw. Wala na akong magawa.

Kitang kita ko ang bawat eksena ng kasuklam suklam na ginawa nila sa akin. At ramdam na ramdam ko ang sakit na akala ko'y hindi ko na makakayanan. Hindi ko alam kung gaano katagal ang tinagal ng pangbababoy nila sa akin. Pero para sa akin, buong buhay ko, binuno ko sa impyreno. At alam ko sira na ang buhay ko. Pinunit na rin ng mga anak ng diablong bumaboy sa akin ang pagkatao ko. Wala na akong dignidad para ipagpatuloy pa ang mabuhay sa mundong ito.

Aaminin ko. Baril na ang hinihintay kong susunod na puputok. Sigurado akong papatayin na nila ako dahil nakita ko nang magbihis na ang isa sa kanila, dagli siyang bumunot ng baril mula sa itim niyang bag at agad niyang tinutok sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa mabilis at masaklap na pagpanaw sa mundo pero hininto siya ng isa sa kanilang nakilala kong si Benj. Putang ina. Ngayon pa sila naawa sa akin.

Matapos nilang magbihis, ginapos na nila ako't binuhat ng nakahubad papunta sa isang van. Palitaw na rin ang araw sa liwanag sa labas ng bahay. O palubog nalang din ito. Tama. Palubog na ang araw para sa akin at kailan man, hindi na ako maaninagan ng liwanag.

Sa sasakyang luma kung saan nila ako sinakay, tinutukan ako ng patalim. Mukang mapurol. Mukhang gusto nilang unti-unti akong paslangin at unti unting gilitan ng leeg gamit yung mapurol na kutsilyong nakatutok sa akin. Pero hindi. Ipinagdamot pa rin sa akin ang kamatayang kanina ko pa hinahangad. At hindi ko na dapat asahan sa kanila ng ibulong nilang huwag ko raw sasabihin kahit kanino ang kung ano mang naganap kung hindi papatayin daw nila ang pamilya ko. Mga kampon ni Satanas. Marurunong.

Sa layo ng biyahe, nakahugot na rin ako ng kakaunting lakas. At naramdaman din ito ng mga demonyo kong kasama. Dahil sa pagkakagapos ko, napansin nilang unti unti na akong nakakapumiglas. Humagulgol ako ng todo ng itutok ulit sa akin ang patalim. Pinakawalan din nila ako nung naglaon at pinagbihis. Hindi ko na maintinihan ang amoy ko. Natuyong suka, laway at tumigas nang dumi ng pagkalalaki. Pero matalino pa rin silang ipagbawal tanggalin ang nasa telang nakatali sa bibig ko. Ibinaba nila ako ilang kilometro mula sa bahay namin. At kahit na nagingig ako, nakayanan kong lakarin hanggang sa amin. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, naalala ko ang bawat segundong tinagal ng mala-impyerno niyang pinagdaanan. Mataas na ang araw. Pero hindi na ata ako kailanman makakakita ng liwanag. Pagkarating ng bahay, hinimatay ako.

[Mansanas 4 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 3

III.

Nakakamanhid masaktan

Kaya wala na rin akong maramdaman sa tuwing ginagamit ako ng kung sinu-sino. Bato na rin akong maituturing dahil matagal ko nang pinaslang ang kunsensya ko. Naisuka ko na rin papalabas ang puso ko kaya hindi ko na rin alam kung paano magmahal o masaktan. Natuyuan na rin ako ng luha at wala na rin akong pakialam sa mundo. Basta ang alam ko, kailangan mabuhay ng anak ko at para mangyari yun, kailangan ko ring mabuhay. Yun na rin ata ang pinakamalupit na parusa sa akin. Ang mabuhay. Dahil kung hindi lang dahil sa anak ko, matagal ko na sanang pinageksperementuhan ang iba't ibang epekto ng iba't ibang mga lason sa katawan.

Nangarap din naman ako kahit minsan. Fourth Year High school ako noon nung pangarapin kong maging isang magaling at sikat na abogado. At noong mga araw na iyon, sigurado ako sa sarili kong kaya ko siyang makamtan. Gumraduweyt akong valedictorian ng batch namin. Isang student leader at sikat sa paaralan dahil sa mga napalanuhang mga patimpalak sa quiz bee at mga speech contests. Tuwang tuwa sa akin sina daddy noon. At masaya din akong pinangangatawan ang pagiging apple of the eyes ng mga magulang ko. Wala kaming kapera-pera pero animo'y nagmilagro ang diyos dahil naipasok ako nila mommy sa pangarap kong unibersidad. Nangako naman ako na gagawin lahat lahat para makamit ang pangarap ko sa sarili ko at para sa kanila. Kung hindi ko sana ginawa yun hindi sana ganito kabigat sa akin ang lahat.

Matalino naman ako pero hindi ko alam bakit ko pinili ang katangahan at kagagahan. Siguro dahil natipuhan ko ang mga isinisigaw nila sa labas ng building namin, nadala na rin siguro ako sa haliw ng musika at radikal nilang pagiisip. Naisip ko rin na wala akong kaalamalam sa mundo kung ikukumpara sa mga napagdaanan nila. Nakakapangliit ang mga naiisip nila na oo, hindi ko naiintindihan. Pero ang hula ko, mahirap ang pinagdadaanan nila. Yun ang natatandaan ko. Unang semstre sa unang taon ko sa kolehiyo, nailantad ako ng unang beses sa magulong mundo na kung alam ko lang na sisira sa akin, hindi ko na pinasok.

Napabarkada ako sa isang sikat at radikal na banda. Wala sa akin na ako lang ang babae sa grupo at kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa kanila. Basta sigurado ako noon, gusto kong mapabilang sa magugulong grupo na ito ng kabataan na wala na atang ginawa kung hindi magkalat ng sama ng loob sa mundo sa mga maiingay at galit nilang musika. At dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa musika at sa dedikasyon nila sa kung ano mang pinaglalaban nila, napalapit na sa akin ang bawat isang miyembro. Lalong lalo na kay Benj ang gitarista ng grupo.

Nakakabilib ang husay ni Benj sa pagigitara. Hinahawakan niya ang katawan ng gitara niya na animo'y isang babaeng nakikipagromansa at nakikipagtalik sa kaniya. At kung paano niya iniwawagayway ang mahahaba at pawisan niyang buhok sa indayog ng tugtugin nila. HIndi na rin siguro mapapantayan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang piniprito ang gitara niya sa paglalaro ng kamay niya. Minsan naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam ng paglaruan ng mga daliri at romansahin ng ganoon ni Benj? Iiyak din kaya ako sa sarap tulad ng gitara niya?

Wala na akong namalayan sa nangyayari sa akin. Naadik na ata ako sa taong ito. Napapadalas ang paghingi ko ng pera kina mommy masundan lang siya sa magulo niyang mundo. Napaparami na rin ang absent ko sa mga klase ko. Pababa na rin ng pababa ang grades ko sa mga subjects kasama na ng kredibilidad ko bilang isang estudyante. Pati ang pangalan at reputasyon ko bilang isang mabuting anak, magaaral at tao unti-unti na ring nalulugmok sa kawalan. At ang nakakatakot, ayos lang sa akin. Basta't maipagpilitan ko ang sarili ko sa magulong mundo ni Benj ayos lang sa akin.

Ang pangarap kong maging isang sikat at mahusay na abogado napalitan ng panaginip na magitara din ako ni Benj tulad ng pagbayo niya sa gitara niya. At kahit na minsan nararamdaman ko ang pagtaboy niya sa akin, ayos lang din sa akin basta't napapansin ako ayos lang.

May maganda namang naibubunga ang paglalandi sa kanya eh. Dumadalas na rin kasi ang paguusap at pagkain namin sa iba't ibang magugulo at madidilim na bars. Ayos lang sa akin na magulo ang mundo ko basta't siya ang gumugulo.

Ang simpleng ngitian napunta sa hawakan ng kamay at sumunod ang pasimpleng hawak kung saan saan. Hindi itinuro at sa halip ay ipinagbawal ito ng aking mga butihing magulang pero handa akong matutuhan ito para sa ikasisiya ni Benj. At hindi naglaon, nadadama ko, unti unti na niyang ipinagpapalit ang gitara niya sa akin. Mas madalas na niya akong romansahin at paglaruan at pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo sa tuwing nararamdaman kong dumadampi ang dulo ng mga ngipin niya sa dulo ng tenga ko o pag natitikman ko ang paglalaro ng dila niya sa loob ng bibig ko sa tuwing naghahalikan kami sa madidilim na sulok ng unibersidad o ng mga bar at kanilang mga tambayan. Isa lang ang hindi ko maisuko. Dahil sa tuwing nararamdaman ko ang makalyo niyang mga daliri na pilit ipinapasok sa loob ng panty ko, naaalala ko ang mga pangaral sa akin ni mommy at hinihila ako ng kunsensya ko sa katotohanang hindi pa ako handa. At sa tuwing pagpipilitan ko ang punto ko kay Benj, dagli nalang siyang umaalis na galit at bitin na bitin.

Hindi na isa o tatlong beses nangyari sa amin ito. Hindi na rin isa o tatlo beses siyang nagwawala sa harap ko. At nararamdaman ko, unti unti na ring nawawalan ng pasensya sa akin si Benj. Pero hindi ko talaga siya pwedeng pagbigyan. Dahil alam kong baka pag pinagbigyan ko siya, may mabuong dugo dito sa sinapupunan ko at hindi ko makakayanang pangatawanan yun. Hanggang sa hinamon ako ng tadhana.

[Mansanas 3 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Mansanas (Inspired by a true story) Part 2

II.

Nakakasawa na ring umuwi sa bahay.

Siyempre wala na rin akong masabihan sa bahay. Hindi na rin kasi kami nagkikita at nagkakausap ni mommy eh. Hindi na rin kasi sila bumababa sa second floor ng bahay. Si daddy naman sobrang nagpapakamatay sa trabaho. Kahit na inaatake na siya ng pulmunya sige pa rin ang kayod. Alam ko. Naririnig ko ang mga parusa niyang pagubo sa gabi mula sa pangalawang palapag ng bahay namin kasabay ng masasakit na hikbi at hagulgol na alam ko dahil sa akin. Hindi ko maamin pero namimiss ko na talaga siya. Hindi ko na rin kasi siya nakikita kasi siguro ayaw niyang magpakita. Pilit binubura sa pagtatrabaho ang ala-ala na ang nagiisa niyang anak ay nayari at nababoy ng maaga kaya pilit na rin niyang tinatanggap, kahit gaano kasakit, na basura ang minamahal at inaruga niyang pamilya. At tulad din nito, matatawag na ring patapon ang buhay niya. Ganoon talaga si daddy. Inaangkin niya ang lahat ng kasalanan pero duwag siyang maituturing dahil ayaw niyang harapin ang mga problema niya. Oo. Problema na niya ako ngayon. Kung sa bagay, palagi naman niyang sinasabi na hindi naman niya ako masisisi dahil hindi ko naman daw kasalanan. Pero hindi ko pa rin masabi hanggang ngayon kung sinasabi niya yun para paniwalain ako o para paniwalain ang sarili niya. At sa totoo lang, mas lalo akong nasasaktan kapag sinasabi niya iyon.

Hindi naman ganito dati eh. Noon laging inaabangan nila mommy ang paguwi ko dahil panigurado, may uwi akong mataas na marka, medalya o tropeyo at mga awards sa mga patimpalak sa eskwelahan. "Apple of the eyes" akong maituturing noon. kaya siguro Apple ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. Inakala din nilang lalaki akong maganda at tinitingala ng lahat na parang isang mansanas sa itaas ng puno. Lahat natatakam na nakatingala sa bunga pero kakaunti lang ang mapapahintulutang tikman. Yun ang akala nila. Dahil iba ang plano sa akin ng tadhana.

Ngayon ni ayaw na nila akong makita. Pero ayos lang yun kasi kahit papaano inaalagaan nila ang anak ko habang nagpapakadumi ako sa lansanganan. Masuwerte na rin siguro ako na tumira dito sa amin at hindi mapalayas. Libre na nga ang tirahan maghahangad pa ako na ituring na parang isang tunay na anak. Matagal na ring inalis sa akin yung karapatan na yun nung napagdesisyunan kong magpadala sa tawag ng damdamin at laman. Kaya kailangan ko itong pagsisihan. Ayos na yung anak ko ang palakihin nila ng tama. Okey na yung mapunta sa anak ko ang dati nilang pagmamahal sa akin. Tama na yung turuan nila ang anak ko na huwag gagayahin ang patapon nilang ina at ang mga ama nilang tropa ni satanas. Pero kung ako ang tatanungin ayaw ko nang tumira sa bahay na ito. Masyado nang mabigat ang nangyayari sa akin. Dumadagdag pa ang mga masasayang ala-ala sa bahay na ito. Gusto ko rin namang magsimula ng tama para na rin sa anak ko.

Hindi na rin tulad ng dati, hindi na nila inaabangan ang pagdating ko. Siguro kasi wala na rin akong medalya, matataas na marka o magandang balita na maiuuwi. Wala na rin kasing pakialam sa akin sila mommy. Hindi na sila nagaalala kung kumain na ba ako o may nahanap na akong trabaho. basta nagiiwan ako ng pera sa taas ng ref namin ayos na sa kanila yun. Kaya naman sa halip na mga awards sa eskwela ang inuuwi ko, nagtatakas nalang ako ng mga costumers na walang pambayad ng motel. Ang hirap naman sa lagay naming dalawa na magyayarian sa kalsada. gastos pa pag nahuli. Ganito ako maglandi. Mas ayos kung sa akin na lang ibabayad ng hinayupak kong costumer ang dapat ibabayad niya sa motel. Pang dagdag din yun sa panggatas ng anak ko o anu mang gamot kontra sa mga souvenir na sakit na iniiwan ng mga gumagamit sa akin. Hindi rin naman malalaman nila mommy na nagdadala ako ng lalaki sa bahay kasi hindi naman na sila bumababa mula sa pangalawang palapag ng bahay. Tama. Dun sila sa langit at dito ako sa impyerno. Binababoy ng sari-saring mga demonyo kapalit ng kaunting ginhawa para sa anak ko.

Noong una nahirapan din akong babuyin ang sariling bahay. Siyempre nakakatakot na ibigay ang address ng bahay ko at magpapasok ng kung sino lang sa bahay namin. Buti nalang at isa sa mga suki ko sa kama ang pulis kong kapitbahay na baliw na baliw daw sa akin lalo na kung sineserbisyo ko siya. Kaya sinisigurado niyang walang sinuman ang pwedeng manggulo sa amin. Kalaunan din nawala na rin sa akin yung kahihiyan tulad nalang ng natitira kong dignidad. At wala na talagang pakialam sa akin ang mga magulang ko. Hindi ko naman sila masisisi. Wala naman din silang kasalanan eh. Oo. Puro kami inosente dito. Hindi ko kasalanan at lalong hindi kasalanan nila mommy na ang nagiisa nilang Apple of the eyes ay mabingwit at mabato pabagsak, makagatan ng sari-saring bibig, itapon at hayaang mabulok sa lupa. Hindi ko kasalan dahil hindi ko ginusto ito. At hindi kasalanan ng magulang ko dahil alam ko pinalaki nila akong mabuti. yun nga lang hinayaan nalang nila akong mabulok sa kinalalagyan ko.

[Mansanas 2 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Monday, June 16, 2008

Mansanas (Inspired by a true story) Part 1

I.

Pagod na pagod na ako magtrabaho.

Siyempre sa sarili ko lang pwedeng sabihin ito. Dahil wala na akong karapatang magreklamo. Kung ang karapatan ngang tumawa at maging maligaya wala na rin akong karapatan yun pa kayang karapatang magreklamo?

Wala eh. Kailangang kumita kahit pang tawid gutom lang namin ng anak ko. Minsan nga kahit ako nalang ang kumain para sa maghapon. Kailangan nga lang magtiis nitong isang taong gulang kong anak sa kahit anong mahihita niya sa suso ko. Kailangan niyang magtiis. Tutal nakarami naman dito yung mga ama niya hindi ba? At isa pa, andiyan naman sina mommy at daddy eh. Matatawag na rin sigurong suwerte yun.

Hindi rin kasi sapat minsan ang nakukuha ko sa pag-puputa sa may highway para sa aming mag-ina. Marami na rin akong kakumpitensya sa pagsusuot ng maiikling shorts at spaghetti straps dito sa may amin. Kadalasan nadadaig ako ng mas bata na may mas mapuputi at makikinis na balat. Yung tipong pag natutukan ng headlights ng costumer siguradong kumikinang sila sa ganda. Panigurado sila ang maisasakay. Talo nanaman ako sa laro ng tadhana. Kasi kung ikukumpara sa kanila, kahit tutukan ako ng headlights ng sasakyan panigurado hindi pa rin nila ako mapapansin. Siguro kung nung medyo bata pa ako't hapit pa ang balat at pantay pa ang kulay ng hita't tuhod ko, pwede pa akong makipagsabayan sa mga bagong salta na ito. Suwerte nang maka dalawa o tatlo ang gumagamit sa akin kada linggo. Karamihan nga lang dito ay mga pulubi na sekyo o construction workers na mas inuuna ang pangangati ng mga ari nila kesa sa sabong panligo o deodorant man lang. Kaya alam ko na ang lahat ng kabahuan ng mundong ito na nabubulok na rin sa impyerno.

[Mansanas 1 ni Rex Van Carlo "Fhadz" E. Mollo]

Monday, March 24, 2008

pagtinotopak nga naman..

I’m messing my life again..

I never knew job hunting would be this agonizing. It started as a simple rational “kailangan ko ng trabaho. Kaya kahit ano papatusin ko.” But it turns out to be a bogus of a rationale in every sense of the word. Damn. Why do I keep turning down possible employers? Its their duty to turn its possible employees… not the other way around!

There is this world-renowned company in paranaque which insist that I take application exams for a high ranking position. The first proposal, I turned down because of a “prior engagement” which happens to be another bonding experience with boos and beers—not a prerequisite for a PLEASANT FUTURE. I thought that chance was gone forever. But I was wrong. A girl called me (in her sexy bedroom voice) that I can still take that exams the next day. But laziness, whose growing popularity amongst graduating students, won over the war against the most rational idea of finding a job. I turned the offer for the second time.

Chances are that I wont have the same opportunity with other companies and I’ll stay bum and bankrupt forever (with the growing “pot of debt” I owe to many friends and family). On the other hand, the same opportunity might reveal itself in the near future. The question is whether to go the extra mile to live my dreams of having a decent life, or would just stay here in my comfort zone where everything is just a happy “bonding experience.” Though that question lies somewhere in the future, I must know now what really is my priority.

As of now, I’m still searching for that courage within me to stand up, stretch and stop staring at the TV for a moment and relive my former glory of being a workaholic and face a brighter future.

Yah.. probably this psycho-drama would turn out to be “just a phase.” But one thing is for sure. Opportunity is a wise being. It only knocks once or twice in your door to know whether your priority is to live your life or live dreaming big and.. just that.. just dreaming..

Saturday, December 15, 2007

Next Station, Blumentritt station...

Sa Artistang Artlets, hindi uso ang pwede na. Kung gagawa ka, gawin mo na ng todo bigay—ng lahat ng iyong makakaya. Noon naisip ko siguro ganito ang kultura sa kinalakhan at minahal kong organisasyon ay dahil likas sa bawat miyembro nito ang kagalingan at kasipagang natural sa isang Tomasino. Pero nagbago ang aking sariling pananaw matapos mangyari ang ilang bagay na hindi ko kailanman malilimutan. Tulad nalamang ng pagbabago ng papanaw ko sa pagiging director.

Hindi ko lubos maisip na makakatapak ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ni hindi ko akalaing kakayanin ko ang stress at ang pressure na panghawakan ang tiwala ng buong organisasyon kasama na ang lahat na inaasahang panghihina ng loob at insecurities sa katawan. Pero kasama sa trabaho ko yun bilang isang direktor.

Buti nalang hindi basta basta ang Artistang Artlets. Dahil ang nagpatibay sa grupong ito ay ang samahan at pagkakaibigang hinid mapapantayan; hindi matutularan. Ito ang nagpatibay ng loob ko para matugunan ang trabaho ko.

Pagkakaibigan. Pati ito nagiba na rin ang kahulagan sa akin. Nabigyan ito ng ibang mukha sa produksyong ito matapos mangyari ang mga pagkakataong muntik tumunaw sa lahat ng katapangan ko. Hindi pa ako nakaramdam ng ganoong katinding pagluluksa ng mawala ang isang matalik na kaibigan na sinamahan at dinamayan ako sa lahat ng kasiyahan, kalungkutan, galit at hinanakit sa buhay sa mahigit kumulang na 13 na taon. 13 na taon. Ganoon na pala katagal yun. Nakakapanghinayang naman at hindi na niya napanood ang isa sa mga pinakamalaking parte ng buhay ko. Nakakapanghinayang na kung alam ko lang sana na mauuna na siya nakapagpaalam pa sana ako. Nakakapanghinayang na hindi ko man lang siya nakasama at nahagkan sa pinakahuling oras niya para masabi ko kung gaano siya kaimportante; gaano ko siya kamahal.

Panghihinayang. Nakakatawa. Ito kasi ang pinakatema ng dulang Rizal at Blumentritt. Tulad nalamang nila Gemma, Ian, Yes at ang mga naging biktima ng LRT Rizal Day bombing, pinakita ng Rizal at Blumentritt ang konteksto ng pagsisisi, pagdurusa, panghihinayang sa isang napakabuluhang pamamaraan—ang paguungkat sa kamatayan.

Ang dulang Rizal at Blumentritt ay mananatiling isang dula—isang “representasyon” ng katotohan; isang kasinungalingan sa paglalahad ng katotohanan. Ngunit ito ay mananatiling totoo sa puso’t isip ng mga tao na nagkamali pero marunong magsisi para lamang malaman na huli na ang lahat; tapos na ang lahat; wala na ang lahat.

Itong dulang ito ay para sa mga tulad kong tao, nagkakasala, nagsisisi at marunong manghinayang. Ito rin ay para rin sa mga taong marunong magpatawad at makaintindi na walang perpekto sa mundo; para sa mga taong naiintindihan na sandali lang ang pinagkaloob na oras ng diyos, na sandali lang ang buhay sa mundo, na nakakaunawa na importante ang bawat segundong dumadaan.

Para sa mga kaibigan kong pinaghugutan ko ng lakas at nagpapalala na masarap talaga ang mabuhay, salamat.

Sa UBE, kina John, Sam, Munch, Marianne, Jaymar, Jason, Cyril, Judy, Nikki, Mark, Sendang, Mayee, Mimi, EJ, Arianne, Kaye, Diego, isa nanaman itong patunay na hindi mapapantayan ang batch natin salamat sa suporta, salamat sa pagkakaibigan, salamat sa pagtanggap, salamat sa pagmamahal. Hindi ko kayo malilimutan.

Sa Artistang Artlets, ang pamilya ko sa AB at pamilya habang buhay. Salamat. Para sa atin ito. Maraming maraming salamat sa samahan, suporta at sa lahat ng naitulong at naituro niyo sa akin. Kayo ang bumubuhay sa akin ngayon. Mahal na mahal ko kayo. Alam kong hindi tayo magkakalimutan dahil hindi ko rin kayo malilimutan.

Sa aking mga mahal na artista. Walang bumigo sa akin. maraming maraming salamat sa pasensya, sa pagiging likas na magagaling, sa lahat lahat. Hindi talaga ako nagkamali sa inyo. mahal na mahal ko kayo. salamat sa pagbuhay sa produksyong ito. hindi ko kayo malilimutan.

Sa AB-COMELEC, salamat sa suporta. Grabe. Kahit na lahat tayo ay patay na sa mga trabaho, di niyo pa rin ako nalimutan. Mahal na mahal ko kayo. Lalo na kayong mga commissioners, salamat ng marami. Hindi niyo talaga ko kinalimutan.

Sa 4JRN3, paano ba yan? Nadagdagan naman ang pwedeng maipagyayabang ng klaseng hindi marunong hind imaging the best. Number one pa rin talaga tayo basta’t wala sanang magkakalimutan.

Sa Tropang Cute, saan man tayo mapadpad, walang makakasira sa 13 na taong pagsasama. Kayo ang isa sa mga malaking part eng buhay ko. Salamat sa inyo. Alam niyo naman siguro kung gaano ko kayo kamahal. Kahit ano man ang mangyari, alam kong hindi na talaga tayo magkakalimutan.

Sa mga buddies ko, ampon man o hindi, kina Buddy Barbie, MArga, Tin, Estar, Mingu, mahal na mahal ko kayo.

Sa partner kong si Angge. Mahal na mahal kita pards.. salamat sa lahat lahat… simula’t simula palang, tinadhana na tayong magpartner… at alam kong hindi tayo pwedeng magkalimutan. Natupad na natin ang pangarap nating magkatrabaho sa isang produksyon. Pards na tayo magpakailanman.

kay Sir Agui at Maam Faye, salamat sa pagtangkilik at pagtanggap sa amin bilang iyong mga anak salamat sa pagintindi na kahit ganito na kami kagagaling, estudyante pa rin kami. maraming maraming salamat. at tulad ko, mahal na mahal kayo ng buong Artistang Artlets.

Kay Mingu ang aking production designer. Hindi ako nagkamali sa iyo. Maraming maraming salamat sa pasensya sa pagtitiis at pagtatrabaho ng napakahusay. Napakarami kong utang sa iyo. Hindi ko yun malilimutan. Mahal na mahal kita HB. Sobra.

Kay Gabby, nasabi mo sa akin minsan na “tagumpay man o pagkatalo, magkasam tayo” well, napatunayan nay an ng napakaraming pagkakataon. Mahal na mahal kita. Hindi kita malilimutan…

Kay BESTY na may ibang mga bestfriends, nakita mo na akong magalit, umikay ng grabe at gumulong sa katatawa. Kahit lagi mo kong sinasaktan, minumura, iniinsulto, kinalilimutan mahal na mahal na mahal kita.

Kay Marianne, konti nalang mabebreak na natin ang record natin. Ikaw ang mananatili kong kaligayahan. Ang dami na nating pangarap sa buhay na dapat lang nating tuparin. Maraming maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita.

Kina mama, papa, joy, tano. Ngayon alam niyo na kung bakit napakapangit ng kuya niyo dahil sa stress. Kahit hindi ako marunong magpakamushy sa harap ninyo alam niyong mahal na mahal ko kayo. Kayo ang buhay ko. Salamat sa pagaaruga at pagmamahal. Kayo ang number one. Para sa inyo ito.

Kay Lord, dami ko nang utang sa inyo, napakarami ko nang kasalanan. Pero kahit kalian, hindi niyo ako iniwan, hindi niyo ako pinabayaan. Makakabawi rin ako sa inyo. Mahal na mahal kita. Sa inyo nanggaling ang lahat lahat sa ng ito, ibabalik ko lang po ulit sa inyo.

Kay Cindy, ang nagiisa kong bunso, nasaan ka man ngayon, alam mong mahal na mahal ka ni kuya. Ang dami kong utang sa iyo. Di bale. Sa pagkikita natin, makakabawi rin ako. Miss na miss na kita. Salamat sa lahat lahat. Para sa iyo iyong dulang ito.

Sa mga nanood, nagkritiko, nagkomento, nagenjoy at hindi sa dulang pinagpaguran ng Artistang Artlets, salamat sa pagtangkilik. Naway wag kayong magsawa sa pagsubaybay. Para sa inyo ito.

Ito ang Rizal at Blumentritt. Ito po ang Artistang Artlets. Salamat sa lahat lahat. Mabuhay po kayo.

Abad Santos Station, Abad Santos Station. Paunahin lamang po ang bumababa ng tren. Next Station, Blumentritt Station.

Thursday, November 22, 2007

Pasko ni Lando at Mina

Hindi ko alam kung bakit napaaga ang paguwin nina lando at mina sa pilipinas pero ano pa man ang balak nila, hindi talaga maganda. nakakatakot siya.

ilang bagyo na rin ang yumanig sa pilipinas nitong mga nakaraang dekada.. karamihan sa mga ito naapektuhan ang mga estudyante.

oo. karamihan sa mga estudyante masaya sa mga kanseladong klase pero pano naman ang mga tulad naming hindi normal. mga tulad naming palaging may hinahabol na deadline at hinahabol ng pressure? hindi ata makatarungan ang mapagitnaan ka ng dalawang super typhoons no.. hindi siya kaaya-ayang tingnan.. nakakatakot siya.

pano nalang din yung mga taong hindi pa nakakabawi sa hagupit ng nagdaang mga bagyo? tulad nalang ng albay na iniwanang walang buhay ng mga bagyo dalawang taon na ang nakakaraan. Sila nanaman ba ang dehado sa labang ito?

Sana hindi na tuloy ang pagkikita ng lovers na sina Mina at Lando. sana di na matuloy ang masaya nilang pasko. dahil masaya ang mundo kung walang istorbo.. sa masayang pasko...

Wednesday, November 21, 2007

................

Would you know my name
If I saw you in heaven
Will it be the same
If I saw you in heaven
I must be strong, and carry on
Cause I know I don't belong
Here in heaven

Would you hold my hand
If I saw you in heaven
Would you help me stand
If I saw you in heaven
I'll find my way, through night and day
Cause I know I just can't stay
Here in heaven

Time can bring you down
Time can bend your knee
Time can break your heart
Have you begging please
Begging please

(instrumental)

Beyond the door
There's peace I'm sure.
And I know there'll be no more...
Tears in heaven

Would you know my name
If I saw you in heaven
Will it be the same
If I saw you in heaven
I must be strong, and carry on
Cause I know I don't belong
Here in heaven

Cause I know I don't belong
Here in heaven

--bunso ko... salamat at kahit kailan hindi mo ako iniwan.... hmmm... sana... matapos na ting pagdadarama ko sa buhay.. sana.. hindi nalang nangyari ang lahat... ang dami kong pinagsisisihan.. ang dami kong.. haaaii.. ayaw ko na sana... pero ang mga nagawa na at mga nangyari ay hindi na pwedeng balikan... malungkot nanaman kuya mo.. kung pwede lang sana.. magpahug sa iyo..

i love you bunso.. mahal na mahal kita.. alam mo namang kahit asan ka, mahal na mahal kita.. binigyan mo ako ng tyansa.. sana this time... maitama ko na siya... sa tulong mo... mabubuhay ka sa mga kaibigan ko..... mahal na mahal kita.. sorry at ganito nanaman si kuya,... hahaha.. buti nalang andyan kang angel ko.. hmmmm..... buti nalang talaga............

The pressure is catching up...

hmm... pilit ko man siyang unahan, pilit ko man siyang layuan talagang close kami ni pressure.. hahaha...

nasa unahan pa rin niya ako... hinding hindi ko papayagang unahan niya ako.. nagkataon lang na.. naka kotse siya.. at ako naman, eto... tumatabo lang....

siguro dala na rin ng matinding puyat, pagod, gutom, uhaw at kadalasan, katamaran.. nakukuha kong lumingon patalikod.. at nakikita ang mukha ng pressure napapalapit sa akin.. nakangising nakalabas ang dila na pinapatingkad ng malalaki niyang sungay...

hindi ko alam ang gagawin ko kundi tumungin ng diretso sa patutunguhan, tibayan ang sarili at tumakbo ng todo bigay at tumingin sa mga kaibigan kong unti-unti na ring nanlalabo sa mga paningin ko...

kung sakali mang maabutan ako ng bestfriend kong kriminal ng mga nagpupumilit maging masaya, tatawanan ko lang siya... titingnan sa mga nanlilisik na mga mata at sasabihing

"sorry.. finnish line na.." at sa wakas... ang pahinga....

(no animal was harmed in this blog entry)

[please check my newly uploaded songs.. para talaga yan sa inyo]

Wednesday, October 10, 2007

Yah. You did nothing wrong.. sorry...

WARNING: medyo madrama tong blog na ito so please bear with me. salamat.

haaay.. my first direct say sa mga bagay bagay... and believe it or not mahirap siya para sa akin coz "Leos doesnt know how to express themselves"(line ni virgo, agnoia)

aaminin ko.. masakit nga yung sinabi ko.. kahit ako nabigla nung malaman kong sinabi ko yun. sobra. talagang pati ako nagpintig ang tenga sa sinabi ko. sorry... sorry talaga..

yah... sayang.. okey na sana ang lahat.. yah.. i guess "i demolished it" (taurus, agnoia). sobra. I demolished it without any reason. without any justifying reason.. nakakatawa. may mga times talaga na hindi ko alam mga nangyayari sa buhay ko at kung ano ang mga nasasabi ko. nakakatawa.. sobra.. yung tipong ang sarap paslangin ng taong ganun. sobra.

yun nga lang po.. hindi ko masasabing fictious and imaginary ang mga bagay bagay na nararamdaman ko same with yung mga things na.. yun. nangyari nung mga past few months. its just that we really can't understand other people's opinions. yun lang siguro yun..

no. you did the right decision to be nice. sobra. nakita ko yun ningning sa mga mata ng tao yung saya na "sa wakas bati na sila". yung tipong yung mga tao napapanganga nalang at napapangisi sa tuwa as if natapos na yung teleserye sa isang happy ending.. sobra.. kaso.. may mga bagay lang talaga that haunts me hangang ngayon.. kaya siguro nagpapaka istoic ako dahil i want to be invulnerable to pain. kaso yun nga.. ako naman yung nakakasakit ng ibang tao. but seriously, i really wanted to be friends with you too... sobra.. as if that's my wish kapantay ng sana makagraduate ako ngayong taon.

please.. you didn't do anything wrong. siguro yung "past self" mo oo.. pero si ***ki na nakikita ko ngayon hindi .. youve changed a lot. sobra.. as in sobra.. and i really congratulate you for that.

yah.. maybe.. i was angry with your "past self" yung taong nagpagulo ng lahat dahil sa mga reasons na beyond comprehension. and yah... nabasura ko nga lahat ng pinagsamahan natin. and you did that to if im right dahil alam kong napagusapan natin yan. but i really never called you that! huh? kelan?! hala.. di ko ata matandaan na tinawag kitang ganun... ang wird.. yah... i admit that to. being unfair this time.. di lang talga ako makagetover dun sa mga harsh words mo noon. and that really is a Leo quality.. na hindi madaling makarecover from everything.

nah.. im recovering. hindi ko yun choice. ganun lang talaga. yah.. and i am also waiting for that move na magkabati tayo after all the painful things na nagawa natin sa isa't isa.. sorry.. medyo may nakapuslit na impulsive emmotions.

"naging friends...super close friends...nag-away...naging friends ulit... tapos naging close ulit... tapos nag-away... sinubukan ko makipag-ayos...and sinira mo naman ang lahat...haaay..." naku talaga. wala akong masabi.. pangteleserye ang buhay nating magkaibigan... sobra... hahaha.. parang heroes lang.. iba't ibang season pero patuloy na sinusubaybayan.. haaaayyyy...

***ki? i thought kakalimutan na natin lahat lahat nung nagusap tayo through that bloody text messages. ewan. minsan talaga kahit gaano kita pilit intindihin di kita magets.. kahit pa noong super, uber, super close tayo.. well, that what makes you special di ba? yah.. meron pa rin namang good memories na nakatago sa akin.. yung mga times na nag a-icemonster tayo sa kainitan ng issue about... yah.. yung kina ate jade at yung mga impromptu overnights natin... marami pang iba ***ki.. and nagkasala man tayo, pantay tayo diyan. at nung hinahanap natin si "samone", kung nagkataong nakapagusap natayom di sana nagkaiyakan pa. yun sana yung greatest night ko ever. di na sana nangyari to. okey lang kokey.. eto naman tayo.. sa harap ng lahat ng mga kaibigan natin.. kahit hindi personal. (medyo mahina ako sa personal na pakikipagusap eh).. i am really really sorry sa lahat ng mga bagay na nakasakit sa atin.. sorry form the bottom of my heart.. sayang.. kung kina-m*n** nangyari to ede retreat ang kinalabasan.

Sa mga pinoint out ko, na (1) ung warning entry mo sa blog, (2) pagiging friends sa multiply, (3) sa napakababaw na text chuva, lahat ng yun ang naging dahilan ko para magisip ng mga bagay bagay. That blog thing, I-rerequest ko sana na ipabura na sa iyo. Dahil yun nalang siguro ang bagay na naghihinder sa akin para tanggapin sa sarili ko na at long last, after 10 thousand years, thank God bati na tayo. Pero yun eh. Yung about sa friends thing natin, may mga sources ako na nakapagsabi na ginawa mo lang ata daw yun para mabasa yung mga blog mo and “para di masaktan yung mga nagfifeeling close sa iyo”. That led me to the idea na yun.. tingnan at basahin kung nasa blog mo pa nga si WARNING entry. And yung about sa text, wala lang yun.. isa lang sa mga factor yun para magisip ng unhealthy things.

Tulad nga ng sabi ko, hindi talaga natin maiintindihan ang mga tao sa mundo. Kung sa iyo, untruthful lahat nung mga past things nasabi ko, maybe ganun din ako sa mga bagay na nasasabi mo… and kahit sinong I-persecute magreretaliate. Si papa Jesus lang naman ata ang hindi ganun. Kaya nga sabi ng prof ko sa ethics, pagsimula nang nagkasakitan, mahirap na itong matapos.

“san ba nanggaling ang lahat ng ito?san mo ba hinugot yung emosyon mo para sabihin ang lahat ng ito??? dahil wala talaga akong ginagawang masama sayo! di ba sabi ko lang...subukan na nating ayusin ang lahat? asan ang masama dun? hindi ko makita...”

as what ive said, sa blog mo rin naggaling lahat. Mga suppressed emotions na matagal ko nang pinipilit ikamanhidan. Dahil.. well, the blog speaks for itself.. nagkataon lang na bagong gising ako, nabasa ko yung blog at bumalik sa akin yung mga nakaraan na sikat pa sa puso’t isip ko na “masyadong masakit kaya sana maintindihan mo kung bakit hindi kita magawang patawarin” (Claudine barretto in a movie na makapal pa kilay niya). Pero nagkamali ako.. napatawad at nakalimutan ko lang lahat. Nabasa ko lang ulit at nabalik lang sa akin lahat. Sana hindi ko nalang tiningnan.. sana di ko nalang hinanap.. sana di ko nalang binasa ulit. “sana di ko nalang tinanong dahil wala rin namang sagot. O meron man, hinhdi ko rin maiintindihan” (Pisces, agnoia)

haaaay… ***ki.. you know me.. may mga bagay talaga sa akin na hindi ko rin maintindihan. Akala ko kakayanin ko nang basahin yung blog na sumira sa akin dati pero bobo ko.. napablog pa ako ng walang kakwenta-kwentang mga bagay. Hindi talaga ako makapagisip ng tama pag pinangunahan ng emosyon.. hindi kinakaya ng kahit anong teaching ng STOICISM yan.. sobra.. lalo na yung mga tipong bulok na bulok na sa puso’t isip ko hindi ko pa magawang itapon. Masokista nga talaga ako sa totoong buhay.

And that mamamatay ka din is a form of exaggeration. Nakanang. Mamamatay nga ata ako dahil lahat ng bagay napakalaki sa akin.. lahat exaggerated. Lahat may stress.. nakakalunod na nga rin minsan eh..

Nga pala. Takshapu is a kapangpangan term na meaning ay langya or a sort of expression. Yun po ata yung word na akala mo po something bad na hinding hindi ko masasabi sa iyo.. never kong gagawin yun ate.. di ako ganun…

Nah.. hindi sa tuwing masasaktan ako makakapagsulat ako ng ganun.. marami na rin akong mga things na pinalalampas. Nagkataon lang na ang bigat ng emotion ko that time.. sorry..

We don’t have to deal with all our shitty things shittily. Shit lang yung sinabi ko.. walang kwenta. Basura. Yah.. nafouled out na nga ako sa game natin eh. Ako ang talo. Sobra. Hindi ko sinasabing hayaan mo nalang ang mga katangahan ko dahil hindi madaling gawin yun. Ang gusto ko lang ay maintindihan mo ako na nasabi ko yun out of the rage na nabalik, I reapeat, nabalik sa akin after kong mabasa yung blog mo ulit..

Ang ironic. I kept on saying na past is past eh pucha, nasabi ko lang yun out of the sheer pain na nabalik sa akin nung entry na yun. Walang kalogic logic. Pero yun nga… wag na tayong magungkat ng mga bagay dahil wala na akong natatandaan nung nakaplipas… kundi yung suppressed pain na hanggang ngayon hindi ko mailabas labas. Kaya gustong gusto kitang iyakan. As in gusto kong humagulgol para matanggal na tong dinadala ko.. para matapos nang lahat. Gusto kong magpakabangag sa pagluha tulad ng ginagawa natin dati nung uber friendships pa tayo. Pero.. yun nga.. “I demolished it” peklat talaga.

Ayaw ko na rin ng away. Kaya nga hindi ko alam kung sinong nilalang ang sumanib sa akin para gawin nanaman ang mga bagay na akala ko hindi ko na gagawin. Pagod na pagod na rin ako. At alam kong lahat ng tao na nakasubaybay sa atin sawang sawa na rin. Ang baba na nga ng ratings natin ate. Stupid lang talaga ako at times. Yun lang…

Sabi nga ng isang quote sa isang year book, “a friendship that ended never really started.” And I really believe na hindi magtatapos sa mga ganitong awayan ang friendship natinor what was left of it. Because magkaibigan tayo ***ki. No matter what happens, magkakausap at magkakausap tayo, magkakabati at magkakaayos tayo dahil magkaibigan tayo. Please. Nabura ko na lahat nung mga dapat burahin. Siguro its time na makamove-on na rin ako sa pain. Please…

Napaiyak nanaman kita.. sorry.. sa mga taong nagbabasa nito.. sorry.. guys you know me.. sorry talaga sa mga moments na hindi ko rin magets ang sarili ko. Siyet. Sorry talaga… I really wanted this to stop.. sorry..

Sana kayang idaan ito lahat sa libreng ice cream, sa pagtambay sa coffee-I, o sa pagsisi sa ibang bagay.. “so wala na tayong ibangsisisihin kundi.. SATURN?” (Gemini, agnoia)

Sorry, salamat, and take care

Leos don't know how to express themselves.. korek! (read between the lines)

Leo.. the opposite sign to Leo is Aquarius. hindi ko na alam ang sasabihin ko.. sobra na rin ata ang pain na nadulot ko sa iyo at sa inyo.. sorry.. i demolished it. i really did.. hindi siguro ang sagot. oo.. dinimolish ko.. without any reason. dahil siguro may mga times na bobo talaga ako.. sorry.. pati kayo naapektuhan ng kabobohan ko.. believe it or not, hindi ko talaga alm kung bakit ko siya sinulat. dahil siguro di ko talaga expected na mababasa mo yun. i am so foolish to think na awayin ka pa. siguro nga.. we are resistant to change. and we come to a clear imposition of change. kaya naman heto nanaman ako.. bumabanat ng masasakit na bagay na in trueness, exageration nanaman. sorry.. nikki, im sorry.. (this is my 60th na ata simula kagabi)

Leos are typiclly pictures as very dignified and regal. They are hardworking, ambitious, and enthusiastic, however, they are prone to laziness and can often take "the easy way out." They are known to be exuberant, extroverted, generous with a natural dramatic flair and very creative. They are typically very self-assured, and love taking center-stage in whatever arena they are in. siguro nga hindi ko na deserve yung love na yun.. nagsisimula palang tayo at heto nanaman ako.. sorry.. alam kong masaya ka ngayon ang sorry talga.. sorry at kailangan kong manira ng mga kasiyahan. kailangan kong magpakatanga at magpakabobo.. sorry.. sorry talaga.. nikki. hindi ko ineexpect na balik nanaman tayo sa square one. bobo ko.. sorry..

Fury determination and the desire to be important after rule their lives. They usually pursue their goals doggedly and use their charisma to sway others to their cause. open and honest, Leos tend towards the philosophical. and tend to hold great idealisms about how things should be. Under a fixed sign, Leos are usually determined, stubborn, loyal, and traditional. They are after resistant to imposed changes, and tend to hold onto people and situations for a long time. maybe that's the reason... we leos hold onto people and situations for a long time. nikki.. hindi ko talaga matanggap yung mga sinabi mo dahil kilala ko sarili ko. hindi ko siya matanggap dahil siguro hindi siya totoo? hindi eh.. hindi ko talaga makita. siguro we got the wrong impression with each other.. siguro nga yun yung dahilan.. siguro nga.. putang inang saturn yan..

In love, the Leo person has powerful and sincere feelings, is whole hearted and generous and endeavours to bring sunshine into the loved one's life. Typical Leos truly enjoy the game of romance. Their avoidance of the mundane may prone the Lion to a "wandering eye" and their love of beauty can drive their movements from one lover to another. hindi ko majujustify yung ginawa ko. dahil i am guilty beyond any reasonable doubt. kagabi ako nakaramdam ng sobrang pagkamanhid na kahit sugatan ko sarili ni di man lang ako nasaktan... its my first time to do that and.. tama pala talaga sila.. nakakamanhid ang sobrang sakit...

you did nothing wrong nikki.. oo. tanga lang talaga ako na gawin sa iyo ulit yun.. dahil sa isang past thing na hindi ako makagetover.. dahil sobrang sakit pa rin hanggang ngayon.. the reason kung bakit ako nagpakastoic and all... sorry.. sorry... sorry... puta.. ang bobo ko. yun lang ang masasabi ko..

Tuesday, October 9, 2007

this is my 7,397th day sa mundo! Thank GOD STOIC ako..

7,397 days.. 500 of which, tinulog ko lang... hmmm... napakaraming araw, napakaraming pagkakataon... 7, 397 days.. hmm... may nagawa na ba akong mabuti sa kapwa ko?

siyempre ang isasagot ko diyan.. pero ang tanong.. may mabuti na ba akong nagawa sa sarili ko...

weird ko nanaman.. ito nanaman ako.. bagong gising.. wala sa sarili.. wala sa pagkatao.. pero sa mga ganitong panahon lang ako nagiging totoo sa sarili ko..

masaya naman ako sa buhay ko.. sobra.. maraming challenges, maraming conflicts at dahil sa mga to, nagiging kumpleto ang buhay ko..

haaayy.. isa nga lang akong dreamer.. i dream so high kaso wala pa sa 1/10 ng mga dreams ko ang natutupad.. kaya hindi lang 500 days ang tinulog ko.. 7,397 days na talaga ang tinulog ko lang sa mga dreams kong samu'tsaring hindi ko alam kung magkakatotoo.. ang wird noh..

STOICISM--joint forces ng "bahala na" at ng "wala akong paki-alam" sabi nga ng kaibigan kong si jade, "sa wakas nagkaroon na ng isang eksaktong term ang ginagawa ko".. STOICISM.. haaay.. buti na nga lang STOIC ako.. hindi masaya, hindi rin malungkot..

STOIC ako sa maraming bagay.. academic/org/xtra-curricular pressures, love, anger, kalungkutan.. dahil nga according sa teachings nito, "the only thing that exists is the individual and the universe is just a fiction of the mind" (wala na akong paki sa spelling. STOIC nga ako eh).

salamat kay sir Montana.. natutunan ko kung pano mamanhid sa kamunduhan ng mundo.. mamanhind sa mga kasamaan at kapangitan nito, at mabuhay ng malaya at mabuhay ng mapayapa..

siyet... buddhist na rin ata ako.. nyaha! oi. ikaw.. friends ba tayo? grabe.. hindi na talaga kita magets. sabi ng buddy mo your up to something.. dahil hindi raw logical na magsabi ka ng masasakit na bagay at bigla mo nalang itong kakalimutan.. ang weird. galit pa rin ako sa iyo.. buti na nga lang STOIC ako at may resistance pa ako sa irita sa iyo. wala eh. binasura ko nang lahat ng pinagsamahan natin. wala nang natira kahit katiting... wala na kongmaalalang magandang memories na kasama ka. pekpek ka.. kung alam mo lang... ni di mo pa nga ginagawa ang (1) burahin yung mga mapanira at masasakit mong blog entries na wala namang katotohanan, (2) ang palitan ang friends nating relationship sa multiply na para lang "hindi masaktan yung mga nagfifeeling close sa akin" at (3) di mo ko close sa iyong cellphone life.. hindi ka rin kasama sa akin kaya... who cares! mamamatay ka rin at alam mo yan...

Tuesday, August 21, 2007

GUYS VS GIRLS!!! please read this...

hmm.. matagal ko nang binalak i-blog itong topic na ito. kaso sobrang nawala na ata sa utak ko dahil sa dami ng pinagkaka-abalahan. Pero sana naman this time, magawa ko na siya ng maayos..

itong mahabahaba kong entry ay nagmula pa sa mga lectures ko back in highschool (don bosco seminary canlubang, laguna). Yup. Pari ang naglecture nito kaya kamangha-mangha na may alam din pala sila sa ganito. Anyways, sana naman may makuha kayo ditong something kahit papaano. tulad dati noong nilelecture sa amin to. Puro “oo nga noh” nalang nasabi ko..

Girls are from Venus

Guys are from Mars

Iyan daw ang ilan sa mga dahilan kung bakit minsan, sobrang hindi magkaintindihan ang mga babae at lalaki. Hindi raw sila magkauri. Hindi sila magkatulad.

HUNTERS vs. NURTURERS

Men are naturally hunters. Kahit pa noong dawn of civilization, ang mga lalaki ang lagging nasa labas ng bahay para mangaso. Makikita rin ang ganitong psychology sa mga hayop ngayon. Si papa eagle ang naghuhunt para kay mama eagle at kina baby eagles. Basically, men are the “outgoing” type of human beings. At dahil sila yung hunters, basically, sila yung may “aggressive” feature.

Men are natural hunters dahil mas efficient silang maghunt kesa sa mga babae (na maeexplain mamaya). May innate nature ang man na maghunt dahil on the way they see things. When a hunter, for example a tiger, hunts for its prey, na sabihin na nating mga deers, finofocus lang nila ang lahat ng kanilang attention sa iisang deer out of the group. That is why efficient ang mga hunters sa pagtrack ng kanilang prey. Men have a limited view of things. They stick into one prey at a time. That is because, ang hunters, view ay focused, limited at straight-forward. Hindi nila masyadong ginagamit ang peripheral image nila.

this is the same reason kung bakit ang mga lalaki, pag nakakita ng isang sexy, cute at magandang girl, sinusundan nila ng tingin. Unlike girls na hindi ganoon kadalas. For example, sa loob ng jeep. Pag may cute na girl na pumasok, ang gagawin ng guy ay is either, pasimpleng titig, pasimpleng sulyap. Samantalang ang mga gurls, hindi na nila kailangang titigan ang isang gwapo na guy para masatisfy ang kanilang urge na mapatunayang gwapo nga yung guy.

It also explains yung “shopping” nature ng mga lalaki compared sa girls. Ang guys, once na may kailangan siya sa mall, magiisip na siya ng bibilhin before siya bumili. Lets say si kuya ay kailangan ng damit. Iisipin niya yung itsura, kulay, etcetera ng bibilhin niyang damit para pagpunta niya ng mall, bili nalang kaagad. Samantalang ang girls, once na nangailangan ng damit, lilibutin nila ang buong mall at papasukin ang bawat department para lang makahanap ng mas maganda at mas mura.

Ganito ang girls dahil sila naturally nurturers. Kabaliktaran ng guys. Sila yung naiiwan sa bahay para magayos ng mga bagay bagay, at magalaga ng bata. At dahil sila ang naiiwan sa bahay, sila yung “multi-tasker”. And also, girls have a “caring” feature. Back in the pre-historic times, ang tanging ginagawa ng lalaki ay (hindi mambabae) maghunt. Samantalang ang mga girls, sila yung naiiwan sa mga kweba para magalaga ng bata, magluto, magayos-ayos sa paligid. Multi-tasker ang mga girls dahil kaya nilang pagsabaysabayin ang pagluluto, paglilinis ng bahay, pagaalaga ng bata at paglalaba. Samantalang ang guys, sobrang madalaing mangarag pag maraming ginagawa. Sa girls, kaya nilang pagsabay sabayin samantalang ang guys, isa-isa lang. Dahil kabaliktaran ng guys, ang girls ay may malawak na view of things. Ginagamit nila ang kanilang peripheral feature and all para magrasp kung ano talaga ang nakikita nila.

That explains kung bakit mas madaling makakita ng mga bagay bagay ang girls sa guys. Dahil may malawak silang view of things. Tulad ng example kanina about sa cute guy sa loob ng jeepney, ang girls, hindi na nila kailangang titigan ang guy. Ginagamit nila ang peripheral image nila para makitang gwapo talaga ang guy. Kaya nga guys lang ang lagging sumusunod ang tingin. And like doon sa “shopping” nature ng girls. Kaya sila ganoon dahil magaling silang mamili, they see things from more than one perspective. Unlike men.

Lets say nagbaliktad ang mundo. Ang girls ang maghuhunt for her prey. Maguguluhan ang girl dahil hindi niya alam kung ano ang uunahin. Parang para sa kanya, lahat kailangang habulin para patayin. That is why never magiging efficient ang girls sa hunting.

“OUTWARD” vs “INWARD”

Men are the “outward” beings. Like what was explained earlier, sila ang outgoing compared sa girls. “outward” beings ang men dahil they stick to physical attraction than emotional attraction.

Girls on the other hand ay “inward’ beings dahil sila yung naatract emotionally than physically. That explains kung bakit rare or never kang makakakita ng isang super gwapong guy na mapapangasawa ang isang super pangit na girl. But, there are times na may super magandang girl ang magpapakasal sa isang pangit na guy. For the men, enough na ang maganda ka. For the girls, enough na ang mabait ka. Outward character ang men basically, because of their sexual organs. Samantalang ang girls, inward because of their sexual organs din.

Men sees sexual intercourse as 80% physical and 20% emotional. Para sa kanila, isa itong parang “workout” sa gym. Isang physical activity. On the contrary, girls sees sex as 80% emotional, and 20% physical kaya they moan and talks a lot during sexual intercourse. They express what they feel because for them, its an emotional thing.

“SWITCH” vs. “DIMMER BOARD”

Also, in sexual intercourse, ang men ang madaling magclimax. Once they pop, yun na yun. Samantalang ang girls, they could have multiple orgasm pero they can still go on and on. That is because the arousal level of men is like a swith. On and off lang. Matuturn-on siya then turn-off din agad. Samantalang ang arousal stage ng girls ay napakatagal. At ganoon din katagal mawala yung feelings.

Dito rin natin mapaparehas ang pananaw ng guys and girls sa love. Ang guy, napakabilis mainlove. Once they feel it, malalaman nalang niya na sobrang inlove na pala siya. Nasa climax agad siya ng love. Kaya naman ganoon din kabils mafall-out of love ang isang guy. Yesterday, he was so inlove. The next day, nafall-out na siya agad.

Sa girls, matagal pa siya bago mainlove. Kaya nga kailangan dumaan ng girls sa courting stage eh. Para madevelop kung ano man ang nafifeel ng girl. But once na fall na ang girl, ganoon din katagal bago mawala yung love na iyon. That is why mas madali sa guy ang makarecover sa isang break-up kesa sa girls.

SUBTEXT vs CONTEXT

The thing is, a man is attracted physically because they communicate emotionally. They absorb physical things while they expresses emotionally. They are SUBLIMINAL in nature kasi they show rather than tell.

Woman, on the other hand, is attracted emotionally because they communicate physically. They are CONTEXTUAL in nature kasi what they say is what you get. To better explain this maxim, let me give you an example.

Ang girls pagnagaaway, nauuwi sa talakan. Sa sigawan. Dahil they tell rather than show. On the contrary, ang guys pagnagkagalit, walang sabi sabi suntukan na yan. Also, the principle of man as physical beings and woman as emotional beings ang naaaply ditto. Ang guys, nagsasakitan physically at ang girls nagsasakitan emotionally.

Nasabi ko na rin kanina na ang girls, ay “caring” in nature. That is why they are more intouched with there emotional self. They kiss, they hug and they cry. Samantalang ang guys, dahil hunter nga sila, with their “aggressive” nature, nahihirapan silang maging intouch with their emotional selves. Mas intouch sila sa physical self nila.

The thing is, ang guys, hindi na kailangan ng hugs and kisses para magexpress na close sila sa another guy. Enough na ang high fives at pat in the back para magsabihan sila na they care. That is because of subliminal messages na napapadala ng guy sa kapwa niya guy. For example. Sa isang room na may isang tropa ng guys. May pumasok na isang guy. Unseen by anyone, magpapalitan agad sila ng stimuli. At mabublurt out nalang ng isa sa mga guys in the group “syet! Ang angas naman niya.”

May isa akong friend na girl na nagshare ng kanyang LQ moment with her BF. Sinabi niya na siya lang yung palaging nagssalita samantalang yung guy tahimik lang. Talak niya ng talak sa guy saying na “ano bang problema? Kausapin mo ako ano ba!.”

At times like this, sinasagot na niya agad ang mga tinatanong ng girl. Hindi lang alam ito ng girl dahil para sa kanya, kailangang sabihin para malaman. Pero para sa guy, hindi naman kailangang sabihin para malaman kung ano yung problema. Men tries to communicate SUBLIMINALY dahil they cannot express what they are feeling PHYSICALY. Ang gurls, CONTEXTUAL magcommunicate because they can express their feelings emotionally. So payo ko lang sa mga girls. Kung nagaway kayo ng boyfriend mo next time, wag kang magsalita ng kahit ano. Try to feel kung anong message ang gusto niyang iparating sa iyo.

Men are prone to lying because they hide what their true emotions. The same reason kung bakit men are prone to suicide.

PRIDE and VIRGINITY

Since men ay physical creatures, their greatest treasure ay ang kanilang pride which is not a physical thing. Because for us guys, kung wala kang pride, you are nothing. Ito lang ang tangi naming hawak. Kaya big deal sa amin ang pangalan, ang reputasyon ang honor.

Girls, on the other hand, since emotional character sila, an kanilang priceless treasure ay isang physical thing. And that is VIRGINITY. Ito ang nagiisang kayamanan ng babae na kailangang alagaan at ibibigay lamang sa karapatdapat na tao. Men would do anything to have this treasure naturally. At kapag ankuha na niya ito, since man is a physical creature, mawawalan ng saysay ang girl para sa kanya. Bababa ang pagka precious niya. PRIDE for men, VIRGINITY for girls.

THE BETTER ONE

Personally, kung ako ang tatanungnin kung sino ang better sex, masasabi kong girls ang mas importanteng creatures. Kung wala ang girls, walang lalaki. Walang tao sa mundo. Kung walang babae, walang kwenta ang mundo. Guys relies on girls so much. And kahit sinong lalaki ang tanungin mo, walang may lalaking makakgawa ng sakripisyo ng girls sa tuwing silay magbubuntis.

Ang haba ng blog na ito ah. Sana naman ay may nakuha kayo kahit papaano.. kahit na siya ay isng authentic lecture, this blog proves NO THERAPEUTIC CLAIM